Reunion

1997 August 03. Despedida para kay 2nd brother (in dark shirt).

Tatlong araw din akong groge simula nung bumaba ako… Hindi na nga ako nakatulog sa paghahanda ng dadalhin, hindi napaidlip sa byahe, namahay pa sa Calamba kinagabihan. Kaya eyun, pakiramdam ko’y pirmi akong hinahatak ng hihigan nung araw ng pasko.

Nuong September 10 pa sana ang okasyong ito, kaya nga lang ay malabong makauwi nang sabay-sabay sa Pilipinas ang tatlong brothers ko. Sa puntong ito, hindi ang pasko ang talagang isyu, kundi ang presensya ng lahat naming anim na magkakapatid.

Dinatnan ko silang naron na dahil pinakamalayo raw ang pinanggalingan ko (eka ng nanay namin)😆 Request ko agad pagdating, “Mga bro, pikyur-pikyur muna tayo.” ► Umuulan duon, muntik pa akong madulas kaya napakapit ako kay 1st brother. ↑

(11 years, 4 months, and 21 days later…)

2008 Dec 24. Nag-swap ng puwesto si 3rd brother at 1st brother (1997 photo)

Ni-ransack ng mga apo ang cupboard ni lola! Ahehe, apat pa ang wala dito.

Sulit naman ang luwas at puyat… Dalawa lang ito sa mga kaganapan nitong nagdaang taon:

ates-family 1) Ikinasal ang isang anak na lalaki ng ate ko. Sya ang kauna-unahang pamangkin ko na nag-asawa… Aush lang, kaya naman na. Tagal na rin sya grumadweyt (UPLB) at may trabaho.😉 Yun nga lang, malapit na ako maging…😥 “tito lolo”?😆 Astig!

2) Bukod sa mga orders at ng dating munting rolling store, may naidagdag na inuupahang shed ang lutu-lutong food service-business ng bunso kong kapatid at kanyang asawa.🙂

December 26, alas singko ng hapon, saktong oras ng gising ng mga alaga… HBH’s home again!

Published in: on 28 December 2008 at 11:50 pm  Comments (7)  
Tags: , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/12/28/reunion/trackback/

RSS feed for comments on this post.

7 CommentsLeave a comment

  1. at na meet ko na sila brother hehehe.. ke gagwapo at ke gaganda talaga naman ng angkan nila kuya.. heheh

    Ako din eh gusto ko talaga ng reunion sa family namin.. Yunbang kami kami lang talaga kahit isang araw lang..

    hihi si kuya teddy, tahimik pala sa personal😆

    kinagagalak ko po at na meet ko kayo ng personal ^_^

    God Bless po

    *fighting!*

    ————————————————

    Kuya Teddy Bear: Ahay, tahimik ba?😛
    Bistado na ako ni bunso, hiya naman ako…😳 😳 …😆

    üü, mas ‘madaldal’ ako sa writing. Pasundot-sundot lang ako kung ‘humirit’ sa personal, hmm🙄 minsan nagiging pasaway din pag sinumpong ng kakulitan ahehe.

    Waw ha, hindi lang pala sa pag-uwi ng Calamba ako may bonus ( ► wish granted )😉 tamo nga yan, ikaw din first visitor ko sa pagbabalik-post ko.

    Oist, salamat dyan sa dalawang cute na daga ha?😀
    Sina Syma at Amboy yata yang figurine? Parang pinagtiyap, one year anniversary nung tatlong posts tungkol sa kanila!
    Hehehe, parang kami na rin ni misis, reunited pagka-uwi ko
    dito sa Nueva Ecija…

    Salamat din sa pagbisita sa amin. Hindi mo inabot sa bahay ang dalawang sisters ko, sabagay sila ang pirmi nang nakatira dyan. May kanya-kanya silang anak na sing-edad mo na rin, kung ikaw sa January magte-twenteen, yung dalawa sa August at November… Aysus, kakukulet.😆 (May isa pa, October, nasa abroad)

    Hindi ko alam kung kelan maulit yang reunion namin. In your case, I hope and pray na makapag-reunion din kayong apat.

    God bless, my angel.😉 Happy new year!

  2. wahahahaha! nagkita na pala kayo ni angel ah! hmp!
    bakit kasi napakalayo ko dyan!
    ang cute ng nibigay niya na figurine ah!
    hekhek!
    ako rin, angel penge! hekhek!
    ay ninong,
    sana kami rin magkareunion.
    balak kasi namin yaong reunion ng buong angkan namin
    eh kaso kung saan-saang lupalop na sila napdpad
    hinahanap kasi namin kung saan taalaga nagmula ang apelyido namn eh!
    hekhek!

    happy new year ninong!

    ————————————————

    Ninong: Nyay, inaanak ko ang second visitor ko, nagtatago
    pa naman ang ninong mo (joke lang) .

    Hiya nga ako kay angel dahil wala ako nadala souvenir para
    sa kanya.😳 Anyways balik-balik pa naman ako ng Calamba, starting February siguro. Isasama ko si misis ko para makilala din nya, mas makwento kaysa sa akin yun!😆

    Mas malapit itong Nueva Ecija sa Baguio kaysa sa Calamba. Hamo, pag naakyat kami ni misis hanapin ka namin sa SLU, may pinsan sya sa Accounting department dyan sa school nyo.

    Malay mo magkamag-anak pala tayo?😉 Taga-dyan sa gawing Northern Luzon ang paternal root ko kaya may dugo rin akong ilokano.

    Happy new year din sa inyo, my online-inaanak!
    Huwag ka magpapaputok ng labingtador ha? — watusi lang.😆
    Inde… oks lang un, basta gamit ka mahaba patpat na pansindi.

  3. happy new year! cool kaya maging tito lolo… parang ako rin yan… lola tita kaso mukhang kapatid lang ako ng aking apo. hihihi!

    ————————————————

    HBH: Ay ganun ka rin?😛
    In peyrnes, may kilala nga pala ako, mga binata’t dalaga na,
    ang tito nila elementary grader pa lang.😆 Menopause baby kaya.

  4. Bakit kaya halos pareho ang naging puwesto ninyo sa larawan 11 yrs ago at ngayong 2008?! Coincidence?

    Parang bitin po ako sa kwento niyo… Siguro pagod kayo kaya maiksi lang ang naging kwento niyo rito.

    Happy New Year po!

    ————————————————

    HBH: Naalala namin yung pictorial arrangement nuon.😛
    Primero, nasa gitna sina 2nd and 3rd brothers dahil mas matangkad sila kaysa sa amin ni 1st brother. Dyan sa 2008, according to age na (counterclockwise) from my ate to our bunso.

    Hehe, sa tutuo lang, may kanya-kanyang istorya ang bawat isa. Korek ka dyan — hanggang ngayon, ako’y may hang-over pa.

    Happy new year, RJ!😀

  5. […] Hindi ko na pahahabain ang kwento, may hang-over pa ako nung reunion. Pinaalala ko lang (sabagay wala naman sigurong hindi nakaalala)… […]

  6. infairful itay.. ikaw ang may potential aparang maging image model… kung bumata-bata ka cguro maraming kukuha syong talent producers para gawin kng model..pagkakamalan k nilang si arnel pineda sa long hair mong buhok.. hehehehe

    ————————————————

    Itay: ‘Long hair na buhok’🙄 … ahahaha, kaw talaga o! Redundant yun, parang ‘mataas na high blood?’

    Eyan, napa-search tuloy ako sa googol kung sino si arnel pineda, aysus kagwapo nga pala😆 at halus kaberdey ko pa.

    Pero anak, mukhang mas lamang sa akin ng isang paligo yun. Kung sa boses tyak ko wala akong binesa, kasi “baritone” ako — nagba-vary ang tone ko.😀

  7. […] Natatawa ang nanay ko sa aming apat nitong nagdaang reunion. […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: