W’eno na?

Pagtapos mong magsunog-kilay (paris nito? → Ansipag mo bata! click mo) grumadweyt ka na rin (yehey!) …………🙄 Now what?

January 1988, pitong buwan pa lang akong naha-hire sa opisina. Dahil sa new year’s resolution, napaaga ako ng pasok. Bukod sa dalawang matandang sikyong duon na natutulog, ang aming payat at sakiting janitor pa lang ang dinatnan ko. Tutal wala pa namang alas-otso, naisipan kong i-set ang dala kong camera sa ibabaw ng mesa… KLIK!  Kunwari eka e janitor ako.

Nakangiti lang nuon si Jaojao nang isoli ko sa kanya ang dustpan at walis. Dati na syang nagsisilbi bilang janitor sa gusaling ito, kaya sya na rin ang na-hired ng aming ahensya. Sya ang may pinakamababang suweldo sa amin; malimit kantyawan ng drayber na pamangkin ng asawa ng aming bosing.

Seven months back (June 1987), initial operation ng PhilRice kaya sa pinaglumaang building ng IPB muna kami nag-o-office. Ito yung mga panahong pag tinanghali ka ng dating sa opisina ay wala ka na halos mauupuan dahil wala pa kaming sariling gamit.

Walo pa lang kaming main staff nuon – tatlong seniors (Exec Director, Dep Director, Scientist-Consultant) at limang juniors (1 architect, 2 plant breeding researchers, 2 communication specialists). Tambak ang application letters at biodata, kaya kasama sa trabaho naming lima ang magsalansan ng mga documents (at mag-screen na rin) ng mga applicants.

Nakakaaliw basahin ang mga nose-bleeding english sa mga application letters, o kaya titigan ang magagandang picture sa biodata ng mga dalagang aplikante (ang salbahe namin).

May hindi ako malimutang isa:

Robert tignan mo ito… architectural draftswoman! – eka ng kasama ko.

Tiningnan ko… Hindi naman mukha ng ideal girl ko ang nasa pikyur. TIP graduate, huling namasukan sa kase-sekwester na MHS ni madam imeldific. Though not impressed, medyo peculiar para sa akin yung mga skills nya. Babae, cartographer? As to her working experience, napakalawak na. Natanggap sya at nagreport the following month, naging barkada namin, at wala akong kamalay-malay na sya palang magiging lifetime GF ko.😉

Eto pa pala ang gawain ng apat sa amin nuon, pag wala ang mga bosing:

May walk-in applicants, magsa–submit o follow-up ng application nila… Lalapit sa unang mabubungaran (maski sino sa aming apat):

Applikante: Good morning po… mag-aapply po ng trabaho.”

Kakutsaba, babaling sa kahit sino sa aming tatlo na nasa gawing loob ng kwarto: Sir, mag-a-apply daw.(subordinate kuno)

Ahehe… pa-bosing-epek naman si Sir – buong kagulang-gulang na kakausapin ang walang kamalay-malay na aplikante.😆

Donk wori… maayos naman naming ine-entertain (kahit na may halong konting pang-gugudtaym); mababait naman kami, hindi kami nanghaharass. Atsaka isang buwan lang naman namin ginawa yun; the following month, may mga nadagdag nang empleyado.

Ilan lang ang natanggap sa dami ng mga nag-a-apply nuon. Wala namang intensyong mang-insulto pero prankang nasabi nung medyo bosing na ring kasama namin (wawa naman yung mga aplikante):

“Kayo naman kasi… Kung anu-anong kurso ang kinukuha nyo, hindi nyo tuloy alam kung ano ang trabahong papasukan nyo.”

Kung ikaw ang estudyanteng halos wala nang maipangtustos sa pag-aaral, makakapamili ka pa kaya ng gusto mong eskwelahan at kurso? Right after graduation, saan ka mag-aapply? Lalo na ngayon, maski in-demand pa ang kursong tinapos mo, sa dami ang grumadweyt at sa kakapusan ng pwedeng aplayang trabaho dito, mahirap pa rin, maliban na lang kung ‘kilala’ ang eskwelahang pinagtapusan mo, o di kaya’y super-taas ang mga grado mo.

Sa iba, meron pa palang isa😆 dapat may “kunek” ka… Kaya minsan huwag na tayong magtaka kung magkababayan o magkakamag-anak ang mga magkakaopisina.

Ahehe ewan ko baga. Basta mga bataan, choose wisely and be definite sa kukuning kurso. Pag nandun na, okey… mag-shift ka kung ubra pa. Baka lang mawili ka? Yang pag-urong-sulong na kasi-shift ng kurso, baka in the end wala ka ring matapos nyan?

Sikaping makagraduate. Apat o limang taon lang naman yan. First things first. Saka ka na magsalawahan pag hindi na gaanong limitado ang time at financial resources mo.

Olrayt… siguro nga may ilang nagsisi dahil iyon ang kursong kinuha nila, pero palagay ko naman mas marami pa rin ang nagsisi dahil sinayang ang oportunidad na makapag-aral at makapagtapos nuong bata-bata pa sila.

Marami pang pwedeng mangyari pagkatapos ng lahat, marami ka pang panahon para makapag-isip-isip… Basta pilitin mong grumadweyt, okies ba?😉 Para man lang kina ama at ina. Isali mo na rin si bunsoy.

Ilista ko lang yung “W’eno na?” nung apat pang kasama ko:

1. Researcher #1. UPLB Agronomy(?) graduate, matalino at may work experience na.  Anak ng isang national scientist… More or less one year lang sya sa PhilRice dahil lumipat ng America (nag-graduate studies yata).

2. Researcher #2. UPLB Hoticulture(?) graduate, cum laude. Maykaya din. Maaga ring nagresigned, ang huling balita ko ay nagseminarista o nagpari (am not sure).

3. Specialist #1. UPLB DevJourn graduate, cum laude. Palaban ini!

Tubong-Benguet, laki sa hirap. Nagresigned din agad at nagpalipat-lipat

ng trabaho within the Los Baños area. Nagturo pa nga sa elementary. Kinuha kong bestman nung ikinasal kami ni misis (1990). Huling balita ko, nag-full-time pastor ng Bible Baptist Church sa LB.

(Ako yung specialist #2. Ahehe, papaano nga ba ako naging qualified sa trabahong ito?  Ngayon, custom-framer lang ako, hehe.)

4. Architect. University of Pangasinan, topnotcher sa board exam. May malawak na ring experience sa architectural practice bago pa pumasok sa PhilRice.  Nauna nang ilang buwan kaysa sa akin na napalipat dito sa Nueva Ecija (1989). Kasa-kasama nya ako sa mountain-hike at mga galaan. Nagresigned ako nung 2000, sya hanggang ngayon nasa PhilRice. Apat na ang anak, ninong ako nung pangalawa nya (eldest son).

Si Jaojao na janitor na nabanggit ko kanina, kasama ring napalipat dito. Namatay sa sakit ang bunso sa dalawa nyang anak nung early 1990s. After 21 years, narito pa rin sya sa PhilRice bilang messenger. Nakatutuwang isipin na mapagtatapos na nya ang panganay na anak sa kurso nitong arkitektura.🙂 Hindi magtatagal mamatupad na rin ang pangarap ng anak at ang matagal nang pinakamimithi ng kanyang ama.

March 1994, 7th National Rice R&D workshop. Hindi ang buong staff ang nariyan sa gitnang pikyur, pero kasama namin ang taga-ibang networks sa ibang panig ng Pilipinas… Ako yung naka-light blue na polo at may hawak na camera sa dulong kanan, si misis ko ang nasa likod ko.

Marami nang mga bagong mukha sa dati kong opisina, mga hindi ko na kilala at hindi na ako kilala (Si misis, kakilala pa rin ang halos lahat ng staff duon).

Sa mga dating kasama ko, may mga naruon pa – nakikita ko lang sa tuwing ako’y pupunta sa Barangay Maligaya sa panahon ng eleksyon. May mga pumayat, may mga tumaba; may puti na ang buhok… yung iba itim o puti ay talagang halos wala ka nang makita.🙂 May ilang mga nagretiro na.

May mga hindi ko na nakikita, ang ilan yumao na… Marami ang lumipat na ng opisina o kaya’y nangibang-bansa… May mga nag-career shift na kagaya ko, mayroon din namang mga nagpakadalubhasa.

Maiba ako…

Natutuwa ako sayo, kaibigan… asensado ka na.

Kaya mo bang tumitig sa aking mga mata (?) at sabihing:

Narating ko ang tugatog nito nang walang tinapakang iba.

O… apipikon ka agad eh😆 — indi mo pa naman niki-CLICK yang pikyur ko.

Itaat yan neto →

Dyok taym — “PINAY BAKSER SI INDAY

(nadekwat ko lang sa email ni misis)

Dahil sa tindi ng kahirapan sa probinsya, namasukan si Inday bilang katulong sa Maynila. Habang ini-interview ng amo…

Amo: Kelangan namin ng katulong para mag-ayos ng bahay, magluto, maglaba, magplantsa, mamalengke, at magbantay ng mga bata. Kaya mo ba ang lahat ng ito?

Inday: I believe that my trained skills and expertise in management with the use of standard tools, and my discipline and experience will contribute significantly to the value of the work that you want, my creativity, productivity and work-efficiency and the high quality of outcomes I can offer will boost the work progress.

Amo: [nosebleed]

Nakaraan ang dalawang araw, umuwi ang amo, nakitang me bukol si junior.

Amo: Bakit me bukol si junior?

Inday: Compromising safety with useless aesthetics, the not-so-well engineered architectural design of our kitchen lavatory affected the boy’s cranium with a slight boil at the left temple near the auditory organ.

Amo: [nosebleed ulit]

Kinagabihan, habang naghahapunan.

Amo: Bakit maalat ang ulam?

Inday: The consistency was fine. But you see, it seems that the increased amount of sodium chloride (NaCl) affected the taste drastically and those actions are irreversible. I do apologize.

Amo: [nosebleed na naman]

Donya: Bakit tuwing paguwi ko, nadadatnan kitang nanunuod ng TV!?

Inday: Because I don’t want you to see me doing absolutely nothing.

Donya: [hinimatay]

Kinabukasan, sinamahan ni Inday si junior sa principal’s office dahil di makapunta ang amo at donya.

Principal: Sinuntok ni junior ang kanyang kaklase.

Inday: It’s absurd! It was never a fact that he will inflict a fight. I can only imagine how you handle schizophrenic kids on this educational institution. Revise your policies because they suck!

Principal: [nag resigned]

Pag dating sa bahay, nandun na ang amo, galit na galit.

Amo: Inday, bakit nagkalat ang basura sa likod ng bahay!?

Inday: A change in the weather patterns might have occurred wrecking havoc to the surroundings. The way the debris are scattered indicates that the gust of wind was going northeast causing damage to the path it was heading for.

Amo: [napatumbling]

Habang nagluluto si Inday ng hapunan, malikot si junior.

Inday: Stop your raucous behavior. It is bound to result in property damages and if that happens there will be corresponding punishment to be inflicted upon you!

Junior: [takbo sa CR, pinunasan ang nagdudugong ilong]

Pagkatapos magluto, nanood na ng TV si Inday. Nabalitaan nya umalis si Angel Locsin sa GMA 7.

Junior: Bakit kaya sya umalis?

Inday: Sometimes, people choose to leave not because of selfish reasons but because they just know that things will get worse if they’ll stay. Leaving can be a tough act, and it’s harder when people can’t understand you for doing so.

Junior: [tuloy ang pagdugo ng ilong]

Nung gabing yon, me nagtext ke Inday. Si Dodong, ang driver ng kapitbahay, gusto makipag-text-mate.

Inday: To forestall further hopes of acquaintance, my unfathomable statement to the denial of your request – Petition denied.

Di naglaon, dahil sa tyaga ni Dodong, naging syota nya rin si Inday. Pero di tumagal ang kanilang relasyon, at nakipag-break si Inday ke Dodong.

Inday: The statute restricts me to love you but you have the provocations. The way you smile is the proximate cause why I love you. We have some rules to think of. We have no vested rights to love each other because the upper household dismissed my petition.

Dodong: Perhaps you are mistaken, what you seem to contrive as any affections for you are somewhat half-hearted. I was merely attempting to expand my network of interests by involving you in my daily recreation. Heretofor, you can expect an end to any verbal articulation from myself.

Me dumaan na mamang basurero, at narinig ang usapan ni Inday at Dodong.

Basurero (sabi ke Inday): Be careful in letting go of the things you thought are just nothing because maybe someday you’ll realize that the one you gave away is the very thing you’ve been wishing for to stay.

Narinig ang lahat ng eto ng amo ni inday.

Amo: [hinimatay sa sobrang nosebleed… Hanggang sa mga oras na ito, hindi pa nagkakamalay]

(Ahehe… ano kayang kurso ang tinapos ng tatlong ito?)🙄

Basta ba marangal ang trabaho, walang kaso. Type nyong mag-abroad? Wala akong nakikitang masama duon… Pero kwidaw: HUWAG KAYONG PAPAYAG maski ‘pag-artistahin’ lang nang paris nyang nasa bidyo.

Sori po. Napanood ko lang kasi ito sa balita sa TV – Hindi ko na naman mapigilang manggalaiti sa inis.😡

Ang hinayupaks na mga kupal na iyan! Baka isipin ng mga makakapanood eh, ganyan ang mga Pinay! Komo ba ‘mas malalaki’ sila? Hindi ko ugali manlait ng mga puti, pero ahehe… huwag nila tayong bababuying mga Londres sila.

Makatagpo sana kayo ng Pilipinay-katulong na paris ni Inday.😆

Published in: on 18 October 2008 at 11:48 pm  Comments (9)  
Tags: , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/10/18/w%e2%80%99eno-na/trackback/

RSS feed for comments on this post.

9 CommentsLeave a comment

  1. kuya homeboddy!!! hahahahaa sobrang natuwa ako sa entry na to sa dalawang kadahilanan.. hahaha!

    una po, nung mabasa ko ang pangalan ng school ko na TIP!!! Woohoooo!! hahahaa.. uber proud talaga eh noh?? hahaha!! saya talaga! akalain mo yun??!! Wala lang.. exagge lang talaga hahaha.. minsan ko lang kasi makita ang mga alumni ng school ko kaya alam mo yun, mabasa ko lang yun, masaya na ako hahaha..

    ikalawa, sobrang patama ang entry na ito sa akin.. kasi im planning to transfer and, if possible, mag shift ng course.. huhuhu.. graduating na ako ngayon sa kursong ECE.. pero dahil tingin ko… uhmmm.. ganito na lang, ikoquote ko ang linya ni Inday kay ANgel Locsin:

    Sometimes, people choose to leave not because of selfish reasons but because they just know that things will get worse if they’ll stay. Leaving can be a tough act, and it’s harder when people can’t understand you for doing so.

    magulo lang po talaga ang mga bagay-bagay..

    ito ang isa sa mga topics ko sa isa sa pinakahuli kong entry na Pain. Tears. Goodbyes

    http://fjordz-hiraya.blogspot.com

    ————————————————

    HBH: Ngyak! nitamaan ka pala — indi ko tadya… ehehe.
    Sayang naman yung ECE mo… eniwey, marami sanang credits dyan na magamit mo pa sa lilipatan mong kurso… Siguro naman makumpleto mo na yan.😉 Huwag lang self-remorseful, iho…
    At huwag ka munang mag-aasawa, bata ka pa naman.

    TIP sa Quiapo si misis, alumnus na sya ilang taon pa bago
    ka nipanganak.😆 Hirap din sya nuon, lalo na nang maagang namatay ang father nya. Nag-ambag-ambag lang ang mga kaklase nyang maykaya hanggang sa makatapos sya. Nag-working student din, hindi na nga namalayang
    preparation na pala ng commencement exercises nila, kaya nung punta nya, magmamartsa na ang mga klasmeyts nya…
    No big deal… Hindi nakasama sa mga nakatogang nag-march; importante, grumadweyt.

  2. Napakagandang payo sa mga estudyante! Sana mabasa nilang lahat ito.

    Yung sa video naman, parang hindi ko rin nagustuhan. Gusto ko ring pa-applyIN si Inday doon. Hahaha!

    ————————————————

    HBH: Salamat, RJ.🙂 Buti tayo, nakaraos na…
    pero sa tutuo lang, yang buhay-estudyante ko sa kolehiyo
    na yata ang ‘pinakamakulay’ na bahagi ko.

    Yang video, specifically mentioned kasi ang ‘Filipina maid’
    na ibinubugaw – binugaw as in “tsinupi” hehe.😆 Hindi na bale sana kung ala-Lady Di ang rolyo eheheh.

    Ako nama’y may pagka-liberated din, kaya lang may mga uber-self-confident kasing makapagproduce lang ng ‘moderno’ at ‘artistic’ (kuno) na sitcom/bidyo eh, hindi na iniisip ang ipinakikitang value… Sa mga ganyang taong may kimkim na galit sa dibdib nagmula ang anti-negro at anti-semitic na paris ng Ku Klux Klan — mapanlait sa mga akala nila ay mga bobo.

    Ibang klase nga ang ingles ni Inday – “dinaig” pa ang britons.

  3. Antanda mo na talaga. Jokes.

    ————————————————

    HBH: Nyay?
    Ang alam ko kasingtanda mo pa lang ako ► “7 + 10 = 17
    yan e kung kalilimutan ko yung 10+10+10.
    (Hmm… pwede pa naman siguro akong isingkaw.)😆

    Sabagay hindi naman halata kung di ko aaminin kasi minsan, “asal-bata” ako.😆 Hindi ko kasi sinunod ang payo sa akin ni Dad nuon na maglalabas ng bahay at huwag kadibdibin ang problema nilang mag-asawa…

    Kaya eto ako ngayon, isang ‘tang-edyer’ – bumabawi-bawi sa mga naunsyaming (mababaw na) kaligayahan nuong ‘tinedyer’ pa ako.😉 Mahirap mag-dare ng ganito – takot lang (daw) na mabastos sila ng mga mas bata… Hindi ko sila masisi – may
    mga kabataan din kasi na sa pagkailang o galit sa ‘awtoridad’
    ng mga mas nakatatanda eh sasamantalahin o aabusuhin agad ang minsang pagbababang-loob ng mga matatanda (sa mga pamangkin ko, wala namang ganun sa aming tito at tita nila) .

    Sa ganang akin, maano naman, di ba? …hindi naman
    ako mababawasan. E di balansehin (anhirap nga ehehe) .
    Mas bad trip kaya ang maging grumpy old man.

    Nyanga pala… 33 years old na ako dyan sa group pikyur.
    O… hindi halata di ba?🙂 (humirit pa)

  4. hello hehe
    una: about dun sa janitor hehe you know what po may kakilala me na janitor dati pero nagyun may ari na ng isang negosyo…para sa akin kasi it wasnt the professionalism after all kung may diskarte ka sa buhay kaya mong iangat ang sarili mo sa iba.

    pangalawa: about sa lifetime gf nyo po…nakakatuwa naman i never had a very serious relationship…kaya nakakainggit talag yung mga couple na tumatagal ng husto sana i will able to meet a girl that was really right for me…well may plano naman siguro si God na Bigyan ako nun haha

    pangatlo: anout dun sa mga nagtrabaho na hindi naman related sa course nila…plagay ko po mayroon po talgang mga tao na maspipiliin ang mas magandang oportunidad para sa kanila at para na din sa pamilya nila…so acceptable naman yun kahit paanopero if you really love your course eh dapat i pursue mo yun up to the end at gamitin mo sa magiging trabaho mo sayang naman kasi na nagaral ka ng 4 years tapos di mo rin sya maaaply…

    pangapat:about sa video….hay naku kuya palagay ko yung pinay talaga ang may mali….sana inisip nya man lang ang bagay na iyon na makakasama sa imaheng mga filipino….

    thanks kuya nagenjoy me sa post mo have a great day

    ————————————————

    HBH: Waw anhaba ng comment – tayp!😀 (tutuo yan, pramis)

    1. Yun yun eh: “Diskarte”…😉
    Palagay ko yung ‘Hard work’ (98%) at ‘Attitude’ (100%)
    na nabanggit sa ► “Ma-windang talaga ako sa math!” ang ubra natin itapat dyan, higher than ‘Knowledge’ (96%) lang.

    2. Kung kalooban ng Diyos na hindi ka maging single habambuhay, may isang babaeng nakalaan sayo.😉
    (kinikilig ako pag sinasabi ko ito) .

    3. Ang pamimili kasi ng kurso ay karaniwang nangyayari
    sa mga panahong tayo ay bata-bata pa… Kung sasabayan pa yan ng kahirapan ng pamilya, lalo ngang magmamadaling makatapos itong estudyante — maski anong kurso na lang na hindi nya type, makapagtrabaho lang agad.

    Mapapalad ang mga estudyanteng buong-layaw na napag-
    aral ng mga magulang nila, yung hindi ni-pressure in any way. Sa kabilang banda, higit na mapalad ang mga napagtagumpayan ang pag-aaral sa kabila ng kahirapan, at kalaunan nai-pursue na maging career nila ang kursong tinapos.

    Sabagay yung burgis na estudyante, posible rin namang magluko; at yung pobreng estudyante, pwedeng magluko rin,
    or pwede rin namang maging hamon yung kahirapan para lalong magpursige at magpakatino… Samakatuwid,
    diskarte uli ang aandar dito, di ba?

    Malaking bagay yung kung ano ang mayroon tayo,
    pero higit na importante yung kung paano natin i-handle
    ang kung anuman ang mayroon tayo.

    Yung dalawang brothers ko, Accounting ang tinapos na kurso, after 20 years CPA pa rin at maligaya naman sa propesyong pinili nila.

    May mga kakilala naman akong nagpakadalubhasa
    hanggang nakapag-PhD sa isang kurso, pero alam mo ngayon, blue-collar ang trabaho nila – at dito mas nakapaglilingkod sila nang mas mahusay sa tao, nakapagproprovide sila sa pamilya nila, at mas masaya sila. Palagay ko naman sa kalagayan nila ngayon, mas nalulugod ang Panginoon sa kanila.
    Pag maligaya ang isang tao trabaho nya, mahusay nyang ginagampanan ito – hindi paris ng ilan na napipilitan lang dahil ibinilanggo ang sarili sa inumpisahang kurso na talaga naman
    (o kalaunan ay naging) hindi nila nasa puso…

    Ahehe, naalala ko tuloy yung kagalang-galang (ehem!!!)
    na mga abugado na tumatanggap ng suhol…

    Diskarte… at flexibility na rin.

    4. Uber din kasi ang racial discrimination sa mga Asyano
    (lalo na siguro sa mga intsik) sa lugar na iyan kaya buset na buset ako. Pero tama ka blue, hindi naman basta gaganyan-ganyanin iyang Pinay kung ayaw nya – kaya nga malinaw na yung in ALL CAPS na mensahe ko dyan sa itaas ng bidyo na “HUWAG KAYONG PAPAYAG” ay patungkol sa mga kababayan natin… Ayaw ko na nga lang ipagdiinang ang shunga-shunga nyang Pinay kasi lalabas akong nangdi- discriminate din.

    Sabagay, naniniwala akong ang pagiging hangal at mangmang
    ng isang tao ay hindi dahil likas ang gayun sa kanya, kundi dahil iyon ang choice nya – pinili nyang magpakahangal o magpakamangmang.

    Maski naman ang pangdi-discriminate, hindi likas sa tao… choice nya rin iyon na magpakatarantado.😆

    Aush ba dude…😉 Bloghop ako ngayon (22 Oct) – mayamaya… Napuyat kasi ako kagabi sa napakaiksing post na sumunod dito.

  5. feel na feel ko ang entry na to… lost soul kasi dati nung magdedecide na mag-aral sa college. ang nasa isip ko lang nun ay makapag-aral sa manila para lumayo… pero while andun, nag-enjoy ako pero di ko makita yung umaakyat ako sa corporate ladder. hirap na hirap ako… ngayon naman, i think everything worked for the best.. at least that’s what i thought about what i’ve gone through… nakatulong naman ako kahit papano sa magulang ko at eto, hinahanda ko pa sarili ko sa kung ano pang pwedeng tahakin. in short, excited ulit sa buhay…

    ————————————————

    HBH: Your last words talk about excitement!🙂
    – hangga’t positibo ang pananaw, ayus! Sabi nga ng isang evangelist, every Christian should live triumphantly.

    Mukhang pareho ang case natin – yung kagustuhan kong lumayo sa pamilya ay hindi naman para takasan ang problema, kundi para seryosong makapag-concentrate sa pag-aaral.

    In my job, hindi rin ako nag-aspire na makaakyat sa corporate ladder na mas madali sanang magagawa kung mag-MS/PhD ako… Ahehe, ang kaso hindi ko nga type na mag-aral pa nang napakatagal eh (maski ano pang encouragement ng mga bosing kong concerned sa akin o sa pressure ng iba) – lalo na sa same course? Yung tulad ng JICA training, oks lang – tutal less than four months lang naman.

    Isa pang sinabi mo: “everything worked for the best..” Yes! Hindi nga ba:

    “And we know that in all things God works for the good of those who love him, who have been called according to his purpose.” (Romans 8:28)😉

  6. ninong! ang tindi naman nung mga researchers na iyon!
    dyosko!
    nakakadugoo ng ilonG!

    ang galing galing nila!

    medyo natamaanm medyo lang ah as in medyo lang talaga doon sa part na kung gusto o okey ba ang kurso para sa kanya…

    eniweys mas lalo na naman ang nanosebleed ng bumanat si inday!

    tuloy-tuloy na ang pagdugo ng ilong ko!

    tisyu pls!

    ————————————————

    Ninong: Yung dalawang researchers, o yung dalawang
    cum laude?🙄 Eniweys, talaga namang magagaling ang mga kasama kong iyan…

    Yung national scientist na father ni researcher #1 ay sya ring senior scientist consultant namin na nabanggit kong una sa itaas (pinakamatanda sa aming walong pioneering staff) ; malamang malayo rin ang mararating ng anak nya.

    Yang kurso mo, hilig mo naman di ba?🙂
    May Pinay co-trainee ako nuon sa Okinawa, paris din ng kurso mo, sa Mapua (MIT) grumadweyt – anggaling-galing din nya! Huling balita ko, pumunta ng New York para duon na manirahan at magtrabaho.

    Ngayon (Oct 29) lang ako naka-reply sa mga comments, am worried – dahil kay Inday, baka naging anemic ka na? (jokes)

  7. parang naniniwala na tuloy na magkkatuluyan kayo kapag magkahawig kayo ng gf/bf mo.. hehe nakita ko kasi dun sa b&w na picture medyo hawig nyo po sya..
    Marami akong mga kakilalang nagisis daw sa course na pinili nila kaya ngayon ilang taon na sa college at bawat course na kukunin ay pinagsisiishan pa rin! Kainis lang kasi hindi biro yung tuition fee na binabayad para makapagtapos sila tas ganun lang..
    Ako, gusto ko na talaga makagraduate kasi gusto ko ako naman yung tuutlong sa mom ko at sa dad ko pag nakatapos na ko.

    AT nakakpang galaiti nga naman talaga yang bidyo na yun. ang lakas ng loob nila ha pati yung mga actors na involved dun wag silang hahayaang makapunta ng pinas!

    ————————————————

    Kuya Teddy Bear: Tutuo, angel, magkamukha kami
    ni misis ko? Thank you, thank you!😀

    Eka naman ng iba, nagiging magkamukha pag mag-asawa na… Ay pikyur nya yan nung hindi pa kami nagkikita.🙂

    May konting pagka-bumbayin kasi ang itsura nya.😆
    Ako naman, sabi ng dad ko “Spanish moor” ang pinanggalingan. Am inclined to believe na mas mukha akong middle eastern – Hudyo sana (wheh?) pero eka nung ‘sang kakilala ko mas mukha daw akong Palestino!😆 Ahehe… ganun na nga yata –
    balik sa pagiging moorish… mukhang tama si dad ko.

    Haba na naman ibinida ko tungkol sa pagmumukha ko — paka-self-centered ko talaga.😆 (kaya tuloy prone ako sa intriga-analysis ng ilang blogger-sangkayatris – dyoks!)

    Tungkol sa paggraduate: may mga kilala nga akong pinatigil muna sa pag-aaral ang ibang mga anak para makapagtapos yung isa.

    Ahehe, yung tatlong itlog na nasa bidyu… baka hindi lang foreskin ang matanggal sa kanila dito – baka umuwi pa silang eunuch sa kanila! Nakakainis!😕 Nakakainis talagaaaa!!!😡 Amf…😐 haynako!
    😆 Daanin ko na lang sila sa tawa.

  8. […] Dalawang taon naman akong nagsesenyas ng ganito
    (Jun 1987 – Nov 1989) kasi dadaan ng Pili Drive ang papuntang IRRI, kung saan naruon ang unang opisina ng PhilRice na pinagtrabahuhan ko. […]

  9. […] Bukod sa pagkukwadro, may tanggap din naman akong mangilan-ngilang computer-based jobs
    (paris nung sa dating employment na iniwan ko) […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: