Uwian

Dog is man’s best friend; cat, the most persecuted; rodent, the most hunted.

Ang aso kapag nakahilata sa daraanan mo at nataong mainit ang ‘yong ulo; o kaya yung nagliligawan sa kalye, siguro etong reaksyon mo:

Alis diyan! (sabay tadyak) Ambababoy ninyo!

Oink? Awoo! Awuuuy KO! palahaw nung piggy hybrid na aso.

Hatinggabi na… Sa wakas, nahagilap mo rin ang wastong higa sa papag at ikaw ay makakatulog na. Bigla, sa bubong ng bahay mo, eka nung mga pusa:

Ngiyaaarw… now na! NOW naaa! kulet nung tomtat na barako.

Mimiyaaaw… not now! Not nowww! reply ng puttitat na girlalu.

Malamang mapalabas ka ng bahay, mabato lang ang mga nagde-date na eskandaloso… Malas na lang nung hindi kasimbilis ni President Bush para mailagan yung sapatos na ipinukol mo.

Nagliligawang daga, nakakita ka na?

Sa cat kartuns, ‘empre pusa’ng bida… Pero sa daga-igdig ng show-bubuwitz, pusa ang kontrabidang kinakawawa. Di nga ba’t sumbungan ng daga ang aso kapag inaapi sya ng pusa?😆

“Sumbong-sumbong! Kay Bonggang DOnGgong!”

Mahilig ka kamo sa hayop… May cat people na ayaw sa aso (or vice-versa). May mga mahilig din sa daga na allergic naman sa pusa. Kahit nga among or within the ‘hamster- ’ or ‘cat- ’ or ‘dog-lovers’ na, hindi rin basta mawawala ang pataasan ng ihi ng mga amo:

Dalmatian ito! Askal lang yang iyo!

Wag mo lapit dito kuting mo, baka mahawa ng pulgas ‘to siamese ko.

Anuyan, teddy bears? Ang cheap! ‘tong akin siberian.

May racist kaya sa animal kingdom?

Naaliw lang ako dyan sa pikyur kaya ko nilagay… Tignan nyo ang hamster, lumabas ng bahay, pero nasa loob ng hamster ball nya. Lugi sya pag lumabas. Kasi nga, sa kanilang tatlo, yang daga lang ang matatawag na prey o chibug sa ibang hayop. Kahit malaking ibon tulad ng agila, hindi kakanain ang aso o pusa, pwera na lang kung may pterodactyl pa… Daynasur?

May askal (asong kalye) at pusakal o pusang-gala, pero nakakita ka na ba ng hamskal? Scavenger in nature ang aso, predator ang pusa, at hoarder naman ang hamster (from German word hamstern, meaning “to hoard”).

Sabagay, lahat naman sila pag wala nang makaen, mag-i-scavenge na rin. Mas pangita na naman yan sa mga batang lansangan ngayon — yung mga naghahanap ng matsitsibug sa basurahan.😦 Yung ang mga tatay at nanay at sandosenang kapatid ay nakatira sa kariton, o kaya sa ilalim ng tulay.

Nabanggit na rin lang, plug-in ko na😆 (pamparami ng pingbaks) :

Kariton

Tulay

Pasko. Uwian na naman. Reunions.

Ang pinakamasaya ay yung grand reunion… Ang mga magkakapatid na may kanya-kanya nang pamilya ay magtitipun-tipon sa bahay na kinagisnan kung saan kasalukuyan pang naruon ang mga magulang. Magkikita-kita hindi lang ang mga magkakapatid, kundi pati ang mga magpipinsang mga anak nila, ang mga in-laws at magbibilas.

Ang saya-saya siguro nina lolo at lola dahil makikita ang mga apo nila?😀 Ahehe, kaya nga yata “grand reunion” eh — kasi nandun ang mga grandparents at grandchildren!?🙄 (huwag bibilhin, sapantaha ko lang)

Kami nuon ni misis, tuwing pasko, sa bahay ng mga in-laws ko sa Angono dahil din sa Dec 24 ang birthday nung panganay na pamangkin nya; tuwing bagong taon, sa amin naman sa Calamba.

Iniisip ko ngayon kung papaano namin dadalhin ang mga hamsters kung luluwas. Hindi sila pwedeng magkasama-sama sa isang kulungan, mag-aaway, maliban kina Boolaboys Bebong at Berio na hanggang ngayon magkasundo pa. Lima pa ang hamsters ko, kaya apat na kulungan ang dapat naming bitbitin. Anhirap pa naman bumiyahe nang maraming kargada pag pasko… Baka ma- byahilo ang aking mga daga.

Ang aso at pusa makakapaghanap-buhay mag-isa; ang isang hamster sa loob ng kulungan, hindi. Mahirap namang ipagbilin sa iba, paano kung makawala, baka maapakan nila o kaya makana ng mga pusang-gala? Karami pa naman nyan dito sa building😯 nagbo-vocalization sa pasilyo kapag hatinggabi.

Ahehe, bahala na nga.

————————————————————————————————

Bakasyon naman kaya pwede mo kalimutan muna ang trabaho. Malapit lang naman ang probinsyang uuwian mo. May pamasahe ka naman siguro.

1. Hindi ka ba makauwi sa inyo dahil galit ka pa rin sa nanay o tatay mo? Pwede ring ayaw mong makita ang kapatid mong may pagkukulang sayo? Kakumpitensya mo kaya sa pabor at ipamamana nina Tatang at Inang? Daig nyo pa ang aso’t pusa pag nagpangita.

2. Padre de pamilya ka siguro na hindi maiwan ang iyong mag-iina? Hindi mo naman sila maisama dahil pangalawang ‘pamilya’ mo pala ang babae mong kinakasama. Wala kang planong i-annul ang marriage mo sa una, o kaya diborsyohin sya. Huwag na, gastos lang yun! katwiran mo pa. Bahala ka, sumama kang magpauso dito ng bigamya.

Ikaw, “Mom” — paano mo sasagutin ang tanong ng iyong anak:

Mommy, bakit tayo hindi pwede pumunta kina Daddy???

Malaking problema yan GIRLS, kaya kilatising maigi ang mga boboyprenin. Huwag pahuhulog sa pang-aakit sa gandang lalaki at kamachohan nila; Huwag padala sa pagpapaawa at emotional blackmail as a last manipulative resort pag hindi ka na makuha.

Gusto mo bang tumulad kayo ng iyong magiging anak sa isang dagang hindi makalabas ng lungga? Hindi maipakita sa LIWANAG ng lalaking mahal mo kung SINO kayo ng iyong anak.

————————————————————————————————

Kayo… hindi ba kayo uuwi?

Apat na tulog na lang, ipagdidiwang na naman natin ang “berdey” Nya. Pakatandaan na lang: hangga’t ang “Kristianismo” ay kinikilala nating isang adhikain o relihiyon LANG, wala ring silbi ang pasko… wala ring ipinagkaiba.

Hope you’ve SEEN this. If you can’t do something, perhaps you CAN pray?

Maligayang Pasko sa inyong lahat !!!

Published in: on 21 December 2008 at 11:30 pm  Comments (4)  
Tags: , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/12/21/uwian/trackback/

RSS feed for comments on this post.

4 CommentsLeave a comment

  1. Whew! Buti pa di ko nalang pinanood ang video, parang tinutusok at pinipiga ang puso ko ah. AT least nagpaalala sa akin ‘yong video na mapalad pa rin ako ngayong Pasko! o”,)

    Natawa ako du’n sa “May racist di kaya sa animal kingdom?”

    So, luluwas po kayo, at maiiwan ang mga daga? Hindi kasi diretsong nabanggit, basta “Ahehe, bahala na nga.”

    Merry Christmas Homebodyhubby!

    ————————————————

    HBH: Oo nga, come what may…😆
    Yang song, magpost ako uli ng iba video sa next entry.

    Merry Christmas uli, RJ.

  2. […] Masyado ngang morbid😥 yung youtube video sa nakaraang post… (paskung-pasko)😳 Kaya eto na lang uli — same song, different visual. […]

  3. waah nakita ko yung ke president bush na binato ng sapatos hakhak

    Ako mahilig sa hayop.. minsan nga nakapag alaga din kami ng iguana at agila tapos bayawak din tsaka sawa haha..Pero tatay ko hate na hate ang pusa nung una kasi daw mahirap i potty train.

    sa totoo lang, ito na yata yung pinakamalungkot kong pasko kasi wala sa bahay kahit si papa man lang at ang kuya ko naman mas piniling wag dito magpasko. Ang makakasama ko lang siguro yung pinsan kong ayaw sa kanila magpasko. Pero ok lang, nandyan naman ang ym para makausap ko ang mama ko.

    tama yung comment na nasa taas.. maswerte pa rin tayo mapalad tayo ngayon. Hayy nakakaiyak grabe. (Y_Y)

    ————————————————

    Kuya Teddy Bear: Talaga bunso? Agila, hindi lawin?
    Nakakita ako ng alagang agila sa kaklase kong burgis nuong elementary ako (1970s, Baesa QC) . Anlaki nung bakuran nila, nandun yung hawla ng agila.

    Si kuya mo, buti na lang kinausap ng mama mo para sa bahay nyo magpasko.🙂

    Yung gyera, sa ilang parts ng Mindanao, posibleng may ganyan.

  4. […] Last time eyun ang scenario ↑ CLICK you. […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: