Lipat-lungga

DAgaIGDIG ko, akawntabol ako.

Sa mas pang-malawakang pananaw, pitong araw pa lang na nagsisimula ang tagsibol sa northern hemisphere (taliwas sa southern hemisphere, kung saan onset pa lang ng taglagas). Pero dito sa Pilipinas, ang papasok na Abril ay simula na ng tag-init o summer.

‘Parusa’ na naman ang post meridiem (pm) hours dito sa 4th floor unit ng building na inuupahan namin — mahigit limang oras ding direktang tumatama ang sikat ng araw sa kanlurang bahagi ng gusali. Kaya naman maging ang limang kaHAMSTERan, Marso pa lang ay isa-isa nang nag-martsa pasilangan upang pansamantalang matakasan ang init na nararamdaman.

Eastward migration (Ikabod tower to Bebang Pension house) 😆

————————————————————————————————

The first five crossers and their ages, to date (26 Mar 2009) :

————————————————————————————————

Para kayang napakadaling lumipat, ano?

Naiinitan ka sa maghapon? Punta ka sa ilog or beach at magswimming ka… Kung kaya mo lang, mag-holiday ka sa Boracay o Palawan; kung hindi naman, magbakasyon ka sa mga kaibigan o kamag-anak sa Tagaytay o Baguio… Marami na ngang hindi lang ang taunang init ng panahon ang iniwasan kaya napilitan na rin lumipat na for good sa mas ‘malamig-lamig’ na bansa. Wala naman akong nakikitang kaso ruon kung talagang gusto o kailangan at kaya nila. 😉

Sana naman ay hindi dumating ang panahon na ang aking mga kadagaan ay mapilitang lumipat na sa planetang MAuRSe.

Eka ni Atmaus: “Ikaw, amo… may ‘malilipatan’ ka na ba?”

————————————————————————————————

Related posts: ewtdey-o-eyt

Above ground zero

June 1991. Viewed from PhilRice, NE — about 90 kms northeast of ground zero

(photo taken by co-employee Engr. R. de Guzman)

“Tulay” sana ang pamagat ng post na ito, kaya lang dahil sa di-planadong daloy (o countdown?) ng titulo ng mga kararaang entries ko, ay yan na lang. 😆

Una sa lahat, ano ba yang tinatawag na ground zero?

“ The term Ground Zero may be used to describe the point on the earth’s surface where an explosion occurs. In the case of an explosion above the ground, Ground Zero refers to the point on the ground directly below an explosion.” (Wikipedia)

CLICK HERE ▼ and continue reading…

Published in: on 21 March 2009 at 8:00 pm  Comments (5)  
Tags: , , , ,

1’s not enough

Buddy-brothers.

Story 1 (true-to-life)

May magkapatid dito sa bayan namin, tawagin natin silang si Bigbro at si Littlebro. Nagtrabaho itong si Littlebro sa piggery farm sa isang bar-bario sa parteng Isabela-Cagayan.

Isang araw nagkasakit itong si Littlebro. Malaki ang ipinangayayat at ipinanghina kaya napilitang iuwi dito sa Muñoz. Na-diagnosed na maysakit sa bato at kailangan nyang sumailalim sa kidney transplant — tatanggalin ang parehong kidneys para mapalitan ng mas malulusog.

Alam ng kanyang Bigbro ang risk para sa sarili, pero dahil pinakamalapit na kadugo, nag-volunteer itong maging donor.

“Okey lang ading, dalawa naman itong kidneys ko,” (eka pa siguro ni Bigbro) “… share ko na lang ang isa ko sa’yo.”

CLICK HERE ▼ to continue reading…

Published in: on 18 March 2009 at 8:08 pm  Comments (11)  
Tags: , ,

2’s company

Budul-budol Buddy-buddy.

Hindi halos makapaniwala ang ilang kapwa ko hamster-person… May mga medyo nag-aalala pa nga.

Nauunawaan ko. Kung pamilyar ka sa aming mga paboritong alaga, totoong hindi ubrang magsama-sama ang Syrian hamsters dahil solitary creatures sila.

————————————————————————————————

“ I must say I find your hamster photos absolutely incredible —

I just cannot believe some of them, so many hamsters in one place,

peaceful with each other, and looking so cute… it’s amazing.

Even for a second I thought they could be fake.

But I do know they’re for real 🙂

Maybe you put some spells on your hamsters? 😉 ”

— mail message ng isa kong contact sa Flickr

————————————————————————————————

Ano nga ba’ng ‘budul-budol’ (voodoo-vodoo) ang gamit ko?

🙄 🙄 [ Click HERE to continue reading… ]

Published in: on 5 March 2009 at 9:00 pm  Comments (13)  
Tags: , ,

3’s a crowd

RobertChoi

19

Sa ika-dalawampung pagkakataon, ang pinakamasayang araw ko.

Pero sa bawat taon, hindi ko magawang iwaksi ang kalakip nitong lungkot dahil sa alalahanin ng ilang kakilala — karamihan, mga mas nauna pa sa amin.

Kelan nga ba maituturing na hindi kalabisan ang isang taga-pamagitan?

♥ ♥ [ click HERE ]

Published in: on 3 March 2009 at 9:00 am  Comments (6)  
Tags: , , ,