“toro”

Sa year of the ox,

“Gudbay mga daga” (?)

Sadyang napakabilis ng buhay ng mga hamsterdaga. Maging ang year of the rat — napaiksi din yata: 354 days! (2008 Feb 7 — 2009 Jan 25)

————————————————————————————————

A RUNDOWN:

Eight out of the thirteen (7 from the 4th to 5th generations) passed-away since February last year.

mpsd-01-isnowitwit mpsd-02-bebang-girdel mpsd-03-ispidbol mpsd-04-isnobol mpsd-05-teepee mpsd-06-mochahontas mpsd-07-isnohontas mpsd-08-mochawonka

While two Boolagirls died so early, one 5th-generation hammie made it thru all the way till today —

Wigwam Wigglerson will reach his 26th-month this Thursday, January 29.

Si Wigwam ang nabyudong asawa ni Beria-girdel, ang hamster na bagama’t inabot ng paglulunsad ng MPSD ay hindi na nakasama sa labintatlong promotor ng pet blog na ito.

Aktibo pa naman si Wigwam — panay ang tingala pagkagising sa gabi (gustong lumabas) kapag naramdaman kaming malapit sa retirement home nya. Sa hatinggabi, kung hindi panay ang kutkot (gusto talagang gumala), mahigit sa isang oras ding panay ang paikot sa pinaka- sinaunang gulong ng Bulwagang Bitoy.

◙ At 22 mos 21 das, the Boolaboys are still the best of buddies; The Chochobebes (19 mos 22 das) are living separate lives.

Ang apat ang pinakabata, kabilang sa pinakahuling (6th and 7th) henerasyon.

Relyebo ang gising at laro ng Boolaboys, karaniwang nagsasabay lang kung malapit na ang oras ng paglilinis ng kulungan nila.

Mas tipikal na ‘hoarder’ si Bebong, hindi paris ni “li’l brother” nya na dinededma ang pagkain (maliban na lang kung bago sa pang-amoy nya) sa tuwing inilalabas sila. Mas masinop din sa kanilang pagkain at higaan si kuya. Kain at tulog ang trip nya.

Si Berio ang mas lagalag, mas madalas na gising kaysa sa kuya nya. Panay din ang kutkot pag naramdaman kaming malapit sa kulungan nila. Malimit din silang magsagutan (ng huni) ni Syma sa gabi gayung may limang metro ang layo ng kinalalagyan nila sa isa’t-isa.

Taal nang hindi magkasundo ang naulilang Chochobebes nuon pa. Nakatira ngayon si Syma sa mas bago at malaking hawlang iniwan ng lola nila; Kuntento naman si Amboy sa kyut na hawlang minana nya mula sa nanay nila.

Walang sinabe ang isang mongha kay Syma. Pirming nasa kwarto. Pag patay na ang lahat ng ilaw sa hatinggabi, tahimik at panakaw kung magtatakbo sa smoothest-turning wheel ng kumbentong minana nya. Madali namang tawagin sa maghapon, dahil ine-expect nyang may ibibigay sa kanya. Pag natanggap na ang treat, babalik na sa kwarto.

Hindi na rin gaanong naghahangad gumala si Amboy nitong mga huling araw. Dalawang beses na syang nagkasakit (recently last week) buti na lang naaagapan ko pa. Sadyang sakitin lang kaya? ‘Lagnat-laki’ lang? Mukhang hindi, bansot pa rin hanggang ngayon eh, hehe.

————————————————————————————————

Sa year of the RAT, tatapusin ko ang tatlong buildings na bubuo sa mansyon ng daga ko!

(Last year’s resolution ko, 19th question, Bente tag)😆

Hindi natapos😳 pero konting-konti na lang. Napaaga kasi ang pasok ng toro (by d way, year of the ox daw ako) bukod pa sa pasingit-singit lang naman ito sa aking trabaho at iba pang ginagawa.

Hindi matatapos ang taong ito ay isa-isa nang magsisilisan ang lahat ng aking kadagaan. Mapalad kung aabot pa sila ng pangalawang ikot sa September, o 2nd anniversary ng blog na ito.

Sayang ang mansyon. Tatahimik kung walang titira.

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2009/01/26/toro/trackback/

RSS feed for comments on this post.

10 CommentsLeave a comment

  1. Hahaha! Natawa at natuwa naman ako sa mala-monghang si Syma!

    Tapos na nga pala ang Year of the Rat! Ano kaya ang kwento ng mga hamsters niyo ngayong Taon na ng Torong Baka?! Kung last year ang mga alaga niyo ang bida, ngayong 2009 kayo naman ang aarangkada, Year of the Ox po kayo ipinanganak, sabi nyo. o”,)

    ————————————————

    HBH: Tuloy-tuloy lang ang kroniko ng mga daga,
    maski papaunti na.

    Pag gabi na, yang si Syma tagal naghihintay sa madilim
    na parte ng ‘salas’ nya — hindi magwi-wheel hangga’t hindi patay ang ilaw.😆

    [Ved Med ka nga pala]😉
    “Baka” nga yata ang tagalog sa ox ano?🙄
    Ang “toro” ay bull eh.

    Ox is a castrated bull.
    The former being a beast of burden is ‘designed’ to carry loads; unlike the latter, na ‘pinili’ para magparami ng lahi.

  2. uu nga sayang naman ung mansyon. pero di ba pwede dumami ang lahi ng mga hamham. next generation baga? hehehehe

    ————————————————

    Klasmeyt: Hopefully, klasmeyt.🙂
    Meet her → Doris Obamaus😆

  3. haaayst ang bilis nga ng taon but then sana maganda naman ang taong darating hehe
    by the way sir i have something for you in my blog
    i hope magustuhan nyo

    ————————————————

    HBH: Angganda, blue!😀
    Salamat uli, post ko sya twice!

  4. […] Empre excited din ako. Kaya pagkapost ng previous entry nung Lunes ng madaling araw, muling napaluwas ng Maynila ang Taong-Bahay. […]

    […] O kumusta na? Ilang “TB” ang naispatan nyo —
    mahigit Tampu (10) Ba? Yan lang muna, hanggang sa muli! (baka tomoro) —🙄 Tomorong Baka? […]

  5. Kapong Baka nga po ang OX.. Hahaha, paano yan di na pwede pang baguhin ang pamagat nitong post nyo, otherwise hindi na magiging T lahat ang simula.

    Napansin ko lang, bakit po ang mga pamagat nyo ngayon ay nagsisimula LAHAT sa titik T? A “T”ribute Campaign nga ang pinaka-latest…

    ————————————————

    HBH: Yung pagka-magkakatunog nung apat
    (Tore • Torah • “turô” • “toro”) ang sinadya ko — na naisip ko lang matapos isulat yung una na may litrato ng Tore ng daga ; itinugma ko na lang ang one-word title nung tatlo pa sa topic ng parating nuon na okasyon (Bible week, Chinese new year) .

    Yung TB at Tribute…😀 nagkataon lang na letter T din!

    May bigla tuloy akong naisip na konsepto (Bible truth)
    dahil sa unang paragraph nitong sagot mo sa reply ko sa naunang comment mo sa itaas.

    Sabi sa verse 5 sa eight beatitudes:

    “Blessed are the meek, for they will inherit the earth.”

    ‘Meekness is not weakness; meekness is strength under control’ — sabi ng isang pastor.

    Parang ox din — hindi nawawala ang kanyang pagka-“toro”
    (all [?] strength, except his ability to sire [biologically]😆 ) ;
    hindi lang obyus yung nature nya dahil na-“tamed” na.

    Ayan, RJ… lusot na ko😀 letter “t” pa rin. “Toro” (in closed quotation) pa rin sya, though not in the literal sense. 😉

  6. sa twing maglalagay po kayo ng entry tungkol sa mga sumakabilang buhay nyiong mga daga, nalulunako pero gkot ganun talaga.. ang mahalaga naman eh kung pano nila napasaya ang kaniklang amo habang nabubuhay pa sila.. at syempre napakaswerte nila at kayo ang naging amo na nila na talagang hindi sila pinabyaan.. sigh.. gusto ko rin talaga magka hamster kaya lang kasi bisi-bisihan ako tsaka may pusa kami alaga.,. hehe

    ————————————————

    KTB: Self-supporting ang pusa kasi hindi kelangan ikulong.
    Gusto ko na nga ulit mag-alaga ng pusa😀 niweys pede naman sila i-train na hindi kakana ng hamster.

  7. ang galing pala nung pagkakakuha nung pic sa itaas.. hehe at love ko din ang alvin and the chipmunks na yun.. cute…

    ————————————————

    KTB: Eto mas kyut o, malaki pa’ng pikyur → chipmunks (click) 😀 ’ukha ding tedibears!

  8. […] ‘Parusa’ na naman ang post meridiem (pm) hours dito sa 4th floor unit ng building na inuupahan namin — mahigit limang oras ding direktang tumatama ang sikat ng araw sa kanlurang bahagi ng gusali. Kaya naman maging ang limang kaHAMSTERan, Marso pa lang ay isa-isa nang nag-martsa pasilangan upang pansamantalang matakasan ang init na nararamdaman. […]

  9. […] Mag-iisang taon na si Doray sa mansyon.
    Kung hindi lang sya hamster, na-missed nya rin kaya
    ang LIMANG dagaurdian nyang dinatnan rito last year. […]

  10. […] • Last year (2009) ang pang-apat na pagbabalik ng TORONG BAKA […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: