titolo

————————————————————————————————

Almost 28 years ago nung una akong makaranas magkilik at mag-alaga ng beybi — ang kaunaunahang pamangkin naming magkakapatid.  Pero hindi ako yang nasa kanang litrato; sya ang panganay na pamangkin ko, this time kilik naman ang kanilang kauna-unahang pamangkin!  Nauna kasing nag-asawa ang brother nyang sumunod sa kanya.  Kuha yan nitong April 2009 lang.

Hmm… iba’t-ibang role o title (titulo), as in antas o grade-level sa pag-aaral:

1. Primero, isinilang ka ng ina mo, natural anak ka ng tatay at nanay mo,

apo ka ng lolo’t lola mo;

pamangkin ng mga tiyuhin at tiyahin mo; at

pinsan ng mga anak ng tiyuhin at tiyahin mo.

2. Kung hindi ikaw ang panganay na anak, syempre kapatid ka na agad ng kuya o ate mo. Kung hindi ka na nasundan, ikaw ang bunso.

Kung panganay ka, magiging ‘kapatid’ ka lang kung may susunod na anak (o nag-adopt) ang mga magulang mo — kuya ka o ate, depende kung ano ka — lalaki o babae.  [Oist, huwag ‘pagbabaliktarin’]

May ranks pa yang mga mas nakatatandang kapatid ha? Kuya, diko, sangko at ate, ditse, sanse for first, second and third elder brothers and sisters, respectively. [Ewan ko na yung tawag sa pang-apat hehe]

3. Pag nasa hustong gulang na kayong magkakapatid at nagsipag-asawa na (understood na asawa ka na ng mister o misis mo),

manugang ka ng byenan mo;

bayaw o hipag ng mga kapatid ng asawa mo, o

ng asa-asawa ng mga kapatid mo; at

bilas ng asa-asawa ng mga bayaw o hipag mo sa asawa mo.🙄

Yun mismong asa-asawa ng bayaw at hipag mo na manugang ng tatay at

nanay mo ay hindi mo bilas ang tawag dun — kapatid mo na nga e, di ba?

[Awts, ang vertigo ko… nakakalito!]

4. Sa malaon at madali, tito o tita ka ng mga magiging pamangkin mo, o di kaya tatay o nanay ng magiging (mga) anak mo.

5. Pag lumaki, nag-asawa, at nagkaanak na ang mga anak (o pamangkin) mo, ay ano pa?  ‘Di Lolo o Lola ka nang matanda ka!😆

Pangalawang anak ako at medyo late na rin kaming mag-asawa ni misis, kaya eto ang flowchart ng aking pinagdaanang mga ‘grado’ (syempre hanggang ngayon dala-dala ko pa rin yung mga naunang role-title ko):

AnakKapatidTitoAsawaTatayLolo!

“O… bakit nabura yun penultimate* grade-level mo?”

Ewan ko… baka accelerated lang ako!😆 Isa na akong “Tito-Lo” (Titong Lolo).

————————————————————————————————

* Then, I thought, sa hubby tuldok na ako…

Ubra nga palang mag-shortcut sa “Lolo”?😎

Sa lahat ng Padre de pamilya:

║ MALIGAYANG ARAW NG MGA AMA! ║

More fathers:

Father’s Day 2008 posts

Published in: on 21 June 2009 at 4:24 am  Comments (8)  
Tags: ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2009/06/21/titolo/trackback/

RSS feed for comments on this post.

8 CommentsLeave a comment

  1. [?! Wala po pala kayong anak?!]

    …sa bagay, ano man ang ating ‘titolo’, hangga’t itinuturing tayong ama ng mga nagmamahal sa atin, at marami rin tayong itinuturing na mga anak karapat-dapat pa rin tayong batiin ng Maligayang Araw ng mga Ama!

    Happy Father’s Day po!

    ————————————————

    HBH: Salamat, RJ!😉
    Binigyang-luwag kami sa dati naming pinagtratrahuhan pagkagaling ko ng Japan (nasa late 30s na kami ni misis nuon) para mag-‘work-out’ pero sinawaan na rin kami later.
    May kaunting istorya dito tungkol dyan. →

  2. weeeheee!
    Ninong Kahit wala ka mang anak in real life.. dito sa blogosperyo isa kang dakilang ama ni ate repah! at ako naman ikaw ay isang dakilang ninong!
    hakhak!

    Okay lang iyan ninong!

    Basta! Happy Father’s Day pa rin! aweee!

    ————————————————

    Ninong: Korek ka dyan, ‘Oks lang kami’ — kewl na kewl!😉
    Salamat sa pagbati! Na-greet mo ba ang Papa mo?

  3. Tito,

    Now I know kung paano ako pinagkaguluhan nung birth ko. Salamat sa mga regalong educational nung bata pa ako. It served as a good foundation although 11th year ko na sa college.😀

    Tito Arleen😎 : Hehe, ngayon kayo naman ang ‘nagkakagulo’ sa panganay na pamangkin nyo.

    Yun yata ang naipasa ko sayo, ang ‘mag-enjoy sa kolehiyo’…
    Sa case mo sinabayan mo ng pagtratrabaho. Sabagay mahigit isang taon na lang di ba?

    Toy-microscope ang huli kong natandaang bigay sayo.
    Nung panahon namin wala yata educational toys, hindi pa uso😆 kaya gumawa na lang ako ng sariling microscope at telescope.

  4. klasmeyt

    happy fathers’ day :)hehehehe. tama si eloiski. hahaha

    pati na rin sa mga daddy ham ham😀

    ————————————————

    Klasmeyt: Tsalamat…😛
    Wala na akong mga daddy hamham, puro kaapu-apuhan
    na itong naiwan na pawang mga senior citizens na rin.😆
    Ako siguro, pede na ring tawaging tatay nila hehe.

  5. at mabuhay din ang mga tatay na hindi nawala ang pagka-“hip” kahit tumanda pa🙂

    ————————————————

    Bok: Mabuhay ang mga gayut* na pehips!
    Mabuhay din ang nag-iisang tatay na ka-blog ko.😉

    *opposite ng ‘the youth’

  6. i might be too late pero huli man din ay babawi parin
    belated happy fathers day to you and to all the father ham ham

    ————————————————

    HBH: Thanks, blue.🙂
    Na-late na rin nga ang replies ko sa lahat ng comments nyo.

    (15 August 2009)
    Ngayon ko lang nakita yung tag mo.😦

  7. […] Anyway, naisip ko i-append na lang yung graphics at quotes sa father’s day 2008 post ko — nung mismong araw ring iyon nang nakita ko… Pero teka ekako, August 15 yung Sabado ah? → Araw ng mga INA(?) […]

  8. Ano mo? DNA match

    tatay & nanay, kapatids, 50.0%
    anaks

    pamangkins, 25.0%
    grantays & grannays,
    gransans & grandawters,
    unkols & anties

    granpamangkins, 12.5%
    granunkols & grananties,
    perscuzins,
    lolo’t-lola sa kneehuds

    Iyan ↑ ay akording dito (CLICK!) → DNA share

    ————————————————

    itay.. 50% pala tau..

    Inde, anak… 100% tayo.

    100%? Ahahahaha! Ano yan, cloning?

    Oist, wag mo anyan-anyanin ang iyong olter-ego.

    Hongah amo — ang a-lam ko
    kayun-tatlo ang magkaka-clone.

    Otum-můn likes this.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: