Narinig nyo na ba ang kulogyoks?

Mawalang-galang na po… wala pong kinalaman ito sa sineng “Teban olmayti.”😆 At lalo namang walang kaalam-alam ang aking mga ka-DAGA-an dito, maski pa ang post na ito Seven in 5

Forwarded email message, nipamagatang… (kabooooooooM!) Saun epeks ito. Naka-silent mode kasi yung kidlat ko sa itaas e.  Me silencer? ehehe)

Kung PINOY (daw) si Noah

Taong 2005. Isang ordinaryong middle-class Pinoy si Noah. Nagpakita sa kanya ang Diyos at sinabing:

Pagkatapos ng isang taon ay bubuhos ang ulan at babahain ang buong kapuluan ng Pilipinas. Gusto kong gumawa ka ng isang malaking arko at isakay mo rito ang pares-pares na mga hayop at mga mag-asawang pilipino sa iba’t ibang kapuluan.

Ibinigay kay Noah ang specs ng Arko at taos-puso nitong tinanggap ang responsibilidad na sagipin ang sambayanang Pilipino sa napipintong pagbaha…

Lumipas ang taon, muling nagpakita ang Diyos kay Noah.  Walang arkong nagawa si Noah at galit na galit siyang tinanong ng Diyos,

Nasaan ang arko na ipinagawa ko sa iyo?

Tumugon si Noah,

Patawarin po ninyo ako kung di po natupad ang utos ninyo! Nagkaroon po ng malaking problema sa plano po ninyo. ”

At inilahad ni Noah ang mga sagabal na nakaharap niya sa pag-gawa ng arko:

Humingi siya ng Mayor’s permit pero papayag lang daw si Mayor kung ang gagawa ng arko ay ang construction firm ng kanyang pamangkin. Tumungo siya sa Congressman pero papayag lang daw si Congressman kung may matatanggap siyang 30% commission. Nagtayo ng unyon ang mga kinuha niyang manggagawa at nag-strike.

Natunugan ng mga left-leaning groups ang kanyang balak at ang mga ito ay nag-rally dahil daw sa hindi makatarungang pagpili ng mga taong sasakay sa arko (mga taong naniniwala lang sa Diyos ang pwedeng sumakay).

Nakisali sa rally ang mga bakla at tomboy dahil bias daw na normal na mag-asawa lang ang pwedeng sumakay.

Ang civil society group ay nakisali na rin sa gulo dahil napag-alaman daw nila na ang pondong gagamitin sa paggawa ng arko ay galing sa donasyon ng mga gambling lords at katas ng weteng.

Sa kaguluhang ito ay napilitang magpatawag ng hearing ang senadoin aid of legislation.”  Sinubukan ni Noah na gamitin ang EO 464 para makaiwas sa hearing pero dahil hindi sya executive official, napilitan siyang tumestigo.

Nang malaman ng senado na utos ng Diyos ang pagpapagawa ng arko, dineklara nila itong unconstitutional dahil hindi raw nito iginalang ang separation ng church at state.

Nakialam na rin ang NBI at PNP at sinabi nilang meron silang impormasyon na ang barko raw na ito ay gagamitin ni Erap sa kanyang pagtakas. Sinabi naman ng ISAFP at DOJ na ito raw ay gagamitin ng grupong Magdalo sa binabalak nilang coup laban kay Arroyo.

Nilapitan ni Noah si Mike Defensor para makipag-usap kay GMA. Payag daw si GMA na ituloy ang arko kung ipapaskil daw sa arko ang malaking mukha ni Arroyo na may slogan “Towards a Strong Republic.”

Hindi po ako pumayag kaya hanggang ngayon po ay may TRO ang paggawa ng arko. Sa palagay ko po kailangan ko pa ng 10 taon para matapos ang inyong proyekto. Ang huling wika ni Noah.

Napa-iling ang Diyos at sinabing,

Di ko na kailangang wasakin pa ang bansang ito.

Hahayaan ko na lang na kayo ang sumira nito.

(kulogyoks = kulog jokes)  iskaplooooooooK!

Righteousness exalteth a nation: but sin is a reproach to any people.

Proverbs 14:34

Published in: on 25 September 2008 at 12:00 pm  Comments (5)  
Tags: , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/09/25/narinig-nyo-na-ba-ang-kulog/trackback/

RSS feed for comments on this post.

5 CommentsLeave a comment

  1. hay.. ang pinoy nga naman.. tsk tsk tsk..

    anyway.. include din kita sa blog roll ko..🙂
    and if you want the same layout.. visit mo ito http://www.giselejaquenod.com.ar/blog/ hmm.. may ginawa nga lang akong adjustments sa mga pictures, kasi ayaw magload.. you can email me in case may gusto ka pa itanong..😀

    cheers..

    ————————————————

    HBH: 😦 Sabagay, hangga’t may natitirang may malasakit sa bansa at sa mga kababayan, hindi nakakawala ng pag-asa.

    About your layout – ibig sabihin, custom-design pala yun? Anggaling😀 (lalo na, type ko yung kulay)… Sabi ko na eh, parang wala akong nakitang ganung theme sa mga standard templates sa Blogger nung nagsign-up ako ng account last year. Hindi ko lang naituloy dahil lumipat ako dito sa WP.

    Cheers!😉

  2. you said it
    bakit nga ba ganito tayong mga pinoy
    ang galing nyong magunite ng mga paguugali nating mga pilipino…
    for somhow i found it madjo symbolical represention perfct for an editorial sa dyaryo..
    \have a great day po

    ————————————————

    HBH: Sa e-mail messages na na-received ni misis ko lang nadedekwat ang mga iyan.😛 Nuong college student pa ako, saturated kami sa UPLB Writers’ Club sa paggawa ng mga lampoons sort of like that – even mga editorial cartoons.

    Yes! Despite those disappointing news about what’s happening in our country – and even around the globe as well(?) , everyday must be a great day.😉

  3. hayy itay.. kinabagan ako sa pinoy na noah.. !!

    hay aku buti na lng at di sya naging pinoy dahil ganyan tlga ang dadanasin nya ang dming kaekekan tlga sa pinas.. sana nga yung mga deefungal na masasamang pinoy na yan ang tamaan ng kulogyoks mo..

    waaaaaaaaaahh,,,.. ahhhhh.. tinamaan na ata ako.. hehehe

    ————————————————

    Itay: Ahehe… oo nga, anak.
    Pero donk wori, alam kong nilihisan ka ng “kulogyoks” kasi matinong mamamayan ka naman.🙂

  4. talagang mabuti na lang at hindi sya naging pinoy talaga naman..

    Ang galing po ng pagkakagawa nyo..

    ————————————————

    Kuya Teddy Bear: Alin ang magaling, bunso, yung kidlat moving pictures ba?🙂

    Aktwal na kidlat yan, kinunan ko rin mula sa bintana sa likod
    ng building namin, using the movie- or video-mode ng digital camera ko… Tapos, in-“splice” (crop-edit) ko yung footage saka yung image para saktong yung kidlat lang… Then ni-resample (re-size) at in-export ko as animated gif.

    160 x 120 pixels x 40 frames (526 KB) yung nasa taas;
    70 x 154 pixels x 24 frames (198KB) yang nasa ibaba.

    Techy ba?😆 Madali lang gawin yan, yakang-yaka nyo yan.😉

  5. […] Eto ang latest insertion → “katenpeys–dyoks
    para igrupo ang mga posts na ang main content ay mga kwentong ‘hiniram’ ko lang galing sa text o e-mail messages. […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: