Nay-unsHammie

Ten days na sanang hammie-nanay si Doray ngayon… kaso nga, hindi eh.

Si Boolaboy Berio kasi! (nasisi pa ang boypren)

Si Doray Daga ang T.B. item #4 sa sinulat kong entry pagkauwi nitong huling luwas ko ng Maynila. Binili ko sya sa Cubao para maging ina ng mga susunod sanang karakters ng Blungga.

Si Doray ay isang porendyer-hamster na piniling maging isang local citizen upang maging gerpren ni Boolaboy Berio, isa sa mga kahulihulihang salinlahi ng angkan ni Bitoy. Kita nyo naman ang kulay, hindi nalalayo sa isang orig na Golden o Syrian hamster.

O e bakit nasisi si Berio?

Nagpatumpik-tumpik!😕 Nung primero, ayaw yata ng commitment? Panay ang giri, ayaw namang kumasta. Kaya eyun — maski ‘umubra’ na sa pangatlong hammiemoon nila (Apr 14) ay sumablay din pala.

E di maghoneymoon uli?

Hindi na pede, yunow… last chance na nila yun. Lalagpas na sa six months ang edad ni Doray — high-risk pregnancy na… Mahirap na, baka matulad pa sya sa iba kong wishing-to-be-nanay na mga alaga.😦

Sabagay, bakit ko pa ba kelangang magdagdag ng populasyon ng mga daga? Kahirap namang mag-family planning, ay di mag-adopt na lang nung mga nandyan na na nangangailangan ng pagkalinga.🙂 Ang tutuo nyan, wala naman ni isa akong hamster na isinilang sa panahon ng Blogada, di ba?

Malaki na ang kauna-unahang Tanod-blungga.

Kaya eto ngayun ang role ni Doray (at nang ilang madadagdag pa): Katuwang ni Boolaboy Berio bilang caretaker ng maiiwang ipinundar ng mga nauna kong alaga, domestic-watcher o taong-bahay — eheste, dagang-bahay ng Blungga.*

[*BlunggaBlog na lungga; pede ring Bonggang-lungga, ang Mansyon ng Daga]

————————————————————————————————

Wala bang hindi kwentong daga?

Okey… Inihahanda ni yaya sa pagtulog ang batang alaga:

Inday: “Was na yur pit, or ils ay wil not gib yor melk!”

Bata: “Ayaw ko pa hudat! Timpla mo nako datat!”

Mga nanay, magkaroon ng panahon sa mga anak. Buti pa yata si yaya, kahit magkaiba sila ng lingo ng bata, nagkakaintindihan sila ng kanyang alaga.

Ang mother ko, paris din ni Inday mag-ingles kung minsan, pero da BEST pa rin ang Mom ko! (Syempre pati ang byenan ko)🙂

Happy Mother’s Day sa mga NANAY!

— at sa lahat ng ngayo’y tumatayong Nanay!!!😉

Further reads:

Nanay posts

Nanay na rin post

Nanay-daga posts (Stories of MODagaRHUD)

(Go to ▼ page 2) May isang hindi naunsyami, ibang topic na ito…

Pages: 1 2

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2009/05/10/nay-unshammie/trackback/

RSS feed for comments on this post.

7 CommentsLeave a comment

  1. Ayos din ang message niyo ngayon Kuya Homebodyhubby para sa mga nanay. Marami rin kasing mga ina ngayon ay ‘part-time mom’ lang, paminsan-minsan dapat pala ay maging ‘full-time mother’ din.

    Congratulations sa award niyo!

    ————————————————

    Kuya HBH: Salamat, RJ…

    May post ako re ‘full-time mothers’. ► The menopause litter
    At may magandang observation ang nag-iisa kong commenter duon. ► mine

    May pailan-ilan akong alam na may set-up na taliwas sa ating ‘nakagawian’ — si misis ang nag-o-ofis, si mister naman ang bahala sa lahat ng gawaing bahay kasama ang pagsusubaybay sa mga anak…😀 Kumikita rin si mister sa ilang ‘paraket-raket’ (na disente at legal naman) — So far, nagwo-work naman ang kanilang set-up na napagkasunduan.

    Ang masaklap, doc, ay yung mga ‘padre de pamilya’ na tatambay-tambay lang at walang inatupag kundi ang sariling barkada. Ay masahol pa sa isang single parent/mother si misis — at si mister ang ‘panganay na anak’ niya!😕
    — Baka ‘bunsong anak’ pa nga!😡

    Naalala ko yung 3 in-laws ni Tita Badz dito. ► T.B. item # 2.

  2. happy mothers day sa lahat ng nanay hamster na meron ka kuya!!!

    ————————————————

    Kuya HBH: Thanks!

  3. […] Sa ngayon, wala pa akong napupuna kay Boolaboy Berio ng anumang panghihina dahil sa katandaan. Aktibo pa rin at pirming gustong lumabas sa oras ng gala. Tuloy pa rin ang sipol at paswitan (mating calls) nila ng kanyang gerpreng si Doray daga. […]

  4. […] Girlfriend/Spouse: Doray daga […]

  5. […] Pinakamasigasig sa lahat ang pinakabatang si
    Doray Daga (8 months). Pati yung one-way na express
    slide tunnel e kaya palang akyatin? […]

  6. […] Daughter: Doray Daga (adopted) […]

  7. ————————
    Doray Daga
    May 10 – Sino si Doray Daga? (ako yun!)


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: