Above ground zero

June 1991. Viewed from PhilRice, NE — about 90 kms northeast of ground zero

(photo taken by co-employee Engr. R. de Guzman)

“Tulay” sana ang pamagat ng post na ito, kaya lang dahil sa di-planadong daloy (o countdown?) ng titulo ng mga kararaang entries ko, ay yan na lang.😆

Una sa lahat, ano ba yang tinatawag na ground zero?

“ The term Ground Zero may be used to describe the point on the earth’s surface where an explosion occurs. In the case of an explosion above the ground, Ground Zero refers to the point on the ground directly below an explosion.” (Wikipedia)

Ilang panahon bago matapos ang World War II, dalawang syudad sa Japan ang kilala as ground zeros, ang Hiroshima at Nagasaki. Ilang panahon naman matapos ang Sep 2001 terrorist attacks sa US, mas naging kilala yata ang mga katagang “Ground Zero” bilang isang memorial site sa dating kitatatayuan ng twin towers ng World Trade Center sa New York.😦

————————————————————————————————

Bitoy ♂ Ispidbol ♂ Amboy’s ♂ ‘good side’

Left to right: First ancestor Bitoy (photo taken June 2004),

4th generation Ispidbol (May 2007) and 7th generation Amboy (July 2008)

Sa mansyon ng daga [kung saan-saan ko na naman pinaikot ang usapan, magagalit na sa akin ang mga seryosong manunulat nito] ang matatawag kong graun-sero ay ang wheel-platform sa pinakasentro o gitna ng Bulwagang Bitoy. Dyan mahilig magposing-posing ang aking mga alaga. Wala nga lang pagbomba o pagsabog na naganap dahil peaceful naman dito sa haybol ng mga daga… Ahehe, sige, sabihin na lang nating sa kaunaunahang dagang tumuntong sa platapormang yan nagsimula ang population explosion ng aking mga alaga.

Wigwam ♂ (2006 Nov 29 --        )

Tanggalabol ang tabla ng platform — pababa sa isang future underground tunnel patungo at paakyat sa “Bahay ng mga Kuya” (Harurendilayk trio) kung saan naroon ang Arrowangkada wheel ni Arrow.😆 (Yang may pikyur ni Wigwam dyan sa kanan) →

[Sige na nga!] Olrayt… At ano naman daw yung “above” da ground zero? Anupangaba… walang iba kundi yung tulay na nabanggit kong dapat na title kanina — tulay na nag-uugnay sa side towers ng Mansyon.

Tinapos ng Boolaboys ang project ng kanilang yumaong amang si Berio

ang Mocha bridge.😀😀

————————————————————————————————

Sa tagal ko nang nagbabasa ng Bible, nito ko na lang napansin: Maraming nababanggit na tore, pero ni minsan wala yatang nabanggit na tulay?

[ Bible trivia: The word “bridge” is not found in the English Bible. Bridges were hardly known among the Israelites, who generally crossed streams by a ford or a ferry (Gen 32:22 ; II Sam 19:18). ]

Pero malinaw na sinasabi sa Bibliya — may bukod-tangi at nag-iisang Tulay.

Published in: on 21 March 2009 at 8:00 pm  Comments (5)  
Tags: , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2009/03/21/above-ground-zero/trackback/

RSS feed for comments on this post.

5 CommentsLeave a comment

  1. Ang galing! Trivial nga ito, Kuya Homebodyhubby ah… walang nabanggit na ‘bridge’ sa Bible pero may Tulay patungo sa Amang nasa Kalangitan! Buti hindi po sinabing ‘Ladder’ o Hagdan, ano, kasi po paakyat ‘di ba?

    Naalala ko noong may pumutok na pagawaan ng fireworks sa Trece Martires, Cavite ang mga reporters ng TV stations ay nakatayong nagri-report malapit sa ‘ground zero’. U

    At kapag may sumabog na bomba (tulad ng sa Hiroshima at Nagasaki), o pagawan man ng mga paputok… walang problema ang mga nagkahiwa-hiwalay ang katawan basta’t bago nangyari ang pagsabog ay alam nila kung nasaan at Sino ang Tulay (Hagdan) paakyat. o”,)

    ————————————————

    HBH: Hagdan… oo nga ano?😀 Another ‘trivia’.

    Yung word na “stairs” marami; “stairway” — or more exactly “ladder” (paris ng sabi mo) dito lang yata may mababasa:
    sa panaginip pa. → Genesis 28:12-13

    Nakatukod ang hagdan sa lupa (ground) at abot-langit (above) yung pinakadulo, kung saan nakatindig ang Panginoon… Panhik-panaog ang mga anghel [nai-imagine ko magkatabing escalators sa loob ng mga malls, isang paakyat at isang pababa] pero itong si Jacob, ni hindi tuminag para umakyat?
    Siguro dahil Panginoon na mismo ang bumaba? …Take notice
    of the other meaning of “There above it” (it, the ladder?) —
    sabi sa footnote, “There beside him” (him, Jacob?)😀
    God is above the ladder, while at the same time beside Jacob? Trivia nga ito na gandang pag-isipan.

    Mas mahirap siguro umakyat (patungo sa Diyos — in fact
    klaro sa Bible na imposible pa nga: Romans 3:23 ; Isaiah 64:6) kaysa sa lumakad patawid sa iisang ‘Tulay’ na inilaan na Niya. Christ had already done the descending and ascending;
    No need for us to climb — (at the proper time) all we need is
    to be stolen away by Him. → Agaw-patay post, remember?

    Yung sa last paragraph mo — hindi ko alam kung paano
    gagawin ng Panginoon yun — but right… Those who are in Christ (both living and ‘asleep’) will be transformed into glorified bodies. [eschatology na ito😳 ]

    (1 Corinthians 15:51-55 ; 1 Thessalonians 4:16-17)

  2. Ayos po ang reply niyo! Ang ganda, natutuwa po talaga ako rito sa ‘Mayaman Pa sa Daga’ kasi nga tulad ng mga nasabi ko na, napakalinaw ng mga pahayag at tugon sa aking mga itinatanong o di kaya’y reksiyon. Hindi ko pa nagagawa ang istilong ito sa aking blog comment section.. Hayaaan niyo, gagayahin ko po kapag hindi ako busy. o”,)

    ————————————————

    HBH: Ang tutuo, mas napag-iisip pa nga ako ng mga comments na paris ng sayo, tulad nito, ngayon ko lang na-realized:🙂

    God being above the ladder and beside Jacob at the same time — this can be one of the many verses re His being omnipresent.

    *Omnipresence — ‘attribute of God by virtue of which He fills the universe in all its parts and is present everywhere at once.’ ( Ps 139:7-12 ; Jer 23:23-24 ; Acts 17:27-28 )

  3. huwaw! ang cute ng tulay nila…
    parang ang sarap lumakad diyan ah…
    swerte talaga ng mga dagang yan
    ang bait ng amo…

    ————————————————

    Ninong: ‘musta na eloiski? Yehey, bakasyon na naman!😀

    Anghirap at angtagal palang gawin ang hanging bridge!
    Mas madali pa nga yata kung suspension bridge ang ginawa ko, kaya lang mas may thrill tumawid sa ganyan eh — uugoy-ugoy?

    Eto ang isang sampol ng real hanging bridge na pinuntahan nuon ni 3rd brother sa Cagayan de Oro City (click) → Macahumbus adventure

  4. […] To Boolagang tunnel. Pwedeng entrance or exit,
    to and fro ‘graun sero’ ng Bulwagang Bitoy. […]

  5. […] Kyuryus ka kung saan? — kung “Sino” actually… Click mo yung “Tulay” (in red letters, last paragraph ↑ ) […]
    Wala akong sinasabi kahit kelan na “Ang blog ko ang daan”. Ahehe, ibang klase ring mag-twist ng kwento ang ‘sang ito,
    makapang-islander lang.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: