impromp-10

da-ninong

Nyay! “Hansome-ma” ba? Ahehe, ito po ang orig bersyon niyan. godfather

Paunawa tungkol sa pikyur

1. Hindi ito tag. Laru-laro, ‘ala lang magawa.😆 Kaya di na kelangan pakatihin ang kritikong pag-iisip, huwag nang bigyan ng ibang twist.

2. Pasko kaya yang theme na yan ang biglang pumasok sa isip ko. Naalala ko lang ang aking mga inaanak sa tunay na buhay.

3. Hindi pala bagay sa akin ang naka-amerkana? Mas mukha akong gangter (gagster) kaysa dun sa sindikato-lider na bida.

4. Tinanggal ko ang kamay na may kurus, baka ako’y mapagkamalang papet o galamay (tentacles) ng kung sinong amo. No way!

5. Hindi ko pinatay yang pusa, kahit pa ako’y mahiligin sa daga.

Paris nun minsan, nagrekwes uli ang mga daga ng mubi–poster: this time ng pinakahuling(?) tatay sa pamilya nila, kaya eto Obyus ba na kelangan i-cropped ang pusa?

“Impromp-Ten” Tag?

Bakasyon ako after impromptu post. Kinabukasan (at kinabukasan pa uli) na-impromp-two naman ako sa magkasunod na pagyao ng aking hamsters na magdyowa.

Ngayon impromp-ten naman, sagot ko sa tag sa akin ni online-inaanak.

————————————————————————————————

Rules:

1) Mag-post ng 10 things about sa sarili (Ahehe, wala na ba iba?)

2) mag-tag din ng iba pang sampu

————————————————————————————————

Hetong impromp-ten ko:

1. Artistahin daw ako o?? (eka lang ng mga kakilala ko nuong mahilig showbiz) Ang tutut, artistic lang — “maarte”😆 sa ginagawa… Metikuloso, hindi pa naman obsessive-compulsive.

2. Hindi ako namimili ng tao, pero mabibilang sa daliri ang mga kaibigan ko — yung talagang tapat ha? Kaya nga 7 lang ang inaanak ko.

3. Most of the time, I prefer a single or few companions over a crowd; may tamang panahon at okasyon para sa malalaking grupo.

4. Salbahe ako dito sa mga “sermon” ko pero sa personal, mabait naman ako😳 Hindi ko naman isusunganga ang paniwala ko sa ibang tao dahil hindi ko pag-aari ang tainga o panahon nila (maliban na lang kung mangulet sila). Iba dito a, blog KO ito — may option silang huwag tumingin KUNG ayaw nila.

5. Makabahay ako pero once in a blue moon, trip din ang lakwatsa.

6. Wala akong sariling celfone. Hindi naman ako mobile dahil nandito lang ang tarbaho sa bahay. May mga mister, isa nga celfone, may extra simm card naman sa pitaka na talagang pinagkakatagu-tago kay misis… ahehe, hewan ko ba kumbakit.

7. Yahoo mail chat ang “YM” ko, hindi yahoo messenger. Hindi ako naka-YM alert (bumabagal ang komyuter ko), derpor di ko makita unless magsa-sign-in ako (bihira ko gawin). Kaya kung may message kayong hindi dapat mabilasa, dito na lang sa blog nyo idaan; Kung confidential, duon na nga lang, pero i-alert nyo ako dito sa blog

“HBH, nag-sent ako ng email o offline message sayo.”

8. Wala akong desire na magkaroon ng hamster wheel–– eheste, wheels!” Antukin ako sa byahe, baka makatulog ako habang nagda-drive, tiyak maligaw ako sa pupuntahan ko. (Ennnggg… blagAG!)

9. Dehins ko type manirahan sa ibang bansa lalo na duon sa nagyeyelo, tama na sa akin ang fog dito. Pag napatira ako sa lugar na nag-i-snow, ganito lang siguro ang gagawin ko… Hinde, mami-miss ko din kasi ang mga mababaet na politisyangs dito.

10. Lahat ng sinabe ko dito, am not saying that what I am or what I like is good, and what I am not or what I don’t like is bad. Kanya-kanya tayo ng hilig, “amoral” naman daw ang mga iyan.😆

Hmm… may magnanasa pa kayang masampulan ng tag na ito?

Hindi nga? Di ba ilang beses nang naulit ang ganitong klase ng listahan ng tungkol sa sarili, iba-iba lang ang bilang? Empre, mas exciting pa rin yung may multiple choice, guide questions, o konting LARO.

Pag simpleng listahan lang kasi paris nito, ‘ala na syang gaanong thrill — kaya nga sinamahan ko na rin ito ng “pikyur ko” sa bungad… Ahehe, eyan naging THRILLER tuloy.😆

Published in: on 20 December 2008 at 10:00 pm  Comments (4)  
Tags: ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/12/20/impromp-10/trackback/

RSS feed for comments on this post.

4 CommentsLeave a comment

  1. Continuation ito nu’ng Impromptu… Ayos po, hahaha! ganda rin ng photo nyo! …at may term pang ‘mag-dyowa’… o”,)

    Mahilig din po ako sa lakwatsa, du’n tayo magkapareho, pero ako mas madalas na pamamasyal ang nais ko! Buti ngayon nabawas-bawasan na dahil sa mga blogs.

    I don’t think salbahe kayo sa mga sermons nyo rito.

    MALIGAYANG PASKO, HOMEBODYHUBBY!

    ————————————————

    HBH: Continuation nga kasi may pikyur din, hehe.
    Dito yata sa pagba-blog ko natutunan yang word na mag- “dyowa”😆 ang term namin dyan nuon ay mag-syota.

    Ako ngayon, mukhang hinahanap-hanap naman ng katawan ko
    ang paggagala.

    Maligayang Pasko din, RJ.

  2. naks! si ninong chumechever!
    The Ninong! Pinoy version naman ito!
    Hekhek!
    ewan ko pero gusto ko pa ring maexperience ang white christmas kaya balang-araw makakarating din akos amga ganoong lugar.
    pero parang sumuko katawan ko sa lamig sa baguio!
    grabe yun ah! yun ang pinakamalamig ever na nafeel ko para na akong nasa loob ng ref! my gulay!

    taong bahay din ako! woot woot!

    may cellphone naman ako kahit papaano pero nagiging bangko lang siya ng mga kowts. hindi kasi ako mahilig magtetext!

    ang sakit kaya sa thumb! amp!

    merry xmas ninong!

    ————————————————

    Ninong: Hindi ba nalalayo ang karakas ko dyan sa bagsak
    ng mukha ng yumao kong lolong si Marlon Brando? Ahehh…

    Kung pasyal lang sa lugar na may isno, okey lang.
    Sayang nga hindi ko inabot ang winter nuong nagpunta ako
    ng Hokkaido → … Pero di bale, mag-aabang na lang ako uli dyan sa Baguio.😆 Balita ko kahapon o kamakalawa, nag-yelo daw ang hamog sa ibabaw ng mga dahon ng tanim na gulay dyan? Hindi daw hail ha, flakes kaya? 🙄 Tsk, tsk, tsk…
    ano kaya, dahil sa global warming?

    Ngyiak… di bale na mapudpod daliri sa kaba-blog,
    huwag lang sa kate-text.😀

    Merry christmas din, my inaanak-online.

  3. naks naman kuya teddy.. ang hilig din sumagot ng tag hehehe. Ako din kagaya ni eloiski gusto ko rin maka experience ng white christmas parang ang romantic din kasi ng dating pero syempre iba pa rin nga dito sa pinas ^_^

    kung kayo po makabahay, ako puro lakwatsa kahit mag isa lang ako, kaya ko mag out of town kahit magka ligaw-ligaw ako hahaha..

    Ako dati maraming simcard kasi para sa iba’t ibang network oh, ha..😀

    ————————————————

    Kuya Teddy Bear: Dyan ako nakakatunton ng lugar —
    dapat magkaligaw-ligaw muna, at malakas ang loob ko lalo pagdating sa ganyan.😆 Gusto mo pustahan tayo, mahanap ko bahay nyo?😛 (joke)

    Aheh, ako naman dami na nagdaang sim card, nae-expire lang.

  4. […] Natatandaan nyo ba yung “impromp-10” tag sa akin
    ni virtual inaanak?😀 […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: