Awoooooooo!!!

Emultocons

Undas… biru-biruang takutan na naman… gulatan. 🙄 Awo–awo–awoooooooooooo!!! 😯

Isang kagila-gilalas na gimik ng ating modernisadong kapanahunan ay yung pagkainteres ng marami sa okultismo – mga matatawag na psychic or paranormal phenomena na pilit namang ini-esplika (kung hindi man pinasusubalian) ng makabagong kagamitang pangteknolohiya ng agham. (harudyoskupuu! tagalog na tagalog dumugo hang hilong ko!). 😥

Banggitin ko lang ang ilan:

Animismo. Paniniwala sa mga multo, mahika negra o blangka (black and white magic), aswang at mga maligno, duwende at higante, mambabarang o mangkukulam, agimat, anting-anting at kalmen o maski ano pang “good luck” charm; pagsangguni sa mga mananawas at arbularyo. Kasama na rito ang pagsamba, pagdadasal at pagnonobena sa mga santo at santang rebulto.

Spiritismo. Pakikipag-usap sa espirito ng mga patay (necromancy) thru séances ng isang spiritista o ‘medium’, ouija board, o spirit of the glass; Psychic surgery that is quite similar to faith-healing.

Eastern mysticism at new age movement. ESP o sixth sense, telepathy, telekinesis at clairvoyance; fortune-telling at divination; hypnotism, OOBE at astral projection; yoga at transcendental meditation; belief in reincarnation; “The god within me” o “I am a god” philosophy.

Satanismo. Nyay!

There’s a big difference between open-mindedness and permisiveness…  May tamang paraan ang mga misyonerong kristiano na ipinadadala sa mga tribo o saan mang lupalop ng mundo upang makitungo sa mga paniniwala ng mga taong hindi pa nakaririnig ng Ebanghelyo – hindi compromise (pangungunsinti o kabalingbingan), hindi ecumenism.*

*Ecumenism – The uniting of Christian denominations and world religions by dropping their differences for the sake of unity.

Pssst, mga kuyang at mga ateng… Hindi aprobado ng Diyos ang Christian Faith na hinaluan ng animismo-spiritismo-mystisismo.

Marami pa dito → Let Us Reason

Tuloy ka sa pinto ng haunted lungga… i-Kreeeek mo dito. ▓

Published in: on 31 October 2008 at 3:00 pm  Comments (11)  
Tags: , , , , ,

High-yatoos

This is what occupies me these days:

Framing backlogs… 🙂 And then to wind up –

Mansyon ng daga! 😆 (new additions).

Hamster Wigwam Wigglerson in Bebang Pension House testing Gandalf’s Exercise Wheel. – -►

Hamster Teepee Pompom in Ikabod Tower overseeing installation of Snowy’s Clock. – -►

Twin hamsters Wigwam & Teepee are 1 yr 10 mos 22 das today.

And this is their father Mochawonka fortifying

proposed bridge’s “Wigglerdock”…

What is mansyon ng daga?

Click the photo below ▼ to download and open a powerpoint show

[.pps file, size 1.8MB]… IF need be, hit F5 key on your keyboard to play.

Run time is less than 3 minutes.

Cages for hamsters, tips for enthusiasts allaboutteddybearhamsters.blogspot.com

W’eno na?

Pagtapos mong magsunog-kilay (paris nito? → Ansipag mo bata! click mo) grumadweyt ka na rin (yehey!) ………… 🙄 Now what?

January 1988, pitong buwan pa lang akong naha-hire sa opisina. Dahil sa new year’s resolution, napaaga ako ng pasok. Bukod sa dalawang matandang sikyong duon na natutulog, ang aming payat at sakiting janitor pa lang ang dinatnan ko. Tutal wala pa namang alas-otso, naisipan kong i-set ang dala kong camera sa ibabaw ng mesa… KLIK!  Kunwari eka e janitor ako.

W’eno pa? KLIK mo uli… ◙ ← dito naman.

Published in: on 18 October 2008 at 11:48 pm  Comments (9)  
Tags: , ,

Nobenta na pala?

Tamo yan, Loyalty Day pala ngayon ng aking Alma mater nalimutan ko na? Si misis ko pa (TIP-graduate) ang nagpaalala… Malimit kasi syang pumupunta sa PhilRice, maraming employees at researchers na UPLB alumni duon.

Eto yung mga “kaganapan” (scroll down to see) → Calendar of Activities.

Plug-in ko na rin yung pinagkadalubhasaan ko → DevCom ‘Department’ pa lang ito nung grumadweyt ako, naging ‘Institute’ (IDC) and eventually ‘College’ nung nasa PhilRice pa ako.

Ahehe… Hindi naman siguro nila makikita itong blog ko? 🙄 Huwag sana. 😯 Baka i-disown nila ako. 😳 (dyok lang)

Pero pramis, talagang nalimutan kong October nga pala yun – buti na lang nasabi ni misis, naihabol ko pa. Haynako, anghirap nang ganitong nagkakaedad. But on sekon tot, nung makita ko yang pikyur ng man-beast sculpture, naalala ko yung kasabihan:

“Kalabaw lang ang tumatanda!”

Yun lang… 😆

Published in: on 10 October 2008 at 11:50 pm  Comments (8)  
Tags: , , ,

Ma-windang talaga ako sa math!

Sem break na naman. Hindi ko maiwasan ang matawa sa sarili pag naaalala ko nung estudyante pa ako – ang ilang araw at gabi ng pagka-cram, at matapos yun, ang kuhanan ng grades.

“Form 5A” nga ba ang tawag dun? – yung listahan ng mga grado every end of each semester na makukuha sa College Secretary’s office?  Mataas o mababa, pasado o bagsak, nakaugalian kong ipunin ang listahan ng grades ko.

Niyaya ko ang isang barkadang iskulmeyt na kunin ang Form 5A namin.  Nabuburyong sya dahil walang magawa nuon.  Imbes na walang makausap sa pag-iisa, napilitang sumama sa akin.  “Napilitan” – kasi obyus namang ayaw na ayaw nyang makita ang grades nya.

E di kinuha nga namin… matapos sulyapan yung kanya, aba’y nilamukos lang at ishinyut sa waste can na nadaanan namin? “Hmp! Pang-gulo lang yan!” eka pa.

CLICK HERE to read the rest of this post entry…

Published in: on 8 October 2008 at 8:00 pm  Comments (14)  
Tags: , , , , , ,

Oops!

Pamilyar ba kayo sa grading na may decimal ang format? Or, ganito rin ang system na gamit dyan sa school nyo?

Nasanay kasi ako mula sa elementary ng by percentage – 100% ang perfect, 75 ang passing. Minsan yata ibinaba pa ng iba sa 70, 60, o 50 yung pasang-awa. May ibang school naman na letra ang grading system – A, B, C… hanggang F nga ba yun? Nang lumipat ako sa public school (1974), O, VS, S, F, at NI naman. Nung nag-highschool ako, balik sa percentage.

Maski ang scoring sa NCEE nuon, by percentage. Ahehe, I got a score of 95 – pinakamababang di-hamak sa scores ng lima kong kapatid na pawang mga 98 hanggang 99+. Maski nung makapasok ako ng college, gulat ako dahil marami nuon akong blockmates na 99+.

Pero wala lang din… I found out na mediocrity is not exemplified by a low NCEE rating or a below-average score or grade.  May matataas ang IQ na talagang matalino, meron din namang mga “geniuses” na hindi naman tutuong matalino. Hindi magandang panukat ang IQ ng talino ng isang tao. Yes, that could be one, pero hindi yun LANG.

Ganito ang grading system sa amin:

1.0, 1.25, 1.5, 1.75 1.0 = excellent, 1.5 = very good.

Ma-maintain mo lang na ganito ang average mo, nasa chancellor’s o dean’s list ka (university or college scholar). Si bestfriend ko, parating ganyan, PNB scholar din sya.

2.0, 2.25, 2.5, 2.75 2.0 = good, 2.5 = satisfactory.

Kung wala kang ambisyong magpataas ng grades, ay okey na yan.

3.0 “Passed.” Pasang-awa kumbaga. Karamihan sa mga kilala ko,

olrayt na ito kung sa mga subjects lang na hindi namin gusto.

Inc “Incomplete.” Baka may kulang ka lang na project o exam,

ay di kumpletuhin mo. Kung ayaw yo, di wag yo.

4.0 “Conditional failure.” Kelangan mong mag-make-up.

Dito ka kilabutan pag terror na BADING o DOM ang propesor mo, kasi baka pamiliin ka: “Kuwatro… o kuwarto?”

Nyay! ‘conditional’ nga!

Drp Wala kang planong ituloy ang subject kaya mo sya ni-dropped.

Next sem or sems na lang.

5.0 “Failure.” Wala nang pag-asa ito, chong.

Tulad ng “Drp” ripit mo na lang neks sems, en beter lak neks tayms.

😳 oops…

Published in: on 8 October 2008 at 10:00 am  Comments (1)  
Tags: , ,