1’s not enough

Buddy-brothers.

Story 1 (true-to-life)

May magkapatid dito sa bayan namin, tawagin natin silang si Bigbro at si Littlebro. Nagtrabaho itong si Littlebro sa piggery farm sa isang bar-bario sa parteng Isabela-Cagayan.

Isang araw nagkasakit itong si Littlebro. Malaki ang ipinangayayat at ipinanghina kaya napilitang iuwi dito sa Muñoz. Na-diagnosed na maysakit sa bato at kailangan nyang sumailalim sa kidney transplant — tatanggalin ang parehong kidneys para mapalitan ng mas malulusog.

Alam ng kanyang Bigbro ang risk para sa sarili, pero dahil pinakamalapit na kadugo, nag-volunteer itong maging donor.

“Okey lang ading, dalawa naman itong kidneys ko,” (eka pa siguro ni Bigbro) “… share ko na lang ang isa ko sa’yo.”

Sa madaling kwento, nakaligtas sa kamatayan itong si Littlebro. Si Bigbro? Okey pa rin naman — pwede kasing mabuhay ang isang tao kahit iisa lang ang kidney. One can be enough.

May mga mag-asawang hindi kuntento na iisa lang ang anak, syempre nga naman, iba rin yung may mga kapatid ito. Tignan nyo na nga lang sina two brothers… Paano kaya kung solong anak lang si Littlebro? Siguro mas nahirapan ang pamilyang ito na maghanap ng donor ng isang ‘compatible’ na kidney. One son could had been not enough.

Wala na itong kaugnayan sa ating istorya, epal lang siguro ng iba:

“Eh di sa ASAWA ganun din? One is not enough?”

Iniamut-un…😕 E-one ko sa inyo!!!

Story 2 (from e-mail messages)

Hindi ko na makita sa inbox kaya wento ko na lang thru memory… tagalugin ko na rin:

Sa Alaska, sa gitna ng isang napakalawak na kapatagan ng niyebe, tatlong lalaki ang inabot ng snowstorm sa kanilang paglalakbay. [Siguro, tumirik ang sasakyan, taz wala pa signal o sabay-sabay na naglobat ang mga selpowns nila] Sa tindi ng lamig, nawalan ng malay ang isa at nanganganib na mamatay sa hypothermia.

“ Iwan na natin sya,” pamimilit ng isa, “magiging pabigat lang sya sa atin… Malayo pa ang pinakamalapit na Eskimo village — pare-pareho tayong mamamatay dito kung iintindihin pa natin sya!”

Hindi pumayag ang isa pang kasama, kaya humakbang palayo ang sigurista at iniwan ang dalawa.

Nagpasya ang naiwan na buhatin ang kasamang nawalan ng malay at patuloy na naglakbay sa halos hindi na maaninag na pupuntahan. Dahil sa bigat na pasan, mas painot-inot ang kanyang paghakbang — hanggang ang naunang kasama ay hindi na nya matanaw.

Hakbang… hakbang… at di-mabilang na hakbang pa ang kanyang ginawa…

Ilang ‘santagal’ pa, sa di-kalayuan natanaw nya ang pag-asa — kabihasnan! Nakatagal sya sa lamig dahil sa temperatura ng katawan ng kasamang pasan. Narating nila ang lugar: nagamot, napakain, nakaligtas.

Nasaan na ang naunang kasama?

Hmm, nakita (at marahil iniyakan) na nya… Sa pagibik nya, narecover na ng mga villagers ang katawan nito.

Kanina, matapos nyang matanaw ang village, ilang metro sa bukana nito, may napansin syang subsob na nakahandusay: nagingitim, naninigas at wala nang buhay.

————————————————————————————————

Two are better than one,

because they have a good return for their work:

If one falls down,

his friend can help him up.

But pity the man who falls

and has no one to help him up!

— Ecclesiastes 4:9-10

————————————————————————————————

Story 3 (the story behind the photo)

Three days nang may sakit si Boolaboy Bebong.😦

Mahina yata talaga ang naturalesa nitong si kuya. Nung bata-bata pa sya (just more than 6 months old) tinubuan sya ng tumor paris nung sa kapatid nyang si Bebang-girdel. Ikinamatay ni Bebang-girdel yun; pero yung tumor ni Bebong II, nawalang kusa.

Iba ito ngayon, wala akong makita maski anong abnormal growth. Napansin ko na lang na hindi sya makatayo nang matagal paggising nya nung Linggo (March 15). I’m a bit worried this may be the symptoms of a terminal illness, considering he was already more than two years old.

Sadly, I need to take his brother Boolaboy Berio apart from him. Although I suppose there is no disease that can be contagious, the presence of another very active hamster may stress him and worsen his condition. Unfortunately for a hamster, this is a fight he must face alone.

Anyways, nandito naman ako. Tao lang ako na limitado ang magagawa… pero hinding-hindi ko pababayaan ang aking mga alaga.

Meanwhile, dadalaw-dalaw na lang muna si Berio sa kuya nya.

Related topic:

Ispidbol’s post

————————————————————————————————

Even to your old age and gray hairs

I am he, I am he who will sustain you.

I have made you and I will carry you;

I will sustain you and I will rescue you.

— Isaiah 46:4

————————————————————————————————

Our One God is more than enough.

Published in: on 18 March 2009 at 8:08 pm  Comments (11)  
Tags: , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2009/03/18/1%e2%80%99s-not-enough/trackback/

RSS feed for comments on this post.

11 CommentsLeave a comment

  1. […] “I’ve learned… that I can always pray for someone
    when I don’t have the strength to help him in some other way.” […]

  2. Huhulaan ko ang pamagat ng susunod na post niyo: Zero is Nothing!

    Very meaningful and touching ang mga kwento 1, 2, and 3!

    Pero mas nangingibabaw sa tatlong mga kwentong ‘yon ang last sentence ng entry na ito. Napaka-powerful… ultimate! Wala na yatang ‘Zero is Nothing’ na susunod pa. o”,)

    ————————————————

    HBH: “Above zero” na lang siguro — above nothing,
    or should we say, above ALL things.🙂 (everything is ‘nothing’)

  3. awww lungkot naman ako sa pangalawang istorya..

    kakalungkot din yung nangyari sa isa nyong hamster.. sana gumaling na sya agad para happy na ulit ang hamsters heheh..

    ahm wala na po pala akong blog. pina delete po ng mommy ko kasi nabasa yung mga dating entries. me cousin po akong ni-hack yung password ng email add ko. pero madalas pa rin po ako bibisita dito sa blog nyo🙂

    ————————————————

    KTB: Aw, di alam na nya lahat-lahat?
    Sabagay, mas nakabuti naman yung ganun — saka yung malimit na communication nyo ngayon.🙂 Keep it up, bunso!

    May mga malalapit sa akin (non-bloggers) na ‘huli na’
    (so it seems) nung lumapit sa akin, kaya imbis na solusyon
    ang hanap, nangungumpisal na lang para mabawasan ang guilt
    (ako naman ang ni-burdened, wala naman yata plano lumabas sa pinasok nila) .😦

    Yang kay Bebong II, parang disability (naka-kiling ang ulo) tulad ng sa lola nya → (Bebang III) … Bumuti-buti naman ang lagay pero nakabukod pa rin ng tulugan sa little bro nya.

  4. klasmeyt!
    😀

    nasa bible pala ung katagang two heads ae better than one. galing

    missyou po🙂

    busy-busyhan ading nio po hehehehe😀

    ————————————————

    Manong klasmeyt: Uy ‘lam mo rin pala ang ilokano word na “ading” (younger brother or sister) — ‘di ba may dugong-bisaya ka din? [Ako halu-halo, ilokano, zambal, bikol🙂 pero taal na laking-tagalog, kaya kyuryus sa ibang dayalekto]

    Dito sa norteng bahagi ng Nueva Ecija, “pate” ang
    equivalent nila sa ading; “kuyang” o “ateng” pag mas matanda (“manong” o “manang” sa ilokano, galing sa spanish words na hermano at hermana)

    Tungkol naman dyan sa mga mababasa sa Bible, minsan magugulat ka na lang, mayroon din pala doon.🙂

  5. mahirap talaga magisa.. dapat laging may companion.. sabi nga nila “NO MAN IS AN ISLAND..”🙂

    ————————————————

    HBH: “No woman is an island” okey din kaya?

    Hmm, oo nga ‘no?… Sa obserbasyon ko lang halimbawa,
    mas maraming byudo ang nag-aasawa uli kaysa sa mga byuda. Siguro nga mas hindi tatagal ang lalaki na nag-iisa kaysa sa babae (of course hindi lang sa area ng sexual companionship) — kaya nga binigyan ng Eba si Adan:

    “The LORD God said, ‘It is not good for the man to be alone.
    I will make a helper suitable for him.’”
    (Genesis 2:18)

    [Yung ‘helper’ diyan ay ‘katuwang’ o ‘partner’ ha?
    — hindi ‘katulong’]

    Maiba ako, jennifer… ‘musta ka na… Natagpuan mo na ba
    ang → magreregalo sayo ng aso o hamster?😉

  6. […] Tinapos ng Boolaboys ang project ng kanilang yumaong amang si Berio — ang Mocha bridge. […]

  7. […] Ang Ratchitect, nung nakaraang Disyembre pa namayapa… Ang Foremaus, uugud-ugod na (29 months old na nung kamakalawa)… Ang karpinterodent-pakner at kuya nya Boolaboy Bebong, partially disabled, despwes retired na. Si Amboy naman, uber sa tulog ngayon… […]

  8. […] Ayon sa aking nasaliksik, hamster stroke ang tumama kay Boolaboy Bebong. Ang pagkiling ng kanyang ulo at ang pawardi-warding paglakad ang pisikal na sintomas nito. […]

  9. […] Kung ang pasuray-suray na lakad ng kuya nya ay dahil sa naging epekto ng hamster stroke nito nuon, ang unsteady gait ni Berio ay sintomas ng unti-unting panghihina dahil sa pagtanda. […]

  10. […] The brothers could have shared these things much longer
    if Bebong didn’t get a hamster stroke during the completion of the bridge. […]

  11. […] On his 24th month, the hamster stroke.
    It was not contagious but the company of a very active
    hamster may stress him and worsen his condition.
    Berio II must be separated from him. […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: