2’s company

Budul-budol Buddy-buddy.

Hindi halos makapaniwala ang ilang kapwa ko hamster-person… May mga medyo nag-aalala pa nga.

Nauunawaan ko. Kung pamilyar ka sa aming mga paboritong alaga, totoong hindi ubrang magsama-sama ang Syrian hamsters dahil solitary creatures sila.

————————————————————————————————

“ I must say I find your hamster photos absolutely incredible —

I just cannot believe some of them, so many hamsters in one place,

peaceful with each other, and looking so cute… it’s amazing.

Even for a second I thought they could be fake.

But I do know they’re for real🙂

Maybe you put some spells on your hamsters?😉 ”

— mail message ng isa kong contact sa Flickr

————————————————————————————————

Ano nga ba’ng ‘budul-budol’ (voodoo-vodoo) ang gamit ko?

Sa tutuo lang, wala… (opkurs biro lang ni pyza yung huling linya nya) Kabisado ko lang naman ang temperament ng aking mga alaga… Empre naman, handa ko sila pagbukurin agad sakaling kakikitaan ko ng kahit kaunting away. Ang siste nga, magbuhat nuong ipanganak sila, maganda pa rin ang samahan ng dalawang haragang DAGA.

Ngayong araw na ito, saktong dalawang taon (24 months) na ang Boolaboys.

Eto’ng hindi kwentong-daga:

Noong nasa kolehiyo ako, sa barkadahang tatlo-tatlo, hindi yata nawawalan ng isang may punang ganito:

“Bakit ang tahimik mo? Hindi kita maarok!”

Aminado naman akong ‘tahimik’ ako [Am I boring him/her?].

Pero ewan ko ba, yun isa pang kasama namin, hindi naman uneasy sa akin. Pirming ang company ko pa nga ang hinahanap — hindi yung company nya. Nai-insecure sigurong sosolohin ko ang prend namin. Ahehe, hindi naman ako ganun, ano?

Sa iba’t-ibang lugar at panahon, may mga nakasalamuha ako — naging prating kasama na hindi na-“ilang” sa pagiging tahimik ko… Syempre isa na sa kanila ay si bestfriend!

Anader kwento, mas maagang nangyari kaysa dyan sa una:

Nuong kapapasok ko pa lang as new freshman sa UPLB (1978) may sort of getting-to-know-one-another game ang block section namin — yun bang may dalawang hilera ng magkakaharap na upuan? Iisod kami paikot duon, tapos sasabihin ng nasa tapat ko ang (first) impression nya sa akin. Napatapat sa akin yung isang crush ko… Sabi nya sa akin:

“Tahimik ka. Hindi ka sociable…”

She was just telling the truth, pormal la’ng mukha nya nung sinabi yun. Sayang, hindi pa ako ganun kaseryoso (at kapilyo!) pagdating sa mga gurls. Kaya eyun… lalu tuloy ako hiya sa kanya, hanggang lumipas ang semestreng iyon na napakabihira ko na sya makita.

About 10 years later, habang sakay ako ng isang pampasaherong dyip at masayang nagkukuwento sa isang kasamang kabarkada, may napuna akong babaeng nakaupo sa bandang bungad ng estribo. Si blockmate!!! Nakatitig at kiming nakangiti sa akin. Nung nginitian ko, nagbaba na lang ng tingin. Namumula ang makikinis at mapuputing mga pisnging dati’y hindi naba- bakantehan ng pimples. Nag-blushed yata sa ganti kong ngiti? [Ligawan ko kaya? — sa isip-isip ko lang]😆

Hindi naligawan… Ang kabarkadang kabidahan ko nuon kasi ang syang naging gerpren at misis ko kalaunan.😀

Yun nga pala!!! Bakit ba itong waswit ko — almost 21 years ko nang kasama (17 months 3 days as steady, 19 years 2 days as wife) , wala akong matandaang nasabihan ako ng:

“Ang tahimik mo naman!”😆

Published in: on 5 March 2009 at 9:00 pm  Comments (13)  
Tags: , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2009/03/05/2%e2%80%99s-company/trackback/

RSS feed for comments on this post.

13 CommentsLeave a comment

  1. Kahapon pa ang entry na ito, hindi ko lang nai-published agad dahil may kelangang tapusin ako → framing, framing!

    Gabi na, bukas na lang uli — maglilinis pa ako ng bahay
    ng mga daga.😀

  2. wow congrats
    and cute ng mga hamster
    magandang gabi po kuya buddy
    dumadalaw lang ulit pasensya na mejo natagalan
    may inasikaso lang kasi hehe

    ————————————————

    HBH: Oo nga blue, dami tayong busy ngayon; sa mga regular visitors ko, at least tatlo ang naka-hiatus. Ako man o hehe — apat lang ang nai-post nung February, kaiiksi pa.

    So, ‘musta na…🙂

  3. o”,) Maganda ang kwento sa 2’s a crowd, ah. Medyo hindi po malinaw sa akin ang 2nd to the last sentence. Ang asawa niyo ngayon, ‘yon po ba ‘yong nag-blush sa jeep, na crush niyo noon at nagsabing napakatahimik niyo?

    Siguro ‘sociable’ na kayo ngayon. U

    ————————————————

    HBH: Ay oo nga no?😳 Salamat sa pagpuna.
    Ayun, dinagdag ko na yung “Si blockmate!!!” after nung
    “About 10 years later” na sentence.

    I-identify ko na rin:😉
    Choi — ang barkadang kausap ko nun sa dyip; naging misis ko.
    LJ — ang dating blockmate kong crush ko (crush lang, hindi na- develop… dami naman kasi akong kras nung binatilyo pa ako.)😆 Sya yung sa wari ko ay nag-blushed. May pagka- tahimik din naman sya at pormal.

    Mukhang dinatnan na namin ni Choi itong si LJ sa dyip (nakaupo sa dulo sa bandang estribo) , hindi ko lang napuna nung sumakay kami. Gulat nya siguro nung nakita nyang ‘maingay’ din pala ako…

    Hindi ako kasing-ma-PR at sociable ng misis ko.😛

  4. 2’s a company pala! Hahaha! Nalito ako sa previous entry ah.

    Maswerte itong mga hamsters niyo, pancake ang kinakain?! May butter at strawberry jam din po ba? o”,) Ang yayabang pa, parang alam na pinipictureAN. U

    ————————————————

    HBH: Hotcake na hindi na ‘hot’ (malamig na) may daricreme. Fresh strawberries ang mas type nila😆 parating may uwi si misis pag nanggaling ng Baguio.

    Yang picture, isang frame na galing sa 320×240-pixel video
    ng Iswalowaloba.

  5. ————————
    The Boolaboys
    For the last 9 years (simula nung mag-resign sa PhilRice) ngayon lang ulit nilagnat si bosing…
    Bakit kaya? — dati namang maraming pine-frame.
    Baka kulang na sa pagba-blog kaya nilagnat?🙄 😀

    Indi tuloy kami malaro ngayon — baka daw kami mahawa.😦 😆

  6. hehe nung ma meet ko kayo unang impression ko nga eh tahimik kayo.. nahihiya tuloy ako nun kadi ako tahimik lang din sa umpisa lollss..

    woww natakam naman ako sa kinakain nung daga na yun hihih

    ————————————————

    KTB: ‘Tahimik’ naman talaga ako eh.😛 beh.

    May sakit yang si Bebong, bunso😦 … kahapon pa (March 16) .
    Ala, sayo na naman ako bumuntung-hininga. Last time sayo ko rin nabanggit itong sa kapatid nyang si → Bebang-girdel
    ‘lam ko kasi maawain ka rin sa hayop.

  7. ang cute naman ng mga hamsters! hahaha! sabay talaga silang kumakain!

    ako rin, parati akong nasasabihan ng antahimik mo naman kapag may mga social gatherings o kahit yung simple lakad lang tapos kasama mo yng mga kaibigan mo. E ganun talaga ako saka nag-eenjoy naman talaga ako. Feeling ko tuloy, burden pa ako sa kanila kasi akala siguro nila hindi ako nag-eenjoy. tsk tsk

    ————————————————

    HBH: Hahaha! Naalala ko tuloy yung narinig kong jokes sa eat bulaga kahapon ba yun? Eka daw nung lolo ni Joey na saksakan ng bait sa mga hayop nung datnan nitong pinapapak na ng tatlong daga at apat na ipis yung hapunan nito:

    “Huhuhu!😥 Uli-uli, hihintayin nyo ako para sabay-sabay tayong kakain!”

    Pareho lang siguro tayong melancholic, fjordz. Pero sa tutuo lang, may mangilan-ngilan din namang maski tahimik daw tayo eh gustong-gusto naman tayong kasama at kausap.

  8. wow naman klasmeyt!!😀
    happy 21 yrs….

    tahimik ka ba klasmeyt? di naman. andaldal mo dito sa blog mo eh hehehehe

    ————————————————

    Klasmeyt: Tenchu…😛

    Parang mga hamsters din siguro, klasmeyt…
    Pag hindi mo sila kabisado, akala mo tahimik lang sila,
    hindi paris ng guinea pig na nagwi-wik-wik (echoic) .
    Pero pag matagal ka nang nag-aalaga ng hamster,
    mare-realize mong may mga audible languages din pala sila.

    Ahehe, maalala ko, nakita mo na ba yung ni-link ko sa nakaraang kumento mo?

  9. […] LISTEN & SILENT are two words having the same letters. They are significant in a friendship because only a friend can listen to you when you are silent. […]

  10. HELLOW ITAY! magaling na ba u??? cguro may crush rin si blockmate sau.. hehehhee.. kilig!!!! naku itay bka my blog si blockmate mabasa nya to.. hehehehe..

    mana pla ako sa yo itay.. napkatahimik ko rin…. ehem.. ehem….

    ————————————————

    Itay: Hayhohongaanu???😯 Baka mabasa ni blockmate ito
    lalu naman ako hiya sa kanya.

    Ahehe kung tahimik ka pa pala sa lagay na yan, ay ano na
    kaya ako — supahtahimik?😛

    Magaling na ang lagnat ko, yang si Bebong II ko naman ang
    may sakit… narun sa sumunod na post.

    Ikaw anak, magaling na ba tonsil mo?

  11. […] Three days nang may sakit si Boolaboy Bebong.😦 […]

  12. […] The brothers could have shared these things much
    longer if Bebong didn’t get a hamster stroke during the completion of the bridge. ‘Healthier’ than his big brother he might be, Berio was the first to leave their company for good. […]

  13. […] On his 24th month, the hamster stroke.
    It was not contagious but the company of a very active hamster may stress him and worsen his condition.
    Berio II must be separated from him. […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: