Lipat-lungga

DAgaIGDIG ko, akawntabol ako.

Sa mas pang-malawakang pananaw, pitong araw pa lang na nagsisimula ang tagsibol sa northern hemisphere (taliwas sa southern hemisphere, kung saan onset pa lang ng taglagas). Pero dito sa Pilipinas, ang papasok na Abril ay simula na ng tag-init o summer.

‘Parusa’ na naman ang post meridiem (pm) hours dito sa 4th floor unit ng building na inuupahan namin — mahigit limang oras ding direktang tumatama ang sikat ng araw sa kanlurang bahagi ng gusali. Kaya naman maging ang limang kaHAMSTERan, Marso pa lang ay isa-isa nang nag-martsa pasilangan upang pansamantalang matakasan ang init na nararamdaman.

Eastward migration (Ikabod tower to Bebang Pension house)😆

————————————————————————————————

The first five crossers and their ages, to date (26 Mar 2009) :

————————————————————————————————

Para kayang napakadaling lumipat, ano?

Naiinitan ka sa maghapon? Punta ka sa ilog or beach at magswimming ka… Kung kaya mo lang, mag-holiday ka sa Boracay o Palawan; kung hindi naman, magbakasyon ka sa mga kaibigan o kamag-anak sa Tagaytay o Baguio… Marami na ngang hindi lang ang taunang init ng panahon ang iniwasan kaya napilitan na rin lumipat na for good sa mas ‘malamig-lamig’ na bansa. Wala naman akong nakikitang kaso ruon kung talagang gusto o kailangan at kaya nila.😉

Sana naman ay hindi dumating ang panahon na ang aking mga kadagaan ay mapilitang lumipat na sa planetang MAuRSe.

Eka ni Atmaus: “Ikaw, amo… may ‘malilipatan’ ka na ba?”

————————————————————————————————

Related posts: ewtdey-o-eyt

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2009/03/28/lipat-lungga/trackback/

RSS feed for comments on this post.

21 CommentsLeave a comment

  1. Naisip ko lang… Ano kaya kung ang napakasaganang pagkain at masarap na tulugan ay ilagay/iwan po ninyo sa KANLURANG bahagi ng hamster mansion? Lilipat pa rin kaya ang mga hamsters doon sa Silangan? Tatawid nalang sila ng tulay para mamasyal.

    Parang tao, kung masagana at maayos ang buhay sa kasalukuyang tinitirhan, siguradong hindi na ito magma-migrate pa, pa tour-tour nalang tulad ng ginagawa ng mga adventurous at curious na mga hamsters.

    Sa kalagayan ng hamster mansion, baliktad sa mundo. Sa tao kasi ang mga taga-Eastern part ng mundo ang madalas nagma-migrate doon sa Western countries. o”,)

    ————————————————

    HBH: Re hamsters:
    Hindi sila nagtatagal sa isang lugar, maliban sa sariling bahay. Maski saan namin ibigay o ilagay ang pagkain, bibitbitin o iho- hoard lang nila pauwi. Even within the confines of the homecage sila pa rin ang nasusunod — pagkain o higaan, may specific na spot; ilipat ko, ibabalik nila sa dati😆 maski ilang beses kaming magkulitan.
    Yang mansyon ay leisure area lang nila talaga during their active hours, pag bored na ay nag-i-insist din para makauwi.

    Re working or settling abroad…
    Sa hirap na lang magpaaral ng anak (o pamangkin o kapatid) ngayon, mukhang hindi nga sapat ang magtyaga na lang sa sweldo rito… Then, pagkagraduate sa kolehiyo ng pinag-aaral, kapos din ang good-paying job dito kaya ayun — abroad din sya. Kaya siguro ang iba nagdecide na duon na lang manirahan.

    Ang isang bro ko nasa Kanluran (na) pero dahil sa recession dun he has to move northward or eastward to another city or state. Nasa northern half ng continent naman ang isa pa naming bro, immigrant/resident na rin duon, but has chosen to travel a quarter of the globe away eastward on a regular basis to work in Middle East… A third one also work in Middle East (am not sure kung may plano maging resident o immigrant sa iba bansa) pero sa tuwing umuuwi dito, nag-a-adventour sa iba’t-ibang sulok ng Pilipinas with his family… Si bestfriend, kasama ang kanyang mag-ina, nagtravel lang pababa (hindi pakanluran, hindi pasilangan) kasi nandyan lang din sa Adelaide.
    By God’s grace, okey naman silang lahat.

    Lakasan lang ng loob yan; at sempre ibang klaseng lakas din ng loob para piliin ng isang tao na ‘magtyaga na lang’ dito sa ‘Pinas. Either case, yung may katawan ang makapagpapasya kung ano ang tumpak para sa kanya o sa sitwasyong kinalalagyan nya. Kung maganda naman ang motibo sa naging desisyon, palagay ko naman ay hindi na dapat makunsensya o magsisi sa desisyong ginawa ang maski sino sa kanila.

    Kanya-kanyang preference yan, depende sa gusto OR pangangailangan, at kakayahan… And I say, kakayanin kung talagang gusto; at dapat gustuhin kung talagang kailangan.

    [Ibang kaso na ito] : Naalala ko yung mga boat people na wave by wave na dumaong nuong late 70s, may ilan sa probinsya namin sa Palauig, Zambales… Napakamiserable ng lagay nila sa bangka (eka nung pinsan kong bata pa lang nuon na nakakita) samantalang nakaririwasa ang marami sa kanila sa bansang pinanggalingan.

    [Consider Daniel, napunta sa Babylon as an exile (‘di nya pinili) nanatiling tapat sa Panginoon kaya hindi sya Nito pinabayaan. Nag-excel pa nga, at naging magandang patotoo kay Haring Nebuchadnezzar… May plano ang Diyos para sa bawat isa.]

    Naglitanya na naman ako😳 …
    Anyways, ang punto ko lang naman dyan sa post, internationally may malilipatan o matatakbuhan pa; interplanetary, wala… ‘Earth hour’ daw kasi yang March 28,
    sa Apr 22 naman yung ‘Earth day’.😉

  2. naku kung ako lang klasmeyt, kuntento na ako dito sa pinas. eh sadyang nilikha tayo ng Panginoon para sa klima ng pinas..diba? eheheh
    😀
    ————————————————

    Klasmeyt: Ako siguro, klasmeyt, pang-highlands —
    para cool na cool.😛 Solb ako sa fog ng Baguio o Cordillera.

  3. nagsisimula na palang magmigrate ang mga alaga niyo kuya hehehe. pag tinitingnan ko yung larawan, pakiramdam ko parang malaking espasyo ng lugar ninyo ang nakalaan para sa mga alaga ninyo. Hehehe pati talaga yun pinakealaman..

    ————————————————

    HBH: Migration na more or less eh tatlong dangkal ko lang?😆 (bridge is about 24 inches long)

    Liit pa nga eh hehe… yang main buildings ng mansyon poreksampol, ang ‘ground floor area’ ay 12 x 48 inches.
    Ang talagang disenyo nyan, nakapatong sya sa isang
    3-foot na (book) shelf kaya parang wala lang din.

  4. Vote earth.

  5. hmmm… lilipat? kung sa ibang bansa, huwag ninong! huwag! hakhak! pero kung lilipat po kayo dito lang sa Pinas okay na…. sa BAGUIO ninong! Baguio!
    hakhak!
    bibisitahin ko ang mga alaga mo dun!
    hakhak!

    ————————————————

    Ninong: Sana nga maski man lang bago ka makagraduate ng SLU ay mailipat ko na sa gagawin kong kubo namin ni misis sa Baguio ang mansyon ng mga daga ko duon.😛

  6. haha natuwa naman ako dun sa pagtawid-tawid ng hamster sa bridge
    have a great day po and happy blogging
    belated happy april fools day din

    ————————————————

    HBH: Ahehe, may pa-pausing-pausing pa si Syma
    (yung pangalawang tumawid) bago mag-exit sa scene.

    April fool’s day nga pala nung 1…😛

  7. i feel your pain, bok. parang pahirap nang pahirap tiisin ang init sa bahay. lalo pa’t nasira ni dear dawter ang isa naming leklek fan. nawalan tuloy ako ng automatic paypay sa gabi😦

    ————————————————

    Bok: Hehe, ‘leklek fan’ daw ba…😀

    Tatlo yung nandito sa bahay:
    1. isang nakamount na wall fan, galing sa dating kros-stits bisnes pwesto namin;
    2. isang maliit na exhaust fan (nakamount din sa binutasan
    kong partition dingding) para paikutin ang hangin sa loob ng inuupahan naming iisang pader lang ang may bintana; at
    3. isang maliit na stand fan na kagagaling lang sa repair technician… Minsan na kasing nag-overheat at pumutok.

    Anghirap nung kamakalawa ng gabi (Apr 4) —
    natanggal yung linya ng kuryente dito sa buong building.
    No ckoice, kelangan kong iwang bukas nang magdamag ang pinto… Aysows, magdamag din akong hindi nakatulog sa kababantay dahil baka may magpasukang mga pusa.😯

  8. ang cute naman ng mga alaga mo!😉

    ————————————————

    HBH: Hello!🙂 ‘musta ka na, caryn?

  9. hello dumadalaw ulit
    have a great weekend

    ————————————————

    HBH: Isang Linggo (isang buong ‘Sunday’) kaming walang kuryente… an init!😦

  10. hello jusudt dropping by here again to greet you a happy palm sunday

    ————————————————

    HBH: Happy palm Sunday din blue!🙂
    Happy holy week na rin… ngayon lang (Apr 6) ako uli napasilip sa blogosphere…

  11. Bilib ako sa talento mo! Masayang basahin, lalo na’t mula sa isip ng isang hayop… Mukhang mas tao pa sa tao to ah.

    Hindi din maganda sa malamig kaya… at di ba lumamig na din jan sa atin nung mga December hanggang February?

    ————————————————

    HBH: Ganun ba?😳 Tenchu daw (sabi ng mga hamsters ko)😉
    Oo malamig at mahangin, kaya December to February ► nakabonet naman ako.

  12. I love the symmetry that you are referring to. I know it. Well, indeed, for food, and for other things more than food, people (or hamsters) are forced to migrate… Ika nga, even the animals go nearer the poles for the sake of cooler places… That is according to Al Gore’s study huh!

    ————————————————

    HBH: Oh yes… the “Inconvenient truth.”😦
    Salamat sa magkasunod na pagbisita, kabayan.🙂

  13. ayos lang yun kuya
    di mahalaga sa akin if you make viit sa blog ko
    what important is i made it here sa blog mo
    addict kasi me sa pagbisita ng mga blog hehe

    ————————————————

    HBH: Iyan si blue!😉

  14. Taga iloilo ka? Hmm.. Curious lang kay may naghapit sa blog ko nga halin sa Iloilo through this blog of yours. Thanks.

    ————————————————

    HBH: I made it a habit kasi na ilagay agad sa ► blogroll ko
    ang link ng bawat blogger na bumibisita dito, kaya eyun — nag-pingbak ang URL ko sa blog mo. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ‘from Iloilo city’ ang nagrehistro duon?

    May dugong Ilokano, Zambal at (konting) Bikol ako pero
    purong Tagalog ang nilakihan; di ako makaintindi ng Bisaya.😛

  15. I agree with Blue. He’s always at my site and leaving a few words though i don’t visit his site/sites as frequent as he does to mine.

    Anyway, it’s a fun read, am looking forward to more hamster musings here.

    ————————————————

    HBH: Yes of course, I’ve known blue for quite a long time (almost 9 months now) .😉

    Salamat sa pagbisita, eniwey. (link kita sa blogroll, ha)

  16. heheh thanks I love phil
    hello there my friend
    just dropping by here
    have a great day and happy blogging

    ————————————————

    HBH: Dami mo prends, blue…
    Friendly at very generous ka kasi (like repah) .🙂

  17. […] Bakal-bakal sa langit, tamaan pihong magagalit.
    O… baka malimutan mong earthling ka? […]

  18. […] Wigwam trail-blazed the laying-out of the bridge’s wooden planks on 31 December 2008. […]

  19. […] Kung inyo pang natatandaan, yang si Wigwam at ang Boolaboy brothers ang tatlong pinaka-senior sa nuo’y limang natitirang Blogada na tumawid sa tulay, tulay na ang neym ay isinunod kay Mocha Rurik. […]

  20. […] Mocha bridge: Boolaboy Berio’s first traverse. […]
    Berio II was the last to cross in the video above but he was in fact the first to traverse the finished bridge before the other four. Wigwam had already spanned the planks when the side cables are still not there. ► New year 2009😆

  21. ————————
    Doray Daga
    • After nearly three years when 20 hamsters in
    three generations had passed, Wigwam Wigglerson
    (5th generation) broke the longest lifespan record of
    Mocha Rurik (2nd generation) by 55 days, followed by
    the Boolaboys (Berio II, by 27 days; Bebong II, by 30 days).
    These are three of the five ‘first crossers’ of the newly
    finished bridge named after the elder Mocha.
    Syma and Amboy are the other two.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: