Huling byahe

Marami na akong nai-cover na kasalan (TY lahat kasi guest din ako)

… and this is one of my fave shots!😉

Langhap hanggang 4th floor ang amoy ng iba’t-ibang putahe ng nilulutong ihahanda sa ibaba.  Kinabukasan, ayun na nga… mula sa maliit na kapilyang kadikit lang ng tinitirhan naming gusali, inihudyat ng kampana ang okasyong kararaos pa lang…

Ano kaya hitsura ng babae?  Dudungaw pa ba ako ng balkon?  Di na kaya… Para bang hamster (may poor eyesight) na sapat na ang naaamoy at naririnig para i-assess ang nangyayari sa paligid nila.

Isa na namang kasalan ang muling naganap!

“Kuha kaya ako ng lisensya para magkasal?” — dyok ko kay misis.

“Sige!” — geym namang sagot,

“Dami siguro bata pang gusto na mag-asawa ang mag-aapply sa’yo!”

[Usap-usapan kasi, dito sa iglesyang maliit bumabaling ang mga

menor de edad na tinatanggihang ikasal duon sa simbahang Katoliko.

Koreksyon: Hindi ako myembro ng simbahang maliit🙂 born-again ako.]

“Hindi ‘no? Ni-reject na nga ni Pader, bakit ko naman sasambutin?

Hanggang ‘sermon’ lang ako!”😆

Sa totoo lang mas lamang sa bilang ang mga kilala kong ikinasal nang halos huling byahe na na intact pa rin ang marriage hanggang ngayon kaysa dun sa mga nagpakasal nang tinedyer pa lang.  Oo, medyo naghintay nga lang nang matagal-tagal bago nabiyayaan ng anak ang ilan sa kanila, pero mas mainam naman yung ready ka nang maging magulang bago ka nag-asawa kaysa dun sa nakapag-asawa ka agad kasi magiging magulang ka na — parusa yan hindi lang sa inyong mag-asawa kundi lalo pang higit sa mga bata!

Saka wala ako planong mangarir ng ganyan.  Yung maging litratista na nga lang ng kasalan ng mga kakilala’t kaibigan ay malaking ‘dagok’ na (sa akin) pag years later ay nabalitaan kong naghiwalay (Huwaw, pinagtatapon ang mga pikyurs na shinat ko) — yun pa kayang ako ang nag-officiate ng kasal?

Ewan ko lang…

I think I will feel accountable kung ako ang nagkasal.

Papaano kayang ang ilan-taon nang ‘nakatiis’ (eka ng iba) na nagsama ay dumarating pa sa puntong unahin ang sari-sariling gusto nila? Magtuturuan at magsusurutan ng isa’t-isa na syang may diperensya, ginagawa pang ekyus: “Para sa kabutihan ng mga bata!” Sometimes they even hop from one relationship to another (sa kahihiyan ng mga anak nila) hanggang sa tumanda (at nagsawa) — nauuwi rin naman sa wala.

Naiintindihan ko ang mga nasasaloob nyo, pero hindi ibig sabihin nun ay umaayon ako sa remedyong napili nyo (Common, think it over again — yun na lang ba talaga ang natitira?) … Hindi ko lang naman maiintindihan yan kung ako’y mag-iisip-bata, yung lalagay sa sitwasyong paris ng mga anak nyong may mga damdamin ding mas mura pa at isip na mahirap pang makaunawa.

Kaya nga ang solusyon nyo —

“Sige, saka na natin sabihin pag malalaki na sila — by now,

maghiwalay na lang tayo at magkanya-kanya nang pasikreto muna.”

Alam ko may secret marriage… pero secret annulment o secret divorce?  Kelan pa nauso yun… ha?

————————————————————————————————

Eto half a century nang magboypren… astig!

Lolo: Kuha mo nga ako ng ays-kwim sa ref…

Lola: Sige.

Lolo: O… huwag ulyanin ha?  Ice cream!

Lola: Oo, ice cream!  Gusto mo yun pemborits mo pa eh… vanilla flavor!

Lolo: Olrayt…

Punta sa kusina si Lola.  Pagbalik may dalang hotdog.

Lolo: Ulyanin ka na talaga!

Lola: Ha? Bakit?

Lolo: Nalimutan mo yung ketsap!

(Maliban na lang kung pipisan ang anak sa kanila)  May anak o wala, dyan din naman karaniwang tutungo ang matinong pag-aasawahan sa pagtanda di ba?  Silang dalawa na lang.😉

Disambiguation of some popular marriage terms and phrases:

Paglagay sa magulo tahimik

Pag-iisang dibdib. Pagdadalawang isip

Bagong–sakal–kasal

Bitter–Better–half

Marriage is meant to be endured enjoyed

Sa hirap at ginhawa. sayo ang hirap, sa akin ang ginhawa

Hanggang sa magkamatayan kamatayan.

Congrats and best wishes sa mga bagong kasal! ♥♥

————————————————————————————————

P.S. — Sa mga babago pa lang, mag-ingat na rin sa kukuning helper sa bahay:

Misis: Ninakawan tayo ng katulong ng towel nung umalis sya.

Mister: Mga tao ngayon, wala ng values… Anong towel ang kinuha?

Misis: Yung may tatak na MANILA HOTEL.

Pages: 1 2

Published in: on 28 June 2009 at 12:20 am  Comments (6)  
Tags: , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2009/06/28/huling-byahe/trackback/

RSS feed for comments on this post.

6 CommentsLeave a comment

  1. […] Link to ‘KABIT’ ↑ post kanina […]
    “Huling byahe” kasi last week of the wedding month…😆
    Sa tagal ko nang nagba-blog siguro naman napaka-predictable* na kung kelan at ano ang aking mga ipo-posts… Obyus ba?
    Tags at Usapang-daga lang ang ‘spontaneous’ dire hehe.
    *(except for some ‘walk-ins’)

  2. Kapag mabilis magsawa sa pagkain at sa trabaho, pagdating sa asawa ay mabilis rin kayang magsasawa? ‘Yan ang ikinakatakot ko, eh. Mabilis po akong magsawa. Huh!

    ————————————————

    HBH: Natawa naman ako sa tanong mo😀 …pero that is a
    valid question! Ako din naman (though mahaba ang tolerance) madaling magsawa sa pagkain at trabaho; sa pag-aasawa sempre iba.

    Hindi sapat yung ‘in-love’ lang, kelangan ang commitment (kaya nga nagpakasal, ni-commit ang sarili sa isa’t-isa).
    Love only involves the emotion (the popular notion at least)
    na pabago-bago, as in ‘gusto’ mo ngayon, bukas ayaw mo na,
    sa kamakalawa gusto mo uli, o talagang ayaw mo na (kahit pa) ; Commitment involves the will and intellect, at sa pagko-commit masusukat ang tunay na pagmamahalan. → Ka-labs

    Halimbawa: Pag nag-away ang mag-asawa, pwedeng maging demonyo ang tingin sa isa’t-isa😆 at lahat ng love-love na yan tumatalon sa bintana. Unless pangangatawanan nilang in low or high water mag-asawa sila, pwede silang pumalaot ng landas palayo sa isa’t-isa.
    Ang pagpasok sa married life nang hindi pa handa ang
    nagiging ugat ng pagbibilang ng kerida o papalit-palit ng asawa. Nuon pangkaraniwan ang polygamy sa mga makalumang relihiyon o kultura, pero ngayon fad na yan sa ‘classy’ lifestyle. (I doubt it kung tutuong masaya at panatag ang buhay nila)

    That is also common in most species of the animal kingdom.
    Sa mga hayop walang kaso yun (may saysay kaya sa kanila ang konsepto ng • putok sa buho at • kabit?)

    Personally, I can say na pwedeng magkaroon ng ‘variety’
    within the confines of marriage. Never na naging ‘bato’ ang pagsasama namin ni misis simula pa nung maging kami na.

  3. i remember when i was still in wedding industry, i tried taking a shot like the image about sa kakapuwesta namali ako at napunit pantalon ko

    ————————————————

    HBH: Tama ka p’re, nakita ko lang din ang low-angle perspective na yan sa isang uber-lumang photography book.😉

    Ako naman, ang common disaster ay ang pagsagi ng camera vest o bag ko sa mga baso sa ibabaw ng mesa sa reception.😳 Pa’no naman, saksakan ng sikip minsan yung mga hall ay kung bakit pinipilit ng may-ari nung restoran na maka-accommodate ng maraming bisita.

    Salamat sa pagkumento, mars… ilagay kita sa blogroll ko.

  4. aba aba kakaiba ito ah,,hehe bat nga ba hindi ka mgtry na mg-cover ng wedding khit photo lang mbilis mo namn mkuha ung concept na gnamit nila and very artistic ka nman…

    mag-post ako sa youtube nung on-site wedding ko nung sunday ako nagedit non! nyahaha..

    FYI: naka-dsl na kme nyahahaha ohryt!!! add me up sa ym e2 id ko: inner_chamber00 tanx!!! tc!!! more power…
    mabuhay tayo!!! “(anak itabi mo, ako na)” haha

    Tito Robert😎 : Waw at last, nag-DSL na rin kayo!😀
    Yun isa hamster ko may DSL din nuon. Tinginin mo pikyur dito:
    (CLICK yo) → DSL-pet ni Amboy😆

    Sign-up kayo ni Kev sa fezbuk, sayang DSL pag hindi —
    andami marararo! Nandun na rin si Tita Suey!
    Bigay mo na din sakin IyoTube yu-ar-el mo.

    (Musta na lang sa mommy mo.🙂 Baka punta dyan si Tita Suy.)

  5. ok gwin nio ko neighbor sa farmtown…hehe pg na-upload ko na yung video send ko ung url sau…

    ingat jan!! yeah!!

    Tito Robert😎 : Naumpisahan ko na yang farmtown e…
    kaso nung gusto ko munang mag-lagawt at magkwit, indi ko alam kung pano iye-exit! Umm — ni-delete ko nga yung buong application.😆 Tuluy-tuloy lang pala yun maski naka-saynawt na hehe. Add ko na lang uli.

    Sige bj, ingatz din kayo lahat jan.

  6. […] Nagpapasalamat ako sa Diyos na bagama’t malaki ang aming ipinagkaiba ni misis sa isa’t-isa, eto at magkasukob pa rin kami sa iisang kulambo. […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: