Mirasol

This shot is NOT mine; click for the author website.

Alam nyo ba yung sunflower?

(Hanep sa tanong ano?😆 Syempre naman alam! … para sunflower lang?)

Wala akong matandaang nakakita ako ng aktwal na itsura nito nung bata pa ako, basta sabi ng iba, sumusunod daw ang “tingin” nito sa araw.

Una akong nakaakyat sa Baguio nung Mayo 1984… Karami palang tumutubong sunflower duon, mga “ligaw” nga lang. First time akong nakapunta sa syudad sa itaas ng bundok, syempre excited ako sa lamig at ibang tanawin. Ugali ko ngang paglaruan ang hininga ko, kasi may lumalabas na usok? “Fog” manay, fog! Hindi fag!:mrgreen: Hindi ko na napagtuunan-pansin ang namumutiktik sa dilaw na mga sukal dun, e di lalo pang hindi ang curiosity ko kung ‘sumusunod nga ang tingin’ ng bulaklak na ito sa araw.

Nung mga unang araw ko sa trabaho (1987), inutusan ako ni bosing na pumunta sa Institute of Plant Breeding (IPB). Initial operation ng PhilRice (isa ako sa first eight pioneering staff), kaya hindi pa dumadating ang mga ni-request naming equipment. Wala pa kaming mga cameras kaya kelangang puntahan ko pa si Mang Pids, ang beteranong photographer sa IPB, para pakunan at i-print sa B&W ang mga slide reversal films na hiniram ko sa IRRI (International Rice Research Institute).

May tatlong kilometro* din siguro ang layo ng IPB mula sa IRRI. (see 8th comment below or CLICK THIS for correction of words with red asterisk) … Madalas, naka-dispatched ang mga nuo’y dilapidated pang service vehicles namin, kaya wala akong ma-request na sasakyan. May mga shuttle bus namang naghihintay mula sa UPLB campus, naghahatid sa mga empleyado papunta ng IPB at karatig-opisina sa science research complex; saksakan nga lang ng aga ang alis. E ako’y nagko-commute pa araw-araw, galing ng Calamba, at kelangan ko muna dumaan ng opisina bago pumunta ng IPB.

May isang paraan ng pagpunta halfway* duon — sa riles ng tren na tumatawid sa Pili Drive sa may bungad ng entrance ng IRRI.

Ahehe, hindi tren ang sasakyan ko… ano yun, MRT na around every 10 minutes ang daloy ng masasakyan? May mga “trolley boys” na nag-aabang duon, at sa konting barya lang, pwede ka nang sumakay sa animo’y kariton nilang de-sikad (hindi de-pidal) na kung tawagin nga ay trolley.

Pero tulad ng sabi ko, half the way lang yan dahil hindi naman dumaan ang riles sa mismong tapat ng IPB.* Kaya maglalakad-lakad pa rin ako sa ilalim ng napakatingkad na liwanag at init ng araw. May isang tanawin duon na talaga namang nagpapahupa sa pagod ko:

Isang sunflower plantation! At mukhang tutuo nga — lahat ng nag-iisang mata, nakaharap sa araw! (Buti pa sila… samantalang ako nuon, halos silaw na silaw)

Wheh… anhabang wento, kay mirasol din pala’ng tumbok ng istorya. Hanyo na, tutal, anhaba naman talaga ng nilakad ko.😆

Ano bang gamit ng sunflower, at bakit kailangan pang maglaan ng plantasyon para sa halamang ito? (at least sa ibang bansa). Nung una, ang akala ko sa mga floral arrangement lang. Nung nag-alaga ako ng mga DAGA, may isa pa palang halaga ang bulaklak na ito… eto o:

Sunflower seeds. Isa ito sa mga peborit “kutkutin” ng isang hamster na tulad ng mga alaga ko. Kaya pala itong si Oxnard na barkada ni Hamtaro ay pirming may baong ganito.

May kamahalan ang presyo ng sunflower seeds. Kaya siguro food of their dreams ito ng mga daga ko? (Dyok lang op kurs — hindi naman sila tao para bigyang-halaga ang isang bagay dahil lang sa presyo nito) … Pero minsan ko lang silang bigyan ng ganito, dahil ayon sa research na nabasa ko, mataas ang fat content ng mga sunflower seeds (and other seeds as well), pwedeng maging sanhi ng mga sakit tulad ng kidney problems sa mga hamsters.

By the way, kinakain din ng tao ito — parang butong-pakwan, o kaya squash seeds. Wala naman sigurong tao na gagastos ng malaki para sa isang plantasyon na ang bunga ay ipapakain sa mga hamster ‘lang’. Ako pa lang siguro kung sakali.😆 Eyan sa kanan ang pikyur ng naka-repack na sunflower seeds para sa tao.

Teka muna, bakit nga ba sunflower? … at bakit araw ang napili kong pag-usapan natin dito?

Wala lang… binago ko na kasi avatar ko. Baka mapagkamalang nabakla na ako.😆

Halos sapul nung mag-umpisa akong mag-blog, araw na ang avatar ko. Sa Flickr photos, maliban sa aking kaDAGAan, bukod pa sa mga bulaklak, sunsets ang pinakamakukulay na pikyurs ko. Sa talaga namang wala akong makunang iba pa dito sa 4th floor ng building kundi yang nagba-BABAY na araw sa labas ng bintana ko. Sa akin, wala namang kaso kung pagmamasdan ko ang sunsets — hindi naman ako depressed.😎 kita nyo nga o, naka-protective shades naman ako.😆

Sa ibang bansang may snow tuwing winter, nade-depressed ang ilang tao (isang case ay yung tinatawag na piblokto ng mga Eskimos) — samantalang nariyan lang naman ang araw sa kalawakan, hindi nagbabago sa sikat at ningning nito… hindi nga lang makita.

Na-imagine nyo na ba ang mangyayari sakaling napundi ang araw?🙄 Walang hindi mate-teggy sa mundo… diDILIM: ang mga halaman, hindi na makakapag-photosynthesize, which means wala na tayong makakain… laLAMIG: tao o hayop, giginawin… Unti-unti, lahat mamamatay — maging ang mundong ito na ating tinutuntungan (o niyuyurakan?)

Malinaw… ang araw ang nagbibigay-buhay sa lahat ng bagay na nasa mundo, at sa mismong MUNDO. Pero huwag you takut dahil malabo namang mapundi agad ang araw. Kung may dapat mang ipangamba ay ang unti-unti nating pagpatay sa daigdig na ating tinitirhan — sa kabila ng patuloy na pagbibigay-buhay dito ng araw.

Kamusta naman ang relasyon mo sa Diyos — ang tutuong pinagmulan at patuloy na nagbibigay-buhay, hindi lang sa lahat ng nasa mundo, kundi maging sa araw? Alam mo bang sa lahat ng kanyang mga nilalang — magmula dyan sa mga bagay na nakikita sa paligid mo hanggang sa mga naruon sa hindi na abot-tanaw ng pinakapowerful na microscope at telescope ng mga siyentipiko, ay ikaw ang pinaka apple of the eye Nya? Paano mo ngayon ipinamumuhay ang buhay na ‘hiram lang’ sa Kanya?

Hindi ko alam kung na-imagine mo nang wala ang Diyos. Posible din namang isa ka sa mga taong hindi naniniwalang may Diyos. Ahehe… akala mo lang yun. Maski ano pa paniwala mo, hindi mo mababago ang katotohanang mayroong Diyos na nagbibigay-hininga sa patay na katawang-lupa mo.

Higit sa lahat: Tinanggap mo na ba ang tutuong BUHAY na alok Niya? Si JESUS na Syang tanging pwede lang na magbigay-BUHAY sa patay pang kaluluwa mo?

READERS, dadalang na uli ang posting ko (Yehey!:mrgreen: eka siguro nung mga miski hindi ko naman pinatutungkulan eh nanggagalaiti dahil sa mga ipino-post ko) … Lay-low lang uli, hindi ko alam kung “😳 -tus (hiya-tus) bang matatawag ito. Sa katunayan, ilang beses na rin akong nagpaalam, pero hindi naman ako totally “nawawala” o nagiging imbisibol — kahirap din kayang pigilan ang passion ng pagsusulat. Sabi nga nung mga tutuong writers (hindi paris ko na writer lang kuno):

Writing is painful; but the pain of not writing is even more unbearable.

( hindi ba, Jonell?😉 )

As usual, the reasons are priorities — marami akong dapat pagtuunan ng pansin. First ang matagal nang planong paglipat sa Baguio (the sunflower land of my dreams?)😆 at second ang mansyon ng aking mga daga😆 (uli). Itong huli ay tsikenpid lang naman, yang una ang mas mabigat. Slopey kasi ang loteng nabili namin ni misis, kaya hindi pwede ang basta-basta na lang na tatayuan yun ng maski isang kubo — dapat talagang super-tatag ang pundasyon. Ibig sabihin, mas malaki ang pwedeng gastusin (Ibenta ko na lang kaya?🙄 — joke)

Posible ring mag-reunion kami ng tatlong brothers ko before this year ends, at ang isa duon ay nag-o-offer na paopera na ako.
Hindi ko nababanggit dito sa mga posts ko pero may cysts ako sa area ng clavicle o collar bone. Yan din ang isang rason kung bakit hindi ako makalabas ng bahay nang hindi naka-kwelyo. On and off sya eh. Anyways, benign lang naman… in other words, hindi naman ako inaano. Yun nga lang, hindi na ko makapag-swimming in public na paris nito. Tagal na nito — hindi ko lang maharap ipatanggal nung nasa PhilRice pa ako. Ahehe, eto at buhay pa naman ako.😆 In fact, so many times I considered this a blessing😉 — kinda similar sa binanggit ni Paul na “thorn in the flesh” nya:

To keep me from becoming conceited because of these surpassingly great revelations, there was given me a thorn in my flesh, a messenger of Satan, to torment me. Three times I pleaded with the Lord to take it away from me. But he said to me, “My grace is sufficient for you, for my power is made perfect in weakness.” Therefore I will boast all the more gladly about my weaknesses, so that Christ’s power may rest on me. That is why, for Christ’s sake, I delight in weaknesses, in insults, in hardships, in persecutions, in difficulties. For when I am weak, then I am strong.

— 2 Corinthians 12:7-10

To GOD be all the Glory!

Empre, sisilip-silip pa rin ako dahil hindi lang naman ang sariling pagpo-post ko ang enjoyable dito… kundi pati na rin ang pagbabasa ng posts ninyo at ang pagpapalitan natin ng mga kuru-kuro.

As for man, his days are like grass, he flourishes like a flower of the field; the wind blows over it and it is gone, and its place remembers it no more.

— Psalm 103:15-16

He springs up like a flower and withers away; like a fleeting shadow, he does not endure.

— Job 14:2

But the one who is rich should take pride in his low position, because he will pass away like a wild flower.

— James 1:10

A voice says, “Cry out.” And I said, “What shall I cry?”

All men are like grass, and all their glory is like the flowers of the field. The grass withers and the flowers fall, because the breath of the LORD blows on them. Surely the people are grass. The grass withers and the flowers fall, but the word of our God stands forever.

— Isaiah 40:6-8

For, “All men are like grass, and all their glory is like the flowers of the field; the grass withers and the flowers fall, but the word of the Lord stands forever.” And this is the word that was preached to you.

— 1 Peter 1:24-25

But from everlasting to everlasting the Lord’s love is with those who fear him, and his righteousness with their children’s children with those who keep his covenant and remember to obey his precepts.

— Psalm 103:17-18

A card just came in this afternoon (ahehe, humabol pa)😀 !

Inside it says:

Praise the Lord, my soul;

All my inmost being, praise his holy name,

Who satisfies your desires with good things

so that your youth is renewed like the eagle’s.

— Ps. 103:2, 5

Sept. 18, 2008

Dear Robert,

As your brand new year unfolds,

we pray that the Lord grants what your

heart desires most. And always remember,

His love and faithfulness will see you through,

all the days of your life.

Happy birthday!

In His love,

Pastoral Staff

& KBCF Family

Mahilig akong gumamit ng smileys — hindi ko alam kung taboo ang paggamit nang tsorba na ganyan dito sa wordpress. Sa tutoo lang, dito ako kumukuha ng supplies ng mga iyan. WP emotikongs

Meanwhile, bukod sa avatar kong iniwan sa mga blogs ninyo, hayaan nyong mag-iwan ako dito ng isang mainit at nagniningning na

Where have all the flowers gone?

Live concert (1990) with lyrics

20 Comments

  1. Bulaklak ng araw
    Sa Silangan naka-tanaw
    Di ka nasisilaw
    Sa pagbangon ng ilaw

    Mata mo’y nag-iisa
    Ngunit kataka-taka
    Mas marami kang nakikitang
    Liwanag

    Mirasol
    Kay lalim ng gabi
    Kami ay naghihintay
    Na makita ang liwanag

    Mirasol
    Kami’y katulad mo
    Kami’y nagdarasal
    Na makita ang umaga

    Ikaw ay nakatayo
    Sa balikat ng bundok
    Saksi ka sa pagsubok
    Ng Katimugan

    Kulay ng ginto’t dugo
    Sa iyo’y naghahalo
    Saksi ka sa pagbangon
    Ng Sangkatauhan

    Mirasol
    Ano ang iyong nakikita
    Kami ba’y tumatawid
    Sa gilid ng umaga

    Mirasol
    Kami’y ipagtanggol
    Kami’y katulad mong
    Nakatututok sa Silangan

    “Mirasol” hango sa album “Panganay ng umaga” ☼ Joey Ayala

  2. ————————
    Boolaboy Berio
    Mga Pusang-gala as of 11:59 → 3,333 spam comments😆

  3. lam mo ba kuya natry ko na magtanim ng sunflower…kaso namatay din. haaaay. ganda pa naman ng flower nuh??

    ————————————————

    Kuya Klasmeyt: Uy! si yeye😀 hahatid ako sa pagbabay ko… mamats, klasmeyt! … Iwilmisyo!
    May kapopost akong YouTube, hindi mo na napakinggan.

    Tanim ka uli ng sunflower, klasmeyt… pero🙄 maselan nga yata sa tatanimang lupa at klima yun… Paglipat namin ng Baguio, magtatanim ako ng maraming bulaklak.🙂

  4. wahahha!
    bat doon sa baguio, ititunuturing nilang ligaw na flower ang sunflower kasi litaw lang siya ng litaw kung saan saan. tapos itong kaming taga-baba naman inaalagaan namin. tapos tinawanan ba naman kami ng instructor! wapak!

    hahaha! eh ang cute kaya! ang ganda pa!

    nagtanim na rin kami dati pero huwaw ang laki laki na kaso nadedoks, nilanggam naman na tapos nahulugan ng malaking bato ni lolo.

    amp! ang saya na sana. maraming napapatingin sa bahay ni lolo dahil sa malaking flower na tinanim namin! awtz!

    ang sarap ng sunflower seeds.

    ————————————————

    Ninong: Salbahe talagang yung akismet! 😕
    Sinala itong comment mo, ay hindi ka naman spammer.
    Buti na lang, talaga iniisa-isa ko lahat, kaya eto na-recover ko. Dalawa na kayong naghatid sa pagbabakasyon ko.😉

    Ahehe, basta yata taga-Baguio, saturated sa lahat ng bulaklak, lalo na dyan sa sunflower.

  5. Mirasol ba tawag dun?
    Never pa ko nakakita ng sunflower.

    ————————————————

    HBH: “Mirar” means to look at (or to stare at) in Spanish; “sol” means sun… Most likely “mirasol” na rin ang tagalog term sa kanya, though may local names din sa iba’t-ibang lugar at dialects dito sa Pilipinas.

    Magtu-23 na ako nung unang nakakita nyan sa Baguio,
    nagkalat lang ang mga wild varieties duon…🙂 Wala akong matandaang may nakita na akong tumutubo dito sa patag nyan. Siguro sa mga ibinebenta sa flower shops, hindi ko lang maalala.

  6. masarap nga ung sunflower seeds na un, un pala ang peyborit ng mga hamster hehehehe…

    ————————————————

    HBH: Mapapayat yang mga seeds na naka-repacked na sinampol ko dyan, as compared dun sa malalaki at mapipintog na nabibili nang kilo-kilo as ‘feeds’ sa Agrivet supplies stores. Tinikman ko yung feeds, ayush din naman ang lasa.🙂

    Maaaliw ka pag nakita (at narinig) mo ang bilis at galing ng
    mga hamster sa pagbabalat ng sunflower seeds.😆

  7. whewanhaba grabe hehe ang cute naman peborit ko kc si oxnard ng hamtaro at love ko din ang butong sunflower hehe
    i seldomly found sunflower nga po eh kadalasan daisy lang kasi mejo malapit ang itsura nila
    gusto ko po itong verse na to
    “But the one who is rich should take pride in his low position,

    because he will pass away like a wild flower.”
    madami ding mganda sa proverbs at psalm

    thank you po for sharin this to us
    have a great blogging day
    and thanks po s apagbisita sa aking entabladio
    sa uulitin po

    ————————————————

    HBH: Syanga, parang maliit na sunflower ang daisy.🙂

    Korek ka dyan😉 … dapat lang na magpaka-humble ang
    mga “haves” — sa yaman man, talino, o lakas; at hindi manlait ng mga “have nots” … Eto pa ang ilang supportive verses:

    Naked I came from my mother’s womb,
    and naked I will depart…

    (Job 1:21)

    For we brought nothing into the world,
    and we can take nothing out of it.

    (1 Timothy 6:7)

  8. ERRATUM:

    About the accuracy of the detail I mentioned above regarding the railway not passing near IPB.
    Dumadaan po pala sa mismong tapat; at yung distance from Pili Drive to IPB ay mga 1.5 kilometers lang – sowee po😳 my memory failed me again (21 years ago na kasi yan) .😆

    Sa malimit kong pagpunta nuon ng IPB, siguro twice lang
    akong sumakay ng trolley – dahil iso-shoulder ko ang buong pamasahe pag wala akong kasamang ibang pasahero… Ilang panahon pa lang naman nuong nasasayaran ng unang sweldo ang mga kamay ko, kaya nagtitipid pa ako… Kaysa maghintay ng makakasabay na pasahero nang walang ginagawa,😕 mas minamabuti ko pa nuon ang mag-umpisa nang maglakad.

    Samakatuwid, mas malimit ang ginawa ko nuong paglalakad, kaya siguro yung mahabang ‘trek’ ang nagrehistro sa utak ko. But at least, I am right about the word “halfway” – Half nung wrongly estimated kong distance (3 km) yung kabuuan ng nilalakad ko (1.5 km, the actual distance) .😆 Mga 3 km kung magsisimula sa UPLB campus gate.

    Paano ko na-realized? CLICK mo ito → Kita ko sa MAPA.
    IPB is in the square at lower right corner; IRRI in the rectangle at upper right.

    You may also want to take a closer view of IPB with the nearby railway → IPB mas malapit.

  9. Very informative talaga tong blog na ito! Pinapaalalahanan pa ako ng aking relasyon sa Diyos. Salamat!

    Buti dun sa ibang bansang halos hindi magpakita ang araw tuwing winter. (Likas na ata sa mga Pilipinong ayaw maarawan.) Dito sa Australia, kahit winter matindi ang sikat ng araw!

    Huwag naman pong mag hiya-tus… Mag update po kayo palagi.

    ————————————————

    HBH: Oo, magkataliwas nga ang dito at diyan.🙂
    (Adelaide si bestfriend) Spring ngayon diyan…
    Sa Christmas malamig dito, summer nyo naman.

    Sa tutuo, namomroblema ang nanay ko nang nasa Canada
    nung winter 2004… Nagdadalawang-isip nga kung babalik pa
    sa brother ko duon.

  10. kahit naman po ako ilang beses na kong nagpapaalam sa blog ko pero bumabalik pa rin ako.. Heheh..

    Yan yata ang pagkakaiba ng sunflower sa lahat ng bulaklak.. Favorite ko yan sa toto lang.

    ————————————————

    Kuya Teddy Bear: In my case, parang gusto ko na ngang kantahin yung “Walang hanggang paalam.”😛

    Sunflower – ‘warm’ kasi ang kulay nya; her yellow color
    means happiness or joy for me… tingin ko sa kanya nakangiti
    o nakatawa, maski wala yung drowing na bibig at mga mata.🙂

  11. Nothing seems to be easier than seeing someone whom you can help but not helping.
    I suggest we start giving it a try. Give love to the ones that need it.
    God will appreciate it.

    ————————————————

    HBH: Do I know you? 🙄

    That song always reminds me of a former folksinger friend
    (now my local churchmate) who dedicated it to me more than 20 years ago.

    Thanks for your reminder also.🙂

  12. […] Second, maraming iba pang priorities din na nasabi ko na four months ago. “Din” — dahil as for me, priority din ang pagba-blog (naks ha!). Madalang at maiiksi na nga lang ang posting ko. Sabihin na lang nating indefinite na hiatus at ambush na bloghop at posting, ganun. […]

  13. I want to listen good music!

    ————————————————

    HBH: That’s great!🙂

  14. […] Yun lang muna… may ‘iba pang bahay’ akong dapat ding isipin at asikasuhin. Kuuu…! Anhirap talaga ng walang namana sa mga magulang. (dyok lang) Mapalad si Doray,
    may mamanahing tahanan mula sa mga ninunong byenan. […]

  15. […] Kung mapapalipat na kami duon sa mismong itaas
    ng bundok
    , tiyak kong ang madadala namin ay hindi lang iisang ‘kumot’. […]

  16. […] “Huwag na kayong lumipat sa Baguio, dito (N.Ecija)
    na lang kayo” eka daw kay misis ng ilang kakilala. Sabagay talagang nakakakaba ang ragasa ng tubig sa lote namin ruon pag malakas ang ulan… Lalayo ba ako sa peligro, o sisige lang dahil naruon ang trabaho? […]

  17. […] Ngayon pa lang dapat nang magbawas-bawas ULI. Mahirap lumipat paakyat ng bundok na maraming dala-dala. […]

  18. […] Ngayon pa lang dapat nang magbawas-bawas ULI. Mahirap lumipat paakyat ng bundok na maraming dala-dala. […]

  19. […] Uutay-utayin na rin namin ang pirmihang pag-uwi
    sa bundok. (Prayerfully). […]

  20. Nataon lang na holy week, pero ang talagang sadya namin sa pag-akyat ay ito [ 16.389736°N 120.579096°E ]
    ————————————————
    (12 Jun 2010)
    HBH: Pemborit pasukin ng spam ang post na ‘to,
    isara ko muna ang comment, hane? (dito lang)


Comments are closed.

%d bloggers like this: