Hayem-siks

Hammie, hammie, Ayem sik

Kol may Dok Si berikwik!

Si ‘Doctor Ispongklong’ ay isang kartun karakter sa komiks nuong kabataan ko.

Habang abala ang marami sa pagtutok sa latest update tungkol sa isang Bidyoktoraper, ilang oras ding naga-sarp sa pyuter ang inyong lingkod para malaman ang lagay ng mga alagang hamster.

————————————————————————————————

Maliban kay Doray daga () senior citizens na’ng lahat ang aking limang alaga.  Simulan natin sa pinakamatanda:

1. Wigwam ♂ (2 yrs 6 mos 0 da).

Kumbaga sa tao, si Mr Wigglerson ay sangdaang taong-gulang na ngayon.  Bago sumapit ang ikadalawang taon nya (2008 Nov 29, katumbas ~ 80-anyos) nagkaroon ng katarata ang kanyang kanang mata.  Nanumbalik ito sa normal na kulay-pula nitong nakaraang buwan bago tuluyang nabulag na nga.

Ang inaalala ko ngayon ay ang paglaki ng abdomen nya, o yung peritoneal cavity fluid excess, sa termino ng mga beterinaryo.  Sintomas ito ng isang underlying problem sa internal organs.😦

Magana namang kumain, at regular at normal ang pag-dyingol at pag-ebs. Naisasalansan nang ayos ang foodstock nya, at nakapag-iimis pa rin ng higaan.  Kahit hirap na maglakad, nagagawa pang pumunta para mag-CR sa kabilang sulok ng haybol nya… Kaya sa kaunaunahang pagkakataon, kinailangang tanggalin muna ang Lupindilayk Wheel (installed more than 3-generations back) para bigyang-luwag ang kinikilusan nya sa Bulwagang Bitoy.

The Boolaboys (2 yrs 2 mos 24 das).

2. Bebong II ♂. Ayon sa aking nasaliksik, hamster stroke ang tumama kay Boolaboy Bebong. Ang pagkiling ng kanyang ulo at ang pawardi-warding paglakad ang pisikal na sintomas nito. (LCMV was ruled out)

Nakarecover na si Bebong, medyo lumusog pa nga ang pangangatawan.  Mukhang may therapheutic effect sa kanya ang ilang minutong paglalakad sa Wigol-wigol wheel, dahil kahit hindi na tuluyang naalis ang kiling-posture nya, ito’y bahagya na lang…  Nagkaroon din ng ganito ang Lola nilang si Bebang III nung dalaga pa (hindi ko pa alam na hamster stroke pala yun) — nabuhay naman ito nang normal, nakapag-asawa at nagkaanak.

3. Berio II ♂. Sa ngayon, wala pa akong napupuna kay Boolaboy Berio ng anumang panghihina dahil sa katandaan.  Aktibo pa rin at pirming gustong lumabas sa oras ng gala.  Tuloy pa rin ang sipol at paswitan (mating calls) nila ng kanyang gerpreng si Doray daga.

Hindi na ubrang pagsamahin uli ang two Boolaboys.  Ganun naman ang hamsters maski matagal nang nagkasama — paghiwalayin mo ng kahit mahigit isang araw lang, pag pinagsama mo uli, tyak mag-aaway.  Si kuya Bebong pa?  Tuwing dadalaw si Berio sa kulungan nya, “Tsika-tsika-tsika-tsik!” eka ni kuya.  Tunog iyan ng nagkikiskisang ngipin ng hamster kapag hostile sa kapwa nya hamster.

The Chochobebes (1 yr 11 mos 25 das).

4. Syma ♀. Pagdalang ng balahibo sa posterior body part ang kapuna-puna sa hamster kong mongha.  Para tuloy syang si Winnie the Pooh😆 — may pang-itaas, pero walang pang-ibaba.  Minsanan at ingat na paligo lang ang katapat nito; gamitan ko nga ng Dr. Kauffman soap.

Nagkaroon din sya ng overgrown teeth.  Continuous kasi ang pagtubo ng lower incisors ng mga rodents; Pag hindi napupudpod sa kanga-ngatngat, hahaba at makasusugat sa upper gums nila.  Mawawalan ng ganang kumain. Kaya eyun, ni-trim ko ng nailcutter.  Successful naman ang first dental appointment sa akin ni Syma.

5. Amboy ♂. Last year, mahigit limang beses nang nilagnat at nakarecover.  Ngayon hindi na nagkakasakit, pero saksakan ng tamad.  Pag bibigyan ko ng pagkain, pilit na inuunat na lang ang leeg para abutin ang ibinibigay ko, ayaw umalis sa kanyang hihigan.  Habang ang lahat ay aktibo sa oras ng ligpitan (cleaning of cages, between 9 and 11 pm) sya tulog na tulog.  Sabagay, gising naman sa araw, tuwing alas otso ng umaga at makalipas ang katanghaliang tapat.

Itong si Amboy lang ang lalaking hamster ko na hindi nagpakita ng interes sa female counterpart ng kanyang kauri, samantalang minsan na syang nakipag-EB sa isang munting daga.  Hindi ko rin mawari kumbakit parang galit maski ang mga babaeng hamster ko sa kanya… Hindi lang si Manang Syma nya — pati si Doray daga! Inaambahan nila si Amboy pag inilalapit ko ito sa kanila.

May hospital ng hayup dito, sa CLSU campus → click HERE for satellite map.  Dadalhin ko ba si Wigwam for paracentesis ?  Dahil sa pagiging maliit na hayop ng isang hamster, slim ang chance na makarecover. Tapos, matanda pa sya… Ngayon, very small doses ng diuretic ang inihahalo ko sa pag-inom nya.

————————————————————————————————

“Daming na nga nating problema,

DAGA LANG, pag-aaksayahan mo ng panahon?”

eka na naman siguro nung mga kunwari ay hindi nakikita ang mga posts ko ditong may ibang tema.

Anhirap pala maging duktor ng hayop…

Eh yun duktor nga ng tao, pero hinayufaks naman?

Da Hitelhed Hide-in Kowt ” (wolf in sheep’s coating)

CLICK smirky emotikong for orig version → :mrgreen: CLICK for kartuns → 😳

Tsk tsk tsk… may naalala ako nuon — isang MD (manyakis na dok).  Ipinakita ba naman sa akin yung kuha nyang naka-pose, sa background narun yung nakahiga at nakabukakang babae na tsine-check-up nya, na para bang gustong sabihin sa akin eh:

Hey look, I have seen a lot o these!

Ni hindi ko naman ganun ka-close si Dok ha?  Nasa Nokia selpown nya eh — ilang tao kaya pinakitaan nya nun?  Kahit pa ba hindi kita yun fez ng babae.

Pambihira naman, dok… ganun na lang ang respeto at tiwala ng pasyente sa histetuskop at wa-et uniporm mo…  Huwag mo namang gay-un-gay-unin!

Pede mong huwag silipin ↓

Pokpok

Paraphilias

Eto pa ↑ mas memoryado mo yan dahil terminologies nyo yan.

[ In peyrnes, konti lang naman siguro ang paris mo… Patingin ka na… ‘dok!’ ]

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2009/05/29/hayem-siks/trackback/

RSS feed for comments on this post.

5 CommentsLeave a comment

  1. Sa lahat ng mga posts niyong detalyado tungkol sa mga hamsters, ito ang pinakanagustuhan ko. Ang dami ko po kasing natutunan. Ang galing niyo na po talaga sa Laboratory Animal Medicine, talo niyo pa ako, totoo! U

    Tsk, tsk, tsk… Kailangan ba talagang ipa-undergo ng paracentesis si Wigwam?! Whew! Baka hindi na kayanin ng katawan niya…

    Hindi lang sa medicine, kahit sa ‘animal behaviour’ ay panalo din itong post niyo. Both tungkol sa hayop at sa taong tinutukoy niyo. Huh!

    I’m so glad na medyo nawawala na ang pagka-‘mongha’ ni Syma, nakipag-dental appointment na siya sa inyo. o”,) Hahaha! (Naalala ko tuloy ang latest post ko, dapat inihambing ko pala si Madamme Nunal dito sa mga hamsters).

    Itong si AmBOY parang AmGIRL! Teka, galing po ba siya ng US of A?

    Kahit medyo masakit ang ulo ko ngayong umaga, natawa ako sa intro niyo tungkol kay Dr. Isprongklong, natawa ako ng kaunti. Laughter is the best ‘medicine’ talaga.

    Duktor ng mga hayop at ‘hinyufaks’ na doctor? No comment.

    [Napanood niyo po ba ang Angels and Demons?]

    ————————————————

    (04 June 2009)
    HBH: Right, RJ… hindi ganun kadaling gawin ang paracentesis (as well as some drug treatment o surgery) sa maliliit na hayop. Nakaka-hypotension din pala yun? Baka lalo silang mapadali dahil sa shock.

    As for Wigwam, I just provided his basic needs (food, bedding, regular clean-up, etc) to ease his discomfort. I will not allow euthanasia for my pets, so I just waited nature to do its work. He died very solemnly (yesterday) parang natulog lang nang wala nang gisingan.

    Natutuwa naman ako dahil may ka-blog akong vet med na nakaiintindi ng mga topics na nireresearch ko on-line at mga jargons na ginagamit ko sa posts.

    Kumbaga sa tao, ang palagay ko dyan kay Amboy
    (etymology of his name → HERE) ay isang special child.
    Pati body build-up nya, stout pero siksik o firm ang kalamnan. Lahat yata ng ibang hamster ko dito gusto syang panggigilan. 😆

    “Laughter is the best medicine!”😀
    May biblical passage re dyan:
    “A merry heart doeth good like a medicine:
    but a broken spirit drieth the bones.”
    (Prov 17:22)
    Syempre we understand na iba yung ‘happy lang’ sa ‘joyful’ … happiness can be fleeting; joyfulness is not dependent on circumstances, i.e., is permanent.😉

    Angels and Demons… inaabangan ko ito sa cable
    (yung Da vinci code, apat na ulit ko yatang pinanuod) . Very interesting pakinggan ang mga teorya at istorya ni Dan Brown.
    [Gagawan ko rin ng sarili kong bersyon ng mubi-poster yan, siguro sa July pa.]

  2. wish all the best sa kanilang lahat
    good health and long life naks!

    ————————————————

    (04 June 2009)
    HBH: Thanks.🙂
    Wigwam was in his very ripe age na.
    Two years na sina Syma at Amboy ngayon; 2 years 3 months naman ang Boolaboys tomorrow.

  3. […] Yesterday’s sundown was the last day-start for
    Hr. Wigwam Wigglerson. He’d been retired from life
    since about one hour past midnight today. […]

  4. […] • Ayon kay ‘Dok’, bawal na sa Boolaboys
    (29 mos 7 das na ngayon si Bebong II) ang agpadulas sa slide at sumisid-sisid sa pool, baka atakihin ule… Kaya final inspection at paglalagay ng bedding na lang ang naging pagganap ng dalawang dagang yuber-tanda. […]

  5. […] May tiwala ako sa mga duktor, lalo na kung maraming letrang nakabuntot sa ‘alan nila — PhD, MD, MuDiv, DVD, hatsetera — basta ba hindi tulad ni Dikelhed Hiding Kowt ahehe. […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: