Diswalo

La pieta. ‘Fantastic’ details. Very realistic.

“Nyay!:mrgreen: Nakita ko pa lang yan pikyur, kinakabahan na ako dito sa post mo!”

Reunion. Humahangos ako para i-regulate ang timpla ng tubig sa indoor hot spring pool ng isang family resort sa bayan ng Los Baños. Walang kamukat-mukat, may tila incantation akong narinig —

“ A—G— M— n— k— n— g… a— P— D— a— s… b— k— p— s— b— l , a— p— n— a— i— a— n— s— H… …S—M— i— n— D , i— m— k— m , n— a— k— k— m , a.”

Naalimpungatan ako!!!🙄 Nawala sa paningin ko yung indoor pool, family resort, at Los Baños. PANAGINIP lang pala. Pero yung USAL na paulit-ulit, umuukilkil pa sa aking pandinig. Galing mula sa kalsada sa ibaba, dumadaan ang KAROSA. Over the microphone at sa naka- full-blast yatang sound system, yung dasal nga.

Ang LAKAS naman!😕 Madilim pa ah? Tsk tsk tsk, akala mo pag-aari nila ang buong kabayanan.

Hindi ka na nasanay. Taun-taon na nilang ginagawa yan a.

Oo nga pala. Sa totoo lang, kasa-kasama ako sa mga ganyan nung ako’y nasa hayskul pa lang.😳 Saka pasensya na lang — dito ako napatira sa commercial area.

Sabagay maski mapasaan naman, talaga yatang nilalakasan yan. Siguro tulad ko rin nuon, ang paniwala nila ay nakakapag-impart sila ng pagpapala (hindi bulahaw) sa mga makakarinig sa dasal nila. Sincere intentions, so far… pero hanggang kailan kaya?

Incidentally, ang araw na ito ang pyesta sa bayan ng Los Baños; bukas naman ay araw ng bayang ngayo’y tinitirhan ko bago nito nakamtan ang minimithing cityhood… Hmm, Los Baños Science Community; ito naman, Muñoz Science City. Hindi na ako nalayo sa agham a?🙂 At sa Spanish, kita nyo naman parehong may letrang eñe. (joke)

Bangon mula sa pamamaluktot na pagkakatalukbong ng kumot. Ala-singko y medya, sabi ng wall clock sa sala… Balik sa higaan. Kumiyakis kay misis na di man lang yata natinag sa ingay sa ibaba. Nakinig sa tilaukan ng mga tandang mula sa gawing kanluran.

Maya-maya lang narinig ko na ang kalembang ng KAMPANA, ilang daang metro lang kasi ang layo ng simbahan mula dito at ang kampanaryo ay halos kasintaas ng palapag na kinaroroonan namin. Musika ang kampana sa pandinig ko, kaya tuluyang nahulasan ako. Makabangon na nga… makapag-isip ng ipo-post.

Ang nasa itaas ay larawan ng isa sa mga Renaissance sculpture na bilib ako. Syempre bilib din ako kay Maria na ina ni Hesus; mababaw lang mag-isip ang sinumang mag-aakusa na galit ang mga Bible-believing christians kay Maria.

Hinahangaan ko si Maria bilang isang babaing nagsakripisyo ng kanyang sarili para gampanan ang ‘assignment’ o misyong ibinigay ng Diyos sa kanya. Primero, ang napakalaking kahihiyan at posibleng kamatayan pag nagbuntis ang isang dalaga pa (sa panahon ngayon, hindi na malaking isyu ito). More than 30 years later, iyan na nga – ang tanggapin ang pangyayaring naganap bago ang inilalarawan sa rebultong iyan, ang dalamhati ng isang ina.

Alam kong kayo ang nagpagawa ng rebultong iyan, pero palagay ko naman sa point of view ni Michelangelo, nililok nya yan para din HANGAAN ng mga titingin ang taglay na kagandahan.

Kunsabagay, andaming usong praise and worship songs ngayon na Bible-believing Christians ang may composed at kumanta, peborit ngayong kantahin sa mga charismatic fellowships nyo… ayos lang, no big deal.

Art is made to be appreciated. The message of our songs (of which lyrics are Scriptural) goes beyond that, because internalizing God’s Word requires more than appreciating it. Hindi mo naman mare-realize ang Truth na sinasabi sa Bible hangga’t hindi mo nauunawaan at nai-experience (because you refuse to). Masahol pa, baka isipin mong sira-ulo ang mga eka mo e “naloloko” sa Bible… Ikaw ang spiritually deranged.😦

Naa-appreciate ko ang mga sining na gawa nyo, sana maintindihan mo rin ang mensahe ng mga kantang hinihiram nyo. Si Hesus na nga ang itinataas ng kanta, ewan ko ba kung bakit hindi mo pa mai-give-up ang mga padrino nyo. Are you really “for Christ?” Braderhud o barkadahan lang yata ang habol mo dyan, e di mag-fraternity ka na lang!

Philippines, the Christian capital of Asia ???

You corrupt His Word? Then let Him allow corruption in our government.😦 Kawawang bansa ito.

You can not deny it. Maski ano pang alibi nyo, hangga’t (mas) itinataas nyo ang pangalan ng ‘Nanay nya’ — lalo nyong inilalayo ang mga tao kay Kristo. Hindi na kataka-taka para sa isang tunay na kristiano ang mga MISTERYO o kababalaghang ipinakikita ng mga imaheng iyan.

Hindi ko na palalawigin ang tungkol diyan. Kung hindi nyo pa nabasa, eto ang ilang related posts:

A mother’s portrait

Sumalangit-nanay — don’t you miss it

Did Mary die a virgin? — a trivia that will challenge you to think

RC c — not mine, but you may want to read it

Eye-opener lang po uli… dahil 154th year ngayon ng isa pang holyday ng popular Christendom. (Walang kaugnayan ang post na ito sa Iswalowaloba)

Okey… makatulog na nga muna uli bago sumakit na naman ang ulo ko. Pagkagising ko na lang siguro ako magreply sa comments at mag-ikot sa blogamundo.

————————————————————————————————

“Talaga namang hindi dapat dasalan si Maria eh!”

(click page 2) . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . leaky bolpen

Pages: 1 2 3

Published in: on 8 December 2008 at 7:14 am  Comments (6)  
Tags: ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/12/08/diswalo/trackback/

RSS feed for comments on this post.

6 CommentsLeave a comment

  1. May tanong ka rin bang paris nito?
    (click mo ito) ► RBB sample publication

    Paano nga naman yung mga hindi marunong magbasa,
    o yung mga tao sa mga lugar na hindi pa abot ng Bibliya?

    May sagot ang Bible sa mga tanong na iyan, at maraming
    babasahing nailimbag na ukol diyan, paris nyang RBB booklet.
    Huwag mo silang alalahanin, “problema” na yan ng Diyos,
    at task na iyan ng mga misyonero.

    Ikaw? — na nakatunghay ngayon sa webpage na ito?
    Marunong kang magbasa… Nakaharap ka ngayon sa isang nakabukas na computer – patunay lang na nasa kabihasnan ka, may pinag-aralan… At malamang, ilang ulit ka na ring nakabasa o nakarinig tungkol sa Ebanghelyo; hindi malayong naibahagi
    na rin ang mensahe ng kaligtasan sayo.

    Ano ang dapat mong gawin? Tandaan mo,
    hindi ka kabilang sa mga taong “hindi pa nakaririnig.”

    “Every person with Christ in his heart is a missionary;
    every heart without Christ, a mission field.”

  2. Derpor, hindi komo kristiano ang tatay o nanay mo, kristiano ka na rin. Personal na desisyon ng BAWAT tao ang gagawing pagtanggap para sya ay maging isang anak ng Diyos, hindi nilalang LANG.

    — agree nga talaga ako dito. Yung panananmpalatay hindi pinipilit yun, sabi nga choice yun ng tao mismo. Meron akong kakilala na buddhist pareho yung parents nya pero sya katoliko.

    ————————————————

    KTB: In-italics ko yung quotation, ha?😉

    Yung religious affiliation na naging part na ng kultura at tradisyon, siguro namamana; pero ang personal relationship, hindi. Parang kurso din kaya sa pag-aaral, o kaya sa magiging asawa, yung may katawan ang pipili. Kaya nga mapapansin mo rin sa ilang mga konserbatibong bansa, magulang ang pumipili ng mapapangasawa (at magiging career?) ng mga anak nila.

    Ikinuwento nga minsan ng pastor namin ang panganay niyang anak na lalaki kung papaano ito nakakilala. Mga limang taon pa lang yata nuon — umiiyak at iniisip daw yung ‘end of the world’ — siguro naririnig sa labas o kaya napanood sa TV. 😆 Kinailangan nya pang i-share dito ang Message ng Gospel. Naintindihan naman ng bata yung konsepto, at tumanggap.
    Ang agang na-born-again -– pero sa sarili nyang desisyon.🙂 Nasa 20s na sya ngayon. Napakaresponsible na binata.

    Iba’t-iba ang karanasan at panahon ng tao… si Timothy halimbawa, posibleng bata pa sya nung naging christian kasi lumaki sya sa piling ng mga kaanak na mananampalataya na;
    Si Saul (later became ► Paul ) kailangan pang maging dramatic para ma-convert from being a Pharisee to a Christian.

    Ako talagang persistent re that message sa mga posts ko😳 — pero dito lang naman sa blog ako ganyan paulit-ulit dahil posibleng anytime may mga bagong readers na perstaym pa lang makasusumpong sa blog ko. Sa mga kaibigan at kakilala ko, once na alam kong nalaman at naintindihan na nila, hindi na ako masyado bumabanggit tungkol dyan (bahala na ang lifestyle ko) pero eager naman akong sumagot pag may tanong sila.😉

    Korean siguro yung friend mo? Ang mga foreigners na non-christian, usually napupunta sa catholic, protestant, or other sects. Simple lang kasi sa point of view ng non-christian ang salitang “Christian” — basta Christian, hindi non-christian. Pero sa mga Koreans, marami akong alam na Bible-christians.

    Ibahin ko topic, bunso ha? Tignan mo yung sculpture — angganda-ganda nya talaga ano?😀 Nag-blend pa yung kulay
    sa blog ko.

  3. […] Nag-blend na naman ang kulay ng litrato sa blog ko — parang dun sa Diswalo? […]

  4. […] He clothed them with the skins of animals after
    their sin, and had promised that the seed of the woman
    (that ‘seed’ is Christ) would someday de­stroy Satan. […]

  5. […] Sa dami ng nagkalat na turô ngayon, hindi mo na alam kung ano ang paniniwalaan… Oo na nga, parang turu-turong andaming pwedeng pagpilian. […]

  6. […] [Usap-usapan kasi dito, sa simbahang Aglipay bumabaling ang mga menor de edad na tinatanggihang ikasal sa simbahang Katoliko. Koreksyon po: Hindi ako Aglipayan ha?🙂 Born-again ako.] […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: