Renobeysyongs

Namomoblema si Boolaboy Berio

Nuong kasagsagan ng konstruksyon ng Mansyon ng Daga, eto ang listahan ng mga trabahador na building contractor (sila-sila na rin) —

• Ratchitect: Wiggler Mocha

• Foremaus: Wigwam Wigglerson

• Mga karpinterodents: Boolaboys Bebong and Berio

• Waterboy: Amboy (tiga-timpla ng kape, saka semento)

Natapos naman ang mansyon, pero may isa pang building annex na naiwan for renovation… eyun na nga sa pikyur sa itaas — ang Harurendilayk-haus, o ang “Bahay ng mga Kuya” na sina Blakdyak, Bebong (the first) at Bugoy.

Kelangang i-renovate e. Kasi, kahit ganun na nga ang disenyo ng bubong, kulang pa rin sa ventilation ang dating ‘terrarium’. Mainit dito sa tinitirhan namin… hindi nga ba’t ang init sa bahay-daga na ito ang pinagsususpetsahang ikinamayapa ng una’t huling residente nito na si Arrow?

[Arrow was the grandfather of (Boolaboy) Berio II on the maternal line…

Arrow died a few hours after the Boolagang was born.]

————————————————————————————————

Harurendilayk-haus, sa bago nitong anyo o porma

(Porma? Ah… hindi pala renobeysyongs… repormeysyongs!)

Nariyan pa rin ang Arrowangkada wheel. Naidagdag ang Mochabebes pool (kwadradong espasyong nasa baba) na lalagyan ng walong-pulgadang lalim (8-inch deep) na bedding material (wood shavings or dustless recycled paper) kung saan ang mga daga ay pwedeng sumisid-sisid at maghukay-hukay.😆

Pag ‘pool’ syempre dapat pwede silang dumayb (dive) galing kung saan:

A — from Hamishew2 tunnel (‘pawbridge’ na overpass). May option ang mga daga kung gusto o ayaw nilang tumalon! Pwedeng mag-‘U-turn’ — it’s their choice.

B — from Isnobol-Ispidbol tunnel (slide na underpass). Padulas at pababa (paris nung nasa Splash Island at iba pang waves waterpark resorts?) Pag nabuslot sila sa butas mula sa itaas, dire-diretso sila tyak sa pool, rolling at mabilis — Express!

Tunnels A and B are both one-way entrances only to this haus — from a common exit in the Pension house. Divergent, o magkasangang mga lagusan mula sa gagawin pa lang na Isnowitwit junction (toll)gate.

C — To Boolagang tunnel. Pwedeng entrance or exit, to and fro graun sero ng Bulwagang Bitoy. May ‘viewing capsule break’ naman ang subway lagusan na ito (Bulaga!!!) na tatawaging Boolagang-oldies station.

Hindi rin pala repormeysyongs lang… papalitan buong glass-teraryum eh.

————————————————————————————————

O e anong problema ngayon ni Boolaboy Berio?

Ang Ratchitect, nung nakaraang Disyembre pa namayapa… Ang Foremaus, uugud-ugod na (29 months old na nga nung kamakalawa)… Ang karpinterodent-pakner at kuya nyang Boolaboy Bebong, partially disabled, despwes retired na. Si Amboy naman, uber sa tulog ngayon; bukod sa di na kelangan ang semento dito sa ire-renovate, aanhin mo naman ang kape ngayon tag-init (pa rin), aber?🙄 Sya inum kape para hindi antok?

Sa madaling salita, solo-flight sa mga trabaho si Boolaboy Berio ngayon. Nangaunti na ang mga dagang gagawa (danggagawa)… Sige, i-treyn na nga lang si bunsong Amboy sa ibang tarbaho, miski tiga-abot ng pako at mawtiwyo.

Si Syma, hindi ba puede i-recruit?

Ay babae yun eh (hebi ang tarbaho) pero sige na nga… Nasa kumbento nya, hiya na maglalabas ngayon si Shy-ma ko.

Si Doris Oba-maus na ampon ni Syma?

Uy, kilala mo pala si Doray daga!? Yun na nga ang isa pang disapoynment ni Boolaboy Berio… Supposedly, ‘birthing’ kahapon (April 30) ng kanyang dyowa. Dahil ‘sumablay’ nga (walang labor-labor na nangyari kasi hindi pala nabuntis) malinaw na talagang papatapos na ang salinlahi ng aking kahamsteran.

Kwentong DAGAAAAAAAA!? 

(may magagagad na naman powt ang astig ko istoker na ayaw pakita mukha.)

Saka na nga uli ang detalyadong haw-abawts ng aking mga alaga… magpe-framing-framing pa ule ako… Trabaho!

◙ Bagong kateguri: Ang mga dagang tanod-blungga

(sa pagsisimula ni Doray daga)

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2009/05/01/renobeysyongs/trackback/

RSS feed for comments on this post.

12 CommentsLeave a comment

  1. Napaka-brilliant naman po… ayos ang mga tawag niyo sa mga trabahador/contractors na mga hamsters. Talagang pinag-isipan. U

    ————————————————

    HBH: ‘Creative’ eka naman nuon parati ni bespren…😀 ‘Imaginative’ lang, pa-humble na sagot ko naman, hehehe.

    Nandyan ka na pala, RJ… nataunan mo ko sa pagpa-polish ng 16 pingbacks ng post na ito.🙂 Welcome back to blogosphere!

  2. asteeg, kapatid. ikaw gumawa nung bahay? mukhang envi-friendly pa (kaunti plastic parts). magandang negosyo yan, bok!🙂

    ————————————————

    Bok: Mabusising dibersyon sa trabaho, kapatid.🙂
    Maski yung mansyon complex, ganito rin ang materyales.

    Kaya lang may ilang myembro ng pamilya na ‘chewy’ —
    Pag sawa nang maglaro at gusto nang lumabas, yung kahoy
    ang pinapanay ng ngatngat. At least dito sa gagawin ko ngayon, pwede na silang magpalipat-lipat from one building to another.

  3. hello klasmeyt/ hehehe😀

    ————————————————

    Klasmeyt: Hi klasmeyt, gradweyt ka na — congrats!
    Exam na lang, lapit na ‘no? Relax ka lang.😉

  4. ang cute naman ng bahay nila hehe

    ————————————————

    HBH: Oo nga, sayang papaunti na ang titira…

  5. hello kuya
    btw kuya thanks nga pala sa comment
    actually tama po yung sagot nyo
    kaso kuya pano ko po ibibigay yung entrecard credits?

    ————————————————

    HBH: Anu ba yung entrecard credits?🙄
    Kung hindi possible na ibigay, i-reserved mo na lang sa ibang mananalo sa mga susunod na pa-contest mo — walang kaso sa akin yun, pramis.😉

    Yung mailagay mo ang litrato ko sa post mo (first commenter) ay aush na aush na. Ang ganda ko palang lalake pag kulay blue ang background — nagmukha din akong teen celebrity a!
    Astig hahaha.😀 Salamat, blue.

    [Kung gusto mo naman, pedeng bigyan mo na lang ako
    ng kahit anong maliit na graphics icon na gawa mo😳 in lieu nung entrecard credits… paris nung bigay mo dito nun →
    maski hindi ganyang-ganyan.]

  6. sure kuya gagawa kita
    ill give you a shout pagtapos na thanks ulit

  7. hello kuya im done with the awrad template you can check it on my blog
    thanks again

    ————————————————

    Kuya HBH: Ambilis! Thanks uli. 🙂
    Ayun, nandito → (next post) saka nandito → (display cab) na.

  8. […] Ten days na sanang hammie-nanay si Doray ngayon… kaso nga, hindi eh. Si Boolaboy Berio kasi! (nasisi pa ang boypren) […]

  9. […] Sa ngayon, wala pa akong napupuna kay Boolaboy Berio ng anumang panghihina dahil sa katandaan. Aktibo pa rin at pirming gustong lumabas sa oras ng gala. Tuloy pa rin ang sipol at paswitan (mating calls) nila ng kanyang gerpreng si Doray daga. […]

  10. […] Operational na ang Harurendilaykhaus, pero hindi gaanong nagtatagal si Boolaboy Berio duon. […]

  11. […] The glass-paned house annex to the Mansion was renovated before his departure. […]

  12. […] ( Sequel to Renobeysyongs ) […]
    […] Tapos nang i-renovate ang Harurendilayk-haus. Para sa mas klarong paglalarawan ng A, B at C (hidden underneath) tignan ang detalye ng bahay sa post na “Renobeysyongs” […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: