Pokpok

Aym a pokpok , Your honor!

Matatapos na ang Nobyembre, kaya hindi na “in” ang kwentong tulad nito Beggar in the gate (kelan ba naging “in” yan?) Derpor eto’ng ibang bersyon:

Amo : Inday, may pulubi sa gate. Paalisin mo nga!

Inday : Rigthaway, mam…

Hey you putrid-smelling beggar with the diverse ambience of scented junk that assails everybody’s nostrils and poisons everyone’s fresh and carbon-free lungs, please go away at once!

Pulubi : What? Who do you think you are? You pathetic trying hard nanny! How could you, a social climber and very low grade mammal underestimate a high class beggar like me? The hell with you!

Inday : Nakakasakit ka na ah?

Mam o, ayaw umalis…

The rabbit is always being bullied by the bear. But “Why is the rabbit not afraid of the bear? Because the rabbit is smarter than the bear.”

Huwag na yan, hindi naman ako basta-basta bibilib sa ‘smart’ lang in their own rights. Ahehe, napanuod ko lang yan sa da eds… Saka wabbit and Tedi bew? — pareho kong pebowits yan.😉 Eto naman peborit ng prend kong taga-Mexico da ‘eds (lambing lang, amigo kong Kapampangan)

Ngapala, sekon berdey ni Wigwam ngayon Hamishewtoo (hammie’s yr 2)

Inuna ko lang mga dyoks kasi baka hindi nyo na tayp basahin nasa IBABA.

The Pokpoks — What this post is really about

One is called to repair or build; the other to pronounce the people’s verdict and to administer justice.

Yang unang nabanggit, pokpok nya lang ang tanging maririnig — mga pokpok na minsan ay nakaiinis dahil mas madalas at paulit-ulit… Itong huling nabanggit, mga pokpok ay minsan lang maririnig, subalit mas ka-kaba-kaba lalo na’t may kalakip na makapangyarihang tinig:

Order in the court!” “Silence!

Shut up or I’ll hold you in contempt!

The defendant is guilty!” (or otherwise) (pag walang jury)

The case is closed!

Mas mababa o mataas ang maaaring kinalalagyan niyaong una — sa silong ng bahay nyo, o sa rooftop ng gusaling hindi naman kanya. Pangkaraniwang hindi tinitingala, kasi pokpok lang sya…

Manong, baka pwedeng mamaya na yan? Matutulog ako.

Pirmihang nakaupo naman itong huli sa sarili nyang sala, sa nag-iisang luklukang pinaka-angat sa iba. Tinitingala, kasi Pokpok! sya.

May I approach the bench, your Honor?

Saan kaya kauri ang trabaho natin ngayon, kabayan? Arya lang.

Hindi ko sinasabing mangaral ka kung hindi mo type. Hindi mo rin kelangang magfull-time kung hindi mo ‘calling.’ Basta ba huwag mo lang ipagparangya ang posisyon o trabaho mong pinaka-“noble” na eka mo. Maski ba sabihin mo pang maka-mahirap at “makamasa” ka kung sa taas naman ng pinag-aralan at posisyon mo, ang tingin mo ay mas mataas ka pa rin sa mga nasasakupan mo — ay anukayayun!?🙄 Hindi nga vainglory, pero self-gratification? Tagapagtanggol ka ba nila, o naghahanap lang ng tagahanga?

Wala naman sigurong matinong mangangaral ang magsasabing iwan mo na totally yang trabaho mo at magpari o magpastor na lang tayong lahat (Paano nga naman tatakbo ang economiya). Sablay ka rin kung inaakala mong komo nangangaral ang ilan ay detached na sila sa suliraning pambayan at panlipunan.

Nung 1986, halimbawa, ang umani ng mga papuri ay ang mga matataas na taong naruon, o di kaya’y ang mga nakaabitong mas tanggap ng marami na may karapatan sa usaping maka-Diyos (dahil sila ang kinagisnan), may hawak na mga kwintas-agimat at barbidals na ngayo’y may malaking heavy metal version sa EDSA. Pero ilan kaya ang nakapuna sa mga evangelical Christians na naruong nakimartsa at nagpahayag ng suporta upang mapababa ang diktador, at higit sa lahat taimtim na nanalangin sa tunay na Diyos na sinasabi sa Bible?

Hindi kami ang grupong bawal umawit ng Lupang Hinirang at magpugay sa watawat; Hindi rin bawal sa amin ang bumoto.

Sa kabilang banda, hindi kami ang grupong may mga liderato na nagdidikta kung sino ang mga iboboto (Hindi kami eka nga ay one for all, all for one).

Hindi rin kami ang mga tipong bumubulong sa mga nakaluklok, o ang binubulungan nila. Hindi kami ang mga maiingay na tumutuligsa sa kanila kung saan ang karaniwang reaksyon ng marami ay: “Hindi ba dapat separate ang Church at State?” (That is true pero namemorize mo lang yata yan sa Philippine History subject mo)

Pag mag-e-eleksyon, hindi kami nagpapahayag kung SINO ang mga dapat iboto. Mangampanya ang may gusto, kanya-kanyang personal na desisyon na yun. Hindi namin ginagamit ang local church para magsulong ng sino mang kumakandidato, sa halip ay nagbibigay kami ng guidelines kung ano ang mga KATANGIAN ng dapat na maging lider (Scriptural, mayroon sa Bible, aware ba kayo?) Disqualified na agad ang “may takot” lang sa Diyos pero wala namang alam sa pulitika. Obviously, turn down din ang malawak nga ang experience pero marami namang asawa.😆 Kahit pa ba mas mahusay pa sya mag-ingles kaysa kay Inday o high-class na beggar!

A Christian is not an isolated citizen of his country; he is a faithful follower who tries, by God’s grace, to insulate himself against the ills of a society full of compromise. Hindi ko sinasabi ang mga ito para itaas ang mga kasama ko, nililinaw ko lang ang ilang maling akala… I have already presented our case here ► … Do not judge too quickly, for a man can never know what he has not tasted yet.

(Examine the case of the man Saul who became Paul).

May kanya-kanya tayong mas pinapahalagahan. Pero meron ding bagay na mas higit pa kaysa sa sari-sarili nating mas pinahahalagahan na maaaring hindi mo maintindihan — ang pagkatawag o calling.

Maaaring hindi nauukol yan sa mga bagay-pang-ispiritwal… kahit pa! Basta ba hindi para sa sarili mo lang at di ka nanggugulang ng kapwa, makatao at maka-Diyos pa rin iyan… Derpor, HUWAG mong iiwan yan! Be sure lang na yang propesyon mo ay hindi yung type na magbubulid ng sarili o kapwa sa pagkakasala.

Batid ng Diyos ang nasa puso mo kaya ka Nya inilagay diyan sa trabaho mo. Misyon mo yan… Diyan ka, dito naman ako… okies ba?😉

Pokpok #1… huwag mamuhi o manghinawa sa mga mas nakararangya, dahil hindi naman lahat sila ay mapangbusabos at mapagsamantala. Huwag mong gamitin ang karit at maso mo dito

Pokpok #2… huwag hamakin o ipagwalang-bahala ang mga ‘nasa ibaba’ — alalahanin mong kaya ka nariyan ay para alalayan silang di-paris mong mas pinagpala(?) ( Jeremiah 9:23-24)

Remove far from me vanity and lies: give me neither poverty nor riches; feed me with food convenient for me:

Lest I be full, and deny thee, and say, Who is the Lord? or lest I be poor, and steal, and take the name of my God in vain.

— Proverbs 30:8-9

Iwasang magpadalus-dalos para maging mapanghusga sa ‘hanapbuhay’ o ipinaglilingkod ng kapwa. Dahil kahit gaano pa kababa o kataas ang trabaho mo, sa mata ng Diyos — sa tulad kong isang hamak na pokpok (?) hindi ka nalalayo. ( Isaiah 64:6)

After ALL, kahit naman ano ang kislap o kinis ng martilyo mo, hindi ang itsura o kung sa anong yari Nya titignan ito… Iya’y sa kung PAPAANO mong ginamit ang masong ipinagkaloob Nya sayo.

“Do not be deceived: God cannot be mocked. A man reaps what he sows.” (Galatians 6:7)

If anyone thinks he is something when he is nothing, he deceives himself. Each one should test his own actions. Then he can take pride in himself, without comparing himself to somebody else, for each one should carry his own load.

— Galatians 6:3-5

… Do not think of yourself more highly than you ought, but rather think of yourself with sober judgment, in accordance with the measure of faith God has given you.

— Romans 12:3

Do nothing out of selfish ambition or vain conceit, but in humility consider others better than yourselves.

— Philippians 2:3

Humble yourselves before the Lord, and he will lift you up.

— James 4:10

God opposes the proud but gives grace to the humble.

— 1 Peter 5:5

“ If a man is called to be a street sweeper, he should sweep streets even as Michelangelo painted, or as Beethoven composed music or as Shakespeare wrote poetry. He should sweep streets so that all the hosts of heaven and earth will pause to say, ‘Here lived a great street sweeper who did his job well.’ ”

— Martin Luther King, Jr.

Let us not become weary in doing good, for at the proper time we will reap a harvest if we do not give up. Therefore, as we have opportunity, let us do good to all people, especially to those who belong to the family of believers.

— Galatians 6:9-10

Sabayan ng pokpok ngayon; Bukas ► sa Bayan naman!

Published in: on 29 November 2008 at 2:20 pm  Comments (7)  
Tags: , , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/11/29/pokpok/trackback/

RSS feed for comments on this post.

7 CommentsLeave a comment

  1. Napakalalim ng entry na ito… Pero maganda, kumbaga sa lahat ng panahon ay nababagay ito. Applicable. Sana mabasa ito ng mga kinakailangang makabasa nito. (Magulo ‘ata ang statement ko.]

    Ayos talagang mag-English si Inday pero parang tinalo siya ng pulubi. hahaha! Fans din pala kayo ni Inday!

    Ang ganda ng sinabi ni Martin Luther King, Jr. Pakiramdam ko, pinaparinggan niya ang isang magmamanok na tulad ko.

    ————————————————

    HBH: May nabasa ako nuon tungkol sa “SAD”
    (seasonal affective disorder) . Parang mild form sya ng depression (na hindi naman) sa tuwing magwi-winter kung kelan papalamig at papaiksi ang photoperiod… Melancholia
    lang siguro?😛 Incidentally, magsa-summer dyan sa southern hemisphere, kaya papainit at papahaba pa ang daytime hours.

    Tutuo namang may konting epekto ang environment sa physiological make-up ng tao, pag ganitong malamig at madilim, ako man pirming tinatamad at inaantok. Maigi sana kung pwede mag-give-way sa hibernation response na ito, kaso hindi uubra sa tao dahil titigil ang lahat ng trabaho.

    Sabagay, we have ways and the technologies to deal with
    our environment. But what counts the most is what’s within us kung papaano magrerespond sa external circumstances sa ating paligid… Si bestfriend ko, mas malayo sa pinagkadalubhasaan nya ang trabaho nya dyan ngayon, minsan nauumay din siguro. But I think his goal for his family (especially for his daughter, their only child) is one of the things that keep him going.🙂

    Hehe, yang si Inday, mga regular text messages galing sa
    friend ng misis ko.😆

  2. pucha!
    naawa tuloy ako kay inday!
    wafakels!
    pag naririnig ko ang pokpok ang nasa utak ko eh yung mga prostitute!
    awts…

    pero matindi ang entry na ito at dahil matindi, nosebleed ako!
    wala akong masabi!

    ————————————————

    Ninong: Basta nandyan si Inday, pang-noshblid.😆
    Dito sya una apir di ba? ► W’eno na? (click)

  3. hey. you like hamster right? i found a hamster gadget
    http://abowman.com/google-modules/hamster/. there go to it okay

    ————————————————

    HBH: Nakita ko na!😀 Angganda!!!
    Thanks! Lagay kita sa blogroll ko ha?

    Nai-embed ko na dito sa blog ko.😀 Click mo ito →

  4. bwahaha ano ngayon si inday nalamangan na sya? haha

    nagulat ako sa title ng entry nyo kuya. hihiu pero sobrang deep talaga ng message.. AStig!

    ————————————————

    KTB: Nakatagpo ng katapat si Inday.😆

    Alam mo ba dyan sa atin nuong hayskul ako, pag binanggit
    ang lugar na crossing, ang implication beerhouse na cabaret — pagerper, paka o pokpok? Buti nga yata ngayon wala nang ganun sa crossing, wawa naman yung mga babae.😦

  5. […] God can use you to your full potential!😉
    What we do in life echoes in eternity. […]

  6. […] Pede mong huwag silipin ↑ ◙ Pokpok […]

  7. […] Karakter ang mas importante, kung pano mo i-handle ang lakas at talinong ipinagkaloob sayo upang tupdin ang ‘trabaho’ mo. […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: