Nobenta na pala?

Tamo yan, Loyalty Day pala ngayon ng aking Alma mater nalimutan ko na? Si misis ko pa (TIP-graduate) ang nagpaalala… Malimit kasi syang pumupunta sa PhilRice, maraming employees at researchers na UPLB alumni duon.

Eto yung mga “kaganapan” (scroll down to see) → Calendar of Activities.

Plug-in ko na rin yung pinagkadalubhasaan ko → DevCom ‘Department’ pa lang ito nung grumadweyt ako, naging ‘Institute’ (IDC) and eventually ‘College’ nung nasa PhilRice pa ako.

Ahehe… Hindi naman siguro nila makikita itong blog ko?🙄 Huwag sana.😯 Baka i-disown nila ako.😳 (dyok lang)

Pero pramis, talagang nalimutan kong October nga pala yun – buti na lang nasabi ni misis, naihabol ko pa. Haynako, anghirap nang ganitong nagkakaedad. But on sekon tot, nung makita ko yang pikyur ng man-beast sculpture, naalala ko yung kasabihan:

“Kalabaw lang ang tumatanda!”

Yun lang…😆

Published in: on 10 October 2008 at 11:50 pm  Comments (8)  
Tags: , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/10/10/nobenta-na-pala/trackback/

RSS feed for comments on this post.

8 CommentsLeave a comment

  1. aba itay.. buti ka pa… may kunek pa sa alma mater mo.. hehehe.. ako ala ako pakialam.. pagkasibat ko dun.. hehehe..

    mag enervon prime ka itay.. para di magkamemory gap.. buti na lang nandyan si virtual inay..

    ————————————————

    Itay: Ahehe, Bonna Kid na nga ang iniinom ko anak. (joke)

    Sa tutuo lang antagal ko nang walang balita sa LB, maliban na lang sa mga huling napagkwentuhan namin ni bestfriend.

  2. HAKHAKHAK! MAY TITSER AKONG GRADUATE NG DEVCOM.. WALA LANG.. HEHE.

    ————————————————

    Manong: Uy anlakas ng loob nya – all caps pa!😀
    Sigurado ka bang DevCom, ateng? UPLB? CLSU?
    Anong pangalan?

    Yung professor namin sa Devcom nuon, buset na buset sa isang “sikat” na babae (RIP) sa Los Baños nuon – ipinamamalita kasi ng babaeng ito na DevCom alumnus sya, ay hindi naman talaga.

    “WALA LANG..” ehehe.
    Sa titser mo siguro pede mo sabihin yan, pero sa school? 😆 Unless na same-school-graduate ka, “wala lang” K ka sey
    kasi obyus daw na nagsa-sour grape ka lang…🙂

    Isnabera ka talaga, batopik… siguro pag hndi na ako nagbablog, mamisko ko yang pagdahak-dahak mo dito sa blog ko.😉
    Baydawey, ateng… suhi ako.

  3. astig! sayang nga lang at walang archi

    ————————————————

    HBH: …footlong?😆 thanks.
    Sa UP Diliman ang may archi –
    kaya pag UPCA, College of Architecture (Diliman) yun;
    dyan sa amin, UPLBCA is College of Agriculture.

    Sabi ng ilang kakilala kong members ng UAP, mas maganda
    daw kumuha ng Architecture sa UST… ahehe, siguro.🙂
    Basta ba Law at Medicine, sa UP pa din ako.😆
    (agfa-kodak ako dun o ► wheh!?)😉

    Sabagay, may kanya-kanya din namang “forte” ang iba’t-ibang mga kolehiyo at unibersidad… Also, it is a matter of personal preference… Mas marami pa namang matututunan during
    the actual practice pag nagtratrabaho na.

    Kaya din dyan sa UP Los Baños ako napasok ay dahil sya’ng pinakamalapit sa amin (Calamba) . Mababa ang tuition fee nuon (as compared to other SCUs) at may GIA scholarship.

  4. hayy very loyal po pala kayo sa alma ater nyo malamang active student po kayo doon noh?
    have a great day po

    ————————————————

    HBH: Ahehe, hindi… tahimik lang ako nuon.😆
    Atsaka ang tutuo tagal ko nang hindi nakikita ang Los Baños. This December, baka sakali.

  5. ah ganun po ba hehe akala ko po kasi active kayo
    by the way po just having my blog hop lang hehe
    have a great day and more power
    ska nga pala po im done with my kabanata v sana po makvisit kayo ulit

    ————————————————

    HBH: Tahimik as in nasa loob ang kulo?😆
    Hamo, pag nagbloghop ako, daan uli ako.

  6. marami akong mga kabarkada, kasama at kaibigan na sa UP-LB nag-aral, nagturo, natuto, nag-rebo, napariwara… hehehe

    kabilang ka na sa listang ito, bok.

    Mabuhay UP-LB🙂

    ————————————————

    Bok: Natumbok mo ehehe.
    Ako ang perpektong modelo o eksampol ng isang estudyanteng hindi dapat tularan… Sana ganyan din ang gets ng iba.😉

    Hewan ko ba, may nakakausap akong ilang taga-LB or Baguio,
    hindi maaaring hindi nila idugtong ang mga katagang:
    “Kuya, nag-cross-enroll (o nag-summer) ako sa Diliman.”

    Sa LB, mas marami yata ang instructors kaysa sa mga estudyante (transferee) galing ng Diliman… May dalawa ako — UP Fine arts graduate yung instructor ko sa photography,
    sa Conservatory of music naman yung sa Humanities.
    Yang instructor ko sa photography, naging una ko ring instructor sa DevCom 4… Natatandaan ko pa’ng sinabi nya nung isinabmit ko yung poster design na project ko:

    “Malayo ang mararating mo, bata.”

    Anlabo… hindi nagkatutuo? (kasalanan ko😳 )

    Sa KBCF (Kamuning) naman, marami akong dinatnan nang
    full-time pastor at missionaries na Engineering graduates at nagworked for a long time sa PNCC (mas matatanda nang konti) . 😛 May involved sa Nav, o kaya sa CCT.

    Yung isang pamangkin ko, dyan din nakapasa ng UPCAT at nag-aral… hindi naman nagrebo, pero nung mabyuda ang sister ko, hindi na rin itinuloy dyan. Nauwi sa LB, tapos dito sa STI-Calamba… so far, so good naman.

    Salamat sa pagbati, bok.😀 Mabuhay ang UP!
    Idamay ko na rin ang lahat ng Unibersidad sa Pilipinas!
    (Sana maging de-kalidad ang turo at bumaba ang tuition??)

  7. huwaw! at talagang si wifey pa ang nagpaalala sa inyo.. hehehe.. ok lang po yan, kaya ako din eh talagang hindi dapat mawala ang cellphone ko kasi nilalagay ko dun yung mga activities ko tsaka yung mga hindi ko dapat makalimutan (birthday, anniv, chuva ekek..😆 ) .

    ————————————————

    Kuya Teddy Bear: Wheh… ang siste, wala ako cellphone.😥

    May ibinigay sa akin na N80 ang pinsan kong taga-dyan
    sa atin (nagyabang pa e no?) , nung Jan 2007 pa naman… Ipinasa ko lang kay misis, kasi nga hindi naman kako ako naglalalabas ng bahay – maa-under-utilize lang…
    Ayun, gamit na gamit sa kanya, may pagka-lagalag kasi.😆
    Ang daming kakilala, tamo nga mas marami pa syang alam
    na balitang related sa akin, ahehe.

    Huling balita nya sa akin tungkol dyan sa Loyalty day:
    may mga nakaalala daw na mga co-alumnus ko sa akin…😳 Tats naman ako…

  8. helo,..I’m Sonny Pasiona, I’m currently taking BS Development Communication at UP Los Baños..I’ve learned dat u also graduated here.I just would like to ask if you could be my interviewee via e-mail on an exercise in my DEVC 10 (Introduction to DevCom) class here in UPLB. I’ll be asking u questions about devcom and the nature of work u have as a devcom practitioner. I badly need this interview coz this is one of the requirements in this subject so please! kailangang-kailangan ko po tlga ito…paki E-mail n lng po ako sa ________ or text nyo n lang po ako dito: ________. I’m looking forward for this interview kahit na thru e-mail lang..i nid your approval po not later than this tuesday (October 6, 2009). please, please po…aasahan ko po ang text or e-mail nyo..please po..tnx

    ————————————————

    HBH: https://homebodyhubby.wordpress.com/tag/philrice/

    (12 Oct 2009)
    Hi, Sonny. I hope may naitulong yung dalawang posts.
    Inalis ko yung email add at cel # mo dyan sa comment, baka lang ekako may pasaway na makabasa e i-gudtaym ka.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: