Ma-windang talaga ako sa math!

Sem break na naman. Hindi ko maiwasan ang matawa sa sarili pag naaalala ko nung estudyante pa ako – ang ilang araw at gabi ng pagka-cram, at matapos yun, ang kuhanan ng grades.

“Form 5A” nga ba ang tawag dun? – yung listahan ng mga grado every end of each semester na makukuha sa College Secretary’s office?  Mataas o mababa, pasado o bagsak, nakaugalian kong ipunin ang listahan ng grades ko.

Niyaya ko ang isang barkadang iskulmeyt na kunin ang Form 5A namin.  Nabuburyong sya dahil walang magawa nuon.  Imbes na walang makausap sa pag-iisa, napilitang sumama sa akin.  “Napilitan” – kasi obyus namang ayaw na ayaw nyang makita ang grades nya.

E di kinuha nga namin… matapos sulyapan yung kanya, aba’y nilamukos lang at ishinyut sa waste can na nadaanan namin? “Hmp! Pang-gulo lang yan!” eka pa.

Taga-Los Baños ang barkada naming ito. Uncle nya ang PE instructor ko sa lawn tennis (ni-dropped ko – kung saan-saan pumupunta ang linsyak na bola), at tiyahin nya ang university registrar namin. Grumadweyt ako, sya hindi… Later, nabalitaan kong na-kicked sya dahil nag-overstay na.

Pero alam nyo, magaling ang barkada naming ito. Fluent sya mag-english at sensible makipag-usap.  Kahit nga si bestfriend, miski papano bilib sa bright ideas nya, compared sa ibang stereotyped ‘genius’ sa campus.

Dahil nga kicked-out sa UPLB, ipinagpatuloy ang pag-aaral sa isang kilalang unibersidad sa may Recto, Manila; ahehe, Political Science ang naisipang kunin. Minsan nakita ng barkada, kinumusta namin sya.

“Pucha pare, nagha-harvest ako ng uno.”

I’m not insinuating na mas mataas ang standard ng school namin kaysa sa university na nilipatan nya. I think it boils down pa rin sa attitude. Tamad din kasi nuon mag-aral si prend namin, siguro wis nya type ang ilang mga subjects.

Aanhin mo nga ba ang ganito o ganireng subject?  Kailangan daw kunin, pwes kunin.  Kung pwedeng daanin sa nagkakaisa at matinong usapan, ay di ipaglaban. Tanyo nga yung mga Spanish subjects? Nung panahon ng mga magulang namin, 24 units ang required para makagraduate ng college; nung panahon namin ibinaba sa 12 units; kayo ngayon, wala na. Inabot ko pa nga yung Español sa 4th year HS (ahe, naka-94% ako?)

Parang buhay din iyan eh, in fact mas matindi pa nga – hindi ubra na yung mga GUSTO LANG natin ang mangyari.  Edi suungin… malagpasan din naman.  Powtek.

Ako rin naman, muntik nang ma-kick-out nuon dahil overstay na – eto ang pruweba (CLICK mo) → Psst, tagal mo na dito a !? Sabi ko nga sa inyo nuon, talagang apektado lang ako sa problema at pagbagsak ng kabuhayan ng aming pamilya.

Naibida ko na dito na inabot ako ng siyam-siyam sa pag-aaral; 1978-1987 – 9 years, literally! But actually pitong taon lang naman (aru, tumawad pa!)

Hindi naman kasi ako nakapag-enroll agad pagkagradweyt ng highschool, dahil nung second sem na naayos ang Grants-in-aid ko (GIA, pinakamadaling scholarship sa UP). In short, expected Octoberian ako. Then, after three semesters sa College of Forestry, nag-LOA (leave of absence) ako ng 3 semesters din. Ano ginawa ko?

Semester 1 (1980 Nov to 1981 Mar).  December 1980, nag-physical-medical ako sa V Luna, dahil nakapasa ako sa PMA written exam (topnotched daw, posibleng candidate for Westpoint pag narun na sa PMA). Kaso bagsak sa ECG at sa height.😆

Semester 2 (1981 Jun to 1981 Oct).  May 1981, nag-try akong mag-shift sa BS Architecture sa UP Diliman.  Hindi umabot sa quota ang average grade ko na 2.83 na hinatak pababa ng mga namumutiktik kong “INC” “4.0” at “5.0” Ahehe… anu pa?   E di bagsak ule.  Ang saya-saya!😆 Pero donk wori – hindi ako prastreyted, dahil ako ngayo’y arkitek ng mansyon ng aking mga daga.

Semester 3 (1981 Nov to 1982 Mar).  October 1981, nag-try naman akong lumipat hindi lang ng kurso, kundi pati eskwelahan: Pagpipiloto ng eroplano sa PATS School of Aeronautics sa Pasay! (anubayan!) As usual, hindi pumasa ang mga incomplete at bagsak na subjects ko, kailangang ipasa ko muna daw ito sa pinanggalingan ko(?) …anlabo yata?   Eka pa sa akin ng registrar:

Kung ako ikaw, itutuloy ko na lang yang kurso ko dun… UP ka na eh! (??)

Tama ba naman yun? Paano kung gusto kong magpalipad ng eroplano?😆

Hay nakow… talagang gusto ko lang malayo sa gulo ng pamilya nuon kaya kung anu-ano ang naiisipan ko, wala naman akong napasukan ni isa sa tatlong iyan. Etong huli ay willing sana ang tita ko na suportahan ako.

So eun… tatlong semester na hindi na ako nagpilit pang mag-enroll dahil sa kakapusan ng pera. Si Dad naman, nawalan na rin ng ganang back-up-an ako sa pag-aayos ng GIA; aniya kukuwestyunin na yung needs ng family namin for me to qualify for a scholarship, kasi nga nag-asawa na ang ate ko na 3rd year college pa lang nuon. Well… kalaunan nakatapos naman ang Ate (pinag-aral ni bayaw), pero hindi rin nagamit ang Animal Husbandry na pinagkadalubhasaan dahil hindi rin naman na makapagtrabaho. Syempre priority ang mga anak (at least in this area, she made the right choice).

Isa’t kalahating taon akong sumasama as tindero ng penoy-balut sa gabi; pag-uwi, listener sa mga “buntung-hininga” ng Dad na malagihay na dahil sa pagtanggap ng itinatagay ng mga suki namin sa balut.  Sa maghapon naman, taong-bahay (in-house out-of-school youth).  Ahehe, homebodyhousekeeper… Naging anemic nga ako dahil hindi naaarawan? Pero sey mo, sa mga panahong ito ako mas naging produktibo (maraming naimbento).😆

June 1982, bumalik ako ng UPLB (buti nga tinanggap pa!), nag-shift sa DevCom (dahil nainlab sa photography) major in Educational/Audiovisual Communication. Atsaka… nagpalipad na lang ng PAPEL na eroplano. Hehehe, ewan ko ba sayo – may pa-career-career ka pa kasing nalalaman dyan.

Hindi biro-biro ang hirap ko para maka-graduate. Malimit akong sungitan ng isang staff sa College Secretary’s office dahil nga sa tagal ko na sa unibersidad. May edad na rin sya, siguro mas bata-bata lang nang konti sa nanay ko nuon.  Minsan, self-remorseful, nasabi ko na lang sa kanya:

Sige po… hindi ko na lang tatapusin ang pag-aaral ko.

Ahehe, biglang nag-iba ang tono ni madam:

“Hindi, iho… Tapusin mo na, sayang din. Iba na yung professional ka. Makiusap ka na lang sa Secretary at Registrar.”

Humingi ako ng extension, kasi nga na-exhaust na ang full-term ko.  Pumayag naman SILA, pero ni-warning-an ako na if  I didn’t finish my thesis that sem, they gonna kick my ass!

Sa madaling kwento, naka-graduate naman ako. At alam nyo ba? Si madam pag nasasalubong ako, talagang nakangiti at parang proud na proud sya sa pagtatapos ko. Alam nya kasi ang sinseridad kong maka-graduate nuon. Ako yung tipo na hindi pwedeng hindi kumpletuhin ang maski na anung bagay na naumpisahan. Though HINDI naman ako nag-e-expect na sa mga natutunan ko lang sa kurso o kolehiyong ito ako aasa habangbuhay, kelangang matapos ko ito NUON alang-alang sa nanay ko. As expected, nagkatrabaho naman agad ako.

Kaya kayong mga estudyante ngayon, kung tinatarayan man kayo ng mga “authorities” dyan sa school nyo, ay huwag kayong agad na magtatampo. Baka naman ang hangad lang nila ay ang mapabuti kayo? Basta gawin nyo ang lahat ng makakaya nyo para makapagtapos kayo.

O, ano?😆 Sembreak naman ngayon, pakitaan tayo ng grades!?

Hindi ko ipinagyayabang ang grades ko ha – puro “kulot” nga eh. Alam ko, mas magaling ka dahil puro “unat” yang mga grades mo.

Wala lang, trip ko lang na i-post.  Sa kabila ko inilagay para naman umiksi- iksi ang post na ito.  Niliitan ko na rin ang font size, para hindi mo pagtyagaang basahin kung hindi ka interesado (saka empre dyahi din ako). Pwede mong hindi puntahan yun at dumiretso na lang sa ibaba, duon sa “madyik” ng math.

Baka lang may maligaw na namang isang kaluluwa dito na namomoblema sa grades niya ngayon. Huwag mo gaanong kadibdibin yan tols… lilipas din yan.

May dalawa akong kapitbahay na Koryano nuon dito sa building, estudyante ng CLSU (sawa kami sa kimchi na sila mismo ang gumagawa).  Pinay ang asawa nung isa kaya umuwi sa Nueva Vizcaya, derpor naiwan itong isa… Matagal na palang hindi dumadating ang allowance, hindi nagsasabi sa amin — malamang nahihiya. Napuna ko na lang ang pangangayayat nya. Dati-rati, lumalabas; pag-uwi, may pinamiling groceries — nitong huli pirming nagmumukmok sa bahay nya. Ay hindi na pala kumakain? Kaya sa tuwing magluluto si misis, hinahatiran na rin namin ng pagkain. Awa ng Diyos, dumating naman agad ang allowance. Nung grumadweyt sya, hindi nakalimot na kami’y imbitahan though hindi nga lang kami nakapunta.

Ahehe… naibida ko lang kasi medyo kinabahan ako nuon.  Ang dalawang ito ang nagkwento sa amin na may mga kababayan daw sila (sa Korea) na suicidal kapag hindi na-meet yung expectations sa pag-aaral. Mas lalo sigurong mahirap makapasa kung walang laman ang sikmura, dagdag-lumbay pa yung malayo ka sa pamilya at mga kababayan mo.

Ikaw?  Bokya ba’ng mga grades mo?  Baka naman yun laang e, pakamatay ka na?  Yan ang huwag mong gagawin. That is more dishonorable that flunking your subjects. Just do your best. Kung na-kicked-out ka, ay di sa ibang school – tignan mo nga yung barkada ko.

Aheh, nandito yung grades ko nung college → 😳

Uy!!! Nakabawi siya ng retake sa math 26…:mrgreen:

Hmp! Yan yung subject na wala pala sa curriculum ko nung nag-shift ako sa DevCom!😕 (tsamba lang yan, sabi ko nga sayo, bobo ako sa math)

Eto ang math na GUSTO ko… subukan mo nga? Tignan ko nga kung hindi ka mawindang din:

Mathemadyiks?

1 x 8 + 1 = 9

12 x 8 + 2 = 98

123 x 8 + 3 = 987

1234 x 8 + 4 = 9876

12345 x 8 + 5 = 98765

123456 x 8 + 6 = 987654

1234567 x 8 + 7 = 9876543

12345678 x 8 + 8 = 98765432

123456789 x 8 + 9 = 987654321

1 x 9 + 2 = 11

12 x 9 + 3 = 111

123 x 9 + 4 = 1111

1234 x 9 + 5 = 11111

12345 x 9 + 6 = 111111

123456 x 9 + 7 = 1111111

1234567 x 9 + 8 = 11111111

12345678 x 9 + 9 = 111111111

123456789 x 9 +10= 1111111111

Hingaaaallll!!! Pahinga munha thayoo…

Maalala ko, October 8, 2008 ngayon, kaya itong araw na ito ang talagang et-et-et (08-08-08).😆 Kung hindi mo pa nabasa ang diskusyon ko tungkol sa kasaysayan ng kalendaryo, ay talagang eepal ka nga.

Kaya nga October – “octo” means eight, this is in fact the 8th month. Kung hindi ka maniwala sa akin puntahan mo ito → Kalendaryo sa ibang anggulo.” Balik ka dito dahil hindi pa tayo tapos.

Tuloy natin ang ‘madyik’ ng math. Huwag ka bumilib sa akin dahil ito’y nakuha ko lang naman sa email messages na ni-send sa misis ko. Ayan… puro et-et-et-et-et-et-et-et itong susunod.

9 x 9 + 7 = 88

98 x 9 + 6 = 888

987 x 9 + 5 = 8888

9876 x 9 + 4 = 88888

98765 x 9 + 3 = 888888

987654 x 9 + 2 = 8888888

9876543 x 9 + 1 = 88888888

98765432 x 9 + 0 = 888888888

Anggaleeeeeeeeng!

And look at this symmetry:

1 x 1 = 1

11 x 11 = 121

111 x 111 = 12321

1111 x 1111 = 1234321

11111 x 11111 = 123454321

111111 x 111111 = 12345654321

1111111 x 1111111 = 1234567654321

11111111 x 11111111 = 123456787654321

111111111 x 111111111=12345678987654321

Now, take a look at this → 101%

From a strictly mathematical viewpoint:

What Equals 100%? What does it mean to give MORE than 100%?

Ever wonder about those people who say they are giving more than 100%?

We have all been in situations where someone wants you to GIVE OVER 100%.

How about ACHIEVING 101%?  But first, What equals 100% in life?

Here’s a little mathematical formula that might help answer these questions:

If

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

is represented as:

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26

then,

HARDWORK

8+1+18+4+23+15+18+11 = 98%

and

KNOWLEDGE

11+14+15+23+12+5+4+7+5 = 96%

But!

ATTITUDE

1+20+20+9+20+21+4+5 = 100%

THEN, look how far the love of God will take you:

LOVEOFGOD

12+15+22+5 + 15+6 + 7+15+4 = 101%

Therefore, one can conclude with mathematical certainty that:

While Hard Work and Knowledge will get you close, and Attitude will get you there, it’s the Love of God that will put you over the top!

Okey ba?  Opkurs pwedeng play of letters and numbers lang yan.  Bakit? Kelangan mo pa ba ang pruweba ng math para maniwala dyan?😉

————————————————————————————————

Now faith is being sure of what we hope for and certain of

what we do not see.

Hebrews 11:1

Published in: on 8 October 2008 at 8:00 pm  Comments (14)  
Tags: , , , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/10/08/ma-windang-ako-sa-math/trackback/

RSS feed for comments on this post.

14 CommentsLeave a comment

  1. Sa “Berdey wish” post, may nabanggit akong 4 greatest human virtues according to the Native American Indians.
    May napuna akong konting “congruency” (or maski sabihin na lang nating relationship) dyan sa apat na nasa itaas…

    Courage ↔ Attitude
    Strength ↔ Hardwork
    Wisdom ↔ Knowledge
    Generosity ↔ Love of God

  2. aba itay.. ang galing mo.. well pareho pla tyong bobo sa math rin.. pero mukhang ikaw itay ay nakasagap pa ng konting katalinuhan nung mghagis si lord ng talino sa math.. ako zero.. heheh..

    itay anu yung form5 di ko lam yun di bale sige babbalik ako sa panahon nyo ng malaman ko.. hehehe.

    ————————————————

    Itay: Ahehe, hindi ako ang gumawa ng mathematical equation formula na yan, nanenok ko lang.😆

    Ang talino naman, hindi magiging tutuong kagalingan
    hangga’t hindi naipaglilingkod para sa kabutihan.
    Kung sa panlalamang ng kapwa ginagamit para sa pansariling ganansya lang, ay katusuhan ang dapat itawag duon –
    “hangal” ang tawag ng Bible sa mga taong ganun.

    Ikaw anak, mabait ka naman di ba… kaya matalino ka rin.😉
    Opkurs naihahasa yan hindi lang ng pag-aaral, kundi maging
    ng karanasan.

    “Form 5A” ang pagkakatanda kong tawag dun sa listahan
    ng grades na inere-release kada end ng semester.
    Maalala ko… itenetelegrama din nga pala yun sa address ng bahay ng estudyante – kaya walang lusot ang anak sa mga magulang o guardian niya.😆

  3. ang galing naman nung sequences at nung letters. haha.
    at least nakagraduate, di ba? proud UP alum ka na!

    ————————————————

    HBH: Kung sa pagiging UP alumnus lang, ay maraming
    di hamak na mas magagaling pa kaysa sa akin.🙂

    I do take more pride here: despite the heavy blows of life – some trials, some rebukes (mas marami pa yata) for my not-so-good ways, the Lord didn’t fail me.😉

    About the numbers…
    Ang dad ko nuon, nahilig sa numerology;
    pero bago sya pumanaw, mukhang sinawaan na rin…
    My brothers are CPAs by profession; some of my nephews and nieces are math majors… Ako nga lang yata ang hindi magaling dyan, though impressed din ako sa ‘wonders’ ng math.😀

    Naalala ko tuloy si Blaise Pascal, great mathematician and religious convert… At si John Nash, a mathematician who rose into fame despite his schizophrenia.

  4. wow ang cute naman ng mga yun hehe
    kinopya ko na po para mashare ko sa mga friends ko
    math major din kasi yung mga yun hehe
    bigatin po opla mga nging kurso nyo kuya

    ————————————————

    HBH: Uy, talaga ha?
    Yung ilang pamangkin ko rin, math majors.🙂
    Yung isa, mahigit isang taon nang nakagraduate ng Applied Mathematics (sa UPLB din) ; nagtatrabaho ngayon sa isang
    call center sa Makati, not as a ‘call-center guy’ kundi sa isang departamento dun na nagagamit yung specialization nya.

    Ahehe. Tutuo, iho… talagang bigatin yang kurso ko –
    ang heavy-heavy suskoday!😥 (jokes)

    Hindi… sa tutuo, madali lang ang kurso dahil nakahiligan ko
    visual arts (kuno) … Sa journ, ok pa; pero sa radio broadcasting, medyo pumipiyok ako… Yung mga subjects na wis ko gaanong type ang talagang hindi ko naseryoso – maipasa lang ba?😳

  5. […] Tamo yan, Loyalty Day pala ngayon ng aking Alma mater nalimutan ko na? Si misis pa (TIP-graduate) ang nagpaalala. Malimit kasi syang pumupunta sa PhilRice, maraming UPLB alumni duon. […]

  6. woohoo!

    okey lang yan ninonG!

    ako may line of seven na ata!

    dyosko!

    at baka maalis pa sa dl!

    ano ninong pakamatay na ako?

    no way!

    i lab life!

    ————————————————

    Ninong: 79 siguro?
    Pinakamataas na line of seven pa rin yun. 🙂

    Oo, bad yung suicide… Kaya, for life!
    Hangga’t humihinga, may pag-asa.😉

    Hmm, teka… ikaw ba ito → 104? Kaya mo itaas yan sa 14.

    Syanga pala, si misis — may pinsan na SLU alumnus,
    at staff dyan ngayon.

  7. ang galing nun..

    sem break na nga.. eto ang unang taon na wala akong sembreak.. hay.. nakakamiss magbakasyon..

    tama ka kuya.. “love of God”! nga will lead you to the top..

    “Now faith is being sure of what we hope for and certain of

    what we do not see.”

    — Hebrews 11:1

    nakatulong talga tong verse na ito sakin today..🙂
    God bless po..

    ————————————————

    Homebodykuya: Ay! Anggulat ko naman.😀

    Kasi, alam mo bang kasisilip ko lang sa blog mo?
    Mga ilang minuto lang siguro matapos itong comment mo
    (at bago ko sya nakita) … Hahaha, baka nga sabay pa tayong nagcomment sa blog ng isa’t isa.

    It’s good to hear from you jezreel.🙂
    God bless.

  8. ayaw ko ng math. kaya nagnursing ako eh. kaso may math padin. buti madaling math lang hehehehe

    ————————————————

    Klasmeyt: Madaling math… waw! Talaga klasmeyt?
    Kung may nursing sa LB, ako kaya pwede?🙄

    Nung hayskul kasi, field of interest ko rin ang biology – especially human anatomy; pero nung college, nahirapan ako dun sa mga technical concepts ng “DNA” at “RNA” atsaka
    yung glycolitic pathway bang kung ano yun…😛

  9. yaw ko din ng math pero grabe puspusan tlga ako jan… buti naman at naipapasa ko hahaha…
    at congrats dahil after all the hardships pala at tagal na pag-hahangad mo dati makatapos, nakatapos ka rin yehey!

    ————————————————

    HBH: Hongah e…😀
    Ang goal ko nuon, grumadweyt at makapag-apply agad
    ng ‘matino-tinong’ trabaho… Sa sitwasyon namin nuon,
    hindi na ako naging gaanong konsyus sa mga career-career. Nasubukan kong mag-working student nang saglit lang… Ahehe, hindi ko kayang pagsabayin — naeengganyo akong
    hindi na tapusin ang pag-aaral at magtrabaho na lang.

    Pagkagraduate, wala pang two months may trabaho na agad. More than 12 years din ako sa permanent job… Hindi na ako nag-graduate study pa dahil hindi ko naman talaga type.
    Most thankful ako sa “non-academic” knowledge at experiences sa UPLB… At syempre yung mga natutunan ko rin sa job ko.

    Ang nakahiligan kong hanapbuhay ngayon ay wala namang gaanong kinalaman ang mga napag-aralan ko.😆 Sabagay, napakinabangan ko naman na yun nuon.

    Sa taas ng tuition fees at mga bilihin ngayon, higit na mapalad ang mga estudyanteng nakakapag-aral nang maluwag at hindi dalahin kung ano ang ipangmamatrikula at gagastusin nila.

    (Kaya mga anak, samantalahin —😉 pag-igihin ang pag-aaral.)

    Ay, ahehe… para sa mga estudyante lang yang enclosed in parenthesis Rhapsody… (tayo nama’y nakaraos na dyan)🙂 Na-carried-away na naman ako — dito ko pa nailagay sa comment mo.

  10. May mga wonders at mysteries nga talaga ang Math! Thanks for sharing.

    ————————————————

    HBH: Tunay… marami pa akong nakitang ibang mathematical equations na hindi ko maintindihan kung paanong nangyari.🙂

    Salamat din RJ, sa pagbisita…
    Nasa blogroll ko na ikaw → Blogamundo

  11. naalala ko yung mom ko din may mga nakuhang spanish ek ek na yan.. pero mukha namang interesting.. heheh Unless di talaga interested at di naman related sa course na kukunin..Actually, problema pa rin naman naming mga estudyante yang mga “epal” na subjects na yan na kung tutuusin, pwedeng wala na at dagdagan ng mas related pa sa course.. Eh ok na nga sana yung ganun eh kaya lang mga mga professors na mas mahigpit pa kesa sa mga major subjects namin! aba aba!!

    wow kimchi! hahah sana binigay nyo na lang sakin yung mga natirang kimchi.. uubusin ko😆

    madami na kopng nabasa tungkol sa pagpapakamatay ng mga students sa korea. Kawawa naman kasi sobra yung expectations sa kanila na parang nangangarag na sila tapos pag hindi na-meet yung expectations na yon.. wala na.. sawa na rin mabuhay..

    Nakow kung math po nanginginig p[a ko habang sinasagutan ko.. haha kasi boploks din ako. Kaya parang perfect para sakin yung kinuha kong course kasi bukod sa may foreign language na, konti pa ang math o, ha!

    woww.. nagka amor ako sa math ng kaunti dahil sa huling nakita ko.. WOW!

    ————————————————

    Kuya Teddy Bear: Madali lang para sa ating mga Pinoy
    ang espanyol kasi part na sya ng language natin… Dyan sa last paragraph mo, may isang Spanish word… “amor” means love.

    Hmm… interesting din naman sya…
    Naalala ko tuloy yung isang kaklase ko nung highschool
    (may spanish elective pa nuon sa highschool)… May photo studio kasi sa Calamba na ang pangalan ay “La Forteza Studio” – nagpapatawa sya, eka nya eh: “Yo estudio la forteza!”😆

    Ahehe… yang Korean neighbors namin, alam mo bang
    batya ang gamit nila pag gumagawa ng kimchi? Andami talaga, kasi pwede naman i-store at ilagay sa ref… Sa sarap-anghang, Korean homemade talaga ang dating.

    About suicide… May similarity ang Japanese at Koreans when
    it comes to honor and dignity… may plus🙂 at minus😦 side.

    Tingin ko nga, bunso, enjoy na enjoy mo ang kurso mo… Ganyan yata ang tinapos ng isang hipag ko? Wifey sya ni
    2nd brother ko na eka ng lolo eh mukhang koryano?😆 Nag-worked for some time ang sister-in-law ko sa Japan (matinong trabaho, may tita sya duon) at sa Department of Tourism (Luneta) dito… Matangkad din sya na paris mo.🙂

  12. […] Tatlong semester din akong nagsesenyas ng ganito
    (Nov 1978 – Oct 1980) kasi BS Forest Products Engineering pa nuon ang kurso ko. […]

  13. […] Trip kong magpudpod ng sandalyas sa Maynila nung nasa kolehiyo pa ako. […]

  14. ————————
    Boolaboy Berio
    […] “Teka mawarningan si bosing… boploks sa math yun i.” […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: