Tore

High-yatoos pa (toxic sa dami ng gagawin).

Natatawa ang nanay ko sa aming apat nitong nagdaang reunion.

Ang tatlong brods ko kasi, ‘seryus’ ngayon sa photography at may kanya- kanya nang full-SLR digital camera; Samantala akong putokraper by profession nuon, hindi na mapakinabangan ang sariling 35mm (yung binili ko sa Quiapo) at accessories (pabili o binili sa Tokyo). Kasi nga hindi na praktikal ma-nyut na film pa rin ang gamit.😆

Nag-offer si 2nd brother (newbie sa aming apat) na padalhan daw ako ng bagu-bagong digicam…

“Huwag na muna,” ekako (ew… pakipot pa naman si kuya!)

Hindi nga…😛 indi ko rin naman kasi gaanong magagamit dahil nagpe-framing na lang ako ngayon at pirming nandito sa bahay. Solb na ako sa 5.0mp semi-SLR na bigay nuon (April 2005) ni 1st brother.

🙄 …😆 (External hard disk drive na la’ng padala mo, 2nd bro, ahehe)

Hindi ako nakapagbida tungkol sa kanila sa reunion post, kaya mag-share ako dito ng ilang photos nila:

Matagal na sa photography si 1st brother (1990s) bago pa sya umalis. Natural landscapes at wildlife ang fave subjects nya (hindi kami nagkakalayo). Eto ang ilan sa mga hikes and treks nya.

Family affairs at portraits nila ang malimit na litratuhan ni 2nd brother. Syempre lalo na ang mga pasyal tuwing bakasyon.

Si 3rd brother, beauty contests daw ang isa sa mga nakakahiligang kunan. Much of travel photography din, tulad ni 2nd brother.

( Tama na yang tiga-apat na ismol pikyurs. Hindi ko kasi ipinagpaalam sa kanila na ipopost ko yan😯 paris nung sa dalawang sisters ko nung reunion.)

Hindi lang magandang subjects ang towers, good vantage point din pag nasa itaas dahil kita ang buong paligid. Kahit naman sa paglalakbay di ba?

Nahalinhan na ng GPS ang compass at mapa, pero mas may advantage pa rin yung aakyat ka kahit saglit sa isang mataas na lugar para tanawin ang iyong pinanggalingan at patutunguhan. Sarap pa namang maglatag ng plano tuwing Enero. Parang tuwing umaga, exciting kumilos kapag kasisikat ng araw. Another fresh start eka nga.

Papano kung dumating ang Pebrero nang hindi pa rin nakakapagsimula, maghintay pa ba uli ng Enero? Yang oras, araw, buwan, o taon ay para lang namang pulgada, piye, yarda, o milya… units lang para bigyang-sukat ang isang sinimulang minsan e hindi mo malaman kung saan naroon ang pinakadulo.

You want to do the right thing (or something good)? Perhaps you can start doing it now — right there where you are.

————————————————————————————————

Pasensya na sa bihirang pagsilip ko dito at sa blogosperyo… Inaantok ako kapag matagal na nakatitig sa monitor ng (TV o) computer!? Hindi tuloy ako makapagpost nang mahaba.

————————————————————————————————

From the ends of the earth I call to you,

I call as my heart grows faint;

lead me to the rock that is higher than I.

For you have been my refuge,

a strong tower against the foe.

— Psalm 61:2-3

The name of the LORD is a strong tower;

the righteous run to it and are safe.

— Proverbs 18:10

Published in: on 14 January 2009 at 11:45 pm  Comments (12)  
Tags:

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2009/01/14/tore/trackback/

RSS feed for comments on this post.

12 CommentsLeave a comment

  1. Lahat po pala kayong magkakapatid na lalake ay mahilig sa photography. Ako sana gusto ko rin kaya lang madalas akong pagod ngayon, at isa pa hindi parin ako nakakabili ng aking DSLR camera hanggang ngayon (walang budget, Whew!).

    Ganda ng mga photos ah, dagdagan pa, mga sikat na travel destinations lahat! Wow! Speaking of travelling, ako minsan gusto kong maglakbay para makaramdam ng medyo maganda, kasi kapag nandito lang nagsasawa na ako sa paligid. Pero itong lugar kung saan ako ngayon ay pwedeng simulan ang mga magagandang bagay na gusto kong mangyari. Ang ‘Tore’ ay ‘di lang eye-opener, naging pamukaw-sigla pa ito sa akin ngayong umaga! o”,)

    Ang ganda pala ng kahulugan ng tore sa Bible. Salamat po sa pagbahagi.

    ————————————————

    HBH: Andali nang mag-syuting-syuting ngayon,
    kahit cellphones may digital camera; pero malaking initial investment pag magseseryoso na.

    Mga 1990 pa nahilig si 1st bro. Si 3rd bro, early 2000;
    si 2nd bro, more or less magwa-one year pa lang.
    Ako ang pinakabeterano (1983)😆

    Malapit-lapit lang kasi sa Europe sina 2nd and 3rd bros,
    halos dikit-dikit pa ang mga magandang bisitahin duon.
    Mas exciting yang kay 1st bro, nag-o-overnight pa sya dyan, naghihintay ng isu-shoot (e.g., cliff-climbers or reindeers, minsan daw may dumaan na tumatakbong bear sa
    field of view nila😯 ) .

    Ayon sa mga nabasa ko, mas maraming magandang bisitahin
    at kunan dyan sa Australia kung natural landscapes at wildlife ang pag-uusapan.😉 Dito sa Pinas, marami pa din naman (sana huwag nang mabawasan) . Si 3rd bro ang hindi pumapalya ng gala sa malayu-layo pag umuuwi dito — sa Cagayan de oro
    yang Macahumbus pix nya.
    ————
    Tower:
    Lamang talaga pag mas mataas. Sa mga giyera (lalo na nuong hindi pa uso ang eroplano) makapal na pader at mataas na tore ang depensa. Itayo pa ang mga city-states na yan sa taas ng burol, ay lalo pa.

    Sa tore ikinakabit ang beam sa mga lighthouses sa baybay ng
    dagat para mas kitang-kita ng mga pumapalaot o naglalayag;
    sa tore din isinasabit ang kampana ng mga simbahan para
    mas dinig ng buong komunidad.

    Karaniwang nasa itaas ng burol o bundok ang astronomical observatories para mas malinaw na makita ang mga bituin at planeta. Dito sa amin, kikita sa upa ang mga may-ari ng four- or five-storey buildings, kung maipa-mount lang sa kanila ang mga disc at antenna dahil mas malakas ang sagap ng signal sa itaas.

    (Hala, yung mga eksampol na hindi ko nabanggit sa post, nagpahaba dito sa reply ko.😛 )

    Ang first mention ng tower sa Bible ay sa Genesis 11:1-9 ║ (onset of the so called dispensation of human government) . Hindi nga siguro matatawag na ivory tower ito (may concern naman yata ang mga namumuno sa nasasakupan) pero naging mas mataas naman ang builders kaysa sa ‘Tore’ nila.

    That first tower was not strong enough. It failed.

  2. Ang galing! Ito ang gusto ko rito sa Mayaman Pa Sa Daga, napakalinaw ng lahat ng mga kwento. Ayos na ayos po. o”,)

    Marami nga pong magagandang landscapes sa Australia pero magkakalayo po sila! Whew! Napakalawak po kasi ng bansang ito (7.74milyon sq, km.)!

    HALIMBAWA: Nais nating makunan ng photo ang The Glass House Mountains sa Queensland at The Twelve Apostles sa Victoria. Kailangan pang magbiyahe tayo ng 3hrs by car at 2hrs by plane!

    HINDI RIN PWEDENG pagkatapos magpa picture sa The Sydney Opera House ay didiretso na kaagad sa Australia Zoo ni Steve Erwin. Think twice muna, kasi 1 hr by plane at 1 hr drive pa ang layo nila! Hahahah! (,”o

    ————————————————

    HBH: Walang duda, napakalawak talaga ng Australia!
    Dami at kehahabang bakasyon siguro (atsaka budget) ang kelangan para masilip maski man lang ang ilan sa mga natural reserves nya. Kahit pa siguro ang mismong mga Australiano, mahihirapan.

    Speaking of the larger north American continent, si 1st brother ang California area (pa) lang ang utay-utay na ‘nagagalugad.’

    May ibinigay na fully illustrated book sa akin yang utol ko, nuong early 1990s bago pa sya mag-abroad… Hardbound,
    9.25 x 12.25 inches, 400 pages, with over 600 photographs, diagrams and maps! Ang title:

    “Discover Australia (A region-by-region guide to landscapes, wildlife and plants)” by Reader’s Digest — 40 distinctive regions (within a single continent) ang na-discussed in detail.

    A good reference book indeed, yung tipong pang-library ba? Nasa akin pa rin hanggang ngayon, hindi sya nakakasawang basahin! Bakit nga ba?

    Tagaan (4th question)
    Tapsingko (post’s end)

  3. itay.. dapat pla ang tawag sa family nyo ay.. PUTO FAMILY este PHOTO FAMILY.. sana naman itay inambunan nyo ako ng talent sa potograpiya.. hayyy… ang saya-saya siguro pag nakagamit na ng DSLR NA KAMERA.. parang khit di ka kagandahan.. gaganda ka pag piniktyuran ka nyan.. hehehe

    ————————————————

    Itay: Ahehe, at talaga palang “puto” ang pranamsyeysyon
    mo sa “photo” ha? Naalala ko tuloy yung photo tag mo sa akin dito → ◙ (i-cleck mu)😆 … di ga “puto tag” din hekamu?

    Sa totoo lang, ang kuha ng DSLR (digital single-lens reflex) camera ay saksakan nang linaw, kaya tutuong hitsura natin
    ay faithful na lilitaw. Eniweys sa aking pananaw, wala namang taong hindi maganda maliban na lang kung may deformity o abnormality — at ito man ay naaayos naman na ng surgery. Atsaka, tumitingin ang Panginoon HINDI sa panlabas na anyo ng tao kundi sa karakter nito. Click mo ito → ◙ (1 Samuel 16:7)
    Aush ba anak ko?😉

    Madali lang ang putokrapi — eheste pothogrhapy — (amf!) photography… gusto mo turuan kita? Honestly, okey kang portrait model, anak, kasi hindi ka pa-demure.🙂

  4. yeye to klasmeyt😀

    missyou po.
    gusto ko din ng dslr. hehehe
    pero, hardrive na nga lang. tas kahit digicam na lang bsta maganda quality ehehhehe

    ————————————————

    Klasmeyt: Aymityu din klatmeyt!😳 prati ako absent ngayon ahehe. (Batet nata ewanko ka yata nayun?🙄 )

    Oo nga, external harddrive na lang😀 mas mahal?
    May mga terabyte na yata ang capacity ngayun, aush store-an ng madaming-madaming pikyurs.

  5. sarap naman talaga kumuha ng mga pix lalo na kung passion mo yon..ganda ng mga shot mo..keep it up.. http://payatot.blogdrive.com

    ————————————————

    HBH: Yung tore ng daga sa pinakaitaas at yung tatlong pinakamaliliit na thumbnails sa pinakababa lang ang mga nisyut ko dyan.🙂 Yun iba kani-kaniyang kuha na ng mga brods ko.

    Salamat sa pagbisita, kaibigan.

  6. itay .. tlaga.. oh cge… pramis yan ha… pero pag magsesenior citizen ka na..hehehehe…kc cguro sa mga panahong yun.. pwede na akong mkalabas sa lungga ko dito samin.. ng malu-lau.. hehehe.. tapos may pambili na rin ako ng dslr na yan… tapos tsaka ako paturo sayo.. awww!

    ————————————————

    Itay: Hmm…🙄 pag sikisti yirs ol nako, tartisiks ka na.
    Ahehe, malapit na pala.

  7. happy new year! ako mahilig din kumuha ng towers kaso mo naman ayaw nila sa akin, hahaha

    huwag ka na mahiya, tanggapin mo na yung regalo ng bruders mo. mapapasaya mo sila, pramis😀

    ————————————————

    HBH: Sayang lang din kasi kung digicam, hindi masyado magagamit, mao-obsolete nang under-utilized naman…
    Oks pa naman etong digital cam dito.

    Pero dahil sa huling sinabi mo (at dahil din ikaw ang may sabi) , olrayt na! Neks wik may pi-pick-up-in akong external hdd.😀

  8. ay ninong naman eh
    nagpakipot ka pa oh
    dapat go go go
    hakhak!
    naman! hilig niyo pala sa photography.
    sa pamilya namin ako lang naman ang nahihilig ng photogrpahy
    hayyy…
    ganda ng mga pics nila!
    mas maganda ng magtake ng pics kung iba-ibang lugar nipupuntahn
    ako kasi andito lang sabahay… hayyyy!

    ————————————————

    Ninong: Syempre merong go! go! go! din — hdd,
    pick-up-in ko na bukas nyeh…😛

    Sayang naman yata dSLR sa atin ano? Mapapaso (expire)
    nang hindi nagagamit. Dapat kaya maglalabas din at manyut maski mga bulaklak, paru-paro, tutubi at bubuyog lang sa
    loob ng bakuran wahehe.

  9. kunin na kaseee.. hahaha..

    at napakagaaganda talaga ng mga kuha.. yan ang nakakamangha talaga sa photography eh mas napapaganda pa ang mga magaganda at napapaganda din ang mga hindi kagandahan.. wahehe..

    may pa effect effect pa.. ganda talaga…😦

    ————————————————

    KTB: 😦 ← ?
    Wahehe, napik-ap ko na yung hard drive!😀

  10. […] Sa tagal ko nang nagbabasa ng Bible, nito ko na lang napansin: Maraming nababanggit na tore, pero ni minsan
    wala yatang nabanggit na tulay? […]

  11. […] Parang “bitin” ano? Kung hindi ko pala tinanggihan yung alok na digital ni 2nd brother e saktong 29 lahat… Sabagay, may digital camera na nga ako di ba? Saka mas nag-complement pa nga yung TB na pinili kong ibigay nya. […]

  12. […] Nag-upgrade si 1st bro ng Canon system.
    Ageyn, imbes na ibenta itong dati nya ay ipinadala sa akin
    (July, last year). […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: