isblok!

( Ang lihim ni mister, part deux )

Misis: Huwalanghiya ka!

Nabalitaan kong meron ka raw babae na 17 yrs old!

Mister: Ah, yun ba? Sobrang luma na ang balita mo.

Misis: Bakit??

Mister: 27 na sya ngayon!😳

Tsk tsk tsk 10 years ka na palang nilalapastangan…

Istayl mo, bulok! (yan po taytol) … O eto pa isa wento…

“Ayoto na! Baka sensitib isyu na naman yan paris nung X-men part 1 mo!”

Ayaw yo? Di huwag yo!

————————————————————————————————

Hindi pa tapos ang buwan ng Hunyo, di pag-usapan na rin…

[ Ulan-ulan pantay-kawayan! Wagyo-wagyo padyak kabayo! ]

Bakit ba may mga mister na nambababae o nangangaliwa?

Hmm…🙄 ahm…😆 amf…😕

Asawa mo yan, mabuti pa sya na lang ang tanungin mo! Malay mo misis, baka may pagkukulang KA rin?😐

Eto na lang siguro, medyo mas mahirap mong matanong ito dahil baka sa galit mo ay maumbag mo ng sabunot.

Bakit ba may mga babae na pumapayag maging kabit o kalaguyo?

Maraming pwedeng dahilan.  Manghula nga tayo, base sa eksperyensya ko sa mga babaeng nakasalamuha ko (Umm… obserbasyon ko lang, huwag mo akong tignan nang ganyan) :

1. Shushunga-shunga.  Daling mabola.  Bigyan mo lang pang-load sa selpown, magpapa-‘teks’ na.  O kaya, yakang-yakang blakmeylin ng boypren nya.

2. Insecurities.  Siguro takot tumandang dalaga (ay maano ba?) Baka daw maburo dahil huling byahe na, hindi na kinilatis ang boboyprenin kung may asawa.  Nung napalalim na, “Ay pwede na rin!” eka pa.

3. ‘Kapit-sa-patalim’. Single parent, pedeng disgrasyada, abandonada o byuda. “Kawawa naman ang mga anak ko, hindi ko sila kayang buhaying nag-iisa.” Naiintindihan ko… pero wala ka na bang kamag-anak o kaibigan o iba pang malalapitan? Bakit sa may asawa pa? Wala bang pwedeng manligaw sayo na binata o byudo kaya?

4. Takot sa commitment.  Minsan nang ‘nalamangan’ at nabrokenharted.  Nawalan na ng tiwala sa lahat ng ka-mensu-han.  Okey, maga-fling-fling na lang, pag iniwan “W’eno? Hindi gaano nakakainsulto kasi hindi naman ako ang talagang dyowa!”

5. Rebellious or vindictive. Gustong pasakitan ang magulang, or gantihan ang mister na nangangaliwa. Oist, ineng… ikaw ang lugi nyan. Nakausap mo na ba ang parents mo tungkol sa nararamdaman mo against sa kanila? Ikaw, misis, alam ba ni mister na alam mo na? Nag-usap na ba kayo tungkol duon? Baka naman sising-sisi na at matagal nang tinalikdan ang dating ginagawa? Huwag mong sirain ang sariling pagkatao mo dahil duon. Isipin mo rin ang iba pang mahal mo sa buhay, lalung-lalo na ang mga anak nyo.

6. Inggit. Eto’ng talagang mga selfish (sell-fish?) — habitual home-wreckers.😦 Her ulterior motive is to boost her self-esteem, na mas desirable sya at kayang mang-agaw ng asawa ng may asawa. Sya pa mismo ang nagtutulak ke mister na ipa-annul ang kasal nito sa asawa. Nung ‘sila na’, sasabihin “Sori na lang, hindi pala tayo para sa isa’t isa.” In peyrnes, may mga lalaki din namang ganyan… Mag-isip-isip kayo hanggang hindi pa huli ang lahat — hangga’t may lakas pa kayo para pagtawanan ang mga sinasabi ko dito.

Eto pa pala (ito pa ba ang di ko isasama?)…

7. Baby-makers. Yung mga babaeng ‘naaawa’ kunwa sa mga mister na hindi mabigyan ng anak ng kani-kanilang misis — magpiprisintang magpabuntis ‘no-string attached’. Wala ring ipinagkaiba dyan sa inggiterang nag- aakalang mas lamang ang kanyang ‘pagkababae’ kaysa sa tunay na asawa. (Balistad ng promotor dito [si misis ang nagbuyo] pero ang sitwasyon, parehong-pareho. → Genesis 16:1-5)

“Hui, Hetsbihets… wala sa listahan mo ang reason ko!”:mrgreen:

Aber nga, nuyun?  Maski naman ano alibi mo, hindi pa rin ka-tuwiran yan!  Basta advise ko lang sayo, huwag you magpakabit, tapos!  Kahit pa ba sabihin mong kering-keri mo ang maging kerida at di ka kayang lamangan ng sugar fafah mo, ay paano naman yung misis nya na nilalamangan mo?  O yung mga anak kaya na inaagawan mo ng lakas at panahon ng tatay nila para sa kanila? Obyus ba na may SINISIRA kang pamilya?

Mga dalaga, ingat sa mga boboyprenin.  Nasasainyo ang kontrol nyan. Hindi ka pipilitin nyan kung talagang AYAW mo. Kung alam mong gago, huwag kang basta-basta magtitiwala at baka mapagsamantalahan ka pa!

Istep-bay-istep ang istrategi ng mga manyakups na yan eh:

1. Primero, ‘kikilitiin’ ka sa mga mapangcharmgayumang pananalita nya… Very caring kuno, baka i-miryenda-treat ka pa ng kwekwek o isaw, o maski ano pang kaya nya. Ang kanyang mga sinasabi at ginagawa, wala bang green jokes o sexual overtones? Dahil pag hindi ka ‘pumalag’ —

2. Dadaanin na yan sa mga pa-touch-touch na accidental kunwari (nahipuan ka sa kuko) o talagang sinadya, paris ng pagpahid ng food color ng kwekwek na nagmantsa sa pisngi mo.  Sus may pahaplos-haplos pa o pag-amoy-amoy sa iyong buhok na parang dun sa kumersyal ng Hayd-en-sholder shampu.  May iba nga na bigla ka na lang bubuhatin.  Touchy ba ekamo sya, friendly at affectionate lang talaga? Walang kaso kung ganun, pero kung hindi mo pa sya gaanong kilala, kwidaw ka — sexual harrassment na yan!  Kahit pa ba matagal mo nang kilala kung may asawa na — he should not act that way! Pag pumalag ka naman, eto ang banat nya:

3. “Ang dumi mo namang mag-isip!  Hindi kita type ano!?”

Powtek na yan, pigtapos kang tsansingan, kukunsensyahin ka pa? Ikaw pa ngayon ang malisyosa? At nang-insulto pa o! — Gusto nyo bang ginagay-an-gay-an?  Eto pa isang pang-e-emo-blackmail:

4. Maglulungkot-lungkutan kunwari… magpapaawa… wid matsing-teardrops at uhog pa.  Ikaw naman si gaga, bumigay na.  Nawala sa sarili kaya eyun, hulog ka na sa bitag nya.  Pag gising mo, may nangyari na pala.😥

Kung may asawa yan, kwidaw ka pag sayo nagbubuntung-hininga ng ‘pang-aapi’ sa kanya ng kanyang misis. Pag tinanong mo kung bakit sayo sya nagsasabi ng problema nilang mag-asawa, bobolahin ka pa:

“Ikaw lang kasi ang nakaiintindi sa akin.”

Subukan mo kayang sabihin ito:😆

“Me kilala akong pari o pastor, punta ka sa kanya, para mabigyan ka advice.”
Hindi papayag yan dahil hindi naman talaga solusyon sa problema nya ang objective nya kundi ang malaglag ka sa mga kamay nya, bwahahahaha!

[ Pansinin mo, pag may ibang taong mas elderly na present, maiilang syang gawin sayo ang alinman dyan… Paano ikaw lang ang kaya nyang paikutin. Barahin mo! Pag tinakot ka o may duda sa kanya, isumbong mo! ]

Paano kung hindi ka seryosohin, lalo na kung pamilyado na?  Maghahabol ka pa para maging hanggang KABIT KA NA LANG!?😡

Uulitin ko ang parating sinasabi ko dito ha?  Hindi ko kinokondena ang mga kabit, kundi ang pangangabit.  Dahil maski ano pang gawin mo, hindi mo na mababago ang depenisyon ng “kabit” — samantalang ang isang kabit, KUNG GUGUSTUHIN NYA LANG, pwedeng magpasyang hindi na maging isang kabit.  Wala namang lalaking makapangangabit kung walang babaeng papayag na magpakabit.

Ikaw naman mister, pag-usapan nyo ni misis ang hindi pagkakaintindihan.  Magpapa-advise at magko-confide ka ng problema nyo ni misis sa ibang gurl eh, ibang klaseng solusyon ang maio-offer niyan. SISIRA ka lang ng kinabukasan ng babaeng hindi naman dapat maging iyo.

Prelude lang ito… may susunod pa ibang klase ng pagkakakabitmamaya.

————————————————————————————————

( Display all posts with temang kabit )

Published in: on 27 June 2009 at 8:40 pm  Comments (4)  
Tags: , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2009/06/27/isblok/trackback/

RSS feed for comments on this post.

4 CommentsLeave a comment

  1. […] “Huling byahe” post ↑ for the last week of the wedding month (June) — ibang klaseng ‘KABIT’. […]

  2. gusto ko sanang basahin ng buo.. kaya lang di ko kinaya.

    ————————————————

    Kuya: No offense, iha😦 pagpalagay mo na lang na paalala yan ng isang nagmamahal na ama sa anak niya. I’d been a personal witness sa mga ganitong kaso ← → (di ba?) kaya ‘hard core’ akong mag-share ng ganitong topics — hoping na maimulat ko ang isip ng sinumang makababasa at makarerelate dahil nasa ganitong sitwasyon pa.

    Maigi yang ganyang hangga’t bata pa, narealized mo na.
    Nasa huli parati ang pagsisisi; But it doesn’t mean na wala
    nang pag-asa. Take it as a life lesson. We always have a choice. Life can be a lot better if we choose the forward steps.

    Basta ba pag nagsisi na, huwag nang maging self-remorseful. Pag nagruminate ka sa past mistakes, hindi ka makakapag- move forward — or worst baka mapabalik pa sa sitwasyong iniwan na. Then, life will be bitter again… and again… and again…

  3. […] “Weh? ‘Better late than never’ daw … E ikaw,
    kelan mo SUSUBUKAN:mrgreen: na maging tutuong pudra?” […]

  4. […] “Pagbigyan mu na ang anak ko, nagpakahirap naman sya magpalamon senyo ng sandosenang anak nyo…
    Dibersyon lang — por a tsends!” […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: