Finish line?

CLICK the photo ▲ and read… This is a matter of life and death.

Higit na nakararami pa rin ang naniniwalang hindi ang pagka-DEDO ang finish line: obyus na obyus yan tuwing ganitong panahon ng undas.

Tutuo, sapagkat wala naman talagang tuldok ang walang-hanggan;  At ang tanging linya lang ay pasulong, na nagsanga sa dalawang maaaring patunguhan.  Marami lang ang sumablay ng paniwala tungkol sa tatlong katotohanang maliwanag nang isinasaad ng Bibliya:

1. Dalawa LANG ang maaaring patunguhan.

2. Kung saan sa dalawang destinasyon ka tutungo ay mapagdedesisyunan lang BAGO ka tumawid ng finish line ng earthly journey mo.

3. IKAW ang magdedesisyon (habang BUHAY ka pa) – HINDI ang kapwa mo, buhay ka pa man o patay na.

Kailangan ko pa bang habaan ang post para i-elaborate ito?  Nariyan na sa komiks – klik mo na lang.  Unawain mong maigi yung mga Bible verses ha?😉 God bless!

Kaunting paliwanag ukol sa tract:

Ang anyong kalansay na may karit dyan ay ginamit na simbolo lang ng kamatayan – ng oras ng paglisan sa mundo ng ating pangunahing tauhan.

When you pray to receive Christ, say it from your heart – in your OWN words.  Yung “What to pray” sa huling bahagi ng tract ay inilagay dyan bilang gabay lang.  Walang saysay ang dasal na inuusal nang paulit-ulit dahil saulado lang.

Hindi ka obligadong mag-enroll sa ICI (o maski saan) kung ayaw mo, bagamat makakatulong ito nang malaki sa paglago mo bilang Kristiano.

Personal na tinanggap mo na ba si Jesus bilang Tagapagligtas at Panginoon ng buhay mo?  Hihintayin mo pa ba kung kelan agaw-buhay ka na?

Related posts:

On births… and deaths

Awoooooooo!!!

Next post: Agaw-patay

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/11/01/finish-line/trackback/

RSS feed for comments on this post.

8 CommentsLeave a comment

  1. Good reminder!

    Naku, naka King James version ‘ata ang mga verses, kinuha ko pa ang aking Contemporary English Version, mas madali pong unawain. [nakangiti]

    MAIKSI ANG POST, PERO MAHABA ANG KOMIKS! (1) Tulad ng buhay, “Life is Short.” Buti ang komiks na ito may katapusan, pero pagkatapos ng judgement kung sa ‘lawa ng apoy’ ang bagsak ng isang kaluluwa, hindi matapos-tapos. (2) Samantalang kung ang komiks na ito ay isang LANGIT, siguradong ayaw nating matapos. Buti nalang nandyan si Kristo, na walang katapusang kaligayahan sa langit ang ipinangako…

    [Ang bagay na ito ang kailan ma’y HINDING-HINDI MATATAMASA ni Mocha. Masasabi ba nating malas si Mocha?]

    ————————————————

    HBH: Hehehe, oo nga… conservative yata yang Chick publications… saka luma na rin ang evangelistic tract na yan.

    Minsan ikino-quote ko ang KJV kung gusto kong
    medyo poetic at old English ang dating…
    Pag simple Bible story-reading lang, LT o NLT;
    Pag personal devotion, CEV or NIV…
    Pag in-depth study, compare ko ang lahat ng pwede i-compare.

    Sa isang banda, masasabi nating mas mapalad ang mga hayop kasi exempted sila sa damnation… Sa kabilang banda, masasabi nating hindi rin – kasi deprived din sila sa life eternal.
    “Neutral” lang siguro… mukha ngang nilikha para sa kanila itong mundo? 😆 … at least initially kasi sila ang nauna hehe. Syempre primarily sa tao, pero ironically, sya ang pangunahing tagasira nito:

    1. “Mundong araw
    2. “Sanrekwang tao, iisang mundo

  2. takot pa ko mamatay.. kasi marami pa kong gustong makita.. pero mas matatakot ako kung mamamatay akong hindi nakakabawi sa mga nagawa ko noon.

    agree ako sa inyo kasi sa lahat ng bagay tayo lang ang may desisyon ng mga yon at wala ding ibang dapat sisihin kundi ang sarili natin. Pero kaya pa naman nating bumawi habang hindi pa huli ang lahat diba po?

    ————————————————

    Kuya Teddy Bear: Natural lang yung takot na mamatay. Yung pagwo-worry ang mas nakakasama… At palagay ko,
    wala naman talagang “huli na ang lahat.”

    Okey lang, bumawi tayo sa mga pagkukulang natin nuon,
    pero pag hindi natin nagawang makabawi, hindi naman tayo dapat maging self-remorseful…

    Hindi naman talaga hinihingi ng Dyos na makabayad o makabawi tayo – mas nalulugod Syang magpatawad sa isang taong may basag na puso na talagang nagsisi na, di ba? –
    bahala na Syang ‘magbayad’ duon sa pagkukulang natin.🙂
    (tulad ng sabi dyan sa komiks)

    “The LORD is near to those who have a broken heart,
    And saves such as have a contrite spirit.”
    (Psalm 34:18 )

    “The sacrifices of God are a broken spirit, A broken and
    a contrite heart — These, O God, You will not despise.”

    (Psalm 51:17)

    Syanga pala, yung susunod na post ko mas masaya.😉
    This is the Blessed Hope

  3. […] Take time to read the previous post “Finish line?” before watching this video. Ganda ‘to!😉 […]

  4. awts.
    ayaw ko pa marating ang finish line!
    marami pa akong dapat gawin
    isa na doon ang maglaro gamit ang psp!
    hahaha!

    ayaw ko rin mangyari sa akin ang agaw buhay moment na yan…

    nakakatama naman ang post na ito ninong!

    ————————————————

    Ninong: Preho tau babad-blog ngayon a?😆
    Oo nga, kasi ikaw akyat-Baguio na bukas;
    ako naman balik high-yatoos na ulit.

    Kakatakot ba ‘to post?🙄 niweys undas pa naman ngayon.😛
    Yung ► “Agaw-patay!” next post hindi kakatakot…
    Ride ako dun!🙂

  5. […] • Finish line? […]

  6. […] Di bale sana kung nabalaho ka lang… Paano kung
    ang boundary nayan ay six inches below the belt? Bad yan!
    O kaya six-feet-below-the-ground?
    O kaya mas malalim-lalim pa?👿 […]

  7. […] Sori po sa mga medyo kinilabutan sa mga byaheng-papakabila posts ko. Hindi naman po kasi ubrang i-omit ang isang basic at important truth sa Bible para lang makaiwas sa tampo ng ayaw sa usapang ito. Mas marami pa ngang KWENTO LANG na mas kutakutakut na mapapanuod pag undas… Sabagay, tutuo namang mas nakakakaba ang tutuo kaysa
    sa kathang-isip lang. […]

  8. […] At this point, time will cease, eternity will begin,
    and everyone will be in either ► Heaven or Hell. […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: