Rizal day

Bakit nga kaya December 30 in-execute ng mga Kastila si Rizal?

Ang KJ naman… Grabe siguro ang hinagpis ng mga kaanak niya lalo na ng kanyang ina. Mantakin mo yun, holiday season? Hindi man lang pinalampas ang 3 kings… O sige, sabihin nating maski pagkalipas ng bagong taon na lang?

Wala akong planong sagutin yan, kasi hindi ko talaga alam. Pag pinilit nyo ako, eto lang ang sasabihin ko:

“Rizal Day kasi ang December 30, kaya sa ganung date sya binaril.”

Buti nga hindi pasko… o kaya mahal na araw. Baka lalo pang nabigyan ng ibang twist ng mga umiidolo sa kanya.

Ahehe… hayai na, hindi naman yata gaanong importante. Kung alam nyo ang rason at talaga palang may significance, ay pakisabi na lang sa akin hane?

Hindi ko na pahahabain ang kwento, may hang-over pa ako nung reunion. Pinaalala ko lang (sabagay wala naman sigurong hindi nakaalala)…

Nawa’y manatiling buhay ang iniwang diwa ni Gat Jose P. Rizal at ng ating mga bayani.

Published in: on 30 December 2008 at 9:00 pm  Comments (8)  
Tags: ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/12/30/rizal-day/trackback/

RSS feed for comments on this post.

8 CommentsLeave a comment

  1. Nang dahil kay Rizal, ako’y unang nakarating sa Maynila noong December 8, 1996! Very memorable experience, 2nd year college ako that time! Nag-represent kasi ako ng Region XII (Central Mindanao) para sa National Rizal Oratorical Contest, at ang tema ay Pagkamartir ni Rizal: Pambansang Panata sa Kadakilaan! Wow! Ganda naman ng theme! At ako ang gumawa ng piyesa ko noon!

    Ang paligsahan ay ginanap sa Knights of Rizal Building sa Anda Circle, Manila. Ito ay ginanap bilang pag-alala sa ika-isandaang taong pagkamatay ng Pambansang Bayani ng Pilipinas!

    Sige na nga, alam ko magtatanong kayo kung nanalo ako. Third place lang po ako that time pero masaya na ako. Ang nanalo ay taga-NCR isang estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at ang 2nd place naman ay ang galing ng Western Visayas.

    IN SHORT, NAALALA ko po siyempre ang Rizal Day! Wedding Anniversary din kasi ito ng parents ko.

    Happy New Year Kuya Homebodyhubby! (,”o

    ————————————————

    HBH: Biruin kita, RJ ha? —
    “Baka naman tatlo lang kayong contestants nuon?”😛 (jokes) Hindi… Of course I know malaking event yun, maski nga nuong 1996 sa Calamba grabe preparation nila.😉

    Hindi ka lang pala sa pagsusulat magaling, maski sa oratorical? Sa mga bayani natin ang alam kong mas magaling manalumpati ay sina Lopez-Jaena at Plaridel nga ba?

    Parang inayos ano, Luzon-Visayas-Mindanao… Pero malaking bagay din yun maski third place (‘lang’ eka mo pa) .

    Happy new year!🙂

  2. nung nakaraang taon nandun ako sa bahay ni Rizal pero ngayon, nasa may los baños naman haha..

    Buti naman at hindi pa limot si Rizal sa puso ng maraming Filipino. At isa na kayo sa nagtataguyod pa ng pangalan ng idolo ng lahat at pambansang bayani natin..

    Off topic lang po.. Iniinvite po namin kayo ni eloiski na mag plurk… http://www.plurk.com

    pag may time po kayo kita kits na lang po doon ^_^

    ————————————————

    Kuya Teddy Bear: Uy, ano kaya nigawa mo sa LB…

    Nung elementary ako sa Baesa, QC, naghihinayang ako
    dahil hindi ako nakasama sa field trip namin sa Calamba;
    nung lumipat kami duon, sawa ako sa kapapasyal sa bahay
    ni Rizal maski mag-isa lang ako.😀

    Plurk…🙄 hindi ba nakaka-adek din yan paris ng pagba-blog?😆 Hamo pag libre ako, sisilip ako…

    Meanwhile, masaganang bagong taon sayo.

  3. Hahahaha! Naku, wala akong dalang photo rito (nasa Pilipinas naiwan) sana ma-prove ko po sa inyong 12 naman kaming contestants noon. Hahahah! Hindi po kasi nakarating ‘yong ibang regions!

    Tama kayo, Luzon, Visayas, Mindanao nga po. Gusto ko sanang bangggitin ito pero iniwan ko na sa inyo an analysis, sa totoo lang, just to check kung talagang by heart nyo bang binabasa ang mga comments ko. Hahahaha! Bumawi. o”,)

    ————————————————

    HBH: Syempre naman, naniniwala ako.😉
    Bilib nga ako mukhang gamay na gamay mo din ang Tagalog.
    Karamihan sa mga kaopisina kong taga-Mindanao nuon, magaling mag-Bisaya (syempre) o kaya Ilokano (?) ,
    pero sa Tagalog hindi masyado.

    Kung sa ganang akin lang, lahat ng Philippine dialects, maski conversational lang, gusto kong matutunan.🙂

  4. hakhak!
    oh rizal rizal rizal

    basta ang alam ko idol ko siya!
    pinaelib niya ako ng todo sa buhay niya!

    happy new year ulit ninonG!

    ————————————————

    Ninong: Magandang bisitahin ang link ng comment na sumunod dito sayo. ↓😉

    Happy new year din, my online-inaanak.😀

  5. May malaking talakayan hinggil sa Rizal Day sa Filipino Voices ngayon.

    As the Catholic Taliban Sing Hallelujah!

    ————————————————

    HBH: Kaya nga ba nung una pa man, parang sa
    Holy ? days (‘holy’ nga ba ang days?) ko na gustong i-categorize ang posts na ganito.😆

    Thank you sa link, kabayan.😉 Tulad ng akin nang nakagawian, ilagay ko ito sa blogamundo ko. Salamat talaga.

  6. ano kaya kung buhay pa si pepe today? anglupit siguro ng mga entries sa blog niya!🙂

    merry new year, bok.

    ————————————————

    Bok: Tyak yun!
    Lalo ngayon? Maski hindi talaga editor o writer, andali nang mag-“publish!”😆

    Happy new year din, bok.🙂

  7. question.🙂

    how much entrance fee s bahay ni rizal? and tuwing kelan sya ope? 22o b un tues to sun open un? thanks🙂

    ————————————————

    (12 Oct 2009)
    HBH: Walang fee; yes I think most (if not all) of our
    museums are open Tuesdays thru Sundays. More info here:
    http://www.vistapinas.com/article/rizal-shrine-calamba
    http://www.geocities.com/zlpenales/calamba.htm

  8. […] Sino ba hanap mo? Baka nandito ↑ […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: