T.B.

May TB ako… uho! uho! hohoho!

Buwan din ng Enero (panahon ng tag-ubo?) last year nung magpaskel ako ng isang entry Tungkol sa BAGA… Pero hindi tuberculosis ang topic ko ngayon.

Umuwi kasi sa Pilipinas ang isang tauhan sa trabaho ni 2nd brother, pinakisuyo dito ang ipinangako nyang ipadadala para sa akin. Kailangang ma-pickup ko ang package bago umalis uli yung nagdala.

1. Empre excited din ako. Kaya pagkapost ng previous entry nung Lunes ng madaling araw, muling napaluwas ng Maynila ang Taong-Bahay.

Weno ngayon, isyu ba yun?

Wala lang, kasi nga hombadi ako… Awrayt, kung yaw mo’ng “TB” na yan, meron pa naman:

2. Yung napakisuyuan — ay Tita! Bading?🙂

Medyo nainterview ko nang konti…

Bunso sya sa apat, babaeng lahat yung nakatatanda nyang mga kapatid, “halimaw” (daw) ang mga napangasawa! Kaya bukod sa mahal nyang ina, tatlong pamilya ang sinusustentuhan nya alang-alang sa kanyang mga pamangkin.

Kung hindi sya nagbibiro, that means tatlong ‘macho-barakong’ bayaw at isang ‘joklang’ bread-winner. Kung ganito ang magiging ratio (3:1) ng mga prolific magparami ng lahi duon sa mga hindi, ay ano na kaya ang pwedeng mangyari sa atin?

Dakilang tito ka pala… nasambit ko na lang.

Tita! maagap na koreksyon ng jongga. Sabi ko nga sayo kanina, walang lalaki sa amin.

Aminado ang lula…😆

Ako man, hindi ko ipagkakailang saludo ako sa mga responsableng taong paris nya. (Sabi ko nga senyo dito → o di ba?)

Mabuhay ka, Tita Badz! Sana dumami pa ang lahi mo!😉 Iwas na lang sa mga mensu at baka maabuso ka pa… That is right — mag-ukol na lang ng time sa mga pamangkin; Huwag mo lang kalimutang magtira para sa sarili mo.

3. TeraByte! Eto ang padala ni 2nd brother, 1 terabyte na external harddrive! 1,000,000,000,000ng saya😀 !

Nag-sale daw kasi duon. Yung kanyang dating hdd (250 GB) hindi pa nya napapalitan; Inuna pa akong bilhan. (Thank you, tol!)

4. Balikan din ako nung Lunes, hindi ko na nagawang manuod ng Chinese new year sa bandang Ongpin. May isang biglang naisipang daanan sa Cubao bago bumyahe pauwi ng Nueva Ecija. Hindi muna ako magsalita nang tapos at baka maunsyami pa, kaya as of now To Be decided pa. → profile_doris

gold cup5. Tingnan mo nga naman! Bukas ko pa lang ipo-post yung Tagal mo nang Blogger” invitation ni jen, sinorpresa ako ng isa pang comment sa sidebar ko — this time galing naman ulit kay bluedreamer! May Tasang Bigay sa akin! Thank you!😀😀

Ipo-post ko na rin ulit ito bukas, pero i-display ko na rin sya agad sa cabinet nitong blog ko.

O kumusta na? Ilang “TB” ang naispatan nyo — mahigit Tampu (10) Ba? Yan lang muna, hanggang sa muli! (baka tomoro) —🙄 Tomorong Baka?

Syanga pala, hindi pa naman tapos ang Enero…

Happy Twenteenth Birthday uli, bunso!😉 ( — Kuya Teddy Bear)

Published in: on 30 January 2009 at 5:00 pm  Comments (11)  
Tags: , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2009/01/30/tb/trackback/

RSS feed for comments on this post.

11 CommentsLeave a comment

  1. wow! may ganyan ka na pong hdd ngayon! mas maraming files na pwedeng ilagak dyan hahaha..

    kumusta na po rito? ngayon lang po ulit ako nagawi.. hayz! its been a long time!

    http://fjordz-hiraya.blogspot.com

    ————————————————

    HBH: Mas maraming pikyurs ang mai-store, yehey!😀
    Salamat sa pagbisita uli fjordz.

  2. Wow! May bagong external hard drive! Nakakatuwa naman. o”,) Ang bait naman ng kapatid niyo, sigurado mabait din kayo sa kanya.

    Maganda ang pamagat nitong post. You’re Truly Brilliant, Kuya Homebodyhubby!

    ————————————————

    HBH: Yang si 2nd brother ang pinakamabait, ako lang ang salbahe; Sinusutil-sutil ko sila nung bata pa kami ehe.😳 Sabagay mga tutuy pa kami nuon.

    [Torong Baka — inihabol ko lang din yan.😛 ]

  3. […] First, madalas sumakit ang ulo ko pag nakatitig sa monitor. Crepuscular na ba ako paris ng mga hamster ko?😆
    Hindi kaya… most likely sa eyeglasses lang.
    Hirap nitong nagkakaedad na. May TB pa naman na ako. […]

  4. ABA itay. sangkatutak na TB pla ang meron ka… aba.. gusto makilala si TIta bading.. mukhang magkakasundo kmi.. pareho kaming bongga…

    Ngayun lng ako nakakita ng ganyang hard drive ah… ang sosyal.. lavs na lavs k tlga ng iyong syupatid itay..

    ————————————————

    Itay: Mabait si Tita Badz, anak.😉

    External hard drive yan, indi ini-install physically sa loob ng PC. 1,000 gigabyte ang storage capacity pero 5.5 x 6.5 x 2.25 inches lang ang sukat kaya cool bitbitin maski saan.

    Pinapili ako ni 2nd brother kung ano ang mas type ko:
    yan na nga — USB2.0 connection pero isinasaksak din sa outlet (not USB-powered) kaya medyo iba ang itsura.😀

  5. wala akong alam sa hdd na yan.. pero base sa pagkakasabi nyo sa blog nyo, mukhang cool nga sya.. hehe congrats po.. at talaga namang napakabait ni brother.. huwawww…

    TB = teddy bear.. hihihih.. thank you po pala sa pagbati nyo.. baka hindi po muna ko gumawqa ng happy birthday sakin na entry hihi.. syempre nasa teen pa rin ako dapat.. twen-Teen eh..😛

    ————————————————

    KTB: Always feel twenteen!😉
    Salamat din, bunso.

  6. […] Uy, kilala mo pala si Doray daga!?
    Yun na nga ang isa pang disapoynment ni Boolaboy Berio… Supposedly, ‘birthing’ kahapon (April 30) ng kanyang dyowa. Dahil ‘sumablay’ nga (walang labor-labor na nangyari kasi hindi pala nabuntis) malinaw na talagang papatapos na ang salinlahi ng aking kahamsteran. […]

  7. […] Si Doray Daga ang T.B. item #4 sa sinulat kong entry pagkauwi nitong huling luwas ko ng Maynila. Binili ko sya sa Cubao para maging ina ng mga susunod sanang karakters ng Blungga. […]

  8. […] ◙ See All May-kajoklaan posts […]

  9. […] Time-consuming din ang mag-organize ng files —
    kaya solb na solb ang TBng padala nuon ni 2nd brother. […]

  10. […] Pangalawang byahe na ito ni Doray dahil sa Cubao ko sya binili (26 Jan 2009). […]

  11. […] Eka ng isang singol na daktor:
    “Yawko na manggamot; Gustoko kumuha ng kewlinari arts at magkoking-koking nalang.”

    “Oedi sumige,” ekako… “Anu prublema?”

    “Di pede, dami kong binubuhay na kapatids & pamangkins.”

    Kung dyan panatag ang iyong loob, ay di diyan ka masaya — sopurtahan taka… Basta magtira ka ng kahit konti para sa sarili mo, hane? […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: