Senyas

Sa tagalog: “(Ang) Maling Daan ▬▬ (Ekkk!) Balik!!!”

Gradweyt na ako, pero babalik tayo (uli) nang konti ha?
Start na naman ng semester. Tapos na ang registration, at regular classes na. May wento lang ako nung ako’y nasa Los Baños pa.

Nakatayo ka sa gilid ng kalsada, nag-aabang ng masasakyang dyip papasok ng UPLB. Mula Los Baños Crossing (“Johnson” eka ng marami, pero “Junction ang talagang ibig sabihin), hanggang sa Grove malapit sa bungad ng main gate ng unibersidad, o kahit sa mismong loob na ng campus, magkaka-intindihan kayo ng dyipni drayber na paparahin mo sa senyas pa lang:

1. senyas-1 Daliring nakaturo paitaas.

Iyan ang isenyas mo kung ang ibig mong puntahan ay ang College of Forestry. Nasa gawing itaas kasi ito, sa isang bungad paakyat ng bundok Makiling. Less than halfway, pag-ahon ng dyip makalampas sa gilid ng Auditorium o sa likod ng Main Library ay ang clinic o hospital na kung tawagin ng ilang estudyante ay infirmatay.

May istorya ako dyan sa UPLB Infirmary (pwedeng dedmahin):

Payat ako na longhair (may bangs) nung nagpa-medical exam – requirement to enroll as new freshman. Naka-unisex pants at shirt. Hawak ang aking medical card (record form na kulay pink), eka nung matandang doktora:

Take off all your clothes ang lie on the table…

Masunurin ako, e di sige. Nung tatanggalin ko na ang underwear ko, napatingin uli sa medical card ko si dok –

Teka muna! Babae ka ba o lalaki?

Lalaki po! sagot ko.

Ha? Er… leave that one!

Ahehe… nalito kasi sa pangalan ko, pati sa kulay ng medical card. Una kasing nagkamali ang clerk nung nagrehistro ako: dapat blue card ang sa lalaki, pink card sa babae. Kaya pag iba-browse na ang mga cards sa file sa tuwing magpapa-check-up ako, parati kong sinasabi: Duon po nyo hanapin sa mga babae.

Eyun… hanggang maka-graduate ako hindi na nabago ang kulay. Hindi nga ba’t may ganitong “problema” din ako sa name entry sa birth certificate ko?

Baka nga babae ako a?😆 “Lalim mo talaga, di kita ma-dig!”:mrgreen:

Tatlong semester din akong nagsesenyas ng ganito (Nov 1978 – Oct 1980) kasi BS Forest Products Engineering pa nuon ang kurso ko.

Pupunta ka ng mudspring o peak 2 ng Bundok Makiling? Dyan ka sumakay. Pero mas mahaba pa rin ang lalakarin mo.

2. senyas-2 Daliring nakaturo pakaliwa.

Iyan naman ang isenyas mo pag pupunta ka ng IRRI (International Rice Research Institute). Dalawang taon naman akong nagsesenyas ng ganito (Jun 1987 – Nov 1989) kasi dadaan ng Pili Drive ang papuntang IRRI, kung saan naruon ang unang opisina ng PhilRice na pinagtrabahuhan ko.

3. senyas-3 Hintuturo pababa.

Drayber lang ang sumesenyas ng ganito – mapaghahalatang bagito ka pag sumenyas ka ng ganyan. Minsan nga, nakasakay ako sa dyip. May amerikanong sumenyas ng ganyan. Eka ng drayber: “Uy, nagpapauso sya.”

Kung yung unang dalawang senyas ay ginagamit din ng drayber para i-confirm ang senyas mo as if he’s saying

“Oo, Forestry ako…” o

“Oo, IRRI ako…”

itong pangatlong senyas ay sya lang ang gumagamit para sagutin naman ang Forestry o IRRI na senyas mo as if saying:

Hindi… iikot lang ako… (around the lower campus)

4. senyas-4 Hinlalato pakanan.

Bihirang gamitin ito, na ang ibig sabihin ay liliko pakanan pagpasok ng campus gate. Nuon kasi, pakaliwa ang usual na ruta, dadaan lang sa kalye sa kanan (Raymundo st ) matapos makaikot sa buong campus at babalik na ng gate para lumabas. Dito din dumadaan ang dyip kung aakyat ng UPCO kung saan naka-housed ang maraming faculty staff ng university.

Wheh… naibida ko lang. Lumabas nga tayo ng UPLB campus at bumalik sa kasalukuyang panahon… Magsampol tayo ng ilan lang:

Estudyanteng matalino – nitamad mag-aral nang mapagtantong siya’y ampon o putok sa buho.

Dalagang sakdal yumi at bait – natakot hindi magkaboypren, nagpasyang maging kabit.

Ulirang padre de pamilya – nag-sideline sa iba dahil losyang na daw ang asawa.

Empleyadong very good – hindi nakuntento sa sahod, nangumisyon sa kickbacks at pangungurakot.

Ummm!😕 Eto ang nasakyan nila. Tsk, tsk, tsk! Okey na sana… biglang muLEFT-TURN pa!

Nagmamadali ka ba? Pwede ka pa namang bumaba… Daliiiiiiiiiiii!!!

baka yang nasakyan mo ay biglang bumiyahe papaganito. senyas-3a

Di bale sana kung nabalaho ka lang… Paano kung ang boundary nayan ay six inches below the belt? Bad yan! O kaya six-feet-below-the-ground? O kaya mas malalim-lalim pa?👿

Screeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeech!!!

————————————————————————————————

Nangalahati na tayo, STOP-OVER muna… May lumang joke ako:

Drayber: Saan po galing itong singkwenta pesos?

Pasahero: Sa pitaka ko.

Drayber: Saan po kayo sumakay, ang ibig kong sabihin.

Pasahero: Ay di dito sa dyip mo, saan pa nga ba?

Wanasey ang drayber, sinuklian ang magalang na pasahero.

Pasahero: Bakit sampung piso lang ito, kuyang?

Magkano ba mula Cubao hanggang Quiapo?

Drayber: Bakit, tutuy… bibilhin mo?

ETO PA, may lolang pumara, antagal na sa estribo, hindi pa makababa:

Drayber: Bakit po, nanang? Ano pong problema?

Lola: Yung dyaskeng sanelas kow… iniwan ko lang kanina

rine sa baba! Ay bakin ga nawawala?

LAST ONE, tungkol sa ‘malalim-lalim’:

Ano ang difference ng isang taong lumagpak mula sa mataas na building at ng isang nahulog mula sa kama?

Lumagpak sa BUILDING: ► “Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhh!!!” BLAG!

Nahulog sa KAMA: BLAG! “…Ahhhh!”

————————————————————————————————

MAY  DALAWANG  SENYAS  PA

Sinong Pinoy ang hindi kilala si mr pure energy? Kahit nung nasa Los Baños pa ako, naririnig ko na ang mga kanta nya.

Ilan kaya sa libo-libong tagahanga nya ang nakaka-gets ng mensaheng ibig nyang iparating? How many of those who can memorize and mimic his song (pati nga yung sayaw) knew from Whose Power that “pure energy” of him comes from? So many knew the songs… but how many of them are like the singer – a child of God who knows his Savior? Palagay ko naman, hindi nya ginagawa ang lahat ng performance nya para isenyas ito  pabalik sa sarili nya.

Andami ko nang istorya dito – tungkol sa akin, sa mga mahal ko sa buhay. Kung hindi nyo ako kilala, iisipin nyong nagyayabang o nagmamalinis ako. Kung yabang at pagmamalinis ang habol ko, sana’y hindi ko na isinama ang mga bagay tungkol sa akin na pangit sa mata ng iba. Pati nga edad ko, bistado na (Ahehe, ako nga yata ang pinakagurang na blogger dito ano?😆 Daga pa ang ibina-blog!)

Para saan kaya ang talambuhay ng ating mga bayani? Hindi kaya para maging magandang halimbawa? Pero may biography ba na kung ipinakita man ang kapintasan ng “bida” ay idinetalye ito nang husto? Sa mga slander siguro, pero sa biography? Wala pa akong nakita. (Sa parteng iyan naiba ang Bible.)

Kung pamilyar ka sa content ng Bible, makikita mong wala ditong karakter persona na kinilingan. Mababasa mo dito ang full moral spectrum of HUMAN NATURE, walang pinagtatakpan – hindi paris sa mga introductory speech para ipakilala ang isang guest speaker, o kaya sa biography na puro eulogized ang treatment. Pinababango ang pangalan ng bida.

Si Haring David, maka-Diyos na pastol ng tupa (Psalm 23), matapang na humarap kay Goliath (1 Samuel 17:50), naging kawal at heneral ni Haring Saul (2 Samuel 5:2) hanggang mailuklok na hari (2 Samuel 5:3). Isiniwalat rin ng Bible kung paano nyang pinakialaman ang hindi niya asawa (2 Samuel 11:2-5), nagplano ng isang pagtatakip (2 Samuel 11:6-13), hanggang sa huli ay naging mastermind sya ng krimen para ipapatay si Uriah (2 Samuel 11:14-17), mai-cover-up lang ang pagkakabuntis nya sa asawa nitong si Batsheba.

Si Haring Solomon (a “wise fool”), pinakamatalinong naging hari ng Israel (1 Kings 3:12-13), daan para marating ng bansa ang pinakamayaman at pinakamapayapang panahon ng kanilang kasaysayan (1 Chronicles 29:25). Ibinuking rin ng Bible kung papaano sya nagpahintulot ng ibang relihiyon at later on sumamba sa mga diyos-diyosan ng kanyang pagkarami-raming asawa (1 Kings 11:1-8).

Sina Pedro at Maria (tauhang kilalang-kilala), may kapalpakan silang sa Bible ay malinaw na mababasa (huwag tutularan)… May mga kabutihan din naman silang ginawa, nagsilbing magandang halimbawa, para ang mga ito ay tularan – HINDI upang  sila ay idolohin, sambahin at dasalan… Maging ang mga santo man.

Sa mga bahay, may makikita kang mga nakadisplay na trophies at mga medalya; sa dingding, may mga nakasabit na certificates at diploma. Pero sino nga naman ang “tangang” magdidisplay sa kanyang bahay ng ikasisira ng pangalan nya? Sino ang magsasabit ng karatula sa dingding na may nakasulat na “Nuon, kinaliwa ko ang asawa ko.” “Dati akong baklang lalakero.” O kaya ay “Ex-convict ako.” ??

Kahit sa biodata pag nag-aapply ng trabaho, kaliit-liitang achievement tulad ng best in class nasa row 1 nung Grade II ilalagay siguro😆 pero hindi ang mga tulad ng “On grounds of tardiness, I was fired by my previous employer!” Syempre… ibini-build-up mo ang sarili mo.

Pag may nakasulat ditong sukat ikinasira ko, kasalanan ko yun. Ibinabahagi ko lang sa magbabasa ang isang daan na tinahak ko na – e di lihisan ang daan! Ganun lang kasimple yun; natural lang na hindi maka-relate sa istorya ang hindi dumaan sa ganuon.

Dun naman sa mga nakakarelate, it is expected naman na you do something about your problem. Hindi naman siguro hanggang sa mag-nguynguyan lang tayo, ang maghimuran ng sugat dahil may pagkakahawig ang pinagdaanan ko nuon at pinagdadaanan mo ngayon? Mag-focus ka sa kung Sino ang parating ititinuturo ko dito.

Hindi ako makaabot sa expectations Nya (sino bang nakaabot na?)

Basta ba kung tungkol din lang sa galing at tagumpay ang kwento ko, sa lahat ng iyan, isa lang ang parating senyas ko.

Now I gotcha!  Hindi lang pala artista…:mrgreen: bayani o baybol karakter pala ang gustong maging nitong si Hetsbihets!
(eka mo siguro)

Ahehe, ‘kaw talaga, mr/ms bram stoker brain stalker… indi mo pa rin na-gets? Nang-ha-idol ka kasi!😆 Baka mugawa ka na naman ng blog response na dirty finger!😕 Kung wis mo pa dig kung Sino ang totoong “bida” rito, diritso ka sa baba at panuorin yung bidyo.😉

Nyanga pala, may bago akong page dito ► Taglish tayo!

Namamasahero ka rin naman siguro kahit paminsan-minsan?

MRT? (siksikan!)

Bus? (ambagal!)

Taxi, FX o van? (angmahal, init naman ng aircon!)

Dyip? (drag-racer na drayber – parang mauubusan ng kalsada!)

Traysikol? (hindi tatakbo hangga’t hindi anim ang sakay!)

Pedicab? (sa bigat ng kargada, hingal-kabayo ang siklista!)

Kalesa? (baka mautot ang kabayo!)

Bangka! (prating baha ngayon di ba?)

Aush… bawat masakyan, may reklamong katapat. Naisip mo na bang sa bawat pagsakay mo, ipinagkakatiwala mo sa drayber ang buhay mo? Okey, sarili mo’ng wheels, ikaw ang maga-drive… Tiyak kang hindi ka mababangga? Maingat ka kamo… wala kayang babangga sayo?

Hindi ko makita ang MTV nito kaya ito ang napili ko. Ewan ko kung gaano kayo ka-sosyal (makornihan na ang makornihan)… Ride na lang kayo.😉

O… kyut naman sila di ba?😀

Published in: on 11 November 2008 at 8:40 pm  Comments (11)  
Tags: , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/11/11/senyas/trackback/

RSS feed for comments on this post.

11 CommentsLeave a comment

  1. Palagi ako sa UPLB noong sa Luzon pa ako nagta-trabaho pero hindi ko alam na may mga senyas pala doon (nagkataon kasing may pinapagamit nang sasakyan ang company)! At bawat senyas pala doon ay may kahulugan, galing! o”,)

    Sa aking buhay ‘daliring nakaturo paitaas’ din ang aking senyas. Huminto naman ang ‘jeep’ at pinasakay naman ako ng Bidang Driver. Tuwang-tuwa ako dahil maluwag itong ‘jeep’ na sinasakyan ko! Sana’y maibaba ako ng Driver sa tamang lugar na nais kong puntahan, dahil pakiramdam ko kami ngayo’y nawawala!

    Medyo ma-‘traffic’ nga lang ngayon, ambagal ng takbo! May mga baku-bakong daang tinatahak, at very long winding road na sobra pa sa Kennon Rd.! Hirap talaga ‘pag kaunti ang pasahero, kung saan-saan pa dumadaan makapulot lang ng maisasakay.

    Ilang ‘jeep’ at mga rota ba ang meron Siya? Tama kaya ang sinakyan kong jeep? Nasa tamang rota kaya ako? Nagkamali ba ako ng senyas o nagkamali siyang makuha ang senyas ko?

    ————————————————

    HBH: Dito ka siguro pumupunta nuon🙂 (► satellite map)

    Sa UPLB Institute of Animal Science (papasok ng lumang arko, na may nakalagay na “Animal Husbandry” yata) ang dating college ng ate ko dahil BS Animal Sci major in Swine Production ang kursong tinapos nya… Naroon ang College of Veterinary Medicine na inabutan ko pa yatang itinatayo ang building nung estudyante pa ako.

    Yang pataas at pakaliwang ruta ang pangkaraniwang senyas dahil ang destinasyon nila ay malayu-layo na sa lower campus. Napakalawak din ng lower campus, kaya minsan kelangan pang sumakay ng dyip para pumunta sa susunod na klase.😆 Maraming state colleges and universities na nasa probinsya ang ganyan din, di ba? By the way, may mga dati akong co- employees sa PhilRice na galing ng Mindanao (esp Midsayap) – schoolmates mo siguro ang ilan…

    Re byaheng langit:

    Maraming “barkers” (missionary workers, preachers, teachers) – pero iisa lang ang dyip at iisa lang ang Drayber…
    Kung susuriin, “dyip” at “Drayber” (pati ang mismong “ruta”) ay pareho lang at iisa. (John 14:6)

    Maraming mga dyip na eskirol (► kulto) na may mga drayber na cutting trip (whether they like it or not, hanggang dun lang) kaya hindi na nakararating sa pupuntahan. (Proverbs 14:12)
    May mga “barkers” din sila, aware or otherwise, sa hindi kasiguraduhan ng byahe at dyip na isinisigaw nila.
    (Matthew 24:23-24)

    Kahit gaano pa karami ang nais makasakay sa nag-iisang Dyip, okey lang dahil pirming nakabukas naman ang pinto nito at maluwag ang masasakyan (John 6:37) …
    Kaya nga walang pumarang hindi pinasakay ang Drayber, basta ba alam ng pumara ang tanging senyas na dapat gamitin, dahil hindi naman Nya pasasakayin ang pumara hangga’t mali ang senyas na ginagamit.

    Kahit gaano pa katagal na maghintay ang Drayber para sa isang pasahero, okey lang hanggat hindi pa dumarating sa puntong ito ► “Agaw-patay” … bagama’t may pag-asa pa naman ang mga tribulation saints (Matthew 24:21-22 at Daniel 12:1) — yung mga kung kelan halos huli na ang lahat😦 ay nagawa namang tunay pang makakilala🙂 …

    Right… ang kalsadang tinatahak ay hindi kaaya-aya sa mata (Matthew 7:13-14) – kaya din siguro tila napakabagal at nakaiinip ang byahe.

    Pero syempre dahil pasahero na ako ng naturang Dyip, hindi na ako mangangamba sa dadaanan dahil may tiwala ako sa nag-iisang Drayber na kabisado ang daan, alam ang tanging ruta at destinasyong pupuntahan. Tiyak ko ring hindi papayag ang Drayber na ibaba ako along the way (He says “no one can snatch them out of my hand” – see John 10:28-30) — unless, of course, pag nakarating na kami sa nag-iisang hangganan ng aming paglalakbay.😀

    Paano kung along the way nagpupumilit akong bumaba?

    Hindi na makakababa ang sinumang tunay na kumilala na (Romans 8:38-39) … kaya mistulang nakasabit lang ako sa labas sa pagpupumilit kong bumaba… Sa ganitong sitwasyon, kahit tiyak akong makararating sa Destinasyon, hindi ko naman nararanasan ang proteksyon na maaaring ibigay Nya kung nasa loob ako ng Dyip (real life blessings) — dahil sa aking pagsuway sa sinasabi Nyang “Huwag ka nang bababa” (disobedience on my part because of my lack of trust in Him) .

    No condemnation for those who received Him
    (more references) :

    John 3:18
    John 5:24
    Romans 8:1

    For a born-again (christian) these things are more than mere appreciation of the Scriptures.🙂

  2. wow nagyon alam ko na ang ibig sabihin ng mga hand gestures na yun hehe natawa naman ako sa joke na yun hehe at least nakabawi yung druver sa pamimilosopo nung pasahero
    pasensya na po ngayon lang uli me nakadalaw medjo busy kasi sa work
    have a great blogging day po

    ————————————————

    HBH: Ahehe… nasemplang si tutuy –
    mas grabe palang mamilosopo si kuyang.😆
    Ibenta ba naman ang mula Cubao hanggang Quiapo?

    Oks lang yung busy sa work, huwag lang masyado workaholic; oks din ang pagba-blog, kwidaw lang baka tayo maadek.😉

    Hmm… balanse lang. Sabi nga ng mga kano:

    “All work and no play makes HBH a dull boy,
    but all play and no work makes HBH a mere toy.”

    Have a nice day din sayo, blue.

  3. Wow! Ang galing talaga! Ito po ang gusto ko rito sa Mayaman pa sa Daga, talagang ang mga tanong ko, at ang mga bagay na hindi clear sa blog entry (para sa akin,) ay naipapaliwanag. Kayo talaga ang blogger na talagang inihahayag ng husto ang buong mensahe. Kaya nga kahit kailan ay hindi na ako bababa sa ‘jeep’ na ito…

    ***Sa University of Southern Mindanao po ako nag-aral, malamang ang mga kasama nyo sa PhilRice ay doon graduate dahil malapit ang Midsayap sa university.

    Kung jeep po ang sa UPLB, tricycle naman po ang sa USM.

    ————————————————

    HBH: Ang pagsakay naman sa nag-iisang Dyip ay pwedeng gawin kahit kailan, kahit saan🙂 — as long as hindi pa tayo namamatay habang nakasakay sa ibang dyip o habang nag-aabang pa ng masasakyan.

    Sa ibang dyip, pwede pa tayong bumaba, mag-abang uli, at sumakay duon sa nag-iisang Dyip… In fact, hindi na natin kelangang maghintay sa nag-iisang Dyip – dahil tayo na nga itong hinihintay Nya. Daig pa Nito ang taxi, dahil tawagin lang natin (for repentance and forgiveness) naruon na agad.
    (Psalms 34:18; and 51:17; Revelation 3:20)

    At once na nasakay na sa nag-iisang Dyip, gustuhin man natin, hindi na tayo makakababa.

    Salvation cannot be lost. Even of those who surely knew Him but only lack assurance… Nag-aalinlangan lang, kumbaga.🙂

    ***Dalawang beses akong nakayapak sa Mindanao, yung una nagtagal ako sa Midsayap, pero hindi man lang ako nagawi sa USM o maski saang SCUs.

    Dito sa litrato → may mga taga-PhilRice-Midsayap branch… kung may USM alumni dyan, malamang hindi mo na rin inabot nung nandun pa sila.😛

    Tricycle… sa UPLB wala akong matandaang nakakita ako
    ng tricycle na nagpapasada sa loob ng campus.

    May kwento ang ilang kaopisina kong malimit bumiyahe
    sa ibang lugar, di ko lang maalala kung sa Mindanao din iyon. Single na motorsiklo na binabalanse lang ang mga pasahero sa isang “beam” pag tatawid sa isang makitid na tulay… ang tawag nila sa sasakyan ay “skylab”😀

  4. wahaha.. ayos yun ah.. nakaganti si manong drayber!

    kuya ko, favorite na favorite yan si Mr. Pure energy! Gusto ko yung kanta nyang the warrior is a child..

    MRT.. nakaka miss sumakay dyan😦 gustong gusto ko na ulit bumyahe ng Manila kundi lang dahil sa sobrang busy ko..

    Minsan din nagiging tambayan ko yung UPLB sa may baker yata yun tas group date kami kasama ni ex number 1 sa dati kong entry. haha..

    awww.. ang cute ng mga kids sa video.. ang cute din ng song..

    ————————————————

    Kuya Teddy Bear: Hangkulet nung pasahero eh😆
    Akala nya siguro “wala lang” kase nanahimik si kuyang.

    Yes! — iyan na nga ang pinaka-fave kong song nya…
    Foreigner ang alam kong isa pang kumanta nyan,
    eto ang isang video nya sa YouTube. ► Twila Paris
    Syempre maganda rin ang version ng ating Pinoy singer – bumagay sa kanya yung kanta. ► Gary V
    Twenty five years na si Gary V sa kanyang performance, November 14 at 15 ang concert.

    Si misis, kada luwas MRT ang sinasakyan, ako rin pag sumasama sa kanya… Ang unang rail transit na nasakyan ko nuon ay yung LRT sa Manila, wala pa yang MRT sa EDSA; Tapos yung sala-salabat na ‘lines’ sa Japan, pero hindi ko naranasan masakay sa bullet train (shinkansen) …
    Ang trip kong tren na masakyan ay yung papuntang Bikol – talagang matagal at makaltag, at dadaan pa sa magagandang tanawin sa mga probinsya!😀

    Baker Hall yung tambayan nyo sa UPLB. (► satellite map)
    Dyan ang mga PE subjects namin, kita mo ang swimming pool?
    Naging garrison yun ng Kempeitai nung panahon ng Hapon, maraming napatay na mga bilanggong sundalong Pilipino at Amerikano, kaya baki-balita, may nagmumulto!😯

    Aush ang Sunday school kids – game na game sa acting!😀
    May teddy bear pa ang batang babaeng bida, kita mo?

  5. nakakamiss ang el-bi! hehehehehe

    naku klasmeyt…hahahah mistaken identity…naku..di ko alam ung kwento na un ah..babae ka pala hahaha toink

    ————————————————

    Klasmeyt: Ehehe… mga parents ko kasi eh😆
    Kumbakit nilagyan pa ng “Arleen” yung pers neym ko.😥

    Pero wala pa yang kay dok – mas matindi yung ginawa nung isang binatilyo nuong 3rd year highschool pa lang ako😕 … kinindatan ako?😯 Amf!😳 — tu-goG ! ← (sound ng binatukan)

    Balik kayo eLBi, klasmeyt… Feb 2007 pa pala yun pasyal nyo? – hindi pa tayu magka-blog, naalala ko lang year-ender mo.😉

  6. So sorry for the late reply, You had asked me how to put the beautiful badge on wordpress right. Well I must say I’m not so familiar with wordpress, wish i could help you do that.

    ————————————————

    HBH: Oh I see… It’s okey. I appreciate your reply.😉
    I’ll keep on tryin’ – your awards blog badges are really cool.

  7. Tama yung description nyo ng skylab. Itong mobility na ito ang usually ginagamit sa mga hilly places. Ilang beses na rin akong nakasakay sa SkyLab. Sa Luzon nga ay parang walang ganun.

    ————————————————

    HBH: Ayun… sabi ko na hindi pwedeng hindi mo alam.🙂 At ilang beses ka na rin palang nakasakay na!

    Eto ang isang na-surf ko sa net. ► skylab in Butuan

    Nagawi na rin ako dyan sa Butuan City dahil may PhilRice-Agusan branch sa RTRomualdez, pero hindi ko matandaang nakatyempo ako ng ganyan… Ganyan pala ang hitsura!😀 Oo nga, wala akong nakikitang ganyan sa mga nalibot ko na dito sa Luzon.

    By the way, sumagot na si cheth sa tanong ko.🙂
    (sinundan mong comment) . Eto kasi’ng ibinida ko sa post nya:

    “I’m a wordpress.com blogger and I was given a ‘Beautiful blog Award’ by a fellow blogger from blogspot.com. I can’t figure out how to embed it on my blogpage. I follow the instruction but only a blank yellow rectangle with an “f” in the center appears on the edit mode; when I save it, nothing appears.”

    Baka ekako may problema lang sa flash player ko…
    Sana nga pwede i-embed sa wordpress, kasi very similar case (yellow rectangle with an “f” ang lumalabas) pag nagreresize ako ng YouTube video; I consulted the WP FAQs, talaga palang hindi pwede magresize ng YouTube dito sa WP, samantalang nakita ko sa isang kablog kong blogspot, pumuwede ang ganito.

    Anyways, as I said earlier, kung hindi ko man mai-display ang award, it is your gesture I most appreciated.😉

  8. awts.
    hindi pa ako nakakrating sa lugar na yan!
    UPLB, di ko lam kung saan yan basta ang alam ko los banos.
    amp!
    pero kilala ko naman si pure energy!
    eh!

    ————————————————

    Ninong: Maganda sa loob ng UP Los Baños, malawak ang campus, may mga creeks (ilog) at maraming puno dahil nasa paanan lang ng Bundok Makiling!😀

  9. mukhang hindi ako maliligaw kung ganito karaming senyas ang makikita ko sa UPLB…. itay sana hindi mo nilagay yung mga taon.. para hindi halatang may edad ka na.. hahahha…

    bakit kc nagpabangs ka.. ayan pink tuloy ang binigay sayo….inimagine ko kung nka side ba ang bangs mo.. kya masyadong nabongahan sya syo ng pagbigay ng pink na medical card..

    pure energy?? kaw b yun… grabe ikaw ang kilala kong blogger na napakasipag magresearch… at magtype… full of energy… penge nga itay konting energy.. paubos na kc yung sakin…

    —-
    itay yung mga starring dun sa vidyo mo.. parang ako yun nung bata.. pakanta kanta….hehe.. pwede minsan pa join sa fellowship nyo itay.. hehehe.. joke lng.. ang layu nyo kc….. namimis ko na ring magbible study..
    last bible study ko grade 4 ako.. at ang tanging natatandaan ko sa tuwing nkakasagot ako may libreng chokoleyt..

    ————————————————

    Itay: Eh anak, pag hindi ko naman nilagay ang mga taon, mapagkakamalan akong 27 years old pa lang… pag nagkataon mapagkakamalang 3 years old ka naman kasi “anak” nga kita! Hindi nga ako ang magiging pinakagurang na blogger dito, ikaw naman ang magiging pinaka-beybing blogger!😀
    (Waw! Gifted child! 3 years old, nagba-blog!)

    Yung pinkcard, mukha kasi akong babae nun na nasa puberty age pa lang.😆

    Paris ni gary v, sa Panginoon din humihingi ng energy si homebodyhubby.😉 Kahit ang araw, pwedeng mauubusan ng solar energy, pero ang Panginoon na pinanggagalingan ng lahat ay Omnipotent (all-powerful) at Eternal (walang hangganan) .

    Baka katesismo yung sa grade 4 mo anak?🙂 Ako man meron nyan sa elementary, may kasama pa ngang first communion nung grade II.😛

    Sunday school kids ng GEF yang nasa bidyo –
    Grace Evangelical Fellowship sa Malabon city (Baka alam ni ‘minyang’ yan dahil taga-Malabon sya) … Ikaw nga siguro ang isa dyan kasi 3 yrs old ka pa nga lang, di ba? (jokes)

    Eniweys, hindi mawawalan ng mga christian fellowships dyan sa inyo – dyan pa, malapit-lapit kayo sa Febias College of Bible (DZAS, FEBC) sa Karuhatan, Valenzuela.😉

  10. alam ko yun itay sa may valenzuela.. kso di pa ako nkakapasok dun…

    nung grade four kc ako yung kapitbahay naming born again.. lhat ng bata dun pag linggo isinasama nya sa bible study.. kaya ayun.. nkajoin ako..

    ————————————————

    Itay: Maski sa labas ng Febias, marami dyan.🙂

    Basta anak, pag may na-meet kang ‘salbaheng’ born-again, ay huwag mo na lang patulan… maski saan naman may mga salbahe rin. May kanya-kanya rin namang “palo” ang mga iyan sa Tatay pag matigas ang ulo nila.😛

    Malimit ko ngang sabihin sa ilan para hindi sila prating nai-istambol: “Huwag patitisod sa pasaway na kristyano — sa halip mag-focus parati kay Kristo.”😉

  11. […] Akala ko nung una, dumami ang nagbasa, nahiya nga lang magpakita. Okay lang… di bale hindi koment istokers basta basa nila flag messages. Napansin ko kasi pinakamarami ang “hits” (anyay ko!) kapag ganitong panahon ng undas – kung kelan kasagsagan ng byaheng-langit posts ko. […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: