impromptu

Tinanghali ako ng gising — pasado alas-nuwebe na yata… May naalala ako kaya diretso agad sa laptop. Punta ako sa website nya

Nyay!😯 Pwede ba magmumog muna? O kaya magwinig ng mata?

“ ‘Indi pede! Impromptu nga eh!”😆

Wala ako webcam, kunin ko muna digital cam ko ha? Wala akong babaguhin sa karakas ko, pramis yan.

. . .

O, eyan!😳

Ahehe… nakabonete ako matulog, hindi ko na inalis. Buti na lang ‘ala ako muta, ‘ala din makita kayat ng panis na laway sa pisngi.

————————————————————————————————

TAG RULES:

1) Take a picture of yourself right NOW!

(Ngayon na!😕 Huwag na humarap sa salamin!)

2) DON’T change your clothes, DON’T fix your hair… Just take a picture.

(Walang suklayan😆 walang ayusan ng damit!)

3) Post that picture with NO editing. (Walang burahan ng tagyawat!)

4) Post these instruction with your picture.

5) Tag 10 people to do this.

————————————————————————————————

Hmm…🙄 I sekon-da-motion na lang sa kasama ko ni-tag ni kimchi (angel) kasi tagal ko na di nakikita pikyur nya sa blog nya — (si eloiski… meri krismas!)

. . .

Nyay! Ni-tag nya rin pala ako nito?😆 At may sampu pa o?

O… Sino pa sa inyo ang gustong magpakita ng NATURAL na kagwapuhan o byuti nila?😉 Come on! Let everybody claim this verse.

—————————————————

… and I praise you

because of

the wonderful way

you created me…

— Psalm 139:14 (CEV)

—————————————————

Yung sampu ko eloiski, intay mo lang, hane?😉

Published in: on 15 December 2008 at 10:48 pm  Comments (9)  
Tags: , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/12/15/impromptu/trackback/

RSS feed for comments on this post.

9 CommentsLeave a comment

  1. Ayan! Sa wakas nakita ko na rin kayo! Medyo may mga effects kasi ang photo nyo dito sa gilid ng page. Pero dito sa post na ito- natural!

    Ang ini-expect ko po may hamster sa balikat nyo. (,”o

    ————————————————

    HBH: Minsan lang kasi ako magpagkit ng updated
    na litrato ko dito sa blog (pang-pito pa lang yang nasa itaas) .
    Eto ang isang malinaw-linaw na set nuong kapapasok ng
    year 2008 ► Modelo ng panDAGAigdigang kalendaryo

    Kalimitan puro lumang pikyurs dahil parati history ang mga wento ko.😆 Iyang nasa sidebar ko almost 10 years ago nang kuha (April 1999) na-blurred kasi inaalaska ako nuon ni misis.

    Sinubukan ko na magpakuha ng may hamster sa shoulder
    o bumbunan, kaya lang hindi sila mapakali — nadudulas,
    baka mahulog!?😀

  2. aba itay.. casual na casual ang pic mo ah… pwede ka ng gawing model ng bonet… buti nalang di mo ako tinag.. hehehhe…

    itay… wag ka mxadong magpapapokus sa kamera para hindi napaghahaltang malapit ka nang mag dual citizen… hehhehee..

    __________________

    nbasa ko na yung tungkol sa vertigo itay.. ganun pla yung mga senyales nun.. ibig sbihin pla pwede pla ako magkaroon anytime nun… anu b gamut dun…

    ————————————————

    Itay: Ahehe, hamo pag lipat namin ng baguio ni misis,
    tinda ako marami bonet!

    Hindi kita ni-tag kasi nakita ko ni-tag ka na ng kinakapatid-online mo😀 number 7 ka, tinginin mo.

    Nayun ko lang nadinig ang ‘dual citizen’ … dalawa lang alam ko, dyunyor saka sinyor citizen. Hamo na, hindi ko naman ikukubli na liyebo-kwatro na ako.😆

    Huwag mong ipangamba yun vertigo, anak, at baka lalo ka mahilo sa kaiisip na baka magkaroon ka (basta ba ingatan mo lang ang kalusugan mo) . Ang pagkakaalam ko, bihira lang naman ang nagkakaroon nito. At awa ng Diyos, yung akin hanggang ngayon hindi pa sumusumpong.

    Eniweys, pag may kakilala ka perstaym pa lang sinumpong, huwag kamo mag-panic. Serc yung iniinom ko nuon; mas okey daw yung stugeron. Makatutulong din ang pagpapakunsulta
    sa duktor.🙂

  3. weeeeeeeeeeeeeeeeeeee
    sa wakas nakita ko ng walang halong effect ang picture ni ninong!
    weehee!
    nadal tayo ni kimchi doon ah!
    hakhak!

    yang naman ang tinatawag nating natural pogi!
    walang suklayan walang ayusan yung natural lang!
    hakhak!

    ————————————————

    Ninong: Wala halong epek as in walang meyk-ap? (jokes)

    Buti na lang nigupitan na ni misis nang hanggang balikat ang buhok ko, kung hindi mas lalo ako nagmukha bruho.😆

  4. hahahaha.
    good morning look klsmeyt😛

    i’m back na po😀

    ————————————————

    Klasmeyt: Uy, welkambak!😀

    Ni-tag ka rin ni eloiski di ba, klasmeyt?
    Nasa namber 2 ka, magkasunod pa tayo.😀 Hindi ko pa nakikita ang sagot mo kasi hindi pa ako nakakaikot sa blogosperyo.

  5. buddy nakabonet ka sa umaga? mumog muna ahe..,.teka bakit nagmamadali kang puntahan yung sitr nya? kaw.. ah.. hehehe..

    ————————————————

    HBH: Maginaw na kasi, lalo na sa umaga – baka masarenuhan ang bumbunan ko😆 saka anlakas ng hangin dito sa 4th floor ng building.

    ( “kaw.. ah.. hehehe..” [din] )😕
    Gusto ko lang kasi i-acknowledge at pasalamatan ang mga
    one year ko nang ka-blog na hangga ngayon ay nakikita ko pa. Silang tatlong commenter na sinundan nitong sayo, nandun
    na rin.

    Aha! Ikaw din pala!😀 Magwa-1-year na nun una ka bumisita rito di ba?😉 ► pinamaskuhan kami ni jennifer ng e-cards

  6. […] Bakasyon ako after impromptu post. Kinabukasan
    (at kinabukasan pa uli) na-impromp-two naman ako sa magkasunod na pagyao ng aking hamsters na magdyowa. […]

  7. (,”o Hahaha! Wow, mas maganda nga po sana yu’ng nisip nyong picture na may hamster sa balikat, artistic ‘yon! Sana ginawa nyo nalang taxidermy… si Mochawonka para hindi na delikado kahit mahulog man ito.

    ————————————————

    HBH: Ang daga ko nuong si Grizzly Ikabod,
    gusto ko sana gawan para sa museum ng Ikabod tower,
    kaya lang hindi ko pa alam kung paano.

    Turuan ko na lang siguro itong mga natitirang daga na
    pumirmi sa balikat ko, trainable pa naman siguro?😆

  8. hehe naks naman si kuya sumagot sa tag! maraming salamat ^_^ at pati si eloiski hindi nakalampas hahaha. Pero nitakpan nya fes nya.. kung a;lam ko lang sana nilagay ko din yung sa rule😆

    naks naman.. parang ang ginaw dyan kuya ah heheh.. AT masunurin din walang binago kahit ano😛

    Sorry ngayon lang po nakadalaw ulit.. At salamat po ulit ng marami ^_^

    ————————————————

    Kuya Teddy Bear: Ewan ko ba, mas giniginaw ako pag bagong-gising, kailangan pang mag-in-in.🙂 Pero malamig talaga ngayon dito, saka malakas ang hangin sa 4th floor.
    Pag wala ako bonet, sumasakit ulo ko.🙄

    Ganda nga ng tag na ito eh, mas may excitement😆
    kaysa sa listahan ng ‘about me’ lang.

  9. […] Kung i-convert mo sa piso nila ang kada araw, P27,759.00 — pambili lang ng pinakamura laptop yun. […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: