banig

Maaga akong nagising nung Linggo. Sumasakit ang sikmura ko. Lower abdomen, bandang kaliwa. Ibang klase, now lang ako nakaramdam ng ganito!

Okey, gawin ang daily ‘morning routine’… Humupa naman ang sakit after 30 minutes… Kaya as usual, tuloy lang sa maghapong gawaing-bahay.

Pagdating ng alas-tres ng hapon, bumalik ang sakit. Mas matagal, at mas matindi! Gaano? Namimilipit na ako. Hindi na halos makatayo o makaupo. Sapat upang magbilin ako kay misis na huwag munang aalis ng bahay pagkagaling sa church — baka mag-collapse ako sa sakit.

Sa tindi ng sakit, parang:

1. kinukulam ako.😆 Meron ba akong reader na sobrang tindi na ang galit sa mga pino-powt ko? Dyoks… pero sa tutuo lang, one-time may nag-search dito ng “mambabarang for hire” ahihihihih!

Nasabi ko na nuon ang posisyon ko tungkol diyan: Hindi ako elibs sa mga kulam-kulam na i-yan! Maniwala kayo o hindi dyan, in the end, hindi naman ang ipinakulam ang dehado e — kundi yung mangkukulam at nagpakulam… awoooooo!!!😯

2. may aliens sa loob ng bituka ko at oras na nya para umalpas.

Eyan, scientific viewpoint yan… Ay… sci-fi pala yun, hindi science. Ahe, wala akong bulate sa tyan!

3. pumutok ang lapay ko. Nadale ako ng acute hemorrhagic pancreatitis.

‘Nuyun ha? Simple lang ang equivalent sa tagalog: “bangungot”… Kaso, pagkakaalam ko, sa maraming nalafang sa pyestahan o nalaklak sa inuman karaniwang umaatake ito (over-indulgence). Saka gising na gising ako ‘no?

“Binangungot pagkagising! Ahahahaha!” biro ni misis nung wala na sakit.

4. ulcer? May bisyo kasi ako na nalilimutan ang oras ng pagkain pag subsob sa pagtratrabaho.😳 Sige po, hindi na uulit.

5. ailment reflection? Pamilyar ba kayo sa food supplements? (Huwag na natin tawaging ‘herbal’ dahil may negatib connotation na yun: herbolaryo!) Si misis kasi, kung anu-ano pinate-take sa akin. Niweys, epektib naman.

Hindi naman sa nagse-self-medicate ako. Sa tanda kong ito, kabisado ko na ang likaw ng katawan ko. Alam ko kung kelan ako dapat tumakbo sa doctor.

The last time I turned myself in over for confinement in a hospital was in July 1999.
Naka-schedule putulan ng paa ang 83-yr-old diabetic, parang ‘ala lang sa kanya.
Umm… naka-nyorts ako dyan sa pangalawang pikyur ha? Walang bold diyan! Ni-blur ko lang dahil baka magalit sa akin ang boypren nung mabait na nars.

May tiwala ako sa mga duktor, lalo na kung maraming letrang nakabuntot sa ‘alan nila — PhD, MD, MuDiv*, DVD**, hatsetera — basta ba hindi tulad ni Dikelhed Hiding Kowt.

————————————————————————————————

*MuDiv = Mastur in Divination

**DVD = Doctorate in Piracy

————————————————————————————————

As to the food supplements, scientifically proven naman. Hati ang mga duktor sa paniwala — may hindi elibs dahil kumpetensya sa kanilang praktis; may nagsasama din naman sa kanilang inirereseta, praktikal-na-raket nga naman ang networking.

Eto na lang: Sakit na pagpapala, “lagnat-laki” kumbaga sa mga bata.😆 Blessings in disguise. Pain and hardships are opportunities. Magpahinga para makita kung ano sa atin ang may diperensya — ano na ba ang kulang at ano na ba ang sobra?

Hihintayin mo pa bang mapahiga sa banig ng karamdaman? Ang tumirik ang mga mata bago tumingala? Kung kelan hindi ka na makabangon sa biglang pagkakatihaya?

Published in: on 28 August 2009 at 8:05 pm  Leave a Comment  
Tags:

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2009/08/28/banig/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: