1nd1skurn1r

pacmouse

Pacmaus. His latest triump was over Mickey Ratton.

[Nai-eksampol ko lang naman dyan sa ibaba]

Ilang beses na bang nalagay sa spotlight ang Pinas dahil sa mga sunud-sunod na wagi ng Pambansang Kamao? Asahan mo kada panalo, hindi sasablay na may ilang akala mo’y hindi (na) yata Pinoy na nagsasabing:

“Hmp, sa boksing lang tayo kayo magaling!”

Ay sa iyon ang forte ni Pacman…

Mataas o mababa ang tingin mo sa isang propesyon, pantay-pantay lang yan sa mata ng Diyos.  Karakter ang mas importante, kung paano mo i-handle ang lakas at talinong ipinagkaloob sayo upang tupdin ang trabaho mo.

[ Matapos paunatin sa lona ang hambog, ang unang reaksyon ay balikan

ang pobreng nakahandusay na para bang gustong itanong dito:

“Oki ka lang, ‘bay?  Buhay ka pa ba? Nasaktan ba kita?”

At pag inanunsyo na panalo sya, tatakbo sa isang sulok, luluhod at

yuyukong magpapasalamat sa Diyos na kilala nya. ]

Hindi ako mahilig sa boksing (maski papano nagkakasakitan din yun di ba?)  At hindi rin naman ubrang sabihin o isipin na kamao (o tabak o tabas ng dila o hambalos ng pusil) ang magpapaangat ng bansa sa kalagayan nito.

[ Kung ako lang ang tatanungin, mas nanaisin kong magretire na sya

sa boxing at mag-business na lang, halimbawa. Mahirap din naman yung

nakapagbibigay-karangalan sa bansa at -inspirasyon sa maraming Pinoy

pero ang nakataya naman ay ang ikababasag ng kanyang mukha. ]

Kababaang-loob… palagay ko lang, may ganyan si Pacman (kaya bilib ako).  Humility… hindi naman pagiging dungo ang ibig sabihin nyan.  Sana hindi mawala sa atin yan.

[ Tatakbo sya sa politiko?  Well, iba isyu na yun.  Pero prerogative nya yun.

Kumersyals?  Ay hamo na baka hindi nya lang matanggihan.

Si Aling Dionisia?  Ikaw naman o… proud laang kaya ang ina sa anak nya.

🙂 Bakit ba kasi nanggagalaiti ka? ]

“Hmp, sa boksing lang kayo tayo magaling!”

Sa kabilang banda, hindi rin natin masisisi ang iba dahil tutuo namang magsasawa ka na sa ibang papansin-iskandalo ng Pinas.  Dikelhed Hiding Kowt kelan lang; Conio-Assyhööl naman ngayun.

Yan ang temptasyon pag nakaposisyon na.  Akala yata eh alam na nila lahat at kayang-kaya na nilang paikutin ang nasasakupan…  Kwidaw kayo mga bosing — baka dyan na kayo ma-nak-awt sa korner-seat nyo.

————————————————————————————————

Sa isang sulok-korner ng mundo, kapuna-puna ang bansang naka-mahigit isangdaang ikot nang malaya ay tila hindi pa rin makaalis sa kinalalagyan (nuyan roedor en una rueda?) Sa loob ng 111 rounds ay nanatili pa rin dehado, hindi malinaw kung ang laban sa kahirapan ay ipapanalo. Bakit ganun!!!😕 Mayaman naman ang Pinas, ‘di ba?

Kasarinlan nga ba o ‘sari-sarili’ muna?

————————————————————————————————

“As he approached Jerusalem and saw the city, he wept over it…”

Luke 19:41

————————————————————————————————

Kelan mo huling tinangisan ang Bayan mo?

“Rebolusyong ang sagot! Kelangang dumanak uli ang dugo!”😡

Nalalaman mo ba ang pakaliwa’t-pakanan mo?

“Kalimutan na ang lahat ng diperenses,

dapat magmahalan para sa kapayapaan…”😐

Maganda yan, pero hanggang saan kaya ang itatagal ng ‘bait’ mo?

“A basta ako mabuting mamamayan, kaya wala ako pakelam dyan!

Anchalap-chalap na ng buhay ko dito!”:mrgreen:

Oongaeh… ang nyaman-nyaman mo na, ahihihihi.

“Ayaw ko na magsalita… hindi ako affiliated sa isang grupo;

baka bigla ako ‘imbitahan’ wala babak-ap sakin.”😦

Salamat sa mga hindi manhid… sa mga hindi bulag at bingi.

Mas maraming salamat sa mga hindi baldado at pipi.

————————————————————————————————

Let us reclaim the freedom our ancestors proclaimed 111 years ago.

[ Pero… ii-IGNORE na lang ba natin yung Page 2?]🙄

Pages: 1 2

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2009/06/12/indis-kurnir/trackback/

RSS feed for comments on this post.

6 CommentsLeave a comment

  1. When I was browsing my other site yesterday, I came across by chance an ad regarding a website of this organized religion that was left ‘untouched’ even after our first colonizer had granted (no choice e) our independence 111 years ago.

    Talaga namang napaka-attractive ng pagkakagawa ng website, sa intro vid pa lang mapapaiyak ka… Bilib na sana ako dahil ‘coming home’ (back to Jesus, apparently) eka…
    “Wow!” sa isip-isip ko, “Eto na yata yung pangmalawakang-sistemang PAGBABALIK-LOOB na matagal nang inaasam-asam ko.”

    Nung in-explore ko, ginamit lang palang parang taga-
    welcome si Kristo sa labas, pag pasok mo sa loob ay ang mga padri-padrino din pala ang syang bida. (Sa mga Qs and As,) Ipinagdidiinan ang mga tradisyong sala (hindi lang wala sa Bible, sumasalungat pa sa turo Nito) na pag inalis nila sa kanilang doktrina ay guguho ang buong pundasyon ng “Christianity version” nila.

    Kung medyo tamad kang mag-isip at magbasa ng Bibliya, at mag-explore about church history kaya, masasabi mo na lang:
    “Oo nga ano? Tama… dito na lang ako. Ayaw ko nang mag-isip at baka magulo pa ang pungsoy ng buhay ko.”

    Marami na dito ► Chewabol
    Specifics ► MOG [barbidal password sa protected post]
    Check this out ► Y-Jesus

  2. Buti nalang kinaya pa ng bansang tinutukoy niyo ang ika-111 rounds ng pagbu-‘boxing’! Ang tanong: kakayanin niya pa kaya ang pang-112 round?

    ————————————————

    HBH: Nyay!😯 Napaisip naman ako sa tanong na yan…
    Siyanga ano! Next year na yun… oo nga.😦

    Harinawa… hangga’t may mga anak na kumikilos at kumikibo, nakatuntong man o hindi ngayon sa Lupang Hinirang na kanyang sinilangan, may pag-asang muling makabangon at ‘manalo’ ang Inang Bayan.

  3. hello kuya may award po ako sa inyo
    heres the links
    http://bluedreamer27.blogspot.com/2009/06/best-follower-award.html
    thanks for being of the top comenter in my blog
    happy independence day!!

    ————————————————

    (16 June 2009)
    KuyaHBH: Ang ganda nung award.🙂 Thanks!

  4. hello there kuya you may want to know the reason behind my Top Five Blog and the reason why i called my self bluedreamer
    you can read my article here

    http://bluedreamer27.blogspot.com/2009/06/i-love-blogging.html

    hope you like it
    feel free to share your thoughts upon my entry

    ————————————————

    (16 June 2009)
    KuyaHBH: Salamat sa post na yun, Milton (bluedreamer)! Tomorrow ko i-post yung award.

  5. […] In peyrnes, may pang-apat pa. […]

  6. […] Hindi kita mapipilit na iwan yan kung ayaw mo,
    but I do hope your whole system (??) will turn to the
    living Christ
    . […]
    Pingback from → Huli man” (page 3) .


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: