kulambo

Pinagtiyap talaga kaming mag-asawa: sya sa mabilisan at dagling remedyo; ako sa mabusisi pero pagmatagalang disenyo. Tulad na lang halimbawa nitong simpleng pagkakabit ng aming moskitero.😆

Kaaayos lang uli ng layout ng aming kwarto. Naghila kami ng aming matrimonial bed, natural kelangan ding isunod si kulambo, kasi magmumukha itong engot na nakasampay laang duon ay wala naman na dun yung kama. Antyaga ko uling nagsukat-sukat ng tali at naglipat sa dingding ng sasabitan. Maiiksi lang ang loop sa apat na ‘tenga’ o sulok ng kulambo. Ang haba ng taling nakakabit sa dingding ay depende sa layo ng dingding sa kama.

Pangangantyaw ni misis nung primero kong inayos ang sabitan:

“Kulambo lang, mey-ay-sukat-sukat ka pa!”😆

Pinagtatawanan ako!?😕 Pinagpapawisan na nga eh, tama ba naman yun?

In peyrnes, medyo tagal ko ding ginawa… Pero nung yari na, bilib uli sya. Pantay, matibay at hindi nakakaabala ang mga tali sa taas ng pagkakasabit. Mabilis pang ikabit sa gabi, at kadali ring iligpit sa umaga.

Simula pa nung kami’y naging magsyota, ganyan na kami ni misis. In most of our ‘arguments’, none of us is really wrong, just different. Nagpapasalamat ako sa Diyos na bagama’t malaki ang aming ipinagkaiba sa isa’t-isa, eto at magkasukob pa rin kami sa iisang kulambo.

————————————————————————————————

Payong na lang ang kulang, pwede na akong magsuot ng turban

🙂 at maglako ng bakuku.

Published in: on 30 August 2009 at 12:10 pm  Comments (3)  
Tags:

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2009/08/30/kulambo/trackback/

RSS feed for comments on this post.

3 CommentsLeave a comment

  1. hehehehe basta both of you are willing to accept those differences🙂

    naku klasmeyt. ako hindi na nagkukulambo. hehehe. katamad na kasi magkabit eh. di naman na rin kasi malamok dito smin🙂

    ————————————————

    Klasmeyt: Magkatagpo ba naman ang dalawang nilalang na magkaiba ang pinanggalingan at nilakhan hehe. Korek ka dyan, klasmeyt: “to accept” — not to impose him/her to change.

    Dito sa probinsya, hindi lang lamok ang marami pag tag-ulan. May mga ‘niknik’ na mas maliliit pa sa lamok, kayang pumasok sa wiremesh screen ng bintana… Atsaka iba pang insekto,
    lalo na kapag anihan ng palay.

    Yaw ko gumamit ng katol o baygon spray, dagdag gastos na, masakit pa sa ilong at sa baga — namin at ng amin mga daga.😆

  2. Musta ka na. Nandito na ko. Nasan ka na.

    ————————————————

    HBH: Hi jonell, eto dalang na magblog. → Whereabouts ko

    Gandang lalake natin dyan sa avatar a? Huling suot ko ng
    polo with kurbata ay nung nagtraining ako sa Japan. → 1996🙂

  3. […] MaLAMOK! Nag-urong pa naman kami uli ng kama! Wats da kunek? Tinginin mo dun ↑ kung gaano kahirap para sa akin ang maglipat ng “KULAMBO”. […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: