Honeesyewtoo0!

“Perhaps what a woman secretly desires is a man who is ‘fundamentally a woman.’” HomebodyJOKLA?😯 Ahaaay!

Ahehe… Narinig ko lang yan kung saan, so don’t get me wrong!

Hindi ako naglaladlad – at WALA akong ipaglaladlad miski kelan…😆 ever!

Ilang beses na rin naman akong namaskarahan nung kolehiyolo pa ako, magkwento ako ng dalawa lang:

1980. Lumabas akong isang dakilang ekstra sa stage play sa UPLB auditorium: “Tatarin” (directed by our instructor, Edru Abraham). I was hoping then na additional points ito sa Humanities I subject ko nuon. Masaya dahil may mga bago akong nakilala. Libreng chibog din para sa mga cast; eto pa yung mga panahong hirap ang pamilya namin at halos wala na akong makaen. Kaya ilang linggo ring pasado alas-12 ng hatinggabi kung ako’y makauwi ng Calamba dahil sa mga rehearsals, minsan sinita pa nga ako ng pulis sa Crossing dahil may curfew nuon (19 na ako a? hindi kasi halata).

Brrrr! Hindi ko malimutan yung ginaw! Mantakin mo yung mga nakahubad kami, tapos magsasabuyan ng tubig dahil kunwari ay araw iyon ni San Juan Bautista? Naka-full-blast yata ang aircon ng auditorium? Naalala ko nung third day, natisod pa ako sa backstage (angdilim eh)… tumama yung labi ko at kaliwang(?) braso sa isang rolling trashbox – nag-iwan yung ng obyus na putok sa labi ko nuon at gasgas sa braso. Pero oks lang… additional ‘props’ – lalo akong nagmukhang dugyot. Maski ekstra lang ako nuon, full-support naman ang ate at ang bayaw ko na natanaw kong nanunuod, nakaupo sa halos unahang hilera lang ng seats.

1983. Sa short skit naman ng isang tula ni Jose Lacaba ba yun? Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang title: “Ang pakikipagsapalaran ni Juan dela Cruz”😆 – sa UPLB audi din. Ang aktibistang brods at mga sis ko sa UPLB Writers’ Club naman ang mga kasama ko. Sayang wala akong nahingi ni isang litrato. Hindi pa naman kasi ako nagbe-Basic-Photography subject kaya wala pa akong nahihiram na camera na pirmi kong dala-dala.

Yang pikyur sa itaas ay ibang kaso (syet, iyan pa ang may pikyur na naitabi ako)

1988 yan, early in September, sa Baguio. Bagong-gising ako, nakatuwaan akong ‘paglaruan’ ng dalawang barkadang babae. May kasama pa kaming isang guy, pinsan nung isa sa mga girls. Magkakasama naman kasi kaming natulog sa iisang kwarto, magkahiwalay lang ang kama naming 2 boys sa kama ng 2 girls.  Yang nagme-make-up sa akin ay you know who – ang barkada ko pa lang nuon na naging misis ko na ngayon.

Tatlong bagay lang naman ang kaya kong maisip na dahilan kung bakit type ng isang lalak(w)e na sya ay minemeyk-apan:

1. Nakiki-ride lang, at gustong magpatawa.

2. Enjoy syang nilalapirot ng kras nyang girl ang mukha nya.

3. Talagang bading sya (charot!)

Natameme ako minsan nang sabihin ng barkada kong ito (soon to be my GF and finally my lifetime partner) na:

Hindi kayo mga gentlemen!😆 Buti pa si Jimmy, inaalalayan kaming mga babae pag bumababa ng dyip!

Sapul naman nung dalaga pa, independent at strong ang personality ng wife ko; kaya maski ugali ko talaga ang umaalalay sa mga kasamang babae sa pagbaba ng dyip, hindi ko iniisip na nag-e-expect(?) din pala sya ng ganitong treatment (Hindi naman sya talaga nag-e-expect kung para sa kanya lang, may halong pangangantyaw lang din).😆

In fact, maski nga sa loob ng bus (o MRT) kahit nung mga panahong hindi ko pa nami-meet si misis, boyscout na boyscout ako. Pero hindi ako basta nagpapaupo ng sobrang kaaarteng mga babae ha? Yun bang over-confident sa byuti o kaseksihan nila? Kahit halos ipagngudnguran pa nila ang bumper (o maski ano pang kanila) sa pagmumukha ko, ay naasiwa laang ako – tulugan ko na lang sila.😆 Syempre mas pinipili kong i-offer ang upuan ko sa mga matatanda, ina na may kasamang mga bata, o buntis na babae na pawang mga nakatayo (kahit pa kasama ang mister nito; grateful naman si mister kaya eyun, pareho kaming nakatayo).

Isa pang rason kaya medyo napahiya ako sa sarili ko (hindi nya alam) sa sinabing iyon ng misis ko ay ito: may pagka-“bading” kasi ang Jimmy na tinutukoy nya.

Nung mag-asawa na kami ni misis, nabanggit naman nya minsan:

Gusto kong kasama ang mga bakla, kasi masasaya silang kasama.

Ano pa?😕 eka ko.

Puwede kang mag-confide sa kanila nang wala kang katatakutang sasamantalahin ka, kasi harmless sila.

Bakit? Ako ba hindi ganyan?😦 Sabi ng mga kaklase ko nuon, harmless din naman ako, maski pa may ‘harmful’ akong pirming dala-dala.😆 (Ayoko talaga sumuko, nagpatawa na lang dahil medyo pikon na.)

It seems obvious to me sa sinabing ito ni misis na yung ability ng isang lalaking ‘pusong-babae’ to empathize with the woman is what makes the “JOKLAs” tick among women. And of course yung sinasabi niyang “safety feeling” nila with them. Pero… “bakla” lang kaya ang pwedeng maging ganun?

Ano ba ang ibig sabihin ng salitang bakla? Huwag na nating pakialaman ang psychological aspect, yung mga halimbawang kilos o asal na lang na pangkaraniwang naoobserbahan.

1 Kung tumitilamsik na mga daliri lang naman at mala-reyna-bibeng paglakad na hindi mapigilan ang natural na pagkendeng ng balakang (involuntary kumbaga) 🙄 …ay hayaan na. (Pero hindi ako ganito ha?)

Marami akong alam na “bakla” in this sense na well-provider na bread-winner ng magulang at mga nakababatang kapatid – hindi tulad ng ilang iresponsableng asawa at ama, maski pa “machong” bukas ang mga kili-kili at liyad ang pundya kung maglakad.

2 Pagsusuot ng ‘twin-supporters’ sa dodo nyang wala naman?😯

Bakit mo kasi palalakihin tapos problemahin mo kung paano mong susuporteran? Sobra ka pala sa female hormones, bakit hindi male hormones ang paagusin mo dyan sa ugat mo? – hindi yang estrogen o progesterone ang ipinatuturok mo… mabuntis ka niyan, sige ka (“waw, type!” siguro eka mo pa). Pati ba naman ‘without wings’ na pasador, pilit mong pinaglalapat diyan?😕 Ano bang sinasahod-sahod mo diyan?

3 Pakikipagtalik sa kapwa lalake? (Guwaaaaaaaark! Iyan ang talagang potangena.)

May mga ala-heman na mga mama, nakulong dahil sa mga babaeng ni-rape; dahil wala nang ‘choice’, mga kakosang kapwa lalake nya ang kinakana – bakla din ang ganyan! CLICK this for a Biblical excerpt Genesis 19:4-5; this one for the whole story Genesis 19:1-29.

Ilang effeminate na kilala nyo na ba ang nakapag-asawa nang matino at ayos, nagkaanak, at naging responsible provider ng pamilya (ay naku manay, okey na sana!), pero naunsyami dahil nanlalalaki si mister?😦

Sa kabilang banda naman… Sino ba ang talagang mga macho? – yung mga lalaking hindi marunong umiyak? Yung mga champion sa bunong-braso, at tatagal nang magdamagan sa inuman? Yung mga mister na mahagisan lang ng brief nya ang misis nya e, buntis na ito kaagad?

Kung ang ibig sabihin ng pagiging macho ay yung nagbilang ng maraming babaing nakatalik, ay ewan ko na lang sa inyo. Maski naman sinong lalaki, pwedeng magbilang ng babae – kung gugustuhin nya. Kung kahit na sinong “palay” na lumalapit kay “manok” ay tutukain ni manok, ay magbibilang ka nga nyan. May mga kilala akong mga lalaki (bakla sa paningin ng iba) na may mga babae na rin ang nagtatangkang manukso, hindi naman pumatol sa mga ito.

Kaya kung marami kang na-donselyang babae nuon, naruon na ako – pinagsisihan mo na dahil matagal nang nangyari. But are you really sorry about it? Are you not just bragging and not complaining? Ahehe, huwag mo kasing ipinagyayabang… the fact is, nanamantala ka lang sa lahat ng mga shushunga-shungang babaeng lumapit sa’yo. Konklusyon: manok ka nga lang, tsong! Dapat itawag sa’yo, bibeng inilaban sa sabungan.  Malay mo ba kung lumapit na sa iba ang mga shunga-shungang iyan → tinanggihan lang?

Siguro, sa tingin ng marami, ganito ang mga bakla The world needs MEN (click mo lang at hanapin dun ang TITLE na yan, pagtapos ng kwento ko tungkol sa mga lolo ko). Tignan mo na rin ang unang comment sa ibaba pagkatapos ng post na ito.😉

Well, readers… I am saying this to ward off any possible misconception that I hate homosexuals. Matagal ko nang gustong magpost tungkol sa sensitibong isyung ito, pero nuon nagkasya na lang ako sa pagdudugtong ng mga comments sa post.

Mahirap na kalaban ang mga bakla. Kung ang mga “brusko” pag natatamaan (maski hindi naman sya ang pinatutungkulan), ang resort ay gulpihin o barilin ka (hindi ka patas lumaban, p’re); ang mga bakla, kukuyugin ka ng iskandalo. May ilan kasi na “tsorba” kung magpapansin at gustong-gusto pang pinanunuod sila – at sa ganyang labanan (tawag-eksena at iskandalo) ang mga tunay na lalaki ay talagang mahihina.

Isa pang rason kung bakit urong-sulong akong mag-post ng ganito: Maski wala akong intensyong makasakit o partikular na taong pinatatamaan, maraming mao-offend at masasaktan – yung mismong mga taong concerned, o maging yung mga kaibigan o kamag-anak nila. Sa tutuo lang, may mga kaibigan din akong paris nila.

Paano ba ginagamot ang isang nagnanaknak na sugat? O kaya ang injury na may gangrene nang nag-set-in? Hindi ba ito’y kinakalkal para hindi ma-impeksyon (minsan nga kailangan pang putulin) at mailigtas ang buong katawan ng may sugat? Panandaliang sakit, oo… pero pangmatagalang kaginhawaan at permanenteng GALAK kung malulunasan.

Eto ang masasabi ko:

Kakampi nyo ako sa pag-condemn ng kabaklaan (the deeds); pero kung yung mga bakla (the person) ang dine-despise nyo, maski hanggang magkaiyakan o magkasuntukan tayo sa pag-aargumento.

If you think the statement I love homosexuals, I only hate homosexuality is a cliché, and separating the two is impossible, well that is your choice; mababaw kang mag-isip.

Maski naman hindi natin tignan ang Bible – maski common sense na lang: talaga namang it is NOT natural, di ba? (I don’t want to use the “word” which means “NOT NORMAL” hindi magandang pakinggan) How could a PENIS fit another PENIS?  Huwag mo akong pilosopohin sa pagsasabi ng Kaya nga chupaan at anal sex na lang!😡

A common excuse: I am a woman trapped in a man’s body.(or vice versa)

Ano ka ba? Buddhist o Hindu na naniniwala sa reincarnation? You cannot blame these fellows dahil yun ang kinagisnan nila sa bansang sinilangan nila.  E ikaw?  Kristiano ka di ba?  O… baka naman pa-convert ka nang maging Buddhist o Hindu, para lang mag-fit sa paniwala mo at mai-justify ang posibleng namang mailagay sa ayos na kabaklaan mo?  Ano pa bang ibang conversion ang alam mo?  Wala ka na bang gagawin kundi magpa-convert nang magpa-convert na lang?  Gagastos ka ng malaki to realize that trans-sexual obsession of yours?  Pumunta ka sa mga ospital, napakaraming mga batang musmos duon na kailangang maoperahan AGAD dahil sa hydrocephalus, o kaya tumor sa utak o katawan… Bakit hindi mo hayaan na intact yang PHALLUS mo, at iambag na lang sa pamilya ng mga batang ito ang perang gagastusin mo?  Makakatulong ka na ngang magsalba ng buhay, malulugod pa ang Diyos sa’yo!

As for me, I don’t believe in reincarnationPuso is a blood-pumping organ (a part of the body) and is used symbolically to mean will or emotion which are a part of one’s soul. A soul’s gender (kung meron man) is determined by the gender of the body it inhabits. Soul belongs to the spiritual realm, and spirits (like angels and devils) have no gender. Don’t you think that is one reason why marriage is NOT applicable in heaven – only here on earth where physical bodies are present. JESUS Himself said:

At the resurrection people will neither marry nor be given in marriage; they will be like the angels in heaven.

Matthew 22:30

Huwag mong gamitin ang magandang konsepto ng demokrasya dito; huwag mong isupalpal sa akin yang freedom-freedom mong nalalaman… or else ito ang isusupalpal ko sa’yo → PridaaaaaaaaaammmN!!!(kini-CLICK yan, charot)

Iba yung gusto sa talagang kailangan. If you think you are helping your friends by tolerating their unnatural desires and deeds, I’ll say you are doing it for your own convenience – perhaps you are just afraid to and don’t want to be responsible for that person because you do not know what to do? You lack faith on the power of God to change a person – to do the ‘impossible.’

If God is not able to change that person, it is only because that person chooses not to. Huwag mong gatungan yang mahal mong kaibigan – tulungan mo… or else you are a blind guide.

Jesus said:

Can a blind man lead a blind man? Will they not both fall into a pit?

Luke 6:39

You CAN chose not to be blind. Bakit hindi nyo subukan ang remedyo ni Jesus?

Hindi ko hinihinging mangutangan ng loob sa’yo ang Diyos; ang hinihingi ko ay ang tulungan mo ang sarili mo. Do you think God needs your help? Definitely NO! How can a COMPLETE Supreme Being needs help from a filthy rag like you and me? God wants you because He loves you – and it makes Him so sad if He loses you!

Because of this, God gave them over to shameful lusts. Even their women exchanged natural relations for unnatural ones. In the same way the men also abandoned natural relations with women and were inflamed with lust for one another. Men committed indecent acts with other men, and received in themselves the due penalty for their perversion.

Romans 1:26-27

Do not be anxious about anything, but in everything, by prayer and petition, with thanksgiving, present your requests to God. And the peace of God, which transcends all understanding, will guard your hearts and your minds in Christ Jesus.

Philippians 4:6-7

Therefore if any man be in Christ, he is a new creature: old things are passed away; behold, all things are become new.

2 Corinthians 5:17

♥♥

Yung ↑ title ba? Honeys year 20 yun.😳 28 September 1988 nung maging sweethearts kami ni misis. After about 18 months, she agreed to marry me… siguro nga dahil bakla ako?😉

I hope you didn’t reach the concluding question without reading the whole post; or else you may be a FOOL to store yet another false assumption in your rotting dickhead.

NOTE: I’ve just found out that (sometimes) the search feature in the BibleGateway site (on-line Bible) is not working properly. (Sa computer ko lang kaya?)  It says for example ‘2 Corinthians 5:17’ not found for version King James version but this does not mean it isn’t there.  In this case, you may just click on the blue number 5 (chapter) corresponding to 2 Corinthians (book) to display the whole chapter (2 Corinthians 5), then look for the 17th verse.🙂

Published in: on 28 September 2008 at 12:00 am  Comments (12)  
Tags: , , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/09/28/honeesyewtoo0/trackback/

RSS feed for comments on this post.

12 CommentsLeave a comment

  1. Ang lakas ng isang ama

    Ang lakas ng isang ama ay hindi sa lapad ng kaniyang mga balikat.
    Ito’y nadarama sa higpit ng kaniyang mga yakap.

    Ang lakas ng isang ama ay hindi sa lagong at lakas ng kaniyang boses.
    Kundi sa marahan niyang tinig.

    Ang lakas ng isang ama ay hindi sa dami ng kaniyang mga kabarkada.
    Ito’y sa kung paano siya makisama sa kaniyang mga anak.

    Ang lakas ng isang ama ay hindi sa kung paano siya tinitingala ng kaniyang mga kaopisina.
    Ito’y sa kung paano siya iginagalang sa tahanan.

    Ang lakas ng isang ama ay hindi sa kung gaano siya katindi sumuntok.
    Ito’y sa mapagmahal niyang haplos.

    Ang lakas ng isang ama ay hindi sa lago ng buhok sa kaniyang dibdib.
    Ito’y sa laki ng pusong tinitibok ay pag-ibig.

    Ang lakas ng isang ama ay hindi sa bigat ng kaniyang binubuhat.
    Ito’y sa mga kabigatang kaya niyang batahin.

    Ang lakas ng isang ama ay hindi sa dami ng babaeng kaniyang pinaibig.
    Ito’y kung gaano siya katapat magmahal sa kaniyang natatanging kabiyak.

    (source: 702 DZAS)

  2. wow! so inspiring! hahaha!

    kasalukuyan akong nakikinig ng mga awitin ng HillSong nang magdesisyon akong magbasa ng mga blogs dahil hindi ako makatulog. At ang pinakaunang dinatnan ko ay ito. Akalain mo yun!

    Natawa ako dun sa pambungad na picture. Naalala ko yung kababata ko na parati kong kasama dati hanggang makapagtapos na siya. Magkahawig kasi sila (kayo? sa picture lang naman na yun). Hindi siya bakla. Mahilig lang siya magportray ng mga baklang personality siguro dahil innate na sa kanya ang maging komesyante. SObrang babaero. Pero pagnagamahal, sobrang loyal sa babae niya. Kilalang kilala ko yun. Since grade 2, magkaclassmate na kami. At nang tumuntong ng college, schoolmate pa kami at nagsama sa isang boardinghouse noon bago tuluyang maghiwalay nang makapagtapos siya (4-year course siya, 5-year course ako kaya nauna siyang makapagtapos). Haba ng kwento ko. tsk tsk..

    Wala rin naman akong galit sa mga bakla. May mga kaibigan din akong gaya nila. Although napagbibiruang bakla ako hahaha…

    Ang ayaw ko lang talaga sa mga bakla — unang una talaga — ay ang eskandalo. Kaya sa lahat ng kakabanggain mo, piliiin mong wag ang bakla dahil sobra ang mga bibig.. nakakarindi! Pero yung bibig din yun ang nagpapatawa sayo kapag kasama mo sila…

    yes!! anniversary nyo pala ngayon ng pagiging sweethearts ng misis nyo po! hhahaa!! CONGRATS! hahaha…

    http://fjordz-hiraya.blogspot.com

    ————————————————

    HBH: Very inspiring ang praise & worship song ng Hillsong.😀
    At ayush lang yun, fjordz… kung gaano ako kahaba magkwento, ganun rin ako ka-willing na magbasa o makinig ng mahabang kwento ng kausap ko.😉 Salamat din sa pagbati!

    Yung friend mo… I hope yung pagiging “babaero” nya ay
    hindi naman sana as in literal na babaero na “touch and go” – kasi wawa naman yung mga babae.😦 Or else para din syang yung bibe sa sabungang binanggit ko dyan sa post.😆

    Ako man, nagkaroon ng malapit na kaibigang talagang bakla,
    as in yung pumapatol sa kapwa-lalaki… Pero alam mo, naging born-again sya, nakapag-asawa (ng babae!) at nagkaanak sila… ngayon nagpapastor na.🙂 Magkwento rin ako (uli) dito ha:

    Nung bago pa lang syang naging born-again, isinama ko syang mag-overnight sa bundok. Nagdala ng isang galon ng dilaw na pintura – hindi ko alam kung saan gagamitin.🙄

    Nasa bundok na kami, hiniram ko ang dala nyang bayoneta (yung ikinakabit sa M-1 rifle na garand na gamit sa ROTC?) kasi nagtabas ako ng mga palapa ng ligaw na puno ng niyog
    para gawin kong tutulugan namin; at saka ‘bubong’ na rin kasi umaambon nang malakas nuon… Aba’y ni hindi man lang ako tinulungan?😕 Para syang ibon na kumakanta – binabasag ng matining na boses nya ang katahimikan ng kagubatang aming kinaroroonan. Pati nga yung mga kuliglig, mukhang nakinig — kasi sabay-sabay na nagsitahimik.😆

    Well… praise and worship hymns naman ang inaawit nya,
    kaya kahit hindi pa ako mature na Christian nuon, eka ko sa sarili ko okey lang, at least mukhang nagbago na sya.

    Nung maggagabi na, gumawa kami ng bonfire…
    duon na ako medyo napraning at simulang kabahan.😯
    Eka ko sa sarili ko: “Potangena, subukan akong gapangin nito, kung hindi ko man sya magilitan-leeg gamit ang sarili nyang bayoneta, baka maibato ko sya sa kumukulong putik dun!”😆
    Aba… behave ang bakla! Ipinag-pray pa ang safety namin sa loob ng gubat na yun – bago matulog at pagkagising sa umaga!

    Oo nga pala – yung pintura… inubos nyang lahat sa mga ‘graffiti’ na pinagsusulat nya sa mga malalaking bato ruon. Graffiti such as “John 3:16” at ilan pang mga Bible verses na hindi ko na matandaan.

    Talagang nagbago na si bakla.🙂 Praise God!

  3. Hello!

    alasais.wordpress.com

    Siguradong magugustuhan mo ‘to.

    Salamat,
    Tem-i of Alasais

    ————————————————

    HBH: Salamat din sa pagbisita!
    Nai-set ko na ang “6pm” sa orasan ng blogamundo ko.😉

  4. […] And if yesterday, I and my wife were honeys for 20 years; 45 days from now, two of these seniors will turn hammie-honeys for 2 years. […]

  5. kulit nung picture heheh..

    mahirap kalaban ang mga bakla.. pero masarap silang kasama.. Ngayon kasi kapag nalamang bakla yung isang guy, sobra kung laitin ng mga kala mo kung sino dyan!

    Pero bilib talaga ko sa kanila kasi karamihan sa kanila masisipag at di talaga paaapi.

    ————————————————

    Kuya Teddy Bear: Mapagmataas at mapanghamak na attitude din yang panlalait e… walang ipinag-iba sa religious bigotry at racial discrimination, o kaya male chauvinism at women lib movement (mga hyper types) .

    Sa case ng mga bakla, may iba’t-iba rin kasing klase:

    • May kaopisina akong eka nila ay “binabae” sa kilos at pananalita, pero hindi naman nanlalalake… Nagkasyota ng maganda, ka-officemate nya… sabi nga ng mga kasamahan namin sa opisina:

    “Nagbabakla-baklaan lang yata si ____,
    para makapag-GF ng maganda.”

    Ahehe, inggit sila – kasi talaga namang maganda yung girl. Nagbreak din naman later, pero parang wala lang sa kanila – magkaibigan pa rin. In fairness, talagang hindi naman bakla itong guy… Artistic at masipag, tunay ka.

    • Meron ding mga bakla na talagang pumapatol sa lalake –
    paris ng kaibigang ibinida ko sa reply ko sa comment ni fjordz… Gwapo it… tingin ko nga medyo hawig kay Brandon Lee na
    anak ni Bruce Lee… Balita ko, dyan pa rin sa Calamba sya nagpapastor.

    • Meron ding bakla na malaking tao, kayang manggulpi at mang-rape nang pilitan – paris nung naka-engkwentro ko
    sa tapat ng isang parlor:

    Katutuntong ko lang ng college nuon… Nagbibisikleta ako
    sa kalye ng San Jose (Calamba) at pauwi na sa amin sa Luis Alberto subdivision… Biglang buhos ang ulan, kaya napilitan akong sumilong… syet! beauty parlor pala iyon.

    Hindi pa ako nakakababa ng bike, biglang lumapit mula sa
    likod ko ang isang malaki at matabang bakla na nakatayo dun, pumulupot ang mga braso sa baywang ko at akmang hihipuan ako, sabay sabing:

    “Malaki rin siguro ang titi nito, paris ni ____!”

    Tang-ina, siniko ko sya ah!😡
    Hindi ko na inisip na malaking mama sya at teritoryo nila yun…

    Nabigla si kupal… dinig ko yung paglagabog ng siko ko
    sa dibdib niya ay! Ipinagtabuyan at halos ipagtulakan ako!
    Ako naman (nakahinga ng maluwag) hindi nagpahalatang medyo kinabahan din… Pag sikad ko sa pedal ng bike,
    lumingon ako sa kanya, kumaway at “Sige…” eka ko pa.

    Simula nuon, hindi na nila ako makanti maski halos araw-araw akong dumadaan sa tapat nila pag papasok ako sa eskwela.

    • Nung nagbabagsakan naman na ang grades ko, wala akong inatupag kundi manuod nang nag-iisa sa dating Cine Makiling. Sa pinakalikod ng balcony ang paborito kong puwesto.
    Bigla may lalapit na lang na bakla at magtatanong ng:

    “Pogi, wala kang kasama?” o kaya “Pwede bang tumabi?”

    Ahehe, andaming bakanteng upuan e… bakit dini pa?
    Tititigan ko sya sa mata… siguro mamula-mula pa mata ko nuon dahil sa kanunuod.😆 Sisinghutin ko yosing hawak ko,
    at tatanungin sya ng pormal: “Ano kamo?”

    Ayun… masisindak at lalayo na. 😆 Bakla lang sya… psychong durugista ako! (Joke) Pangba-bluff ko lang yun nuon, maliban sa pagdidisplay sa kanila ng dala kong ‘tusok’ nuon pag talagang bwisit na ako. Nakakaimbyerna eh – feeling ko, binababoy ako.

    Nakakanis!😕 And what more yung cases paris nung mga nababalita sa TV: 17-year old na bakla na nangmolestya
    ng 8- at 10-year-old na mga bata? 😡

    Nasa kinalakhan din siguro…

  6. […] Wala lang… binago ko na kasi avatar ko.
    Baka mapagkamalang nabakla na ako.😆 […]

  7. […] Baka nga babae ako a?😆 ← “Lalim mo talaga,
    di kita ma-dig!”:mrgreen: […]

  8. […] Like the warrior’s song, this “flower’s” song is applicable for both genders… sige na nga — maski ano ka pa. ♂♀ […]

  9. […] Ako man, hindi ko ipagkakailang saludo ako sa mga responsableng taong paris nya.
    (Sabi ko nga senyo dito → o di ba?) […]

  10. […] O, bago moko umbagin ng kurot, basa mo muna ‘to. ▲ Jokla? […]
    […] ◙ See All May-kajoklaan posts […]

  11. ngayon ko lang to nabasa! ang ganda nito!
    lalo na yung sa last part! wow!

    ————————————————

    Ninong: Eek! ‘Di knows mo na ang aking secret! 😳

  12. […] Two plus two is twenty one — Pareho na kami ni
    misis na ‘nasa grade 2’ … Taz ngay–un, 21 years na kaming ‘mag-un’ (MU) . […]
    […] Oct 1988, one month pa lang kaming mag-boypren.
    Hiya pa ako umakbay nun.😳 0.08th mag-UN-nibersari. […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: