Wigol-wigol

Natapos na ang project ni Wigwam.*

The ‘tread-wheel’ that was named after his great-granddad Gandalf was finally completed.

Ang 10-inch exercise wheel ay may “mouse-pad” — isang tila rubber tire na may traction (nasa gawing loob nga lang) para ang talampakan ng mga hamster ay hindi kalyuhin.

Wi-wiggle-wiggle ang naturang gulong, lalo na pag dagang magpatakbo ay kaskasero. Nagsi-swivel kasi ang bearing joint na may spring sa axle, kaya kinakailangang lagyan ng mas maliit na stabilizer wheel sa gawing itaas.

“Mission accomplished!”😀 eka ng Nak-ng-Wigol-Daga.

————————————————————————————————

*Wigwam Wigglerson is the last living descendant of Gandalf through son Arrow. He will be exactly 27 months… today? or tomorrow? (birthdate: 29 Nov 2006).

Paternal lineMaternal line

Beria-girdel Teepee Pompom

Wigwam

Published in: on 28 February 2009 at 10:48 pm  Comments (13)  
Tags: , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2009/02/28/wigol-wigol/trackback/

RSS feed for comments on this post.

13 CommentsLeave a comment

  1. “Teach us to number our days aright,
    that we may gain a heart of wisdom.”
    (Psalm 90:12)

  2. Medyo nalito ako ng kaunti sa illustration! Whew! Kuya Homebodyhubby, ‘yong mga nasa gilid na inintroduce na kulay grey na mga hamsters, ‘yon po ba ay ginamit bilang sire, pina-hubby niyo du’n sa mga puting hamsters, tama po ba? Hahaha! O parang adopted ‘yon?

    Ito siguro ‘yong mga panahong lumbas ang The Lord of the Rings (The Return of the King) III kasi Gandalf the Grey ang ipinangalan niyo sa alaga niyo.

    Hahaha! Maaga pa akong pinatawa ng post na ito, may mouse pad pa?! Galing naman. o”,)

    ————————————————

    HBH: Hahaha, ako man litong-lito nung ginagawa ko ang family tree nila.😀 [33 hamsters! Gagawan ko kaya sila lahat?😯 ]

    Lahat ng 13 hamsters dyan sa tree (10 maliliit sa gitna
    at 3 malalaki sa pinaka-ibaba) ay nanggaling sa pinakaunang hamsters ko’ng sina Bitoy at Bebang (2 malaki sa pinaka-itaas).

    Yung dalawang grey na in-introduce ko sa gilid ay in fact
    dalawa sa walong magkapatid — sina Stitch ♀ at Blakdyak ♂ (itim sila nung babies pa) … Mga anak sila nina Faramir ♂ (kapatid ni Boromir ♂) at Warwik ♀ (kapatid ni MsBraun ♀) . Ibig sabihin, mga unang apo din sila nina Bitoy at Bebang…
    Hindi ko na nga lang nilagay dyan sa tree ang parents nilang sina Faramir at Warwik dahil yung paternal at maternal lines lang muna ni Wigwam Wigglerson ang nais nating ipakita.😆

    Tama ka dun… si Stitch ang wifey ni Gandalf — uncle-to-niece marriage kumbaga, kaya yang si Arrow (lolo ni Wigwam) ay tinawag kong 3½th generation na.
    Si Blakdyak naman ang hubby ni Snow White (great-grandmom ni Wigwam) — first-cousins marriage naman itong kanila.

    Kung mapapansin mo, in-introduce din si Beria-girdel (kalalagay ko lang ng arrow) na wifey niyang si Wigwam.
    Si Beria-girdel ay anak naman nina elder Berio ♂ (pamangkin ni Snow White) at Mochahontas ♀ (tiyahin ni Wigwam) .

    Whoaaa!!!🙄 Nahilo ako dun a… anhirap talagang mag-trace ng mga relatives!

    Long before gawan ng movie yang Lord of the Rings trilogy
    ay nabasa ko na ang four novels ni Tolkien (tuloy ko ang reply dun sa second comment mo) .

    Mousepad — as in ‘mousepad’ na takbuhan ng PC mouse?😛

  3. grabe effort po talaga yung ginawa niyo para sa mga hamsters nyo hahaha.. at natutuwa ako dun sa wheel nila.. may rubber pa para hindi sila kalyuhin hahaha! ayos!

    At nakakatuwa rin tingnan ang family tree ng mga alaga niyo hahaha!

    ————————————————

    HBH: Yan na kasi ang pinaka-libangan ko dito sa loob ng
    bahay matapos mag-framing-framing at ng iba pang trabaho → Mag-alaga ng hamster at gumawa ng mansyon nila.🙂

  4. Teka, nalito ako ah. Saang movie na nga ba si Gandalf the Grey? Sa The Fellowship of the Rings yata. U

    ————————————————

    HBH: [The Hobbit and The Lord of the Rings trilogy]

    “Gandalf the grey” pa lang sya sa first two novels,
    1. The Hobbit
    2. The Fellowship of the Ring;

    “Gandalf the white” na sa last two,
    3. The Two Towers
    4. The Return of the King.

    Ibang klase ang istorya —
    They sought the ‘treasure’ to destroy it.

    Balistad yung nai-type ko — eto pala:
    They sought to destroy the ‘treasure’.

  5. yeah cutie ng hamster.. sana may magregalo sakin, kung di man aso.. kahit hamster man lang.. sana may bf naku🙂

    ————————————————

    HBH: Malamang may mga nanliligaw naman siguro,
    wala ka pa bang napupusuan? Baka masyado ka lang pihikan?😉
    Pero ingat sa boboyprenin, iha… Kilalaning maigi —
    higit sa lahat, huwag papatol sa may asawa na.

  6. mga hamham..mga hamham…

    (naku di ko alam itype ung salita nila hamtaro hahaha)

    ————————————————

    Klasmeyt: Oo nga, klasmeyt😀 ‘kakatuwa pakinggan.

    Meron dito o → Hamtaro (click yo)
    To pa, nitype nila yun salita → Hamham words (click yo ageyn)

  7. Ayun, malinaw na kung saan nanggaling ang dalawang grey hamsters na biglang sumulpot sa gilid. Hahaha! U

    Talagang binasa niyo po pala ‘yon mga novels ni Tolkien?! Sigurado na-appreciate niyo talaga ang movie, ako gandang-ganda doon sa trilogy na ‘yon. Pinanood ko lang (hindi ko nabasa) kaya nalito ako sa Gandalf the Grey at White. (,”o Sa tingin ko maganda rin ang The Hobbits, nakita ko dati nagbabasa ang katrabaho ko, hindi ko nahiram ang aklat niya. =,{

    ————————————————

    HBH: Pinahiram kasi nuon kay misis ng isang kaopisina
    namin sa PhilRice ang unang libro (The Hobbit) … Kaso tamad magbasa si misis ng novels (maski nga short stories lang😆 ) Kaya eka ni misis, ako na lang ang magbasa — ikuwento ko
    na lang daw sa kanya.

    Nasa “The Hobbit” yung details kung papaano napunta
    kay Bilbo yung singsing… Nung natapos ko, parang bitin.🙄
    So hiniram ko na rin sa kaopisina namin ang novels ng trilogy, kaso yung dalawang unang libro lang ang mayroon sya
    (The Fellowship, Two Towers) .

    Natapos ko uli… ay di lalong nabitin!😕 Napilitan tuloy akong maghanap at bumili sa bookstore nung last novel (The Return) . Nung matapos kong basahin, ibinigay ko na lang sa kaopisina ko yung libro para makumpleto ang lahat ng ‘volumes’ nya. Ahehe, nauna ko pa tuloy na malaman ang buong istorya kaysa dun sa kaopisina ko😆 — ay kay-tagal na yung ibang libro sa kanya.

    Gulat nga ako nung nabalitaan ko some years later na gagawan ang trilogy ng pelikula. Yung “The Hobbit” pelikulang cartoons lang na hindi pa gaanong haytek ang alam kong meron.

  8. yes naman.. work out ang drama ng mga dage.. heheh kewll..

    ka cute-cute talaga..

    sgh gustong gusto ko talaga mag-alaga nan o kaya nung rabbit kung di lang talaga dahil sa pusa ko (Y_Y)

    ————————————————

    KTB: Dami pa susunod na projects sa mansyon ng daga.
    Yang family tree, hmm… wala na sigurong ihahaba?

  9. […] Tanggalabol ang tabla ng platform —
    pababa sa isang future underground tunnel patungo at
    paakyat sa “Bahay ng mga Kuya” (Harurendilayk trio)
    kung saan naroon ang Arrowangkada wheel ni Arrow.
    (Iba pa yung Wigol-wigol wheel, ha?) […]

  10. […] Nalagpasan na pala ni Wigwam ng tatlo o apat na araw ang naging lifespan ng kanyang ninunong uncle
    na si Mocha Rurik? […]

  11. […] Nakarecover na si Bebong, medyo lumusog pa nga ang pangangatawan. Mukhang may therapheutic effect sa kanya ang ilang minutong paglalakad sa Wigol-wigol wheel,
    dahil kahit hindi na tuluyang naalis ang kiling-posture nya,
    ito’y bahagya na lang.  […]

  12. […] Gandalf (3rd batch, 2nd generation) from whom
    the pension house tread wheel was initially named,
    was the first white male raised in the family.
    Wigwam was the third and last. […]

  13. […] Mas tipo ni Boolaboy Berio na tumambay sa Pension house, magbi-brisk-walking nang wala pang isang oras sa Wigol-wigol na naruon; tutulog sa may hagdan pag napagod, o kaya aakyat sa third floor. […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: