Tulak

“Ay, cha-malamig, cha-malameg!!!”

Nung una kong makita ang pushcart na ito sa bahay ng anak-online ko, yan talaga ang unang salita na naisip ko… Tulak! Syempre, kariton e. Rolling store. Marami ngayon dito sa baba ng building, nagtitinda ng mani, popcorn, fishball o kikyam dahil magpapasko. Sey mo, may French fries pa na iba’t-iba ang kulay at lasa ng polbo!

Nang mapunta naman ako sa bahay ng inaanak-online ko at ni-tag nya ako, aba eh dito’y nagsimula na akong mapuyat sa pagmumuni-muni ng ganito:

Ano ga ang pumasok sa isip ng mga anak na are at ngayon pa nakaisip magtinda ng sa-malamig? Ka-ginaw ngayon a? Baka lalong sipunin at ubuhin ako!🙄

Pero nung marealized ko yung sinabi ni anak-online na Vitamin C (expert syang alamin kung ano ang ibebenta dahil may tindahan sila ni mudang nya) at yung inaasam-asam ni inaanak-online na PSP, namulat ang isipan ko:

Lemonada is good for battling sipon at ubo, and selling such can help raise some money. Makatutulong ka na, makakaipon ka pa ng pambili ng PSP.”

Kaya payo ko sa mga may edad nang paris ko, parating pakinggan ang ideya ng mas nakababata… aush ba, mga anak?😉 Pede naman di samahan ng yelo. Thank you, thank you eloiski sa tag!😀

Kaya eyan… nagtulak na rin ako!

————————————————————————————————

Ang mga sumusunod na pagsasalaysay ay pawang kathang-isip lang.

Anumang pagkakahawig ng mga pangalan at lugar sa tunay na buhay

ay sadyang hindi sinasadya…

(Rated PGR)

————————————————————————————————

Class, our lesson for todey is di comon uses of the Tagalog word TULAK (Ser, bakit English? Pilipino subject ito a?) Magbigay tayo ng seven lang:

1. Umatras ka lang ng pitong buwan pabalik (May 5) ay mapupunta ka sa post na may taytol na Bato …Buti na lang hindi naging magkasunod ang post na iyon at ito!😯 Ganito sana ang nandyan sa sidebar ko:

RECENT POSTS

Tulak

Bato

That’s right, class… Isang notoryus na paggamit ng salitang “tulak” ay ang pagtu-TULAK ng BATO… – Don’t yu ever dare it! Bad yan!😕 Magtulak na lang ako ng kariton ng wan-dey-ol na chick o yung “kwek-kwek” — kaysa maging drug-pusher ng shabug.

2. Kung maga-pedikyur kayo, may lanseta ang manikyurista na kung tawagin nya ay nail PUSHER – tagapag-TULAK ng patay na kuko… Maki-avail ka na rin ng foot-sPAA — espesyal serbis yan kasi foot na, PAA pa.

3. May kotseng kuba ka na luma na ang makina, tapos nag-uuulan pa… Malamang nyan ititirik ka. Tatawag ka ng mga kendi- at yosi-vendor, o kaya naglalako ng tabloid na puro burles at patayan ang balitang laman. Kailangan mo ng magtu-TULAK para mag-istart. Buti na lang hindi nagalit — matapos mong abalahin, hindi ka na nga bumili ng tinda nila, bigla ka na lang sisibat nang hindi man lang nagpapasalamat.

4. Pilipino ito, pero isingit ko ang ibang subject…

According to the Law of Pisiks, dahil mas less ang friction, mas madaling itulak ang objects na nakalutang sa tubig kesa sa mga nakapatong sa solid. Derpor, mas madaling mag-PUSH ng BARKO kaysa mag-TULAK ng PISON, lalo na kung kalsada’y paahon… Sumakay ka na lang sa arko o kaya pahila sa pison ang iyong kariton. 😆 Donk wori, ang handbreak nama’y malakas, kaya hindi ka madadapurak.

5. Concerned ka ba sa prend mo? Then give him/her a little pushENCOURAGEMENT! (‘kaw naman, anhina mo makaisplok). Por eksampol, hindi sya marunong lumangoy? Then, imbis na i-advice mo na pakagat nya sa TUTUBI ang dede nya, akagin mo sya sa diving board, sabihin mo:

Kaya mo yan! (sabay TULAK!) — dyok dyok dyok!

6. Kakainin mo na lang yung peborit sokoleyts na napulot mo, biglang dumating ang KRAS mo:

Uy, sokoleyts! Penge naman!

Kokonti yung sokoleyts, kaya sa hiya mo, sasabihin mo sa kanya:

Gusto mo iyo na… Busog pa naman ako.🙂

Sure ka ha? … Okey ka lang? — eka ni kras.

Oo naman… Saka hindi ako masyado mahilig dyan (lunok!)”😦

TULAK ng bibig, kabig ng dibdib.

7. Alam nyo ba yung larong bilyar? Yung kung saan sumikat si Efren “Bata” (medyo matanda na ngayon) Reyes? May mas pangmasang bersyon ang Pinoy dyan na kung tawagin ay Pull (pool).

Mali yun! Hindi naman pakabig ang bira ng tako sa pitsa di ba? Pasulong! Kaya dapat ang tawag dun ay Push (poosh). At dahil Pinoy na laro yun, dapat Tagalog – “TULAK!” (ka-ploink!)

Pito na, tama na yan… eniwey pito (7) na lang naman ang dagang alaga ko (wats da kunek?) Kelangan din magpost minsan ng medyo may kababawan. Kahirap kayang mag-isip ng post na nakaka-noshblid eka – nakaka-anemic.😆

Dagdag ko lang: Ang TAG na ito ay pedeng tawaging TAG-a-Tulak… Kaya tayo na mga gumawa ng tag na ito ay pwedeng ipagpalagay na TAGa-TULAK (da olrayt kind).😉

Hanggang dito na lang po, pa-vulcanize ko lang gulong ng aking kariton. Okey, class… dismiss!

————————————————————————————————

(Syangapala) Tag RULES:

1. Put the logo on your blog or post.

2. Nominate at least 10 blogs which show great attitude.

3. Be sure to link to your nominees within your post.

4. Let them know that they have received it. Comment on their blog.

5. Share the link of the person from whom you received your award.

————————————————————————————————

O, sino pang gustong mag-TULAK?😀 Ikaw n’ang magdecide, hindi ka naman siguro magba-blog kung wala kang great attitude. Sige na o… pamemeriendahin kita! Kuha ka na lang ng lemonade sa-malamig dyan sa kariton para meron ka PANULAK.😉

Published in: on 5 December 2008 at 12:30 am  Comments (5)  
Tags: ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/12/05/tulak/trackback/

RSS feed for comments on this post.

5 CommentsLeave a comment

  1. Pagod ako sa tour pero magko-comment ako. Hahaha!

    Kanina sa tour namin dito sa Great Ocean Road, Victoria, Australia…

    Pagdating sa lugar na Apollo Bay (approx. 2hrs drive from Melbourne; 1 hr drive to The twelve Apostles), sabi ng Aussie driver-tour guide ng bus, “Okay, I will drop you off for a moment here, please have your very quick lunch and get some for ‘take-away’ (take-out sa Philippines), I’m recommending the place of Naughty Gals, the best foods, and they have internet connections for those who cannot stand without internet for 6 hours (paulit-ulit nya kasing sinabing after Apollo bay, there is no civilization, no phone signals, no shops, no houses, no internet…).

    Sa isang very distinct Australian accent, idinagdag ng tour guide na si Phil, “See you at exactly 1:30pm. Meanwhile, I will take the bus up to the servo (fuel station) so I can fill it up, full tank! Alright?! Because I guess nobody would like to PUSH the bus from The Twelve Apostles back to Melbourne, in case we ran out of fuel!”

    Napangiti ako sa sinabi ng humourous tour guide na yun kanina.

    Kung Filipino lang si Phil, nabanggit nya rin ang salitang TULAK! Hahaha! (,”o

    ————————————————

    HBH: Pag na-drain ang tangke ng gasolina😆
    Anlayo — antindi tulakan nun!

    Mukhang nilulubus-lubos nyo ang papalapit na summer dyan a? Panay ang pasyal nyo. Ahehe, sama ako… Parang type ko DIN magsafari photoshoot sa walang civilization – dun sa malayo sa coast? Sa mga wilderness medyo gitna ng Australian continent.

  2. weehee!
    tama makinig sa mga nakababata!
    amp!
    salamat sa pagsagot ng tag ninong!

    doon naman sa ating lesson, hmmm…
    1. neber kung gagawin yan, mabuti pang maghirap na magtulak ng lemonada cart kesa magtulak ng droga! wapak!
    2. awts. di ako mahilig sa ganyan! la pera eh!
    3-4. ui lab ko ang mga kotseng kuba! hahaha! paklat kalat nga mga kotseng kuba dito eh. tapos ayun may pendungan! mahirap magtulak ng ganyan dito kasi pataas. ika nga sa law of physics, kapag pataas, mas malakas ang friction na na nag-ooppose sa friction. Pero kung may effort tapos may force equals efforce, matinding kumbinasyon yan! wapak!
    5. ay magaling ako sa ganyan! wapak!
    6. hindi ko naman kayang gawin yan! abay tsokoleyts na yan noh! alangan unahin mo pa ang iba kesa sa sarili mo! amp!
    7. wapak! kulang pa ako sa praktis pero balang-araw makikita na rin ako sa tv at sisikat parang si pacquiao. nagapala bukas na laban nya!

    pustahan tayo ninonG! wapakkkkkk!

    hahaha! nag-enjoy ako magcomment! masaya ang araw ko ngayon! woohooo!

    merry xmas!

    ————————————————

    Ninong: Anggaling mo naman sa Physics!
    Ako nuon, na-kwatro (4.0) aheh.😆

    Hindi ako mahilig sa sasakyan kasi, inaantok ako sa byahe – baka mabangga ako pag nag-driver ako. Pero usapan namin
    ni misis, bili kami kotse-kuba pag nandyan na kami Baguio. Marami dyan kotse-pagong na bokswagen di ba?
    Short trips lang naman.

    Pustahan?
    Ako coach e… eto bakser ko (click mo) ► manny pacmouse

    Merry Christmas!!!

  3. huwaw ni tag din pala sya hehehe.. sorry nga po pala kung masyadong late na ang pagsagot sa tag nyo😉

    at late tuloy ako ngayon sa klase nyo haha.. anyway dami nanaman ako natutunan..

    push –>> pray until something happens

    ————————————————

    KTB: Hala.😯 Naturuan pa kita ng kalokohan. (joke)
    Yung late na tag, walang kaso yun.😉

    Uy, angganda ng definition mo ng “push” – parang yung ‘intensified prayer’ sa Bread of Life… Dito bunso, maganda.😀
    Nakapunta na ako ► Touch of Glory Prayer Mountain
    Dami Koreans dyan. Yung Christian church nga yata sa Korea ang nag-inspire niyan??

  4. […] Nabanggit na rin lang, plug-in ko na😆
    (pamparami ng pingbaks) :
    Kariton
    ◙ Tulay […]

  5. […] Eng?🙄 Yung kariton, okey lang hindi kasama kasi may malaki na ako nuon (tulak award) ; pero yang “sisterhood” type ko din yan.😆 […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: