A Tribute Campaign: Certified Senior Bloggista

bluedreamers-award-goldcup-2009 jeniffers-award-2k9-badge

Two for the road to 2010.

Ambait talaga ni jeniffer… Kung kelan naman ako medyo “tinatamad” na sa pagkokompyuter, saka naman in-invite niya ako dun o🙄 (yang asul na badge).

Okey lang siguro kung isinabay ko na rin ng display ang isa pang napaka-gandang award (Yeah!😀😀 Merong ISA pa!) na katatanggap ko lang this week. Eniweys, parehong may “2009” … nalulula din ako sa original size nyang badge kaya ko medyo niliitan.

Salamat nang marami. Lalo tuloy nag-umigting ang aking sigasig na hindi basta na lang iiwan ang lunggang ito.

Nasabi kong “medyo tinatamad” — hindi naman dahil nabobokya na ako sa mga comments. Sabi ko nga senyo, makapagtanim lang ako ng binhi sa isip ng nagbabasa at mag-iwan ng isang palaisipan — kahit papaano ay sapat na… Maski ayaw magparamdam ay ‘okey na rin’.😦 [Damihan ko nga ng pingbaks]😆 jokes yung nasa brackets.

Ganun naman pala, bakit ako medyo nauumay na?

First, madalas sumakit ang ulo ko pag nakatitig sa monitor. Crepuscular na ba ako paris ng mga hamster ko?😆 Hindi kaya… most likely sa eyeglasses lang. Hirap nitong nagkakaedad na. May TB pa naman na ako.

Second, maraming iba pang priorities din na nasabi ko na four months ago. “Din” — dahil as for me, priority din ang pagba-blog (naks ha!). Madalang at maiiksi na nga lang ang posting ko. Sabihin na lang nating indefinite na hiatus at ambush na bloghop at posting, ganun.

Ahehe… bakit nga ba ako nag-e-explain? Eh bago pa yata pumasok itong nagdaang Disyembre ay ganuon na nga pala ang ginagawa ko…

quentin-printer

Kung paano ako nag-start magblog ay nabanggit ko na sa page na ito. → robert Naidetalye ko na rin iyan sa dalawang mag-iksing posts na ito:

mAy DSL vs my DSL

Seven in 5

Sa madaling kwento, ganito po iyon:

Sa aking pagne-net research tungkol sa hamster, napa-landing ako sa deserted websites ng dalawang pet-bloggers na porendyers. Professionals ang mga ito, pero majority ng posts ay tungkol sa mga hamsters nila (pet blog nga eh)… Naisipan kong ilagay ang history ng aking kadagaan (nasimulan ko nang magrecord ng ‘chronicles’ digitally, nung 2003 pa) sa isang website, at wordpress nga ang napili kong blog.

Hindi ako gaanong nag-eexpect nuon ng magbabasa at magko-comment, maliban sa aking mga pamangkin* (non-bloggers) na alam naman ang pagkaka- hilig ng tito nila😎 sa hamster o anumang hayop na papayag maging alaga.

* ianbjmariangladysgigikevin

To date, about 100 links (88 bloggers) ang nasa blogroll ko… Ina-add ko kasi ang link ng kada bagong magko-comment — basta ba huwag URL ng iba ang ilalagay as address nila.

Hahaba lalo itong post kung ibibida ko lahat, kaya yung mga nakaisang taon na sa blogroll ko muna, especially sa mga kahit papaano ay nagpaparamdam pa rin sa lungga ko, at ako man ganuon din sa mga blog nila.

Paisa-isa ko nang naidetalye kada one-year ka-blog (anibersari) ko bawat isa. Simulan nyo sa ◙ 12th comment sa post na “Blogamundo” at isa-isahin pababa hanggang sa dulo.

Dito sa post, ilista ko na lang. Pasintabi mga ka-blog — magpi-pingbak ito sa mga haybol ninyo.😉

1. Mga unang nakilala nuong ako’y inosente pa (sa blogosperyo nga):

The birthday greeters:

jonelldilannika

First taggers:

inaanakkengkayanak

2. Napakalawak pala ng mundo ng blogging (blogamundo):

My iskulmeyt, klasmeyt, and hausmeyt:

bokklasmeytanak

‘Up-close and personal’:

minyangbunso

Christmas day caroler and new year’s day well-wisher:

jenifferkoolai

Once in a blue moon visitors (bihira ko rin bisitahin), pero oks lang:😎

ginoong lapis icsxjezreel4 angels

Seventeen co-bloggers for my almost 17 months of blogging… Nakatanggap naman ako ng dalawang bonus, derpor pumili ako ng

hindi pa nakaka-one-year sa blogroll ko… dalawa lang din muna🙄 hindi… gawin na nating tatlo:

bluedreamerhalf a year ko pa lang ka-blog… Sa mga websites nya, yung Top Five ang peborit ko. Sipag nya mag-research, may mga bagay about general info na sa edad kong ito ay ngayon ko pa lang nalalaman. Yung gold cup award sa itaas, galing sa kanya.😀

RJa quarter of a year ko pa lang ka-blog… First commenter ko parati, minsan nga sya lang. Anggaling nya magsulat, maging sa choice of words. Aminin ko, minsan kelangan ko pang mag-consult sa dictionary para sa meaning ng isang English term o word na hindi ko pa alam.😛 May kaloob rin syang beautiful blog award, narun sa display cabinet ko.

fjordz — mag-i-eleven months ko nang nakaka-blog (first comment sa berdey post ni 1st brother ko) pero hanggang ngayon hindi ko pa nare- research kung pano bigkasin ito: sauns like “pyords” ba o “george” ?🙄 Mukhang hindi tayo makakawanyir na magka-blog, dude — kasi wala ang bertdeyt ng utol ko ngayon (Feb 29).😆 [biro lang!]😉 Salamat sa pagbisita uli, brod.

Ang hindi ko lang mawari ay kumbakit hindi na sumisikat si sunflower avatar sa mga komento ko — di lang sa mga blog ninyo, kundi pati dito sa lungga. Nagsimula yan nun ni-launch ng WP ang “bravatar” eclavush nila (tama ba usage ko ng badaf lingo?) Buong-buo namang lumalabas sa mga pingbacks! Kaya nga ang sipag kong magpingbak-pingbak eh Ahehe — dun lang masisilayan ang araw ko. ☼

Salamat sa inyong lahat.

Keep it up! Huwag lang masyadong ma-adek sa pagbabalog ha? Huwag pababayaan ang pag-aaral o trabaho. Baka wala na kayong panahon sa mga kapamilya nyo o sa sariling kalusugan nyo. Ibaling naman ang tingin sa iba, huwag lang dyan sa monitor screen. [Ba’t ba di ko maiwasan ang manermon?]😆

Kayo rin, baka magsasakit ang ulo nyo (mangalay pati likod) na paris ko.

Sa mga kapwa ko bloggista: Kasihan kayo ng Diyos sa mga magagandang adhikain at layunin nyo.

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2009/01/31/a-tribute-campaign-certified-senior-bloggista/trackback/

RSS feed for comments on this post.

7 CommentsLeave a comment

  1. Natuwa ako sa pagkabanggit ng aking Blogger Display Name dito. o”,) [Kayo po ang unang nagbanggit sa comment doon sa blog kong magaling akong magsulat, at kayo rin po ang unang nakapansin ng mga photos ko doon.] Maraming Salamat, po!

    ‘Yong tungkol sa pagpapabaya sa trabaho kasi nasa pagba-blog nalang palagi, iyan po ang concern ko ngayon. Hahaha! Nag-holiday kasi ang farm manager namin ngayon, kaya ako ang magbabatay sa manukan for the next 15 days. Naku, baka hindi ako makapag-blog hop ng madalas nito.

    Congratulations!

    ————————————————

    HBH: 15 days, hehe medyo matagal-tagal yun a… anhirap kayang pigilin ang sarili sa pagba-blog.😀 Ako man ay.

    Salamat din, RJ.

  2. ako din po natuwa at nabanggit ang aking pangalan dito, ehehehe, may po na daw o!

    oy musta ang iyong pinagkaka-abalahan sa buhay? ako eto, malungkot na masaya pero sempre mas maraming masaya ;D positive thinker si kengkay e.

    ingats!

    ————————————————

    HBH: Ikaw pa, kayo nina eloiski ang perslab ko dito.😉

    Eto ko, busy sa mga simple at kumplikadong bagay na tagal ding hindi gaanung napagtuunan ng pansin dahil sa pagbablog😆
    paris ng pagliligpit ng mga ‘anik-anik’ at pagkumpuni ng mga pundidong ilaw at sirang gripo.

    Salamat, kengkay… ingats din kayo. God bless.

  3. yeeehheeiiii.. nabanggit ang namesung ko.. haha..

    at syempre kinagagalak kong makilala kayo sa personal hindi lang dito sa blog😉 Pero nakakapagtaka pa rin kasi sa personal ang tahimik nyo talaga di kagaya dito sa blog nyo😆

    ————————————————

    KTB: Echooow… kaw din eh😆 (jokes) .
    Medyo mellow din ako kasi nuon dahil wala pa ako tulog — puyat sa excitement ng pagluwas, taz namahay pa kina mom (palusot pa e, no?) .😛

    Hindi… sa tutuo lang, pormal na bargas ako.😆

  4. wow! kakatuwa naman! nabanggit ako wahahaha!! at ang dami daming awards mo na po palang natatanggap! wohoo!! i celebrate na natin yan! hahaha!

    ————————————————

    HBH: Tatlo pa lang naman, yung iba nga mas marami pa.😛 Sabagay aush na rin — dito man lang sa blog may awards,
    maski wala sa kolehiyo nuon.😆

  5. hanep! kongrats kapatid🙂

    “senior” ka na pala talaga. hehehe

    ————————————————

    Bok: Salamat, kapatid.🙂
    Basta sa blog lang yung “senior” ha hehe.
    Sa buhay-life, isang ikot pa ng toro (12 years) : sa 2021.

  6. hi, fella senior bloggista how many of us followed the recommended tags? I found your blog by clicking http://en.wordpress.com/tag/tribute-campaign-for-senior-bloggista/ or just two of us are certified senior bloggistas using wordpress…just a thought.

    ————————————————

    HBH: That was what I noticed too the day I posted this entry. Maybe our fellow bloggers missed the tag rule… or simply ignored it.

  7. […] Basta ‘nasa mood’ akong humarap sa naka-online na pyuter, ‘blogging’ na rin, palibhasa pagba-blog ang isa sa mga una kong ginawa nung magsimula akong magseryoso sa pag-iinternet 26 months ago. […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: