A Tribute Campaign: Certified Senior Bloggista

bluedreamers-award-goldcup-2009 jeniffers-award-2k9-badge

Two for the road to 2010.

Ambait talaga ni jeniffer… Kung kelan naman ako medyo “tinatamad” na sa pagkokompyuter, saka naman in-invite niya ako dun o 🙄 (yang asul na badge).

Okey lang siguro kung isinabay ko na rin ng display ang isa pang napaka-gandang award (Yeah! 😀 😀 Merong ISA pa!) na katatanggap ko lang this week. Eniweys, parehong may “2009” … nalulula din ako sa original size nyang badge kaya ko medyo niliitan.

Salamat nang marami. Lalo tuloy nag-umigting ang aking sigasig na hindi basta na lang iiwan ang lunggang ito. …zzzzzzzz… CLICK to wake me up.

T.B.

May TB ako… uho! uho! hohoho!

Buwan din ng Enero (panahon ng tag-ubo?) last year nung magpaskel ako ng isang entry Tungkol sa BAGA… Pero hindi tuberculosis ang topic ko ngayon.

Touch Button → ◙

Published in: on 30 January 2009 at 5:00 pm  Comments (11)  
Tags: , , ,

“toro”

Sa year of the ox,

“Gudbay mga daga” (?)

Sadyang napakabilis ng buhay ng mga hamsterdaga. Maging ang year of the rat — napaiksi din yata: 354 days! (2008 Feb 7 — 2009 Jan 25)

————————————————————————————————

A RUNDOWN: Mabilisan tau ha? ▼ click

“turô”

Sa dami ng nagkalat na turô ngayon, hindi mo na alam kung ano ang paniniwalaan… Oo na nga, parang turu-turong andaming pwedeng pagpilian.

“What really matters is what you believe,” sabi na lang ng isang kampo.

Fine… But what we believe can never change the truth… The ancient Greeks considered to be wise believed that the earth rests on the shoulders of Atlas. The ancient Hindus also considered wise believed that the earth rests on four elephants. Man had believed that the earth was flat until a few centuries ago.

“It doesn’t matter what you believe, as long as you are sincere,” apela naman ng kabila.

Kunsabagay talaga namang nakakabilib ang isang handang panindigan ang kanyang paniwala. May mga handa pa ngang mamatay (at mandamay ng iba) dahil sa sinseridad sa kanilang pananampalataya.

In some cases, sincerity is not enough; certainty is demanded — to do the right thing.

Kalimutan na lang ang differences… buklod-buklod para wala nang gulo,” suggestion ng ‘peace-lover’ 🙄 Hmm, angganda sana (gusto ko rin nyan, pramis) pero hanggang saan kaya ang “ibabait” ng isang tao? Tuwing pasko at mahal na araw? Parang ceasefire muna ngayon, taz bukas barilan ule…

“Bahala na…” [Hindi pa tapos itong POST, click mo yang page 2] 😉

to page 2 ►

Pages: 1 2 3

Published in: on 25 January 2009 at 3:00 pm  Comments (3)  
Tags:

Torah

Torah (tö’rá, Hebrew: instruction, law) — divine law; the Five Books of Moses or Pentateuch (first five books of the Bible); the entire Jewish scriptures.

The Big BOOK: Can we grasp It?

Alam na marahil ng marami na ang kilala nating Bible ngayon ay nanggaling sa mga Hudyo, na ang malaking bahagi nito ay ang kanilang kasaysayan at ng bayan nilang Israel.

Ang Bibliya ay nahahati sa dalawa: ang Lumang Tipan (Old Testament) at ang Bagong Tipan (New Testament). Nasa Lumang Tipan lang ang Torah ng Judaismo (relihiyon ng mga Hudyo); hindi sila naniniwala sa sinasabi ng Bagong Tipan na si Hesus (Yeshua) ang ‘Messiah’ (anointed one) o Kristo.

He came to that which was his own, but his own did not receive him.

— John 1:11 [Click HERE to continue reading… ]

Published in: on 19 January 2009 at 2:48 pm  Comments (8)  
Tags: , ,

Tore

High-yatoos pa (toxic sa dami ng gagawin).

Natatawa ang nanay ko sa aming apat nitong nagdaang reunion.

Ang tatlong brods ko kasi, ‘seryus’ ngayon sa photography at may kanya- kanya nang full-SLR digital camera; Samantala akong putokraper by profession nuon, hindi na mapakinabangan ang sariling 35mm (yung binili ko sa Quiapo) at accessories (pabili o binili sa Tokyo). Kasi nga hindi na praktikal ma-nyut na film pa rin ang gamit. 😆 (Read more… ↓)

Published in: on 14 January 2009 at 11:45 pm  Comments (13)  
Tags:

Kiyapo

Nag-blend na naman ang kulay ng litrato sa blog ko — parang dun sa Diswalo?

Trip kong magpudpod ng sandalyas sa Maynila nung nasa kolehiyo pa ako.

Pagbaba ko ng BLTB o Kapalaran galing Laguna, lalakarin ko na lang ang kalsadang pakanan mula Lawton (Ermita–Intramuros) at babaybayin ang Quezon Bridge na tatawid ng Ilog-Pasig. Hahantong ang paglusong ng tulay sa kabila sa isang mas mataong distrito.

Karatig-bayan lang ito ng lugar na kinagisnan ng dad ko… Pasyalan ng buong pamilya ang isang dating Good Earth emporium nung elementarya ako. Minsan na rin daw nakapaglakad nang paluhod ang mom ko sa basilica duon. (kung kailan yun, hindi ko na nausisa — NUONG nagkasakit siguro ang dad ko?) In a separate world, nagtapos ng college ang misis ko sa isang eskwelahan dito.

Pamilyar na lugar ang Quiapo

Ituloy ang prusisyon… ╬

Published in: on 9 January 2009 at 2:48 pm  Comments (8)  
Tags:

Magandang umaga

smiley-sunflower

Sabi ng iba nakalulungkot daw panuorin ang sunsets o papalubog na araw kaya naman mas pinipili nilang pagmasdan ang papasikat na araw… O e di sige, tara sa bandang harapan:

CLICK mo dito. ☼

Published in: on 2 January 2009 at 1:00 pm  Comments (7)  
Tags: ,