Baluga

► See all Baluga posts

Sa bandang likuran naman ito. ↑

Me natutunan akong acronym nung hayskul: “Katuga” — Kain, Tulog, Gala. Gawain daw ito ng ‘walang magawa’. (Gawain pala nila, ay di may ginagawa!?)

Yung hindi naman nag-eeskwela o nagtatrabaho ay kumbakit hindi mapirmi sa bahay. Okey lang siguro kung uber-yaman, ay paano kung hilahod na sa hirap sina Itay at Inay? O kaya si misis?🙄 Ano? May asawa na pala ay bakit tatambay-tambay pa rin?

“Aush lang, malaki naman padala ng misis kong nasa abroad!”:mrgreen:

Kung tamad kang maghanapbuhay, asikasuhin mo man lang sana ang tatlong dyunyor mo. Bakit ba kasi nasa nanay mo? Apapadami ka lang yata ng lahing tutulad sayong balldy-builder*! (*apapalaki lang ng bols)

Hindi tungkol sa katuga ang post na ito. Kung dito rin lang sa household, dalawa ang alam kong kain-tulog-gala: ang magboypreng sina Berio II at Doray. Oops! — sina Syma at Amboy NA rin pala. Si Boolaboy Bebong lang ang hindi na gaano, kasi na-mild-istrok sya nuon di ba?

Hayai na silang maging katuga, mga pet HAMSTER lang naman sila.

Baluga… imbento ko (na naman) another entry sa diksyunaryo ng aking Blungga (Blog na Lungga). Baluga = Baba, Luwas, Gala (alter-homebody mode) Yun lang; Wala nang iba pang usage sa blog na ito ang acronym na iyan:

Baba. Pagpanaog ng building, mula sa simpleng pagtatapon ng basura, hanggang sa paghahatid (at paggugudbay-kiss) kay misis sa madaling araw sa tuwing luluwas sya ng Maynila. O mga mister, huwag pagbabaliktarin: walang ‘hahalik sa basura’ at walang magdi-dispose ng misis!

Malayu-layong baba: ‘Pangangapitbahay’ nang halos apat-na-blokeng layo sa aming peborits na mga bata dito sa kabayanan.

Eto pa pala… three months (22 April to July 2008) akong nag-net sa labas para lang makapag-blog nung sumablay ang dial-up connection sa bahay. Bukas, saktong sangtaon nang hindi pumapalya ang DSL namin.

Mas malayo pang baba, isang sakay sa bus o dyipni: Cabanatuan, pa-timog o San Jose, pa-hilaga. Lamyerda namin ni misis. Wala kasing Chowking o Jolibee dito sa Science City of Muñoz.

Hindi ako tumatagal nang maghapon sa labas kung “baba” lang.

Luwas. Byahe pa-Maynila, about 4-hour southward trip via an aircon bus. Ito’y pag ubos na ang stock ng materyales ko sa framing, o pag kailangang bumili ng partikular na profile (disenyo at kulay) ng moulding as specified by a customer. Kung maliliit na accessories lang naman na pwedeng ilagay sa bag o bulsa (tapes, D-rings), isinasabay na lang ni misis pag nataong napaluwas sya. Pag mamalaki at mamabigat (mouldings and matboards), kelangang lumuwas ako. Yung ibang materyales (cord, plywood, salamin) ay may mabibilhan at pwedeng magdeliver dito.

Malling? Wala akong kahilig-hilig dito (pwera na lang kung may trade fair exhibits ng cameras o PCs). Sinasamahan lang si misis, usually sa paikot- ikot at pabalik-balik na pagsusukat ng magkakasyang “size 4” na sapatos. Ahehe… In the end nauuwi din sa children’s shoe section.

Mas pabor sa akin ang pagluwas pag ganitong makulimlim at tag-ulan, hindi dahil takot akong umitim at maarawan. Mas malamig-lamig kasi pag ganitong panahon, pwedeng maghapong iwang nakasara ang pinto ng bahay nang hindi nagtyatyaga sa init ang aking mga alaga. [For your info, isang pader lang ang may bintana sa inuupahan naming unit.]

Huwag lang lalakas nang todo ang ulan sa Maynila, dahil siguradong baha. Tag-araw o tag-ulan, ‘balikan’ o ‘uwian’ ako pag lumuluwas — Aalis ng bahay sa madaling araw, makababalik bago maghatinggabi na.

Gala. Byaheng mas malayu-layo pa ng Maynila: ang pag-uwi namin ni misis sa byenan nya, o kaya’y sa byenan ko.😉 Kasama na rin dito ang mas maiksing byahe paakyat ng Baguio (mas malapit dito). Tagal na rin naming hindi nagagawa ang mga ito dahil bitin kung ‘balikan’ lang; mas maganda kung magtatagal duon ng at least dalawa o tatlong araw.

Bagamundong lakwatsahan: Maliban sa OB (official business) travels, may bihira na akong magawa simula nung ma-absorbed ako sa unang trabaho. Ahehe, hinahanap-hanap uli ng mga paa ko.

Mamundok!😆 Sana maulet… Sayang ang ibinigay na GPS ni utol.

Basta ba uuwi din eh.

[ Coordinates: 15°42.796N 120°54.192E 259ft ← 3D fix, I was sitting on the ledge. ]

————————————————————————————————

Saan ako tutungo Yahweh upang ako ay makatakas?

Sa Inyong kadakilaan, kailanma’y di makaiwas.

Kung ako ma’y pumasilangan

Umiwas man pakanluran

Pihong Kayo’y nar’on O Yahweh

Upang ako’y pangunahan.

O Diyos ako ay siyasatin

Ang lahat sa ‘ki’y Inyong nababatid

Sa buhay na walang hangganan

Samahan Nyo ako at ihatid.

Aleluya…

— hango sa lyrics ng “Awit 139 (Ako’y Inyong Sinisiyasat)”

mula sa album na “Pagsamba” — isang produksyon ng

KALOOB: Musika at Sayaw ng Bayan Alay Kay Hesus.

————————————————————————————————

Pages: 1 2

Published in: on 31 July 2009 at 11:50 pm  Comments (13)  
Tags: , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2009/07/31/baluga/trackback/

RSS feed for comments on this post.

13 CommentsLeave a comment

  1. Naka-“Comments off” yung nakaraang post, para hindi humaba. Ginawa ko syang ‘sticky post’ (pirming nasa bungad) sort of index at whereabouts ko.

  2. galeng ng pakyut ah. yung ngisi mo yung parang ngisi ng mga rapist sa mga tagalog movies! nyahaha

    ————————————————

    Robby: Minyaaaang!!!😀
    ‘kaw talaga u, pikyur ko na naman nipagdiskitahan mu.😳 Tinginin mu comment mu dito almost 2 yrs ago → artistahin😆
    Yung ngisi lang ha? Kasi kung mapasok man ako sa movies, hindi ko kaya role ng rapist — baka aku pa nga ang mareyp!:mrgreen:

    May bagote at barabas kasi…
    may dalawa pa pikyur dito (click) ► mukha mabaet ahe.

    Amutta na kau ni Bentong?🙂

  3. panalo! maiging pang-recharge talaga ng katawan at isipan yang pag-commune sa nature. kainggit🙂

    ————————————————

    Bok: Sa mga pamangkins na rin.
    Sa cyberspace lang kami nakakapag-usap-usap ngayon.

    Mahal na araw nung inakyat ko yang Banahaw, bata-bata pa ako kaya lahat ng pikyurs nasa slide films hehe. Gulat ko may mga nakasabay kaming mga lolo’t lola na (may mga panata). Shaks lalu ako nung may isang dahil sa hirap e narinig kong nagmura.🙂

  4. wahaha, talaga palang mukang rapist ka na para saken nuon pa! natatandaan mo pa talaga comment ko ha! nyahaha

    pero empre may mukang mabeet din nga😀 (sabay bawi)

    malapit na ko maki update sa blog mo, ’til aug. 15 na lang ako taz KATUGA na naman! hehehe

    (sana di lumabo lalo mata ko sa Xstitch😀 )

    ….
    ok naman ang bentong, nagrerekwet na naman ng daga, sabi ko pahinga muna kami sa mga bubwit at may alaga kaming pussy ngaun😀

    ————————————————

    Robby: Me iba kasabay yan pikyur, si misis ang nanyut,
    sabi nya yan ang pinakamaamo… Baket kaya?
    Either na ayaw nya akong magmukang mabaet sa iba,
    or mas type nya na mukha akong reypis?😆 (Salbahe)
    Hinde, palagay ko nga tingin mo lang yun kasi so far kaw pa
    lang nagko-comment ng ganun — kaya ko nga natandaan ahe…

    (Liit lang naman yung cross stitch, saka monochromatic
    kaya andali lang.)

    Tama, saka na hamster… baka makunsumi at magselos
    sa daga yung puttitat.😀

  5. ————————
    Syma
    […] “Oo, pate… tagal pa bago sya bili ng kausap ni bosing.
    Pero oks lang daw eka. Pag mag-isa na sya, pede karay sa
    mga lamyerda.” […]

  6. mucas gracias.

    ————————————————

    HBH: Ay inglisin mu, pate — indi tayu magkaintindihan nyan…
    Eniweys, hindi ka naman nasala as sipam, i-aprub na rin kita. Lagay kita sa blogamundo, pero hindi na kita i-link, hane?
    Di ko kasi alam kung ano yang inilalako mü.🙂

    Translated: “You’re welcome.”

  7. […] Nasa itaas ka ng tore? ← Pede kang lindulin [kaba].
    Dehado ka rin sa sunog pag nasa taas ka ng building. […]

  8. […] Mga lumipad at dumapo sa harap o likod ng aming building. […]

  9. […] … ito na nga yata ang pinaka-PAHINGA ko ngayon. […]

  10. […] Mas komportable itong dalhin kaysa sa mga naunang transport carriages kaya ubrang gawing ibakwesyon box in cases of emergency, at yun na nga — tuwing may mahaba-habang baluga! Emergensi Vehikol At Cage na rin, o ha? […]

  11. […] Walang waypay itong aking laptop; yung netbuk ni misis meron, pero wala ring masagap dito sa itaas. Ibig sabihin, para makapag-net kelangan ko pang bumaba. Dating gawi. […]

  12. […] Simula ngayon, ito na ang magiging karwahe nya sa tuwing kami’y mag-a-out-of-town nang matagal ni misis. […]

  13. […] Since 2003, napakabihira kung iiwan ko nang hihigit sa maghapon ang bahay. Sa tuwing lumuluwas ako ng Maynila, hangga’t maaari balikan. Ngayon, napakadali nang maglamyerda nang matagal-tagal. […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: