guyam

Nung nagbabakasyon ako sa mga lola ko sa Zambales, isa sa mga gawain ko ay ang pag-i-irrigate ng tanimang gulay sa loob ng kanilang bakuran. Enjoy naman dahil bombombahin lang ang poso, paaagusin ang tubig sa isang mahabang hukay na nagsasanga patungo sa mga plots.

1. May namahay na maliliit na langgam sa kanal, kaya pagdaloy ng tubig, kanya-kanya silang pulasan. May mga ni hindi man lang nabasa dahil maagap na nakalayo agad, may mga inabot ng agos pero nagawang kumapit sa ilalim o sa baybay, may mga ‘sawimpalad’ na tinangay.

Kinabukasan, nandun sila uli (sila din kaya yun?) nakagawa agad ng bagong titirhan; Mukhang nadalâ yung iba — nagtayo ng mounds duon sa malayu-layo sa kanal. Hindi ko na napuna kahapon kung marunong mag-rescue ang mga langgam, pero ngayon, obyus ang kanilang kalikasan — ang pagdadamayan.

2. Sa itaas ng puno kung saan nakapangulimlim ang binobomba kong poso, naruon naman ang mas malalaki at matatalinong uri. ( Ibang klase ito, akma pa lang na hahawakan, nagrereact sila sa aking papalapit na kamay ) Mas hi-tech ang pugad na gawa ng mga hantik. ← Huwag lang masasaltik.

3. Lagpas ng taniman, sa gawing likuran ng bakuran, nakadikit sa pader ang isang punso na yari din sa lupa. Minsan na akong nagtibag ng ganito para patunayan sa isang kalaro na walang dwende ruon — tila bunker sa tigas. Angkop lang sa mga anay* na may manipis at maselang balat.

* ‘white ants’ pero hindi kabilang sa libo-libong barkadahan ng langgam (All graphics/photos here are from other websites)

gagamba

Guyam parati ang trip kong sutilin nuon — kita nyo nga dun sa number 1 ↑ aliw na pinanuod ko pa… Sya kaya?)

Pages: 1 2

Published in: on 1 October 2009 at 9:54 am  Comments (2)  
Tags: , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2009/10/01/ganggam/trackback/

RSS feed for comments on this post.

2 CommentsLeave a comment

  1. Nasimulan kong ikibord ang page 1 ng entring ito nung katatapos ni Ondoy (wala pa si Pepeng) ; nawala momentum kong mag-blog. May isa pa na di ko na napagtuunang-pansin,
    as in ‘inappropriate’ pag-isipan nung mga nakaraang linggo — ang pagtatapos ng DSL (dagang-salinlahi).

    Pinilit kong tapusin ngayon (habang umaaraw pa) ang mga naturang entries, pero ‘stamped’ sa dates na dapat nilang kalagyan: Oct 1 at Oct 2 (4)

    May paparating uling bagyo…

  2. […] Poreksampol sa baluga mode: nasa wisyo akong maglalabas ng bahay o bumaba ng building pero hindi
    ubrang 24 hours akong nasa labas, empre naman uuwi
    din ako o hahanap ng pwedeng masilungan…
    Ano, langgam? ‘Hindi natutulog?’ […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: