ingay

Syma: “O? Baket ka pumasok? Iskrats ang boys dito!”

Amboy: “Tara sa ibaba ateng, makigulo tayu!”

Sa edad ni Doray, natural lang na maging pasaway at maingay. 8 months. Ayon sa aking obserbasyon sa mga nauna na, walo hanggang sampung buwan ang ‘peak month’ para sa isang hamster. Pero yan dalawang mag-utol sa pikyur? Sinyur-citizens na sila.

Kung natatandaan nyo pa, sina Syma at Amboy ang 4-day-old beybis na isang buong maghapong naiwan ng kanilang nanay bago sila tuluyang naulila. Sila yung magkapatid na di magkasundo. Si Syma ang pinakamasungit na hamster ko, si Amboy naman ang pinakanerbyoso. “Wa-pakels” they turned out, hindi lang sa isa’t-isa, kundi maging sa ibang myembro ng pamilya.

Simula nung nagkakantyawan sa usapin ng ahini, insistent nang bumaba o lumabas ng kanya-kanyang haybols.😆 Kaya eyun… pag hindi ko nailabas ng kulungan, kinakalampag ni Syma yung hagdan nya; si Amboy naman, ang wheel o gate nya… Nakikisabay ng ingay kay Doray daga!

mouse-ismolNagpost ako para mag-record lang sa chronicles: 26 months old na ang pinakahuling henerasyon ng salinlahi nina Bitoy.

Narito na rin lang ay kumustahin na rin ang dalawang pinakamatanda — 29 months na ang Boolaboys bukas:

Bebong II. Tahimik lang. Mataba ngayon dahil maganang kumain. Panay pa rin ang tulog, gigising para tsumibog at dyuminggel. Pagsapit ng dapithapon, magpapasa-masid sa bawat sulok ng bahay nya. Solb na sya sa Bulwagang Bitoy, kuntento na kahit hindi na sya ilabas.

Berio II. Medyo patpatin. Kasi pagkagising mas inuuna ang lakwatsa nang halos hindi muna kumakain. Ngunguso-nguso sa rehas (nose-barrads?) ng bahay nya pag ibig lumabas. Operational na ang Harurendilaykhaus, pero hindi sya gaanong nagtatagal duon. Mas tipo nyang tumambay sa Pension house, magbi-brisk-walking nang wala pang isang oras sa Wigol-wigol na naruon; tutulog sa may hagdan pag napagod, o kaya aakyat sa third floor at dun tila magninilay-nilay.

Kung ang pasuray-suray na lakad ng kuya nya ay dahil sa naging epekto ng hamster stroke nito nuon, ang unsteady gait ni Berio ay sintomas ng unti-unting panghihina dahil sa pagtanda. (See A Hamster’s Autumn of Life)

Sa tantya ko, baka mauna pa syang ma-teggy kaysa kay kuya.

Ewan ko rin… Kasi nae-excite pa at nag-iingay pag nakakaramdam na nasa di-kalayuan lang ang gerpren nyang si Doray.

————————————————————————————————

Published in: on 4 August 2009 at 2:00 am  Comments (12)  
Tags: , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2009/08/04/ingay/trackback/

RSS feed for comments on this post.

12 CommentsLeave a comment

  1. aba! dapat andito si brother jasonhamster!

    ————————————————

    HBH: Sino po si brother jasonhamster, alaga nyo po?
    Akala ko pa naman ako lang ang Pinoy blogger na nag-aalaga
    ng hamster dito… Bukod sa hamster chronicle, may ibang tema pa ang blog na ito ► Usapang Pinoy category

    Mukhang busy din ang mga alagad ng Diyos ngayon,
    anu po, father?🙂 Salamat sa pagdaan.

  2. base..ang kyut naman ng mga alaga mo!

    ————————————————

    HBH: Anu yung “base”? Tagalog ba ito, ingles o español?🙂
    Salamat, sister — lagay ko kayo sa blogroll ko.

  3. […] Comments The Lady in Green… on ingay
    Fr. Felmar Castrodes… on ingay […]

  4. nakakatuwa naman talaga ang mga alaga niyo! hahaha! enjoy na enjoy sa pag-aalaga ninyo. at may dalawa na palang bagong nadagdag.. pareho pang wapakels! hahaha!

    ————————————————

    HBH: Ang tutuo nyan, myembro din sila ng pamilya (pinakabunso). Kasama sila sa in-introduce ko dito sa blog
    nung kauumpisa ko pa lang. ► One and a dozen

    But in a way, tama ka rin, fjordz — para din silang mga bago pa lang na nadagdag kasi nga ‘wapakels’ sila nuon.🙂

  5. hello kuya just buzzing you here
    have a great day and happy blogging

    ————————————————

    HBH: Hi blue, madalang ako ngayong makapag-timbre
    sa blogosphere.😉

  6. Natutuwa ako rito! o”,) Talagang may close observation ang mga pet niyo. Meron pang ‘hamster stroke’ na tinatawag. Babasahin ko ‘yan mamamaya.

    Wa-pakels? Walang pakialam? Hahaha! Ngayon ko lang na-meet ang word na ‘to. U

    ————————————————

    HBH: Hamster stroke — illness ng hamster, sa pag-i-internet ko lang natutunan. May description dito → 8th item

    “Wapakels” — walang pakialam, sa pagba-blog ko naman nagagad ang term na yan.😀

  7. hehehehehehe kaya simula ngayon, ipinapakilala kita sa iyong gagawing pet, ang aking brother hamster!!!

    http://jasonhamster.wordpress.com/

    magcomment ka sa kanya at sabihin mong ipinakilala kita sa kanya…

    ————————————————

    HBH: “hehehehehehe” ← anhaba nyan father,
    eto na lang → “😆 ” mas maiksi, ganun din ibig sabihin.

    Ang isip ko nung una, mas matanda ka sa akin kaya panay
    ang “po’ ko at hindi ako makatawa nang ganyan; ngayon parang gusto ko ulit mangu-“po” kasi may iniuutos ka sa akin.🙂 Anyways, hayaan mo na lang na tawagin kitang “father”
    pero ida-drop ko na yung “po” hane?

    Paumanhin na lang kay bro jason na isang blogger pala
    (what do you expect hindi mo naman kasi sinabi nung una) Napuntahan ko yang ni-link mo pero hindi na ako nagbasa* pa kaya hindi ko na nalaman kung ilan ang hamster nya.

    Tutuong hamsters itong mga alaga ko, eto ang pinakamaputi nuon o (click) → Hamster Teepee Pompom

    Salamat uli, father — talagang bumalik ka pa. Mabuhay ka!🙂
    ——–
    *Hindi na ako masyadong nag-iikot sa ibang blog, maliban lang sa mga matagal ko nang ka-blog. BUSY ← alam yan nila.😉 Kelangan ko ding magtrabaho eh.

  8. […] • Lakas-loob na lumaro ang rejuvenated
    (feeling-bagets) na Syma at Amboy (26 mos 8 das)…
    Toinks, at toinks pa!😀 Mahina na’ng tuhod? Ubra pa naman — Huwag lang bara-bara, ‘bay! […]

  9. HELLO!!!
    HELLO!!!
    nakakaaliw tong post na ito….
    sa totoo lang,
    nag kaka-chills ako habang nand2 sa site mo.
    Heheheh
    waw..
    goosebumps…

    ————————————————

    HBH: Helo, Jason.
    Pasensya ka na kung na-mentioned ko ang pangalan mo iho. Hindi naman kasi nilinaw agad ni Fr Fiel, kaya huwag ka sa akin magagalit hane? As you see, lahat ng names na nabanggit ko dyan sa post (like in many posts) ay pangalan ng hamster; Salamat na nga lang at nai-rescue ko pa yang second comment nya na muntik na nadala ng akismet, saktong kala-logged-in ko.

    Di ko alam kung positibo o negatibo yung “chill” na sinasabi mo. May mga nag-comment na rin kasi nuon dito na kinikilabutan daw sila makita pa lang pikyurs ng hamsters ko –
    rodent-phobic daw kasi sila.

    Anyway, salamat sa pagtugon.

  10. […] Mid- to late-afternoon was her turn to go out,
    a demand she announces (later in life) by the noise
    she makes waggling her cage’s ladder. […]

  11. […] Except during midlife and a brief time lately,
    he seldom showed an interest to go beyond the limits of his cage, nor leave any definite surface I put him on. […]

  12. ————————
    Doray Daga
    […] Inilagay ang ebun sa hawlang gagawin pa lang nuon
    na bahay ni Lola Isnowitwit, ginawang kumbento ni Tita Syma, at syang type na tulugan ko ngayon. […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: