Ham’me-a-break

Watch the HAMSTER run on his wheel, drink water, and groom himself. See how he follow as you move the cursor over the picture, and eat the food you feed him by clicking anywhere within. Click the center of the wheel to make him get back to it.

Source ► abowman.com

————————————————————————————————

Nung nauso ang pag-aalaga ng pet hamster, naging gasgas na rin yatang eksampol sa mga sermon ng pastor ang mga dagang ito. Tignan nyo nga naman si Faramir dyan sa sidebar, tagal nang nagbi-briswoking sa pinaiikot nyang gulong, pero hindi naman sumusulong. Para daw isang taong gawa lang nang gawa pero hindi naman umaalis sa kinalalagyan nya.

Well, pwedeng applicable, pwedeng hindi. Malay naman natin dun sa tao?

Pero kung minsan, kapag medyo hindi malinaw ang pagkakalahad o kaya yung pagkaka-pick-up sa mensaheng ibig ipahiwatig, yung walang kamalay-malay na nilalang ang napagdidiskitahan:

Hamster? Parang eng-eng — ikot lang nang ikot!

Wawa naman mga daga… nagboluntir na ngang maging eksampol, ni-despised nyo pa. Sa kailangan nung pobre na mag-exercise, bakit ba?😆 Inggit ka lang kaya? Kasi hindi ka makabili ng treadmill… Hindi ka naman maka-dyaging sa labas dahil obyus na nag-aalugan ang iyong mga Big-a-bilbil. Mag-shadow-boxing ka na lang sa bahay yo, tignan mo nga iyang si Pacmouse o.

Ahehe, eyun lang… Habang wala ako pakainin mo mga hamsters ko ha? Mababaet naman ang mga iyan.

Published in: on 9 December 2008 at 2:00 am  Comments (17)  
Tags: , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/12/09/hamme-a-break/trackback/

RSS feed for comments on this post.

17 CommentsLeave a comment

  1. Thanks to flor for informing me about abowman’s site.😉
    Her comment here → (click)

  2. Christmas break? O break sa blogging?

    Ang ganda nung gawa ng abowman.com! Nakakatuwa. (,”o

    Nagtataka nga ako dyan sa mga hamsters, hindi nagsasawa sa gawaing yan, paikuot-ikot, paikot-ikot hindi naman nakakaalis. Ako, since 2001 naka-4 companies na akong pinagtrabahuan! Ayaw ko rin sana ng ganito, palipat-lipat, kaya lang nagsasawa ako (except yung sa huling work ko bago pumunta rito sa Au). Sa tingin ko both positive and negative ang makikita natin sa ugaling ito ng mga hamsters…

    Maligayang Pasko po sa inyo at sa inyong pamilya!

    ————————————————

    HBH: Parang high-yatoos lang uli.🙂 Hangga’t may natitira akong hamster, hindi ako makakapagbreak sa blogging.

    Tulad ng mas nakararaming rodents, hyperactive ang mga hamsters. Sa mga oras na gising sila, persistent silang lumabas ng cage at mag-explore, hindi sila maipirmi sa iisang lugar paris ng rabbits o guinea pigs. Pag hindi sila makalabas, ‘nagtyatyaga’ na lang sa exercise wheel… Kailangan kasi nila ng activity,
    or else magiging obese o magkakasakit sila.

    Everyday, inilalagay ko rin sila sa mga buildings ng mansyon nila😆 para mag-explore at maglaro lang… Minsan, pinagagala ko rin sa ibabaw ng mesa, sofa o kama. Hindi ubra ngayon sa sementong lapag namin pag walang anumang sapin; malamig, baka sila sipunin.

    Job/employment:
    In my case, napakahaba naman ng tolerance ko sa trabaho. Kaya maski ayaw ko na, hangga’t nakakakita ako ng rason para hindi magresign, hindi ako magre-resign. At tiyakin ko munang wala akong iniwang trabahong bitin bago ko sya tuluyang iwan.

    I agree, maski ‘wala lang’ sa hamster yun → pag-ikot-ikot nila, ang tao may positive or negative na makikita.😆

    Merry christmas din, RJ — kahit malayo ka ngayon sa mga mahal mo sa buhay.😀

  3. kung kelan naman po ako nakabalik saka naman magbe break si kuya oh! hahaha..

    balik po kayo kagad ah?!

    http://fjordz-hiraya.blogspot.com

    ————————————————

    HBKuya: Nyay?😯 Oldawayl akala ko matagal ka na
    nakabalik kasi nakikita kita sa blog ni RJ?

    Ahe, eto bumalik lang ako saglit (Sunday, Dec 14)
    nagreply sa mga comments.

    Merry christmas, fjordz.🙂

  4. aww break muna si kuya teddy.. Kung ano man po gagawin nyo enjoy enjoy na lang muna.. at waggg pumapayat na ko paunti unti bwahaha

    ————————————————

    Kuya Teddy Bear: Kumbaga sa kompyuter, multi-tasking na naman ako: nagpe-frame, atsaka nagkakarpintero ng mansyon. Nagdye-general ligpit dito sa bahay at nagbabawas na rin ng mga anik-anik… Nagpaplano kung uuwi nga ng Calamba🙄
    at kung paano at ano ang mga dapat ihanda sa mga iiwanan
    o dadalhin sa pag-uwi.

    Re big-a-bilbil😆 —
    Buti ka pa, nag-i-slim… Pag nasa midlife, maski payat hindi maiwasang magkameron ng konting kurba sa bandang sides ng baywang, lalo na pag kulang sa exercise. Sa akin, kapiraso lang naman — wala namang lakihin ang tiyan sa mga ninuno namin. (wala akong pagmamanahan)

    Sabagay, wala namang kaso pag bilbilin o malaki ang tyan,
    basta ba walang masamang nararamdaman sa katawan.
    (:mrgreen: ← nae-ebs daw o?😆 pakasutil ko talaga!😳 )

    Maligayang pasko sayo, ‘angel’!🙂

  5. heheh nagenjoy naman ako dun sa widget oh pinakain ko siya ha hehe

    ————————————————

    HBH: 😀 Naalala ko tuloy yung cat widget sa Top5 mo.
    Pero yung pusang itim mo, may ngiyaw pa; itong daga ko wala. Sabagay, hindi naman nagtututunog ang mga hamster.

    Gusto ko sanang ilagay sa sidebar para pwede laruin anytime, kaso hindi ko mai-resize (naka-crop?) . Bago lumubog ang post na ito sa archive, gagawa na lang ako ng clickable link sa sidebar para madaling puntahan.😀

    Salamat, bluedreamer! Hope you don’t have a ‘blue’ christmas! Maligayang pasko sayo!😀

  6. pero may good side din naman yung walang-humpay na pagiikot ng hamster sa kanyang exercise wheel, di ba? determinasyon at single-mindedness sa purpose ito! hehehe…

    merry christmas, bok… sa iyo at sa iyong buong pamilya, human or otherwise🙂

    ————————————————

    Bok: Yun nga yata ang isa sa ibig nila sabihin sa sermon — single-mindedness!😀 Pero pag pumihit na ng direksyon
    (paris nyang hamster) minsan left-wise ↔ minsan right-wise
    ay ano na daw ang tawag?
    Eto kaya, klarong-klaro pa yung word → James 1:8 (click) .
    Eto pa → James 4:8 ; Eto mas matindi → Phew! (hansama)

    Singleness of heart naman ang gustong i-illustrate ng iba → (Colossians 3:23) which applies maski sa anong marangal na trabaho… Sincerity in other word, though alam nating pwede maging sincere sa paniwala o trabaho pero mistaken, aware
    or not. (Just think of those who are willing to “sacrifice” lives not only their own [even of the innocent] for what they believe)

    Ahehe, mas hansamang pakinggan ng ‘double-heartedness’ —
    ♪ Saaaa—na! Dalawa ang puso ko… ♫ (jokes)

    Yung good side para sa hamster, nasa 2nd paragraph sa aking reply sa 2nd comment.🙂 Oo nga, two opposite directions pero one ‘purpose.’ Kung pwede ko nga lang sana silang paalpasan? Empre kailangan din nila ng Pridaaaaaaaaaammm!

    Merry christmas din sa misis at sa dawter mo, bok.🙂

  7. December 14 na! Sampung tulog na lang, Nochebuena na!

    Mewi kwitmat to all!!!
    —🙂 😀 😉 😛 😆 😳 🙄 ← my family of hamsters

    Maligayang pasko!
    —🙂 😀 ← HBH and wife

  8. hehe thanks kuya
    im sure i wont

    have a great chistmas as well
    have a great day

    ————————————————

    HBH: Yes, yes yo!🙂 Thanks uli!

  9. wwaaah!
    nag-enjoy ako dun sa abowman!
    pinagtripan ko ang hamster!
    hakhak!
    natatawa tuloy ako!
    adik!
    ay may hamster po ba kayo na ang name eh hamtaro?
    hekhek!
    yung pinsan ko ang lupit katabi niya pa sa pagtulog ang kanyang hamster! hakhak!

    hamster ikot ng ikot hindi ba sila napapagod! kasi ako pagod na kakanood sa kanila!
    hakahak!

    ————————————————

    Ninong: Dami pa iba nyan — may pagong, pengwin, at isda.😀 Meron din kokak saka gamba.😯 Tinginin mo ito, meron pa iba:

    Abowman dami widget-laro

    Yun pinsan mo, baka madaganan nya yun daga?🙄

  10. haha!!

    nakakatawa yun hamster!!! and dami kong pinakain kay hamster!!!

    happy christmas po sainyo ni wifey!! wohoo.. anlamig na..

    ————————————————

    HBKuya: Oonga!😀
    Pag sunud-sunod yung pagkain, nagmamamam pa sya!
    Tutulugan ka naman pag hindi mo sya pinasunod, pinag-wheel, o pinakain.

    Maligayang pasko! din sayo, pom — at sa papa at mama mo.😀 😀

  11. Dear Friend!
    Welcome to my “Blog”, with electronic adress URL: http://nikotev.wordpress.com/
    In the new variant of the blog there are very much new informers, themes, banners and analisys by the variouse problems of the military history and policy. They will be very interesting for you! In the world system of the cybersytes, the blog received a high mark “600,5”.
    Your friend Nikolay Kotev

    ————————————————

    HBH: Thanks for the visit, and for informing me about your site, my friend.🙂

  12. acckk bakit nung dumalaw po ako sa inyo dito dati hindi ko nakita yung hamster na yun? ang cuteeeeee grabe.. parang nagkaroon na rin po tuloy ako ng alagang hamster dahil dyan hehe

    ————————————————

    Kuya Teddy Bear: Chabi ko na nga ba, na-missed mo lang sya!😀 Kaw pa, alam kong di ka makakatiis di sya pansinin pag nakita mo. Baka naiskrol mo agad pababa bago nag-refresh yung monitor screen, ganun din dito sa laptop namin eh.

    “ang cuteeeeee grabe…” — yan din reaksyon ko nung una
    ko sya nakita.😀 Kaya eyun, naglagay ako ng link sa sidebar. Ii-stick ko rin yan sa harap ng blog sa tuwing high-yatoos ako.

  13. klasmeyt! hui!! hiatus ka? balik ka ha…mamimiss po kita

    ————————————————

    Klasmeyt: Oo klasmeyt, “medyo” hiatus ako…
    Pero mag namiss ko ang isang ka-blog, hindi medyo lang.😳 ‘musta ka na, kapatid?😉

  14. gusto ng hamster. sana pag may bf ako bigyan nya me. lols.

    Join the senior bloggista campaign.. visit http://painuminmoko.idlip.net/?p=104 for more details..🙂

    ————————————————

    HBH: Ay!?😯 Kelangan mo muna pala magkaboypren
    para magka-hamster?

    Sayang hindi na ako nagpapaanak ng hamster…🙄
    Hanapan kaya kita ng boypren?😆 (jokes, ‘kaw talaga ü!)

    Silip nga ako dyan… pang-senior citizen ba yan?🙂

  15. ay! sobrang kaaliw! parang eto na lang ata gus2 ko alagaan para di madededo😀

    ————————————————

    Robby: Alam mo yung nausong “tamagochi” nuon?
    Virtual pet na nate-teggy din daw pag hindi nipakain.😛

  16. oo, at pati yun eh 2 napatay ko :))

    c bentong aliw na aliw din sa paglalaro sa hammy hehehe

    ————————————————

    Robby: Aku din aliw na aliw dyan eh.
    Si bunso, nung pangalawang balik na nakita yan.😆

    ‘musta na si Bentong…🙂

  17. […] Sa isang sulok-korner ng mundo, kapuna-puna ang bansang naka-mahigit isangdaang ikot nang malaya ay tila di pa rin makaalis sa kinalalagyan (nuyan roedor en una rueda?) Sa loob ng 111 rounds ay nanatili pa rin dehado, hindi malinaw kung ang laban sa kahirapan ay ipapanalo. Bakit ganun!!! Mayaman naman ang Pinas, ‘di ba? […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: