Ka-prends

Kape… kape… k a p e e e . . . !

[ Ahehe, maluluma ang panaghoy na “Tubig… tubig…” ng isang nagdidiliryo sa gitna ng disyerto.]

Panaghoy (request) ko yan kay misis para ipagtimpla ako ng kape, counter– antok at pagod dahil sa pine-frame ko ngayon — cross stitch projects ng mga first year high school na bata. Sa Friday morning nila kelangang ipasa.

Hwaaah!!! Hanggang kaninang 6:30 pm, may dumarating pa.😥 Hindi ko matanggihan — hindi naman dahil sa kita, kundi dahil parang makukunsensya ako sa mga bata.

Haynako, buti na lang may isa pang nagpe-frame dito sa bayan… si Mang Rene na magse-70-year-old na yata (angkapal na ng lente ng salamin sa mata). Considered namin sya as ka-prends sa framing service — hindi kakumpitensya. Pero sabi ng mga nanay ng mga bata, hindi na rin daw mahagilap sa pwesto nya ang matanda, tambak na rin siguro ang pa-RUSH sa kanya.😆

Kape ka dyan? Mga ka-blog, siguradong gising kayo dito. (CLICK yo)

Ka-prends… ka-prends… ka-prends!!!

Eyan naman ang weyk-ap kol sa mga tulog na blog.😆 Ahoy, me prendship awards ako na gumising sa hiatoinks status ko, at sey mo, sa idlip.net pa galing — kay klasmeyt yeye !😀

3-awards

Tenkyu, tenkyu, tenkyu!

Triple awards yan, pero sabi ni klasmeyt, itong “bestfriends” lang.

Eng?🙄 Yung kariton, okey lang hindi kasama kasi may malaki na ako nuon (tulak award) ; pero yang “sisterhood” type ko din yan.😆

Seryus: okey lang yun, klasmeyt — bigay ko rin yan kay Sor Syma ko kasi hindi na sya solong girl dito sa lungga, may sisterhud na sya: si Doray daga.😛

Pasa ko na rin ang awards na ito sa tatlong kung di man bising naka-hiatus din ngayon ay pahinga muna dahil kagagaling sa tonsillitis — kay anak (ingatz), at kina bunso at inaanak.😉

Oops… Sa tagal kong hindi masyado nakakapag-bloghop may dalawa pa pala galing kay bluedreamer, late ko na nakita.😳

friendship-flower real-person

May feminine-touch uli, ano? 🙄 Anyways, mapa-lalaki ka o mapa-babae, para sa inyong lahat yan, all my blogfriends!😉

Bukas na lang ule ako silip… framing muna………… 😯 K a p e . . .

Published in: on 11 February 2009 at 11:40 pm  Comments (5)  
Tags: , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2009/02/11/ka-prends/trackback/

RSS feed for comments on this post.

5 CommentsLeave a comment

  1. Hindi po mahalaga kung may kaunting ‘feminine touch’ ang huling dalawang awards. Ang mas mahalaga maraming mga ka-prends ang nakaalalag magbibigay sa inyo.

    Ang dami nyo po palang ginagawa ngayong frames! Pero alas dose ng hating gabi ay nagagawa niyo pa pong mag-update ng blog niyo. Siguro kung wala ang ka-prend niyo sa business na si Mang Rene ay hindi niyo na po madadalaw ang Mayaman pa sa Daga.

    Opps! Kumusta ang ka-prends niyong mga daga? Hindi ba sila napapabayaan dahil sa mga framing jobs nyong napakarami?

    Buti hindi po kayo sinusumpong ng vertigo ngayong maraming kape ang naiinom nyo plus ang puyat.

    ————————————————

    HBH: Vertigo? Oo nga pala😀 nawala na sa isip ko yun.

    Ang mas pinangangambahan ko ay ang heartburn na malimit sumumpong pag panay ang kape at puyat ko… Awa ng Diyos wala namang sumumpong maski isa hanggang matapos ko ang projects ng mga bata. Meanwhile, si misis muna ang nag-mind sa mga daga.

    Tama ka, saludo ako sa sigasig at sipag ni Mang Rene,
    laking pasalamat ko nga at nandyan sya.

    Syanga pala… eto ang kaunaunahang ‘feminine thing’ na natanggap ko, kaloob ng erpats at ermats ko. → 18 Sep 61
    Yung unang neym sa compound na given name ko.

    Pati yung clerk-typist nyang birth certificate, nagkamali ng entry sa ‘sex’ o gender… Pinatakpan ko lang ng postage stamp yung “fe” — buti’t hindi na binusisi nung nag-apply kami ni misis for a marriage license.😆

  2. congratulation sa award..ako din di ko pa nagagawa yung ganyan ko.. sa susunod na lang siguro.. ikaw din yung tribute di mo pa nagagawa hehehe..

    ————————————————

    HBH: Salamat, fur.😀
    Nagawa ko na yung tribute tag mo. → 31 Jan 2009
    Hindi siguro nag-pingbak sa idlip yung link ko sayo.

  3. […] Isa lang naman yan sa cross stitch designs ng mga projects na ni-rushed ko this week… […]

  4. (,”o Ganu’n po pala ang buong pangalan niyo?! Parang mga lalaki rin pong may Joy ang pangalan, o di kaya’y Jocelyn (may isang sikat sa pambansang usapin ngayon) ang name.

    ————————————————

    HBH: Jocelyn?🙄
    Hindi kaya dyok-dyok lang ang kanyang pangalan?😛

    Ang tatay ko “Ramon Maria…”
    May dating kaopisina ako, “Gerald” pero “Geraldine” ang
    given name at entry sa birth certificate — “female” din ang pagkakamaling nailagay sa ‘sex’. Nagkaroon pa tuloy ng court hearing dito nung pupunta sya para mag-aral sa Japan…
    Hindi na nga lang napansin yung sa akin nuong nag-training
    din ako duon (1996) kasi nga natakpan yung “fe”.

    Gumastos ng ura-urada si Gerald, pero at least naayos na
    yung BC nya for good… Yung akin, kelangan ko pa pagawan ng affidavit for correction of entry; aysows, hindi ko pa maharap.

    [Sa Japanese names, wala yatang masculine o feminine.]

  5. waahhh oh my.. naku sorry po talaga ngayon ko lang sya nakita waahhhh.. sorry po😦

    tsaka maraming maraming thank you po pala para sa award na yan.. wehhh kakatuwa naman hehe lang taon ko na po kayong ksaibigan dito sa blogamundo.. hehe chalamat po ulit ng marami!!

    ————————————————

    KTB: One year and three months kahapon (March 15)
    to be exact.😀 So, ‘musta ka na, bunso?


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: