Ka-prends

Kape… kape… k a p e e e . . . !

[ Ahehe, maluluma ang panaghoy na “Tubig… tubig…” ng isang nagdidiliryo sa gitna ng disyerto.]

Panaghoy (request) ko yan kay misis para ipagtimpla ako ng kape, counter– antok at pagod dahil sa pine-frame ko ngayon — cross stitch projects ng mga first year high school na bata. Sa Friday morning nila kelangang ipasa.

Hwaaah!!! Hanggang kaninang 6:30 pm, may dumarating pa. 😥 Hindi ko matanggihan — hindi naman dahil sa kita, kundi dahil parang makukunsensya ako sa mga bata.

Haynako, buti na lang may isa pang nagpe-frame dito sa bayan… si Mang Rene na magse-70-year-old na yata (angkapal na ng lente ng salamin sa mata). Considered namin sya as ka-prends sa framing service — hindi kakumpitensya. Pero sabi ng mga nanay ng mga bata, hindi na rin daw mahagilap sa pwesto nya ang matanda, tambak na rin siguro ang pa-RUSH sa kanya. 😆

Kape ka dyan? Mga ka-blog, siguradong gising kayo dito. (CLICK yo)

Ka-prends… ka-prends… ka-prends!!!CLICK yo uli ▼ wala na maustrap.

Published in: on 11 February 2009 at 11:40 pm  Comments (5)  
Tags: , ,