kumot

Hindi ko na matandaan kung hatinggabi o madaling araw, Martes nuon. Magkakapit-bahay pa kami sa maliliit na units ng tinitirhang apartment. Naalimpungatan ako sa pagibik ng nanay ko — manganganak na raw ang ate!

Nagkukumahog paalis ang bayaw ko nung bumangon ako. Maya-maya, bumalik din, dala na ang dyip na pinapasada, kinuha sa bahay ng mga magulang na ilang bloke din ang layo mula sa amin.

Sa passenger seat sa likod niya inilulan ang ate para pwedeng mahiga. [Wawa naman ate, pinipigilan daw nya lumabas anak hangga’t walang doktor] Ako ang kasama sa likod. Nagmamadali kami pero bumalik muna ako ng bahay, as if instinctively, para kunin sa aking hinigan ang isang istet-side na kumot.

[ Bata pa ako, nakikita ko na sa amin ang kumot. Sa aking pagkakatanda, galing ito sa tyuhin kong US navy.]

Ipinagamit ko ang kumot sa ate. Pasalampak akong naupo sa estribo, patalikod na sumandal sa upuang hinihigan niya. Sadyang iniharang ko ang sarili. Baka ekako mahulog sya, dito pa sa dyip mapaanak nang wala sa oras. Madilim sa loob. Mabilis at tiyak ang pagpapatakbo ni bayaw kaya mas lalong dama ang hampas ng malamig na hangin sa gabi. Noon ko lang napagtanto ang halaga ng pagdadala ng kumot.

Mahigit dalawang kilometro rin ang layo ng crossing. Pagdating sa CMC (bagong-gawa pa lang yata nuon ang munting ospital), hindi na ako pumasok. Kaa-admit pa lang sa ate, maya-maya lang ay narinig ko na ang matinis na iyak ng isang sanggol.

Ahehe, tagal nang nangyari yan, pero ganito ring petsa. Hindi ko lang maiwasang ma-realize uli ang ilang bagay:

1. Bente anyos na pala ngayon ang kaunaunahan kong pamangkin na babae?

Puro lalaki ang naunang apat na pamangkin ko — dalawa sa ate at dalawa kay 1st brother… Syempre excited ang buong pamilya sa unang babae.

Bago matapos ang taong iyon (1989) dalawang babae pa ang sumunod — panganay ni 3rd brother (October) at panganay ni Li’l sister (November).

[ To date, marami pang pamangking sumunod. ]

Simula sa aming first three nieces, hindi ko na nasubaybayan ang paglaki ng mga sumunod ko pang pamangkin, dahil mula sa Los Baños ay nalipat ako ng destino sa Nueva Ecija… Then, March the following year, ikinasal kami ni misis at napatira na nga rito.

2. Magte-twenty years na pala akong Novo Ecijano?

Kaya pala eka kuhang-kuha ko na ang punto nila dito, hane?

Yung kumot na nabanggit ko kanina, yung pinagamit ko sa ate, na ayon sa kanya ay nakapagbigay sa kanya ng feeling of comfort sa ilang sandaling byahe namin papuntang ospital,

3. Yung kumot ko — maniniwala ba kayong hanggang ngayon ay nasa akin pa? Makapal at asul ang dating kulay nito, ngayon manipis at mapusyaw na — sa loob ng dalawampung taong kagagamit at kalalaba.

Malamang hindi na kami abutin ni misis ng another 20 years na nandito. Saan kaya’ng susunod? Los Baños uli? Iba rin ang klima pag malapit sa forest reserves ng isang bundok.

← sa Los Baños, kasama sila sa wedding entourage nina 2nd brother.

Kung mapapalipat na kami duon sa mismong itaas ng bundok, tiyak kong ang madadala namin ay hindi lang iisang ‘kumot’.

————————————————————————————————

[ *kumot = pedeng hindi literal na kumot… basta hindi security blanket! ]😀

Published in: on 29 August 2009 at 9:08 pm  Leave a Comment  
Tags:

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2009/08/29/kumot/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: