Wigol-wigol

Natapos na ang project ni Wigwam.*

The ‘tread-wheel’ that was named after his great-granddad Gandalf was finally completed.

Ang 10-inch exercise wheel ay may “mouse-pad” — isang tila rubber tire na may traction (nasa gawing loob nga lang) para ang talampakan ng mga hamster ay hindi kalyuhin.

Wi-wiggle-wiggle ang naturang gulong, lalo na pag dagang magpatakbo ay kaskasero. Nagsi-swivel kasi ang bearing joint na may spring sa axle, kaya kinakailangang lagyan ng mas maliit na stabilizer wheel sa gawing itaas.

“Mission accomplished!” 😀 eka ng Nak-ng-Wigol-Daga.

————————————————————————————————

*Wigwam Wigglerson is the last living descendant of Gandalf through son Arrow. He will be exactly 27 months… today? or tomorrow? (birthdate: 29 Nov 2006). CLICK ▼ to see ancestral line.

Published in: on 28 February 2009 at 10:48 pm  Comments (13)  
Tags: , , ,

Ka-labs

“Ekkk!!! 😯 ‘nubayan, anlayo pa mahal na araw ah!?”

Isa lang naman yan sa cross stitch designs ng mga projects na ni-rushed ko this week… Simula pa nuon, anim na beses na akong may na-frame na ganyan.

Labs naman ang topic ngayon, kaya share ko lang ito (pasintabi po sa mga allergic o phobic na sa “emo day” na ito).

The FOUR LOVES according to C.S. Lewis: (CLICK CLICK Yo!) ▼

Published in: on 14 February 2009 at 12:14 am  Comments (6)  
Tags: , , ,

Ka-prends

Kape… kape… k a p e e e . . . !

[ Ahehe, maluluma ang panaghoy na “Tubig… tubig…” ng isang nagdidiliryo sa gitna ng disyerto.]

Panaghoy (request) ko yan kay misis para ipagtimpla ako ng kape, counter– antok at pagod dahil sa pine-frame ko ngayon — cross stitch projects ng mga first year high school na bata. Sa Friday morning nila kelangang ipasa.

Hwaaah!!! Hanggang kaninang 6:30 pm, may dumarating pa. 😥 Hindi ko matanggihan — hindi naman dahil sa kita, kundi dahil parang makukunsensya ako sa mga bata.

Haynako, buti na lang may isa pang nagpe-frame dito sa bayan… si Mang Rene na magse-70-year-old na yata (angkapal na ng lente ng salamin sa mata). Considered namin sya as ka-prends sa framing service — hindi kakumpitensya. Pero sabi ng mga nanay ng mga bata, hindi na rin daw mahagilap sa pwesto nya ang matanda, tambak na rin siguro ang pa-RUSH sa kanya. 😆

Kape ka dyan? Mga ka-blog, siguradong gising kayo dito. (CLICK yo)

Ka-prends… ka-prends… ka-prends!!!CLICK yo uli ▼ wala na maustrap.

Published in: on 11 February 2009 at 11:40 pm  Comments (5)  
Tags: , ,

Wanistunayn

“Blog-GADA”

Natatandaan nyo ba yung impromp-10 tag sa akin ni virtual inaanak? Sabi ko duon:

“Hmm… may magnanasa pa kayang masampulan ng tag na ito?

“Hindi nga? Di ba ilang beses nang naulit ang ganitong klase ng listahan ng tungkol sa sarili, iba-iba lang ang bilang? Empre, mas exciting pa rin yung may multiple choice, guide questions, o konting LARO… Pag simpleng listahan lang kasi paris nito, ‘ala na syang gaanong thrill…”

Kaya kung pano natin nilagyan ng konting “thriller” (pikyur ko) 😆 ang tag na iyun, gimikan natin uli itong ngayon.

Ni-tag kasi ako — about oneself uli, at sampu na naman. Medyo naiba naman ang tag ngayon ni bunso, pero para mas lalong unique, baligtarin natin, hane? Hanyo na kung hindi nyo ma-gets ang post title* …basta eto’ng sagot sa tag:

Published in: on 3 February 2009 at 10:00 pm  Comments (8)  
Tags: ,