Iswalowaloba

??🙄 ??

Pssst… memya ka na mag-isip uli kong saan ko nahagilap ang taytol na yan. Tinginin mo muna ‘tong dalawang naipasa sa akin this week:

Candle of love, hope and friendship galing kay klasmeyt!😀 Yeheyey!

Smile award galing kay bluedreamer!😎 Basta asul, kewl!

Ano nga ba ang mga dahilan at hindi mapuknat sa aking mukha ang isang nagliliwanag na ngiti? Walo ang maibibigay ko, walong alaala at kaganapan sa loob at labas ng blog nitong nakaraang linggo.

1. Nakita ko yang smile award tag sa akin ni blue!🙂

2. Nakita ko yang candle of love, hope and friendship tag sa akin ni yeye!🙂

3. Magdi-December na, hindi pa rin sumusumpong ang🙄 vertigo ko.

4. Patuloy kong nare-realize na sa edad kong ito,😛 isip-bata pa rin ako.

Hinde… childlike lang naman, hindi childish (biglang bawi e, no?)

5. Kahit salbahe ako, mahal ako ng Diyos.😀

6. Kahit mas salbahe ka, mahal ka ng Diyos.😀

(joke lang yung ‘mas salbahe ka’ – yung ‘mahal ka Niya’ ay tutuo)

7. Walang pinipili ang Diyos… Kaya sabihin sa mga kakilala:

“Tara! Kung hindi pa ka, pa-ampon na kata!”😀

8. Biglang bilis ng ikot nyang kilometrahe ni Faramir dyan sa sidebar ko.

Ire-reiterate ko ha:

Akala ko nung una, dumami ang nagbasa, nahiya nga lang magpakita. Okay lang… di bale hindi koment istokers basta basa nila flag messages. Napansin ko kasi pinakamarami ang “hits” (anyay ko!) kapag ganitong panahon ng undas – kung kelan kasagsagan ng byaheng-langit posts ko. Aba, nung ni-check ko, imbento lang pala? Ops! Ingat sa paggamit ng lang – suriing maigi, baka hindi lang naisplukan.😉 Akala ko kasi kung ano na.

Baka na-experience nyo rin yan ay huwag na kayo magtaka maski wala naman kayong ginagawa! Heto yun eh. ► Bagong invention🙂

Eniweys…

Walo ang bibigyan ko ng tag… Let me count from one to tweenteen.

One

Bluedreamer — galing sayo ang smile, candle naman ang aking ibibigay.

Two dalawang taga-wordpress

Eloiski — tanggapin mo ang ngiti at kandilang alay ko,

dahil baka walang maipamasko sayo ang ninong mo.

Repah — paris ng iyong kinakapatid,

ngiti at kandila ang akin sayo ay hatid.

Three tatlong taga-blogspot

Para sa mansyon mo anak — kasi may isa ka pang blog.

RJ — at last kahit papaano, ang iyong bigay ay naidisplay ko dito.

Jezreel — thanks for the company and for the reminders.

Tweenteen! Para sa dalawang teenagers, mula sa isang tatang-ager.😆

Yeye — dahil sa candle na tanglaw, ang smile ay parating nakasilay.

Angel — tanggapin mo ang smile at candle, mula kay Kuya Teddy Bear.

😳

Sensya na po — korni lang talaga ako…😉

——————————————————————————————

Usapang Daga Ang Misteryo ng Iswalowaloba😆

Eight days ago (Nov 13) was the “honeesyewtoo” (honeys year 2) or second wedding anniversary of couple Mochawonka the wiggler and Isnohontas Kotonbol.

Eight days hence (Nov 29) will be “hamishewtoo” (hammies year 2) or second year birthday of their twin offspring Wigwam Wigglerson and the late Teepee Pompom.

To put it in simple words: On 13 November 2006, without my knowing it, Mochawonka impregnated Isnohontas. After 16 days (hamster gestation period) on 29 November 2006, Isnohontas gave birth to the twin siblings.

Ngayon ko na ni-post para pag-isahin ang dalawang daganibersari na yan.  Yan namang bidyo sa baba ay naihanda ko na bago pa na-teggy si Mochahontas. Heniways, hindi pa naman nakakapagbabang-luksa ang aking mga daga. (jokes)

Eyunlang… babay!

Teka muna, oy! Yung title ng post, nalimutan mo… Bakit ganun?”🙄

Hongah pala! …🙄 Sa tutuo lang hindi ko rin maintindihan ang sumikat na music na nikuhaan ko nyan: ▼

😆 Hindi ko na binuo, hindi ko talaga siya maisplokan!

Iba pang walo posts:

Ay daga… daga… – saksakan ng haba, pwede din may gantimpala

8 to 7 – Usapang palaka

“I thank the Lord for enemies (?) who reveal my feeble human strength, and for friends who remind me of HIS infinite saving grace.” — Wigol-wigol

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/11/21/iswalowaloba/trackback/

RSS feed for comments on this post.

17 CommentsLeave a comment

  1. Smile Award for Showing Kindness and Spreading Happiness! Wow! Maraming maraming salamat po at napili nyo akong pagkalooban nito. o”,)

    Napansin ko lang po yung number (3) Vertigo. Ako meron din pong ganun. =,( Kahit dito sa Australia may baon akong Serc at Stugeron! 3wks ago nga lang naubos ang dala ko nung January 2007 pa. Hirap talaga ng ganitong karamdaman.

    ————————————————

    HBH: Yes! Spread all the kindness and happiness. 🙂

    Mga may edad na ang kilala ko lang na may vertigo (late 40s) . Pwede rin palang magkaroon ang nasa below 30s na paris mo.
    August last year lang ako unang sinumpong, laking kaba ko, akala ko kung ano na. Kusa namang nawala sa konting gamutan.
    Pero sabi nila permanente na ito at basta na lang bumabalik.
    Pag sumumpong uli, inom ng Serc. Hindi ko pa na-try Stugeron.

    So far, hindi pa naman uli nagpaparamdam — samantalang malimit akong mapuyat ngayon.

  2. itay salamat sa award.. naaliw ako dun sa mga pusa este hamster plang gumagalaw.. ang cute.. invite ko sila pag kinasal ako after 48 years.. hahahha..

    para sa iyo itay.. ikakalat ko ito..a www!

    ————————————————

    Itay: Bakasyon ka yata nuon sa posting
    kaya hindi mo pa nakita ang mas kumpleto nila?
    Nandito o (click mo) ► “Hamishewtoo!

    48 years?🙄
    Hamo anak, kahit centenarian na ako by that time pipilitin ko pa ring makadalo sa iyong bridal march para maihatid kita sa mapalad na binatang naghihintay sayo sa altar.😉

  3. itay anu pla yung vertigo naririnig ko kc yan sa mga mayayaman lang.. sabi nila pag sumakit ulo nila may vertigo cla.. anu ba yun?

    ————————————————

    Itay: “Spinning sensation” ang vertigo, yung kahit hindi
    ka naman kumikilos ay umiikot ang paligid sa paningin mo.
    Parang nakasakay ka sa gitna ng merry-go-round, ganun…
    Ang kaibahan lang yung paligid ang umiikot, hindi ikaw.

    Akala ko nuong una, may edad lang ang nagkakaroon nito.
    May mga kilala pala si misis na nasa 20s pa lang – kagabi lang nya nasabi dahil nabanggit ko yang kay RJ kung kanino at kelan ko lang nalaman na puwede rin palang magkaroon ang hindi pa lumalagpas sa midlife.

    Karaniwan, walang kasamang pananakit ng ulo ang vertigo – talagang hilo lang… Hindi ito sakit ng mayayaman lang, kasi ahehe, kung ganun sana wala kami ni RJ nito.

    At bakit ba walang may vertigo ni isa sa mayayamang mga daga ko?😆 Paano ko nalaman? Kasi ► wheel sila nang wheel — pero wala namang nagrereklamong nahihilo.😆

    Tutyal lang kasi yung pangalan ► vertigo

    Yung sa aking case ay tinatawag na positional vertigo… Wala akong nararamdam pag nakaupo, nakatayo o naglalakad lang. Pag matagal na akong nakahiga, wala rin… pero oras na napa- tagilid na ako, maski pa ako natutulog, bigla akong magigising dahil sa sobrang pagkahilo… Sa ngayon, salamat naman at wala na ang hilo, maski tumagilid pa ako sa pagtulog… Nung unang sumpong (2007 August) , talagang sumuka pa ako.

    Pag may kakilala kang una pa lang nakararanas ng ganito, sabihin mo huwag kakabahan dahil hindi naman nakamamatay. Ang hirap nga lang talaga pag sumusumpong.😦
    Sa awa ng Diyos, nakukuha naman sa gamot.🙂

  4. ui may tag pala ako. mmatz klasmeyt🙂

    yeah tama
    kahit ganu pa tau kasalbahe.
    mahal tau ni Papa God🙂
    all the Glory, honor and thanks to HIM😛

    Godbless klasmeyt!

    ————————————————

    Klasmeyt: Yeyeah!😀 To God be the glory!
    Na-moderate ito comment mo, ewan ko kumbakit.
    Mas salbahe yata ang wordpress! (joke)

    Mamatz din sa tag klasmeyt… God bless!🙂

  5. Mas maganda po ang Stugeron based on my experience, once a day at 75mg tablet, mabilis umepekto. Hahaha nagpo-promote na ako ng gamot dito. Ang mga anxieties at pagpupuyat ang pinaka-predisposing factor nitong vertigo sa akin. Pero ang pinakahuling sumpong ay dahil sa pag-inom ko ng matapang na kape. Ipinagbabawal din kasi ‘yon, di po ba?

    February 2004 pa po ako unang inatake nitong nakakatakot na sakit na ito. =,(

    ————————————————

    HBH: Subukan ko yan Stugeron pag sumumpong uli.

    Ang hilig ko pa naman sa kape.
    Isa pang masamang epekto sa akin ng kape ay ang chest pain. Hindi naman angina pectoris kundi simpleng heart burn lang o gastro-esophageal reflux.

    Para medyo less ang epekto, umiwas na lang ako sa Nescafe. Yung “PIOIR” ganoderma (formerly ► Gano-Excel) 3-in-one coffee ang iniinom namin ni misis… Ayan, nag-commercial na rin ako ahehe.😀

  6. namoderate kasi bago na ip address dito na kasi ako sa bahay nagnenet🙂

    klasmeyt nagyym ka ba? add mo ko irish1029 ym id ko🙂

    buti la na ung vertigo mo ehehe

    ————————————————

    Klasmeyt: Ay ganun ba? Parang nabasa ko nga na naka-DSL na kayo.😀 Yehey, di pede ka na siguro manuod ng video ehehe.

    Pero bakit kaya nimoderate pa rin ito, ang alam ko once na-approve na first comment, kusa nang maa-approve ang
    mga susunod.

    Hindi ko pa na-try yung YM na messenger, dun ko pa lang nasubukang makipag-chat nuon sa yahoo mail. Sige i-add ko… matagal na rin akong hindi nagsa-sign-in sa yahoo mail e.
    Pero bukas na hane? Mag-aalas dos na kasi ng madaling araw nang makita ko ito comment mo, malamang idlip ka na rin.😛

    Yung vertigo ko sana nga magporeber babay na.

  7. huwaw!

    thanks sa pagbigay ng award.. hehe.. nasa “jobhunt” mode ako.. hehe..

    ako may vertigo.. 17 ata ko nung sinabi yn ng doctor sakin.. serc yun titake ko e..

    sabi ko nga… magkasipon na at ubo.. wag lang vertigo.. kasi ang weird ng pakiramdam.. wala talga ko magawa pag yun umatake.. bast bigla nalang ako mahihilo.. hay! positional vertigo din yun akin,,, bast bigla nalang ako nahihilo.. tapos pag umaatake na.. di ako gumagalaw masyado kasi umiikot paniningin ko.. sabi ngang kaibigan ko para daw akong zombie.. buahy pero weird yun kilos.. puro diretso lang.. haha!!!

    nagpapasalamat ako sa Panginoon kasi once in a blue moon nalang sya umaatake..🙂
    sana nga poreber babay na vertigo natin…:)
    God bless po!!🙂

    ————————————————

    Homebodykuya: Naku… pabata nang pabata yata ang nalalaman kong pwede palang magka-vertigo — 17 naman ngayon nung una kang sumpungin.🙄 Oo nga, pag umatake talagang mas pipiliin mong huwag na lang kumilos.😆

    God bless ading pom, lalo na sa pagjo-job-hunt mo.🙂

  8. Hahaha! Nabasa ko lang ang reply nyo kay Repah. Tama hindi sakit mayaman ang vertigo! Sana ay wala ako nito kung ganun nga! hahahah! Natawa talaga ako dun sa isinagot nyo sa kanya. (,”o Natawa dahil agree talaga ako sa katotohanang yon.

    ————————————————

    HBH: Ahehe😀 hindi pa kasi masyadong popular ang vertigo. Sana huwag nang mauso paris ng diabetes.

    Si repah ay isa sa mga matagal na ring blogfriends ko. Mag-iisang taon ko na syang ka-blog sa December 4 … generous, down-to-earth at masayahin.🙂

  9. […] Ngapala, sekon berdey Wigwam ngayon ► “Hamishewtoo” (hammie’s yr 2) […]

  10. […] Eye-opener lang po uli… dahil 154th year ngayon ng isa pang holyday ng popular Christendom. (Walang kaugnayan ang post na ito sa Iswalowaloba) […]

  11. acckk!! twenteen?? haha honga mag tu-twenTEEN na nga pala ko hahaha.. gagawin ko na po tag nyo kuya!! ^_^

    nakakagaan naman takaga ng loob makita kahit yung nakangiting icon na yon. Parang yung sa pinanggalingan, nakangiti talaga sa’yo.😀

    ————————————————

    KTB: Hi, bunso, kanina ka pa pala?
    (Di ko alam kumbakit namoderate comment mo?)
    Kapo-post ko nito (2 am) → Ham’me-a-break (click)

    O di ba? Lapit ka na mag-twenteen!😀
    Lapit na rin ang one-year na tayong magka-blog!😀

    May kwento ako sayo:
    Naaaliw ako kay Rhino, yung hamster sa Bolt?
    Si Bolt naman, naaalala ko si Seiko mo.

  12. […] Spouse: Mochawonka the wiggler […]

  13. […] Spouse: Isnohontas Kotonbol […]

  14. guys vertigo ba ang nararamdaman ko pag naka upo ako at nakahiga para akung gumagalaw pero pag naglalakad di nman binigyan din ako ng doc ng serg parang walang epikto di naalis nandyan lang x palagi ano pa ba ang magandang gamot na inumin……thanks god bless sa lahat

    ————————————————

    HBH: Mukhang vertigo nga, ano ba sabi ng duktor sayo?
    Check mo din ‘to links:
    http://www.dizzyfix.com/selftest.asp#nystagmus
    http://www.neurologychannel.com/vertigo/index.shtml

  15. serc pala

    ————————————————

    HBH: Stugeron ang isa pang gamot eka ni RJ.
    See 5th comment usapan namin.

  16. ayon ang sabi vertigo nga daw kaya lang di natalab ang serc sakin nahihirapan talafga ako para akung inanlon palagi hirap pala ng vertigo sana matanggal naman x huhuhu para akung lagig lading,,,,sana may gamot na makakaalis ng vertigo..try ko minsan yung stegeron thanks guys.

    ————————————————

    HBH: Walang anuman, kabayan.

  17. pag may vertigo kasama na ba ang insomya grabe hirap talaga ma2log umaga na gising pa ako….


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: