3’s a crowd

RobertChoi

19

Sa ika-dalawampung pagkakataon, ang pinakamasayang araw ko.

Pero sa bawat taon, hindi ko magawang iwaksi ang kalakip nitong lungkot dahil sa alalahanin ng ilang kakilala — karamihan, mga mas nauna pa sa amin.

Kelan nga ba maituturing na hindi kalabisan ang isang taga-pamagitan?

♥ ♥

1. Ang nanay mo ba?

KUNG ang trato nya sa kanyang manugang ay tagapag-alaga mo lang dahil mama’s boy ka, isa din syang nanay na sisira sa relasyon nyong mag-asawa. Kasundo nya lang ito pag in good terms kayo ni misis; konting marital conflict lang, nakapanig na agad sayo… Nasaan na ang gulugod mo, bata?

2. Mga kapatid?

Ikaw kaya ang nagpapalamon at bumubuhay sa kanila? Marahil ikaw din ang nagtutustos sa pag-aaral ng mga anak-anak nila. Hindi ka man gatungan, pihong umid ang mga dilang aayon na lang ang mga iyan sayo sa pangambang hindi mo na sustentuhan.

3. Ang barkada kaya?

“Kewl ka lang, p’re, dami pa babae dyan. Patunayan mong ikaw ang lalaki! Tara, mamam at ma-nyiks tayo!”

4. Aber nga, nasan na ba ang inyong bigtime na mga ninong at ninang sa kasal?

Ang siste, sila man ay hindi makapag-set ng good example, kaya hindi rin makapagpayo… Pwede rin namang hindi kayo ganun ka-close sa kanila. Bakit nga ba financial at economic security lang ang naging batayan ng pagpili nyo?

5. Isang close friend na babae? Isang ex-girlfriend mo nuon?

Pwede rin namang isang bagong kakikilala mo lang sa chat

Sya na nga ang naging dahilan upang lalong lumabo ang pag-asang muling mabuo ang tahanan mo… Ngayon, nagdesisyon kang ‘iwan ang pamilya mo’ dahil mas mahal mo kamo sya at nagkamali ka duon sa una… Ang tanong na bumabagabag sayo:

“Paano ko kaya ito sasabihin sa mga anak ko?”

6. [Meron pa palang isa:] Ang legal counselor mo…

Napabilib ka nya nang husto dahil na-hokus-pekes na makasal kayo nitong kalaguyo mo. May part two pa yan… legal separation nyo ng “number 1” mo — hatian ng conjugal properties sa tatlo: sayo, sa misis mo, at sa kanya na abugado. Potris na counselor yan, puro legalidad lang ang alam!

7. Ngayon, ako naman ang naisip mong buntung-hingahan

Hindi para humingi ng payo kundi para gumaan ang pangamba at dalahin mo. Tama ka pare — nakahinga ka nang maluwag, sa akin mo ipinasa ang bigat.😥 Maaari ba kitang i-condemn? Hindi a, labs kita eh.

Ilang salinlahi pa kaya ang susunod sa yapak mo — ikaw na sumunod din sa yapak ng mga nauna sayo? Ilang a-tres de Marso pa kaya’ng dadaan na kelangan ko pang indahin ang ayon sa marami ay “isang suliraning hindi naman ako dapat bagabagin?”

Ako ba’y isa na ring kalabisan na hadlang sa bagong ikaliligaya mo?

8. May Pangatlong hindi kalabisan, kung wala ay napakalaking kakulangan:

(Click mo ang pulang trianggulo)

Mga kuya at mga ate… salamat sa patuloy na mga panalangin nyo.

Related posts:

Sakal?

Final notice

Devotional

Published in: on 3 March 2009 at 9:00 am  Comments (6)  
Tags: , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2009/03/03/3%e2%80%99s-a-crowd/trackback/

RSS feed for comments on this post.

6 CommentsLeave a comment

  1. Ito po pala ang ‘Tres de Marso’?! Ngayon ko lang po nalaman ‘to. Parang wala po kasi ito sa kinalakhan kong paniniwala (mga Ilonggong nag-migrate sa North Cotabato).

    Ang galing ng love triangle! May obtuse, right, acute, isosceles, scalene, ngunit ang pinakamaganda at dapat mangyari ay ang EQUILATERAL love triangle! Wow! Very meaningful po ito Kuya Homebodyhubby. U

    ————————————————

    KuyaHBH: Hindi ako agad nakapag-reply dito sa comment mo bago ko i-post ang sumunod na entry at makapag-comment ka rin duon…😛 Yes… 19th wedding anniversary namin ang
    03 March 2009.

    Siguro naman, sa tinagal-tagal ng lumipas na panahon
    simula ng maimbento ang kalendaryo, ang bawat araw sa isang taon ay may katapat nang mahalagang event sa kasaysayan (Philippine or world history) . Hindi ko alam kung anu-ano na ang mga significant events na nangyari sa 3rd day of March, basta para sa akin, ito ang pinakamasayang araw dahil ito ang araw ng aming kasal.😉

    “Bakit ‘Sa ika-dalawampung pagkakataon’ ?”
    — tanong sa akin ni misis nung mabasa ang unang linya sa post.
    “Dapat ika-labing-siyam lang!” (dahil 19th anniversary nga) .

    “Oo nga, 19 na yung anniversaries (1991-2009)” — sagot ko.
    “E yun mismong kasal pa (1990 March 03) ? — di 20 lahat!”😆

    Love triangle — mas closer ang mag-asawa sa Panginoon,
    mas closer din sila sa isa’t-isa.

  2. […] Bakit ba itong waswit ko — almost 21 years ko nang kasama (17 months 3 days as steady, 19 years 2 days as wife) wala akong matandaang nasabihan ako ng:

    “Ang tahimik mo naman!”😆 […]

  3. ang gandang love triangle nun nakita ko ah. nasa sentro si GOD.🙂

    ————————————————

    Klasmeyt: Empre naman, klasmeyt — nasa sentro at itaas.😉

  4. aww happy anniv po sa inyo ni misis.. hehe hanga ako kase very strong yung relasyon nyo…

    ang galing nung lovve triangle.. totoong totoo..

    ————————————————

    KTB: Kung by our own might lang ni misis, wala din.
    Sya na ‘third party’ (Lord God) pa rin ang sentro ng lahat.

    Tinginin mo ito analogy na sinampol ni ‘mine’ nuon. → tirintas

  5. […] Magpapa-advise at magko-confide ka ng problema nyo ni misis sa ibang gurl eh, ibang klaseng solusyon ang maio-offer niyan. SISIRA ka lang ng kinabukasan ng babaeng hindi naman dapat maging iyo. […]

  6. […] ◙ More about marriage ↑ in this link […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: