Down and near?

Nangangaroling lang po…

Kung ang sabi ng supermaus ay “Up, up, en away!” — ang sigaw ko naman,

Down, down, en away!

Ilang sandali matapos kong ipaskel ang entry’ng ito, ako’y muling yayapak sa lupa (nakatira ako sa 4th flr ng sang building)😆 para makalawa o makatlong magpasalin-salin ng bus sa lakbaying pa-timog na tatagal ng humigit-kumulang sa pitong oras. (Haigh… hiningal ako!)

————————————————————————————————

Isingit ko lang muna ito, ha…

Masyado ngang morbid😥 yung youtube video sa nakaraang post… (paskung-pasko)😳 Kaya eto na lang uli — same song, different visual.

Okeys, balik na tayo sa talagang topic…😉

————————————————————————————————

Galing sa mga pahina ng unang(?) pocket new testament ko nuong college, ipinamamahagi nang libre ng Gideons International. Eto ang salin sa wika natin:

Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan,

kaya ibinigay nya ang kanyang bugtong na Anak,

upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak,

kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

— Juan 3:16 (MBB)

God didn’t came down just to be near us… Jesus came down to be WITH us (Isaiah 7:14), and He’s offering us a gift to live a Life WITH Him (Romans 6:23). Have you accepted His gift?

Maligayang Pasko !

Hanggang sa muli…

Published in: on 24 December 2008 at 12:10 am  Comments (4)  
Tags: , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/12/24/down-and-near/trackback/

RSS feed for comments on this post.

4 CommentsLeave a comment

  1. aww.. isa sa pinakagusto kong kanta yan.. naiiyak naman ako.. na mimiss ko parents ko. (Y_Y)

    wahaha hinanap ko talaga agad dun yung korean hihih nababsa ko kaya lang di ko maintindihan😀

    Merry Christmas po sayo, kay wifey at sa mga cute na hamsters (^_^)

    ————————————————

    KTB: Hindi ko mahanap yung ibang translations, hehe.

    Yes, Merry Christmas din…🙂 kahit dadalawa lang kayo ni kuya mong magkasama ngayong pasko.

  2. Huhmn, sino kaya ang mag-aalaga ng mga hamsters? Sa Bagong Taon na po kayo babalik sa Baguio?

    Daming version ng John 3:16, ah. Ang Pasko nga ang siyang magpapaalala sa atin ng mga salitang ito!

    Maligayang Pasko! o”,)

    ———
    Saka ko na papanoorin ang video rito baka malungkot na naman ako, na trauma ako nung nasa kabila. hahaha!

    ————————————————

    HBH: (2008 Dec 31)
    Naiwan si misis, pinakiusapan ko ang younger sister nyang dito na muna sa Nueva Ecija magpasko para samahan sya.

    Konting sakripisyo para sa aming mag-asawa. Sabagay, isa lang sa tatlong brothers ko ang nakapagsama ng pamilya sa reunion; hindi na muna sumama ang dalawang hipag ko dahil kauuwi lang kamakailan sa Pilipinas.

    ———
    First time akong nakakita ng mga pictures na mas morbid
    pa dyan, sa UPLB nung new freshman ako. Massacre ng non- combatant civilians sa countryside nung mga panahong iyon sa El Salvador or Nicaragua — pami-pamilya, sanggol o matanda, decapitated, or with mutilated or dismembered body parts. Black & white photos pa lang yun ha… Hindi ako makapaniwala nuon; beyond the comforts of my life, may mga nangyayari palang ganun?

    Masaganang bagong taon sayo, RJ.😀

  3. ah yeah meron kaming ganun yung bible na may mga translation ng ibat ibang bansa sa unahan kaso nawala na ata nung lumipat kami hehe
    hello po kuya how’s your Christmas? hope you had a great one
    just dropping by here again to say have a great day and may God bless you and your family

    ————————————————

    HBH: (2008 Dec 31)
    Salamat, blue. Solb na solb naman ang reunion namin.

    Most likely Old and New Testament ng Gideons yung Bible nyo.

    Happy new year at God bless din sa inyo.😀

  4. […] Tatlong araw din akong groge simula nung bumaba ako… […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: