Kiyapo

Nag-blend na naman ang kulay ng litrato sa blog ko — parang dun sa Diswalo?

Trip kong magpudpod ng sandalyas sa Maynila nung nasa kolehiyo pa ako.

Pagbaba ko ng BLTB o Kapalaran galing Laguna, lalakarin ko na lang ang kalsadang pakanan mula Lawton (Ermita–Intramuros) at babaybayin ang Quezon Bridge na tatawid ng Ilog-Pasig. Hahantong ang paglusong ng tulay sa kabila sa isang mas mataong distrito.

Karatig-bayan lang ito ng lugar na kinagisnan ng dad ko… Pasyalan ng buong pamilya ang isang dating Good Earth emporium nung elementarya ako. Minsan na rin daw nakapaglakad nang paluhod ang mom ko sa basilica duon. (kung kailan yun, hindi ko na nausisa — NUONG nagkasakit siguro ang dad ko?) In a separate world, nagtapos ng college ang misis ko sa isang eskwelahan dito.

Pamilyar na lugar ang Quiapo

Malilimutan ko ba ang mga fruit vendors na may daya ang timbangan o nanggugulang sa panukli? Umalma ka, maglalapitan ang mga kasapakat nya. Sa konting barya lang, mangunguyog pa yata.

Minsan naman, napuna kong sinusundan ako ng isang maskuladong mama (nampucha, bading yata?), lilinga-linga kunwari pag hihinto ako. Mahirap na. Kahit ba gamay ko ang lugar, hindi ko naman teritoryo. Malay ko ba kung marami syang katropa. Biglang pasok ako sa isang bookstore… nailigaw ko yata, paglabas ko wala na… Ahehe, ako pa? Tagal ko yatang magbasa!

Bagong-tayo pa lang ang Isetann mall nuon nang nasita ako dahil sa isang mini balisong-Batangas na kampanteng nasa bulsa ko lang. Dalawa’t-kalahating pulgada lang hindi pa pinatawad ng mga sikyo? Utility knife ko lang! Sabagay, kasalanan ko rin, hindi ko napuna yung nakapaskel sa entrance ng mall. Nalimutan kong hot spot ang lugar ng mga ‘walang magawa’ nuon. May kasunod ako, nakumpiskahan ng buckle-knife. Ni-blotter nila sya, ako hindi…

Sa isang panulukan ng Recto ko pina-six copies ang aking thesis, dahil trenta sentimos lang kada pahina sa hile-hilerang xerox copying shops duon.

Nung nakapagtrabaho ako at napalipat sa Nueva Ecija, sa magkakatabing photo stores sa kalye ng Hidalgo ako nagka-canvass at bumibili ng photo at darkroom supplies ng aming opisina. Duon ko rin pinagsasawa ang aking mga mata sa pagtingin ng iba’t-ibang sukat ng mga lente at modelo ng mga kamera.

Mula sa naipon kong suweldo, sa Hidalgo ko rin nabili ang kauna-unahan kong 35mm SLR; nasa kolehiyo pa lang ako, gusto ko nang magkaruon ng personal na camera. Nasundan ito ng ilan pa, na sa ngayon ay nagsilbing mga KOLEKSYON na lang😕 dahil sa pagkakauso ng mga digital cameras.😆

Ang malimit na tumawag ng pansin ko nuon kapag pumupunta ako nang kalagitnaan ng Enero ay ang mga nakadisplay na photo contest exhibits ng pista ng Black Nazarene. Ilang ulit na ba akong nagtangkang maki-join rito?

(Sa photo contest, hindi sa pagpasan ng rebulto — madapurak pa ako)

Baka magkapalit-palit ang inyong mga silelas. (Nagsipag-yapak na nga o) Oedi sige, ang mukha na lang; ingatan ang inyong mga mukha.

Published in: on 9 January 2009 at 2:48 pm  Comments (8)  
Tags:

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2009/01/09/kiyapo/trackback/

RSS feed for comments on this post.

8 CommentsLeave a comment

  1. Sa mga ginagawa ng mga deboto ng Black Nazarene- hindi ko yata kayang gawin ang mga ginagawa nila tuwing ipinaparada ang imahahe sa kapistahan nito. Whew! Para sa akin hindi ko na kailangang gawin ‘yon. Oops sa mga deboto, huwag pong magalit sa akin.
    —–

    Dami n’yo palang memories sa Quiapo. Habang binabasa ko ang inyong isinasalaysay rito, ay parang nasa Quiapo na rin ako dahil kabisadong-kabisado n’yo ang lugar, na-i-imagine ko po talaga! Nakapunta rin po ako sa Hidalgo sa photography area!

    Ang pinaka-memorable sa akin doon sa Quiapo ay ang MLQU, dahil doon ako kumuha ng VM board exam noong August 14, 15, and 16, 2001! Wow!

    ————————————————

    HBH: Madalas pumunta ang buong pamilya dyan (pati sa Luneta) nung nakatira pa kami sa Sta Mesa at Baesa (QC) .

    Sa FEU Morayta naman ako nag-PMA written exam.🙂

  2. im back!! sorry for not being here in the blososphere for almost 2 weeks…
    but now im happy to tell you that im back from th field again…
    and im so sorry again for missing some of your post…my apology
    may you have a great year my friend
    have a great day and God bless! !
    btw remarkable sa akin ang piyesta ng Nazareno
    kasi kabirthday yun ng mama ko

    ————————————————

    HBH: Salamat, and welcome back!
    Belated happy birthday na rin sa mother mo.🙂 God bless.

  3. nung nandito pa daddy ko, madalas din sya dyan nakikipagsiksikan, nakikipagtulakan..
    Nakakamangha yung mmga babae na nakikipagsiksikan din dun suss ako hindi ko yata kaya yun kahit malaki ako haha.. yung sa mrt pa nga lang na todo siksikan halos mahimatay na ko sa hilo at sa init dyan pa kaya..

    ————————————————

    KTB: Malaking tao nga pala ang dad mo.🙂
    Buti naman wala namatay sa stress o aksidente ngayon, ano.

  4. salamat sa post na ito, bok. bigla ko tuloy nalala din yung mga nagdaang “quiapo days” ko. hindi man ako pinalad na sa “University Belt” makapag-aral, sa recto pa din ako palaging bumibili ng segunda-manong mga teksbuk.

    kapag nagpapagawa naman ng mga t-shirt ang aming school org ay sa quiapo pa din kami napapadpad — dun sa mga imprenta sa loob ng Kapitan PEPE bldg.🙂

    ————————————————

    Bok: Oo nga pala, yung bultu-bultong teksbuk sa Recto.

    Iba hatak sa akin ng Quiapo, bok. Prating bilin kasi ng nanay ko nun: “Pag naligaw ka, sumakay ka lang ng jeep pa-Quiapo.”

    Converging point nga naman yun ng papuntang Taft avenue
    o EDSA, mga daang pamilyar sa mga taga-probinsya.🙂
    (Dose anyos ako nung napalipat kami ng Laguna; 2nd year college nung sumubok uli lumuwas sa Maynila nang nag-iisa.)

  5. […] Ang tatlong brods ko kasi, ‘seryus’ ngayon sa photography at may kanya- kanya nang full-SLR digital camera; Samantala akong putokraper by profession nuon,
    hindi na mapakinabangan ang sariling 35mm (yung binili ko sa Quiapo) at accessories (pabili o binili sa Tokyo) . Kasi nga hindi na praktikal ma-nyut na film pa rin ang gamit. […]

  6. ang ganda ng shot ng letrato.

    ————————————————

    HBH: Ganda talaga p’re🙂 parehong hiram ko lang
    (stock photo yung nasa itaas) .

  7. may deboto rin kami sa nazareno, tuwing fist friday of the month e asa quiapo kami. kain kami sa mga turo turo o kaya naman sa good earth, shopping kami sa isetann — LRT kami parati🙂 alam ko pasikot sikot dyan at kakamiss ang matalsikan ng putik, haha

    dyan din kami bumili ng gayuma, ooopps😀

    ————————————————

    HBH: Gayuma?😆 Sa may simbahan ito ano?
    May pampabuntis o pamparegla (pampalaglag) pa yata duon? May mga anting-anting din… meron ako o. → (click)
    Hindi ko yan ginagamit, specimen ko lang para sa museum of antiquities ko.😛

  8. […] Medallions from Quiapo of Philippines […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: