Rizal day

Bakit nga kaya December 30 in-execute ng mga Kastila si Rizal?

Ang KJ naman… Grabe siguro ang hinagpis ng mga kaanak niya lalo na ng kanyang ina. Mantakin mo yun, holiday season? Hindi man lang pinalampas ang 3 kings… O sige, sabihin nating maski pagkalipas ng bagong taon na lang?

Wala akong planong sagutin yan, kasi hindi ko talaga alam. Pag pinilit nyo ako, eto lang ang sasabihin ko:

“Rizal Day kasi ang December 30, kaya sa ganung date sya binaril.”

Buti nga hindi pasko… o kaya mahal na araw. Baka lalo pang nabigyan ng ibang twist ng mga umiidolo sa kanya.

Ahehe… hayai na, hindi naman yata gaanong importante. Kung alam nyo ang rason at talaga palang may significance, ay pakisabi na lang sa akin hane?

Hindi ko na pahahabain ang kwento, may hang-over pa ako nung reunion. Pinaalala ko lang (sabagay wala naman sigurong hindi nakaalala)…

Nawa’y manatiling buhay ang iniwang diwa ni Gat Jose P. Rizal at ng ating mga bayani.

Published in: on 30 December 2008 at 9:00 pm  Comments (8)  
Tags: ,